You are on page 1of 3

MOUNTAIN RIDGE CHRISTIAN SCHOOL,Inc.

“A Close to Nature Haven School”


S.Y. 2022-2023

“Ang mahihina’t mga napapagod ay kanyang pinapalakas. Kahit na ang mga


kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. Ngunit muling lumalakas at sumisigla
ang nag titiwala kay Hesus.”
-Isaias 40:29-31-

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Grade 11

ARALIN 4: Pagsulat: Cohesive Devices

Layunin; Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na
kasanayang pampagkatuto:

1. natutukoy ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat:

2. nagagamit sa pagbuo ng sariling teksto: at

3. nakasusulat ng tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices.

Diskasyon:

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng SHS upang malinang ang makrong
kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto gamit ang mga cohesive devices at paghahanda
rin sa pagsulat ng pananaliksik hinggil sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyang panahon.
Magagamit din ito bilang instrumento sa mabisang komunikasyon, pasalita at pasulat man, na
nagpapamalas ng kahusayan sa pagpoproseso ng iba’t ibang impormasyon at pagbabagong
teknolohikal na nagaganap sa bagong henerasyon.

Ang ginawa mo kanina ay may kaugnayan sa pagsulat ng mga pangugusap na bumubuo sa


mga talata kaya kailangan ng mga salitang mag-uugnay sa mga ito. Dito makikita ang halaga ng
cohesive devices. Upang higit na maging malinaw sa iyo ang gamit ng cohesive devices sa anumang
gawaing pagsulat, basahin mo na ang konseptong ito!

Gamit ng Cohesive Devices

Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na nagkakaugnay sa isang


konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit ng
mga cohesive devices para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor ay
malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay ang awtor
sa kaniyang isinulat.
1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito ang anapora at katapora.

Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang


pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.

Halimbawa: Hindi baleng mabigo ka na ipaglaban ang mga pangarap mo, kesa nabigo ka nang
hindi man lamang dahil sa mga ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng Doctorate in Humanities
Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019

Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang


pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.

2.
Halimbawa: Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n’yo sa akin. Di ko alam kung anong nagawa
kong kabutihan sa PUP para maibigay ninyo sa akin ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng Doctorate in Humanities
Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019

Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa: Bumigay na ang aking laptop kaya


bumili ako ng bago.

Ang salitang laptop ay napalitan ng bago.

3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging


malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa: Nagpunta si Nadine sa mall at namili si Nadine sa


mall.

Nagpunta si Nadine sa mall at namili.

4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan
ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.

Halimbawa: Ang mabuting magulang ay


nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak
naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.

May dalawang uri ito.

1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.

a. Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.

b. Pag-iisa-isa

Halimbawa: Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa, at ampalaya.

c. Pagbibigay Kahulugan

Halimbaw: Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap
sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.

2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.

Halimbawa:

nanay-tatay guro-mag-aaral doktor-pasyente hilaga-timog

puti-itim maliit-malaki mayaman-mahirap

You might also like