You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa FILIPINO V

Date: February 15, 2016

I.

LAYUNIN:
Pagsasalita
Naipakikita ang pagkakaiba ng gamit ng pang-uri at pang-abay sa salita o parirala
Pagpapahalaga:

Pagmamahalan at Mabuting Pagsasamahan ng Mag-anak

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Deskripsyon:
1. Kasanayan: Pagpapakita sa Pagkakaiba ng Gamit ng Pang-uri at Pang-abay sa Salita o Parirala.
2. Nilalaman: Mga Pangungusap
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Blg. __ Hiyas sa Filipino Wika p. _______


larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Pangkatin ang mga batao Ipatala sa HUWARAN o PATTERN ang sumusunod na mga salita
nagbigay
nagdarasal
kami
Nena
siya
makinis
maliwanag
matamlay
manggagamot
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pang-uri

2. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng isang maganak. Bumuo ng pangungusap na may salitang naglalarawan.

B. Paglalahad:
1. Ipabasa ang mga pangungusap na nabuo.
a. Malinis ang bahay.
c. Tuwang-tuwang nanonood ang nanay.
b. Masaya ang mag-anak.
C. Pagtalakay:
Itanong:
1. Alin ang malinis? Alin ang salitang naglalarawan sa bahay? Anong bahagi ng pananalita ang bahay?
2. Sino ang masaya? Ano ang salitang naglalarawan sa maganak? Ano ang bahagi ng pananalita ang mag-anak?
D. Panglinang na Kasanayan:
Itanong:
1. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap a at b? Aling salita ang binibigyang turing nito? Anong
bahagi ng panalita ito?
2. Ano ang salitang naglalarawan sa titik c, d at e? Aling salita ang binibigyang turing nito? Anong bahagi ng
pananalita ito?

E. Paglalahat:
Ano ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay?
F. Pagpapayamang Gawain:
Isulat sa patlang kung pang-uri o pang-a bay ang salitang may salungguhit.
_____ 1. Ang dalaga ay mahinhin.
_____ 2. Ang napiling lakambini ay mahinhing lumakad.
_____ 3. Ang maysakit ay matamlay pa rin hanggang ngayon.
G. Pagpapahalaga:
1. Paano naipapakita ang pagmamahalan ng mag-anak sa isa't isa?
2. Paano mapauunlad ang mabuting pagsasamahan ng mag-anak?
3. Anong kabutihan ang magaganap sa pagkikita at pagsasama-sama ng pamilya?
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan kung ito ay ginamit bilang pang-uri. Salungguhitan kung ang salita
ay ginamit bilang pang-a bay.
1. Madali ang pagsusulit.
2. Madali naming tinapos ang pagsusulit.
3. Malakas ang tinig ng guro.
4. Maraming nagsasaliksik sa silid-aklatan.
5. Manonood kami bukas ng pagtatanghal sa Plaza.
V. TAKDANG-ARALIN:
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita bilang pang-uri at pang-abay.
1. makupad
3. makinis
5. mabilis
2. maluwang
4. mabagal

Inihanda ni:
Bb. Janice S. dela Vega

You might also like