You are on page 1of 29

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK
Inihanda ni:
MARINA R. VILLANUEVA
Guro II
BALIK-TANAW
Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang kahulugan ng cohesive devices?
2. Ano ang pagkakaiba ng anaphora at
katapora?
REBUS!
Panuto: Gamit ang mga larawan sa bawat bilang, bumuo ng salita
na may kaugnayan sa bagong tatalakaying aralin.

1. V + - ins
SUBSTITUSYON
2. + + is

ELIPSIS
3. + + - LO

CONJUNCTION (PANG-UGNAY)
4. + + SYON

COLLOCATION (KOLOKASYON)
4. REI + + SYON

REITERASYON
Mga tanong:
1.Matapos ang gawain, ano ang inyong
namasid sa mga naging kasagutan
dito?
2.Pamilyar ba kayo sa mga salitang ito?
Ipaliwanag
Iba Pang Gamit ng
Cohesive Devices
1. Substitusyon
Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa
halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa:
•Bumigay na ang aking laptop kaya bumili ako ng
bago.
2. Elipsis
May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.
Halimbawa:
• Nagpunta si Nadine sa mall at namili si Nadine sa mall.
• Nagpunta si Nadine sa mall at namili.
3. Pang-ugnay
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng
sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-
uugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak
at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
4. Kohesyong Leksikal

Mabibisang salitang ginagamit sa


teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. May dalawang uri ito.
❑ Reiterasyon
kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng
ilang beses.
a. Pag-uulit o repetisyon
Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na
sa murang gulang pa lamang.
b. Pag-iisa-isa
Halimbawa:
Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito
ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

c. Pagbibigay Kahulugan
Halimbawa:
Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi
kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
❑ Kolokasyon
mga salitang magkapareha o magkasalungat.
Halimbawa:
nanay-tatay guro-mag-aaral
doktor-pasyente hilaga-timog
puti-itim maliit-malaki
mayaman-mahirap
PAGSASANAY
Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang-
ugnay o leksikal ang ginamit na cohesive devices
sa mga sumusunod. Gawing gabay ang mga
salitang nakasulat nang madiin (bold) at isulat sa
patlang ang sagot.
__________1. Nagbigay ng limang kilong bigas si
Jhun. Si Ronnie naman ay tatlo.
__________2. Naubos ko ang masarap mong baon. Ibibili na lang kita
ng kapalit.
__________3. Nabasa ng mga mag-aaral ang akda. Ang mga mag-
aaral na ito ay natuto sa binasa.
__________4. Nagkasama sa paglalakbay ang magkaibigan. Lalo
nilang nakilala ang isa’t isa sa biyaheng ito.
__________5. Ang mahusay na pagpapaliwanag at pagsasalita ang
dahilan kung bakit nahihikayat makinig ang mga tao sa kaniya.
PANGKATANG GAWAIN
Pangkat 1 – Paglikha ng Tula
Lumikha ng isang tula na ginagamitan ng
substitusyon

Pangkat 2 – Pagsulat ng Iskrip


Sumulat ng isang iskrip na ginagamitan ng elipsis.
Pangkat 3 – Dugtungang Usapan
Lilikha ang pangkat ng isang usapan na
dudugtungan isa-isa ng bawat kamiyembro na
ginagamitan ng mga pang-ugnay.

Pangkat 4 - Pakikipanayam
Magpapakita sa klase ang pangkat ng isang
pakikipanayam na ginagamitang ng kohesyong leksikal
Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman-------------------35 puntos
Kooperasyon-------------- 25 puntos
Presentasyon-------------15 puntos
Kaangkupan---------------25 puntos
KABUUAN -------------100 puntos
Pagtataya
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

___ 1. Sa bahagi ng pananalita, ang siya, tayo, iyan, ito, doon, at sila ay mga halimbawa
ng.
A. Pandiwa C. Panghalip
B. Pangatnig D. Pangngalan
___ 2. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?
A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.
___ 3. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
A. salita
B. parirala
C. mensahe
D. pangungusap
___ 4. Sa mga cohesive devices, saan nabibilang ang anapora at katapora?
A. Substitusyon
B. Pang-ugnay
C. Reperensya
D. Elipsis
___ 5. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at maayos ang
kaisipan ng isang teksto?
A. talata
B. talasalitaan
C. estruktura
D. cohesive devices
___ 6. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?
A. Pandiwa
B. Panghalip
C. Pang-abay
D. Pangngalan
___ 7. Nasira ko ang portfolio mo. Tutulungan na lang kitang gumawa.
A. Elipsis
B. Leksikal
C. Pang-ugnay
D. Substitusyon
___ 8. Ang magkapitbahay ay nag-uusap kung ano ang puwede nilang ibigay
nadonasyon sa barangay. Nagbigay si Lenie ng limang kabang bigas at si Lorry
nama’y apat.
A. Elipsis
B. Leksikal
C. Pang-ugnay
D. Substitusyon
___ 9. Ang pamahaang lokal ay ginawa ang lahat para makaiwas sa sakit na nakamamatay at ang mga
mamamayan naman ay dapat sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
A. Substitusyon
B. Pang-ugnay
C. Leksikal
D. Elipsis
___ 10. Sa gitna ng pandemya higit na apektado ang maralitang pamilya. Naghihirap sila kaya kailangang
magtiis at magtipid sa ayudang kanilang natatanggap.
A. Substitusyon
B. Pang-ugnay
C. Leksikal
D. Elipsis
Maraming
Salamat!

You might also like