You are on page 1of 8

Davao Oriental Regional Science High School

Barangay Dahican, Mati City


Semi-Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 10

Grade 10 – Jupiter

April 12, 2023

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral sa baitang 10 pangkat Jupiter ay


inaasahang:

 Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang


pangyayari
 Naipapahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa sarili, panlipunan, at pandaigdigan
 Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya).

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Panitikan: Ang Alaga (Panitikan ng Africa at Persia)
b. Sanggunian:
 Ikatlong Markahan - Modyul 6: Maikling mula sa West Africa (Panitikan ng
Africa at Persia)
c. Kagamitan: Biswal na Pantulong/PPT

LED TV

Laptop

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin at Pagbati
b. Pagtatala ng mga Lumiban
c. Paalala
d. Pagbabalik-aral
e. Pagganyak
Estratehiya: Copy Cut

Pangalawang Panuto: Papangkatin ang buong klase sa 2 pangkat. Sa pamamagitan


ng mga lararawang ipapakita ay gagayahin ng dalawang pangkat. Kapag narinig ang
hudyat na “copy” magisismula nilang gayahin ang nasa larawan sa loob ng 15
sigundo at kapag narinig naman ang hudyat na “cut” ay titigil sila at kung sino ang
makakagaya ng larawan ay siyang tatanghaling panalo.
Gabay na tanong: Ano ang napansin nyo sa mga larawang ginaya nyo? Sa inyong
palagay, ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop?
B. Pagtatalakay

Estratehiya 1: Student Centered Approach

Gabay na mga tanong:

 Ano ang ibig sabihin ng “maikling kuwento”?


 Paano mo masasabi na iyong ibinabahagi ay isang kuwento?
 Kailan mo masasabi na ang kunwento ay maikoi?

Estratehiya 2: Pagbasa ng Akda

Panuto: Sa pamamagitan ng dalawang grupo ay babasahin at uunawain ang “Ang


Alaga” ni Barbara Kimenye.

Barbara Kimenye (Disyembre 19, 1929 - Agosto 12, 2012), ay isa sa pinakatanyag
at pinakamahusay na nagbebenta ng mga may-akda ng mga bata sa East Africa.
Ang kanyang mga libro ay nagbebenta ng higit sa isang milyong mga kopya, hindi
lamang sa Kenya, Uganda at Tanzania, ngunit sa buong Ingles na nagsasalita ng
Africa.

Pangalawa Panuto: Sa binasang akda, sasagutan ang mga katangungang nasa


ibaba:

 Ano kaya ang sorpresang handog ng apo kay Kibuka?


 Sa palagay mo, ano kaya ang gagawin ng mga kapitbahay ni Kinuka nang
malamang may inaalagaan itong biik?
 Mananatili kaya ang pagkagiliw ni Kibuka sa kaniyang alaga? Bakit?
 Anong kapalaran ang naghihintay kina Kibuka at sa kaniyang alagang baboy?
May magaganap kayang malaking trahedya?
 Nakibahagi bas a pagkain si Kibuka sa karne ng kaniyang alagang baboy?
Bakit?

Mga sagot: Nakasalalay ang sagot sa mga mag-aaral.

PAGPAPAUNLAD NG MGA TALASALITAAN

ANALOHIYA: Suriinng mabuti ang peres ng mga salita. Tumbasan ng angkop na


salita ang patlang. Isulat ang sagot sa papel.

1. Punongkahoy: tula; Ang Alaga:


2. Kusa: boluntaryo ; tanggapan:
3. Kalmado: mahinahon ; nalaman:
4. Nawalan ng malay: nahimatay ; nabundol:
5. Aso: tuta ; baboy:

C. Paglalapat

Estratehiya: Pangkatang Gawain “TNT o Tawag ng Talento”

Panuto: Bawat pangkat ay magpapasiklaban ng kanilang mga talento sa


pamamagitan ng ibibigay ng guro.

PANGKAT 1: Pangkat Star of all Season (Pag-arte/Drama)

Panuto: Gumawa ng isang dula dulaan, bigyang wakas ang kwentong “Ang Alaga”

PANGAKT 2: Pangkat The Voice (Pagkanta/Singig)

Panuto: Bumuo ng isang awit na nagpapatungkol sa pagmamahal sa mga alagang


hayop.

PANGKAT 3: Pangkat Balagtas (Pagbigkas)


Panuto: Lumikha ng isang tula na nagpapaliwanag sa isang kasabihan na “Ang
hayop ay parang mga tao rin”

PANGKAT 4: Pangkat TV Patrol (Pagbabalita)

Panuto: Gumawa ng pagbabalita tungkol sa mga pang-aabuso sa mga hayop.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

Presentasyon ……………………………………………… 5 puntos

Nilalaman ………………………………………………… 10 puntos

Partisipasyon ……………………………………………… 5 puntos

KABUUAN …………………………………………………. 20 puntos

D. Paglalahat

Estratehiya: Tanong ko, Sagot Mo!

Gabay na mga tanong:

 Ano ang pamagat ng Maikling Kuwento?


 Sino ang pangunahing tauhan ang “Ang Alaga”
 Ano ang inyong naramdaman o iiniisip na kunware na alagang baboy ni
Kibuka ang inyong tinikman?
 Gaano kahalaga ang isang alaga sa buhay ng ato?
 Ano ang iyong natutunan sa kunweto?

E. Pagtataya
1. Ibigay ang naidulot o kahalagahan ng akdang “Ang Alaga” sa pansarili,
panlipunan at pandaigdig na pamumuhay. Gamitin ang grapikong
representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.
PANSARILI PANLIPUNAN

DAMDAMIN AT SALOOBIN

PANDAIGDIG

IV. Takdang Aralin

1. Mag saliksik sa internet tungkol sa “Mga Pahayag sa Pagsasaad ng Opinyon”

Inihanda ni:

G. Jhondy P. Larrobis

Estudyante
Sinuri at iniwasto ni:

Estela Marie Librea


Guro

You might also like