You are on page 1of 2

ST. MARY’S COLLEGE OF TAGUM, INC.

TEACHER – EDUCATION PROGRAM


Center for Student Learning, Leadership & Development
“We Discover, We Practice, We Create”

Mga Pangalan: April Jhon Gudis Kurso: BSED -2 FILIPINO

Thea Pesania

Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o

ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng

pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong

kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o

metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.

Morpolohiya, ito ay ang pagaaral ng mga morpema ng isang wika at pagsasama-sama ng

mga ito upang makabuo ng isang salita sa pamamagitan ng iba't ibang morpema. Sa

linggwistika, kilala din sa katagang palabuuan. Ito ay pag-aaral ng istraktura ng mga salita at ng

relasyon nito sa iba pang mga salita.

May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod; Payak - salitang-ugat, maylapi -

salitang-ugat at may panlapi, inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit, tambalang-salita -

dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan.

Morpema, ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan.

May mga anyo ng morpema ito ang una, morpemang binubuo ng isang ponema lamang, kung

nagbabago ang kahulugan o kasarian dahil sa pandagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon

ng /o/ sa /a/, ang /a o /o/ ay itinuturing ponema. Pangalawa, morpemang binubuo ng panlapi,

Ito ay uri ng morpemang idinurugtong sa salitang ugat na maaaring makapagpabagong


ST. MARY’S COLLEGE OF TAGUM, INC.
TEACHER – EDUCATION PROGRAM
Center for Student Learning, Leadership & Development
“We Discover, We Practice, We Create”

kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong magisa ang mga panlapi at kailangan idugtong sa

salitang ugat upang magkaroon ng kahulugan. Pangatlo, morpemang binubuo ng salitang ugat ,

ito ay uri ng morpemang walang panlapi. Ito ay payak na may anyo ng isang salita.

Mahalaga ang pag-aaral sa morpolohiya upang malaman natin ang ibig-sabihin, uri,

klasipikasyon at kung saan at paano natin ito magagamit. mahalaga din ito upang makalaap

tayo ng maraming impormasyon sa ating mga binabasa

You might also like