You are on page 1of 6

Banghay Aralin Sa Filipino V

Petsa: Nobyembre 27, 2019 Antas: Ika - 3 antas

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:

1. Maipaliwanag ang pares-minimal

2. Makapagbigay ng halimbawa ng mga pares-minimal

3. Paggamit ng mga ponema upang makabuo ng pares-minimal

II. Paksang Aralin

A. Paksa

Pares - Minimal

B. Sanggunian

Internet

C. Kagamitan

Tsart, marker, smart T.V., at tape

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago natin simulan ang ating


aralin, inaanyayahan ko po kayong
Mananalangin ang mga mag-aaral
tumayong lahat para sa ating
panalangin.
2. Pagbat

Magandang tanghali mga mag- Magandang tanghali din po Bb. Narciso,


aaral! taas-noo Rizaleño!

3. Pagsasaayos

Upang maging maayos ang ating pag- Dadamputin ang mga kalat, aayusin ang
aaral, pakidampot muna ang mga mga upuan at uupo ng maayos
kalat, pakiayis ang mga upuan at
umupo ng maayos

4. Pagtatala ng liban sa klase

Aking tinatawagan ang ating kalihim


upang iulat ang mga lumiban sa ating Ikinagagalak ko pong walang lumiban sa
klase ating klase ngayon

B. Balik - Aral

Sa nakaraan nating talakayan, pinag-


aralan natin ang tungkol sa
Pangngalan.

Ano ang dalawang uri ng pangngalan?


Pantangi at Pambalana

Magbigay ng tig- isang halimbawa sa


Pantangi at Pambalana Pantangi - Dr. Jose Rizal

Pambalana - bayani

C. Pagganyak

Panuto: Ibigay ang pangalan ng mga


larawan na nasa baba upang mabuo
ang dalawang pares na
magkatugmang salita
D. Paglalahad

Ang Pares Minimal ay mga pares ng


mga salita na magkaiba ng kahulugan
ngunit magkapareho ang kapaligiran
maliban sa isang ponema.

Hal. Pala - bala Pana - Mana

Makakabuo ka ng pares-mininal sa
pagitan ng mga sumusunod na
ponema:

p at b k at g m at ng

l at r w at y o at u

Maaaring makita ang pagpapalit ng


ponema sa...

Unahan - paso at baso

Gitna - apo at abo

Hulihan - ulam at ulang

E. Talakayan

1. Ano ang pares-minimal?

Magkatugmang salita ngunit magkaiba ng


kahulugan dahil sa ponemang ginamit

2. Saan pwedeng makita ang mga


ponemang ginamit?

Unahan, Gitna at Hulihan

3. Magbigay ng halimbawa ng mga


pares-minimal at sabihin kung
nasaang posisyon ang ginamit na
ponema. Ilog at irog - gitna
F. Paglalahat sipag at hipag - unahan

Paano nagkakaiba ng kahulugan


ang dalawang salita na magkatugma?
Dahil sa ponemang ginamit kaya naging
magkaiba ang kahulugan

G. Pangkatang - Gawain

Pangkat I - Hanapin sa mga


ginulong salita ang magkatugma at
pagsamahin ang dalawang salita na
magkatugma.

Pangkat II - Ibigay ang pangalan ng


mga larawan upang makabuo ng
dalawang salita na magkatugma

Pangkat III - Sa dalawang salita na


magkapares, tukuyin kung nasaang
posisyon ang ponemang ginamit

Pangkat IV - Magbigay ng tatlong


halimbawa ng pares-mininal base sa
ponemang ibinigay

Maliwanag na po ba sa ating pinag-


aralan?

Opo
I. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong salita


ang inilalarawan sa bawat bilang
upang maibigay ang kapares ng mga
ito. Gawing batayan sa pagsagot ang
mga salitang nasa loob ng panaklong.

_______ 1. tinta ( isang taong


minamahal: pares minimal)
1. sinta
_______ 2. balat ( mga bagay na
naiwang nakasambulat: pares
minimal)
2. kalat

_______ 3. kaba ( isang uri ng


saging: pares minimal)
3. saba
_______ 4. mesa ( pagtitipon
tuwing Linggo: pares minimal)

_______ 5. tula ( tinatanghal sa 4. misa

entablado: pares minimal)

5. dula

I. Takdang - Aralin

Gamitin sa pangungusap ang mga


sumusunod na magkapares na salita.

Wala na bang tanong tungkol sa ating


takdang - aralin?

Wala na po

Paalam na mga bata, salamat sa


pakikinig!
Paalam na rin po Bb. Franco!

Inihanda ni:

Pearl Joy Franco

Lovely Narciso

(Gurong Nagsasanay)

You might also like