You are on page 1of 8

LESSON PLAN IN FILIPINO 1

(DIFFERENTIATED INSTRUCTION)

I. Layunin : Natutukoy ang mga salitang magkatugma.


Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma.

II. Paksa at Kagamitan: Natutukoy at nakapagbibigay ng mga


salitang magkatugma
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide F1KP-IVd-8, F1KP-IVg-
9; page 14-15
K-12 Teachers’ Guide p. _____
K-12 Learners’ Material p. _____
Kagamitan: larawan, meta cards, powerpoint presentation

Integration: (KRA1: Obj. 1 MOV 1)


Values: Pagiging matapat
Math: Pagbibilang ng pantig gamit ang salitang filipino

III. Pamamaraan:
A. Pangunahing Gawain

1. Pagsasanay
Isipi nang wasto sa pisara ang mga salitang ididikta
 bola
 masaya
 maliksi
 bagyo
 pinto
2. Balik-aral
Pakinggan ang mga panutong ibibigay at sundin ito.

Unang Panuto:
1. Tumayo nang matuwid
2. Tumalon ng dalawang beses

Ikalawang Panuto:
1. Pumalakpak ng limang beses
2. Sumigaw ng hooray

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

“Basket ng Larawan”
Ang guro ay maglalabas ng tatlong basket. Sa bawat
basket may nakalagay ng pantig ng - is, -ta, at - la.
Papangalanan ng mga mag-aaral ang mga larawan na
ipapakita ng guro. Ilalagay nila ang larawan sa basket
kung saan ang huling pantig ng pangalan nito ay
kapareho sa pantig na nakalagay sa basket. Bibilangin
ng mga mag-aaral kung ilang pantig mayroon ang mga
pangalan ng larawan

-is -ta -la


mais mata bola
kamatis lata pala

2. Paglalahad
 Babasahin ng mga mag aaral ang mga pangalan ng
bawat larawan
 Tatalakayin ng guro kung ano ang mga salitang
magkatugma
 Makapagbibigay ng mga halimbawa ng mga salitang
magkatugma

3. Teaching/Modelling

 Magpapakita ang guro ng pares na mga salita.


Tutukuyin kung ito ay salitang magkatugma o hindi.

Sapot-dukot sahig-pahid dala-tala


Kahoy-kahon amoy-apoy ako-ikaw

 Sa loob ng isang kahon hahanapin ang mga salitang


magkatugma
sabaw lapis suka

manok araw puka

baka lamok mais

C. Kasanayan sa Paggabay:
“Bunot mo, itugma mo”

 Magpapaskil ng mga salita sa pisara ang guro.Bubunot


ang mag-aaral ng isang salita sa isang basket. Kukunin
ng mag-aaral sa pisara ang katugma ng salitang
nabunot niya.

 Basahin ang mga pangungusap at hanapin ang salitang


magkatugma.

1. Batang matapat ay may asal na sapat.

Ano ang isang batang matapat?


Kung ikaw, paano mo maipapakita ang pagiging
matapat sa kapwa?
(KRA1: OBJT. 3 MOV 3)
2. Ang lamig ng sahig sa kuwarto.
3. May bunga ang sanga ng santol.

_ _
D. Pangkatang Gawain:

(KRA2:OBJ.4 MOV 4)
( Panuntunan : Magtulungan, huwag maingay, maging
matapat, making sa isat-isa ) (KRA2:OBJT.5 MOV 5)

Differentiated: (KRA2:OBJT. 6 MOV 6)

Pangkat 1

Pagtambalin ang mga larawan na magkatugma ang


pangalan.
Pangkat 2

Basahin ang mga salita na ibibigay ng guro. Hanapin


ang magkatugmang salita ipares ito pagkatapos idikit
sa Manila Paper.

1. sayaw-kalabaw
2. manok-lamok
3. bagyo-tayo
4. sapin-kanin
5. ilong-silong

Pangkat 3
Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang salitang
magkatugma.

1. Ang baboy takot sa apoy.


2. Ang bahay sa ilalim ng tulay.
3. Malaki ang kamay ng lalaki.
4. Ang bato ay pito.

Note: Give rewards to the group who follow rules


Give each group a unique clap every after presentation of
output
(KRA2: OBJ.5 MOV 5

E. Indibidwal na Pagsasanay

Piliin sa loob ng kahon ang mga katugmang salita na


nakasulat sa bawat bilang.
kutsara balik
apoy mabaho
ligaw itim

1. kahoy- 4. Sigaw-
2. lihim- 5. taho
3. atsara-

IV. Paglalahat

Paano matutukoy ang salitang magkatugma?


Saan madalas makita ang mga salitang magkatugma?

V. Pagtataya

A. Isulat ang tsek kung ang pares na salita ay magkatugma.


Isulat ang ekis kung hindi.

___1. mata-lata
___2. bigas-ubas
___3. bagay-tibay
___4. balde-saging
___5. hipon-ipon

B. Isulat ang katugmang salita na nakasulat sa bawat bilang.


Piliin ang sagot sa nakapaloob sa kahon.

mahirap kanto
malaka pilak
s
usok lason

6. mason -________
7. bakas - ________
8. buhok - ________
9. masarap - _______
10. Santo - ________

VI. Takdang Aralin

Magsulat ng limang salitang magkatugma.

VI. Repleksiyon

a. No. of Learners who earned 80% in the evaluation: _____


b. No. of Learners who requires additional activities for remediation:
_____
c. Did the remedial work? No. of Learners who have caught the
lesson: _____
d. No. of Learners who continue to require remediation: _____
e. Which teaching strategies work well? Why did these work?
f. What difficulties did I encounter which my principal and
supervisor can help me solve?
g. What innovations or localized materials did I use/discover which
I wish to share with other teacher?

You might also like