You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Filipino 6 (Pakikinig)

Banghay-Aralin sa Filipino 6

I. Layunin

a. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang narinig batay sa paraan ng pagsasalita

b. Naibibigkas ang tula nang maayos at makabuluhan

c. Naipapahayag ang pagkalinga sa kalikasan

II. Paksang-Aralin

A. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Narining

B. BEC Handbook in Filipino pp. 42-48; Landas ng Pagbasa p. 130

C. batayang aklat, larawan, Venn diagram

D. Pagkalinga sa kalikasan tungo sa kaunlaran

III. Pamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

Magpakita ng tatlong larawan: larawan ng mga bata, kalikasan at maunlad na lungsod

Itanong: Anu-ano ang ipinapakita ng larawan? Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito?

B. Panlinang na Gawain

1. Mga Gawain (Activity)

a. Paglalahad ng Aralin: Pakikinig sa Tula

Bigkasin ang tulang “Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran”, Landas ng Pagbasa, pahina 130 habang ang
mga mag-aaral ay nakikinig.

Ipabatid ang kahalagahan nang buong atensyon at pakikinig nang mabuti.


2. Pagsusuri (Analysis)

Talakayin:

a) Paano niyo ilalarawan ng kabataang tinutukoy ng tula?

b) Paano ginagamit ng kabataan ang kanilang talino?

c) Ano ang tinutukoy ng handog sa atin ng kalikasan?

d) Ano naman ang maari nating ibigay sa kalikasan?

e) Ano ang pangarap ng kabataan sa kalikasan?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)

Magpakita ng Venn diagram na naglalahad ng ugnayan sa Kabataan, Kalikasan at Kaunlaran.

Itanong: Sa tingin niyo ba’y may kaugnayan ang isa’t isa? Sa anong paraan?

4. Paglalapat (Application)

Sagutin ang gawain pahina 131, Landas ng Pagbasa 6. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
Basahin muli ang mga linya ng tula upang lubos na matukoy ang tamang kahulugan.

5. Paglalahat (Generalization)

Ipabigkas muli nang sabay sa mga mag-aaral ang tulang Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran.

IV. Pagtataya

Pakinggang mabuti ang bawat taludtod ng tula. Pumili ng pinakamalapit na kaisipang inihahatid
ng bawat taludod ng tula. Isulat ang sagot sa testnotebook.

(Landas ng Pagbasa, pahina 132-133)


V. Takdang-Aralin

Gumawa ng sariling tula tungkol sa kalikasan, kaunlaran at kabataan. Isulat ito sa buong papel.
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

Layunin

Paggawa ng maikling usapan o dayalog na naglalarawan ng bawat tungkulin ng

wika.

I. Paksa

A. Aralin: Mga tungkulin ng wika at katangian ng isang tao na nagpapahiwatig sa

pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat.

B. Sanggunian: Aklat sa Wikang Filipino sa Akademikong Komunikasyon, pahina 137-

139

C. Kagamitan: manila paper at pentelpen

Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Intindihing mabuti ang mga nakasulat sa tsart o manila paper.

"Pitong tungkulin ng Wika"

*Interaksyonal- nakapagpapanatili, nagpapatatag ng;

*Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan

*Regulatori- kumukontrol at gumagabay sa kilos at asal ng iba

*Heuristik naghahanap ng impormasyono datos

Informativ nagbibigay ng impormasyon o datos

*Personal- nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon

*Imaginativ- nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing panahon o

paraan

V.

Pagsasanay:

1. Gumawa ng maikling usapan o dayalog na naglalarawan ng bawat tungkulin ng


WIka.

2. Bakit mahalaga ang wika?

Takdang-aralin

1. Anu-ano ang mga pitong tungkulin ng wika?

2. Anu-ano ang mga katangian ng bawat-isa?

You might also like