You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Division sub-office Lingayen
ASUNCION ELEMENTARY SCHOOL,
BACABAC BUGALLON, PANGASINAN

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at
mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita
B. Pamantayan sa Pagganap
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang
bilis, diin, tono, antala at ekspresyon
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Natutukoy ang mga salitang magkasalungat
Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang magkasalungat
Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga
larawan
F1PT-IVa-h-1.5

PAGKARESPONSABLE/PAGKAMATULUNGIN
GAD : Shared Responsibility

II. Paksang Aralin

Aralin: Mga Salitang Magkasalungat


Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide sa Filipino, pahina 13,
Gabay ng Guro pahina 90-92, Kagamitang Pang-
Mag-aaral pahina 198-201.
Kagamitan: Mga ibat-ibang larawan, plaskards, tsarts na
nakasulat ang mga gawain, telebisyon at mga iba’t
ibang gamit
III. Pamamaraan

A. Pamukaw Sigla
Pagsayaw: Sayaw para sa bata.

B. Balik-aral
Ano ang salitang magkasingkahulugan? Ano-ano ang
mga halimbawa nito?

Pasagutan sa mga bata ang isang gawain.

Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pares ng mga salita ay


magkasingkahulugan at ekis ( X ) kung hindi.

__________1. upuan - silya


__________2. tuwa – galak
__________3. bahay - gulay
__________4. bata – musmos
__________5. aralin – leksiyon

C. Pagganyak
Sino sa inyo ang tumutulong sa mga gawaing-bahay?
Bakit kailangan nating tumulong sa ating mga magulang?

D. Paglalahad
Magpakita ng mga larawan .
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Isa-isahin ang mga bata para magbigay ng kanilang pangungusap
tungkol dito.

E. Panlinang na Gawain

1. Pagpapakita ng mga iba pang larawan tungkol sa bagong


aralin.
2. Pagtatalakayan
Isulat/Idikit sa pisara ang mga salitang babangitin sa
bawat larawang ipakikita.

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang salitang may


magkaiba o kabaliktaran ang kahulugan ay magkasalungat.
Magpabigay ng iba pang halimbawa ng mga salitang
magkasalungat gamit ang mga bagay na nasa loob ng kanilang
bag o nasa loob ng silid-aralan.
3. Magpakita ng isang bidyo tungkol sa aralin.

F. Pagsasanay
Pangkatang-gawain

Bumuo ng 3 pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng tig-isang


enbelop na may lamang mga larawan. Pagtugmain ang mga
larawang magkasalungat at idikit sa manila paper. Ang grupo
nang may tamang sagot ang siyang mananalo.

G. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang magkaiba o kabaliktaran ang
kahulugan?

H. Paglalapat
Lagyan ng ang patlang kung ang pares ng mga salita ay
magkasalungat at kung hindi.

_______1. maganda – pangit

_______2. mainit – malamig

_______3. malaki – mataas

_______4. mayaman – mahirap

_______5. masaya - malungkot

IV. Pagtataya
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasalungat ng mga salita sa Hanay A.
Isulat ang titik ng may tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

______1. mataba A. malaki


________2. maliit B. payat

________3. mainit C. marumi

________4. maganda D. malamig

________5. malinis E. pangit

V. Takdang Aralin
Gumupit ng 2 larawan na may ideyang magkasalungat. Sumulat ng
pangungusap tungkol dito.

Inihanda ni:
MARY GRACE C. FERNANDEZ
Guro
Inobserbahan ni:
GILDA CANNULAS
Punongguro

You might also like