You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILPINO 6

(Panitikan)

I. Layunin:

A. Naibibigay ang kahulugan ng mga magkakaugnay na salita.


B. Napapahalagahan ang mga magkakaugnay na salita.
C. Napapangkat ang magkakaugnay na salita.

II. Paksang- Aralin:

A. Pamagat: Pagpapangkat ng Magkakaugnay na Salita


F6PT-IVb-j-14
Landas sa Pagbasa 6 p. 47-48
https:// samutsamot.com
tsart, mga larawan, aklat

B. Kaisipan:
Ang batang nakikiisa sa mga gawain ay natututong makipag-kapwa tao.

C. Halagang Pangkatauhan:
Pakikiisa

III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain:

Drill ( Wastong Gamit )


Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang diwa
ng pangungusap.
1. Ang mga bata ay ( agarang ) pinasakay sa bus dahil sa biglaang
pagbuhos ng ulan.
2. Ang mga guro ay sinabihang ( agarin ) ang paggawa ng banghay-
aralin.
3. Umiiyak na ang mga bata kaya sinabihan ang nagluluto ng pagkain na
( agarin ) ang paghahanda ng pagkain.
4. Ang mga mag-aaral at magulang ay tumulong nang ( agaran ) sa
paglilinis ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
5. Ang kasambahay ay sinabihang ( agarin ) ang paglilinis ng bahay dahil
may parating na mga bisita.
Wastong Gamit:
Agaran – mabilis na paggawa; pagkilos; gaya sa trabaho
Agarin – madaliin ang paggawa; tapusin nang mabilis

B. Balik-aral:
( Balik-aralan ang nakaraang aralin ):
C. Pagtalakay sa aralin:
1. Pagganyak:
( Pag-aaral sa mga larawang ipapamigay ng guro.
Pagbibigay ng mga larawan sa klase at pagpapahanap sa mga
bata ng katambal nilang larawan ).

2. Pagpapayaman ng talasalitaan:
( Pagdidikit sa pisara ng dapat ay magkakaugnay na
larawan at pagkilala sa mga larawang ito ).

3. Pag-unawa sa nilalaman:
A. B.
martilyo- pako puso – dugo
plantsahan – plantsa asul – bughaw
karayom – sinulid puno – damo
kutsara – tinidor

C. D.
garahe – kotse bahay- dingding
dagat- bapor ulo- anit
eroplano- himpapawid kamay- daliri

Ipangkat o igrupo ninyo ang mga larawan ayon sa kanilang


pagkakaugnayan.
( pagpapangkat- pangkat ng mga bata sa mga larawan )

4. Pagsasagawa ng malayang talakayan:

4.1 - ilang pangkat o grupo ang nabuo ninyo?


- ano ang ginamit ninyong basehan sa pagbuo nito?
- nakatulong ba ang mga larawang nasa pisara sa
ginawa ninyong pagpapangkat ng mga ito?
Ipaliwanag.
- isa-isahin ang isinaalang – alang ninyo sa
pagpapangkat ng mga salitang ito.

4.2 Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat
Punan ang patlang ng wastong salita na nasa ibaba
at tukuyin ang ugnayan nito..

Ang Agila na naging Manok


Isang lalaki ang nakakuha ng isang itlog ng agila, at ito’y
isinama niya sa mga itlog ng inahing manok na nasa pugad.
Ang mga itlog ay nililimliman ng inahing manok. At sa kanyang
paglaki, ang munting agila ay nakasama ng kinilalang kapatid na
mga sisiw. Buong buhay niya, ang munting agila ay namuhay
nang tulad ng ginagawa ng mga sisiw sapag-aakalang siya’y isa
ring manok. Kinakahig niya ang lupa sa paghahanap ng bulate
at insekto. Siya’y tumitilaok na tulad ng isang manok. At gaya
ng mga manok,ikinakaway nito ang kanyang mga pakpak at
lilipad ng mga ilang talampakan lamang. Lumipas ang taon at
ang agila ay tuluyan nang tumanda. Isang araw, nakakita siya
sa ulap ng isang kahanga- hangang ibon.Sumasalubong ito sa
hangin na tulad ng kilos ng isang kamahalan habang madalang
na ipinapagaspas ang kanyang matatag na ginintuang mga
bagwis. Ang matandang agila ay napatitig sa itaas sa labis na
pagtataka. “Ano iyon?” ang kanyang tanong.” Ah, iyan ay ang
agila, ang hari ng mga ibon,” ang naibulalas ng isang kasama
sa bahay. “ Siya’y nabibilang sa himpapawid. Tayo nama’y
nabibilang sa lupa – mga manok tayo”. Kaya’t ang matandang
agila ay nanatiling mamuhay na isang manok, hanggang sa
siya’y namatay, dahil sa paniniwalang siya’y isa ngang manok.

1. Ang pugad ba ay nilalagyan ng _______ ?


2. Ang mga itlog ba ay nililimliman ng __________ ?
3. Ang buntot ba ay ___________ ?
4. Kapag sumasalibay ba sa hangin ay ____________ ?
5. Ang bagwis ba ay _____________?
6. Ang naibulalas ba ay ____________ ?
7. Ang himpapawid ba ay katumbas ng ______________ ?

Pagpipilian:
kalawakan ipinapagaspas itlog
ikinakawag sinasabi ito inahing manok
sumasabay ito

Ikalawang Pangkat
Pagdidikit ng mga larawan sa pisara at pagtatambal ng
nawawalang katambal nito. Ipaliwanag kung bakit ang
napiling katambal sa larawan ang iyong pinili.
( mga larawan )

Ikatlong Pangkat
Ipaliwanag ang kahalagahan ng sumusunod na magkakaugnay
na salita.
Linggo – simbahan
Paaralan – guro
Lapis – papel
magulang – anak

5. Pagsusuring Pampanitikan:
Magkakaugnay na salita

6. Pagpapahalagang Pangkatauhan:
Pakikiisa sa pangkatang gawain.

D. Paglalagom:
“MAGKAKAUGNAY”
- Umisip ng iba pang salita na malapit sa kahulugan ng
salitang magkakaugnay. ( tatlong salita lamang )

E. Paglalapat:
Magbigay ng mga magkakaugnay na salitang makikita sa
loob ng silid-aralan at ipaliwanag ang ugnayan ng mga ito.

F. Ebalwasyon:
Pumili ng isang kaklase na gusto mong maging katambal.
Sa loob ng limang minuto, umisip kayo ng tig-isang
magkaugnay na salita at gawan ito ng maikling paliwanag.
Humanda sa biglaang pagtawag.

IV. Kasunduan:
Gumawa ng isang album na naglalaman ng sampung
magkakaugnay na salita at gawan ng paliwanag bawat
pares.

V. Tala:
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

VI. Pagninilay:

A. Aling estratehiya sa pagtuturo ang aking naisakatuparan


nang maayos? Bakit ito naisakatuparan nang maayos?

Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos.


1.
2.
3.

Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang


maayos.
1.
2.
3.

B. Kausapin ang mga mag-aaral na nakaunawa ng aralin at


ang mga nangangailangan ng tulong.

C. Anu- anong mga suliranin o balakid ang aking naranasan


na kung saan ang aking punungguro at superbisor ay
matutulungan ako sa paglutas ng mga ito?

You might also like