You are on page 1of 2

Paaralan: Panghulo Elementary School - Main Baitang / Antas Baitang 1

Guro: Asignatura: FILIPINO


Petsa / Oras: November 7, 2022 (Lunes) Markahan: Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Content Standard:
Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon.

Performance Standard:
Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin
at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
Most Essential Learning Competencies (MELCs):
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, tekstong pang impormasyon, kaugnay na
impormasyon.
 Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan, kuwento at napakinggang balita.
LAYUNIN

 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, tekstong pang impormasyon, kaugnay na
impormasyon.
 Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan, kuwento at napakinggang balita.
Mode of Delivery:
Blended Learning (Model B – 5 Days In)
II. NILALAMAN
A. Kagamitang Panturo
Powerpoint presentation
B. Sanggunian
Teachers Guide, Self-learning module, aklat ng mag-aaral
III. Mga Gawain Batay sa Silid-aralan (Classroom-based Activities)
A. Panimulang Gawain (Elicit)
1. Panalangin
2. Mga Paalala Ukol sa “Health Protocols”
3. Pagtsek ng Attendance
4. Mabilisang “Kumustahan”
5. 3-in-1 (Tatlo sa Isang Araw)
 teksto – mga salita na makikita sa mga babasahin tulad ng aklat at iba't-iba pang babasahin.
 Covid-19 – isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
 balita – naglalaman ng ulat tungkol sa isang pangyayari. Ito ay napapanahon at nagbibigay impormasyon sa
mga tao.

B. Pagganyak (Engage)
Tanong: Sinu-sino ang mga mahilig magbasa o manood ng mga kwento?
Magpalaro ng "Guess the title”. Hulaan ang kung anong pamagat ng kwento.

C. Paglalahad (Explore)

Ano ang naranasan niyo nung unang taon ng pandemya?

Pamantayan sa pakikinig ng kwento: Pag-awit ng pamantayan.


Pakikinig sa kwentong : COVID-19

D. Pagtalakay (Explore)
Tungkol saan ang teksto o kwento?
Anu-ano ang dapat gawin upang makaiwas sa COVID-19?
Paano natin masasagutan ng tama ang mga katanungan tungkol sa teksto o kwentong napakinggan?

TANDAAN:
Masasagot nang tama ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, tekstong pang-
impormasyon, kaugnay na impormasyon kung makikinig at uunawaing mabuti ang napakinggang teksto.
Sa pagtatanong naman tungkol sa isang larawan, kuwento at napakinggang balita, gumagamit tayo ng mga salita tulad ng Sino,
Saan, Kailan, Ilan, Paano, Bakit upang simulan ang ating mga tanong.

E. Pagsasanay (Explain)
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Tula: Ang Aso Ko
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Sino ang asong matapang?
3. Ano ang kaniyang inihahagis?
4. Ano ang ginagawa ni Mago para masalo ang bola?
5. Ano naman ang ginagawa ni Mago kapag may tao?
F. Paglalahat
Paano masasagutan nang tama ang mga katanungan tungkol sa teksto o kwentong napakinggan?

Masasagot nang tama ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, tekstong pang-
impormasyon, kaugnay na impormasyon kung ___________________________________________________
___________________________________________________________________.

G. Paglalapat (Elaborate)
Pakinggan at unawaing mabuti ang tula. Piliin ang letra ng tamang sagot
Munting Pangarap
1. Ano ang pamagat ng tula?
A. Munting Bata C. Ang Aking Pangarap
B. Munting Pangarap D. Ang Aking Guro
2. Sino ang may munting pangarap?
A. ang bata C. ang magulang
B. ang guro D. ang kapatid
3. Ano ang nais matutuhan ng bata?
A. sumayaw C. kumanta
B. bumasa’t sumulat D. gumuhit

H. Pagtataya (Evaluate)
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong.
KWENTO: Ang mga Alaga ni Eman.

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento? A. Si Eman B. Ang Alaga C. Ang Aso at ang Pusa D. Ang mga Alaga ni Eman
2. Ano ang mga alaga ni Eman? A.aso at pusa B. baka at ibon C.manok at bibe D.baboy at kambing
3. Paano pinapakita ni Eman na mahal niya ang kaniyang mga alaga?
A. Pinapasyal niya sa ibang lugar. C. Pinapabayaan niya lang sa labas ng bahay.
B. Hindi niya binibigyan ng pagkain. D. Lagi niya itong binibigyan ng pagkain at inumin.

4. Tuwing kailan naglalakad sa parke si Eman kasama ang kaniyang mga alaga?
A. Lunes B. Martes C. Linggo D. Sabado

5. Ano ang dapat gawin sa mga alagang hayop?


A. sipain B. pabayaan C. mahalin at alagaan D. itapon sa malayong lugar

You might also like