You are on page 1of 2

Grade 7 – Ampere – 7:00-8:00 MWThF

Grade 7 – Anderson 8:00-9:00 MTThF


Grade 7 – Abelard 9:00-10:00 MWThF
Grade 7 – Aquino - 2:00-3:00 TWThF
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
Ika-28 ng Nobyembre 2018
Tema: Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan
A. Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
B. Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa
kanilang sariling lugar

I. LAYUNIN A. Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokumentaryo kaugnay ng tinalakay na mga


tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan (F7PD-IIIa-c-13)

II. NILALAMAN Paksa: Mga Kaalamang-Bayan


II. KAGAMITANG PANTURO Libro, Biswal Eyds, Chalk
IV. PAMAMARAAN
A. Aktibiti
Naranasan na ba ninyong matukso ng inyong mga kaibigan? Pangkatin ang inyong sarili sa lima at
ibahagi ninyo ang inyong karanasan sa pamamagitan ng isang maikling dula-dulaan.
Itanong sa klase:
1. Ano ang inyong ginawa upang hindi na kayo tuksuhin ng iyong mga kaibigan?
2. Kung ikaw ang isa sa mga nanunukso, ano ang iyong nararamdaman habang tinutukso mo ang iyong
kaibigan?
3. Sa tingin mo ba, tama ba ang manukso ng kapwa?
B. Analisis
1. Paghawan ng Balakid
Mula sa natalakay, ay isusulat ng bawat grupo sa pisara ang mga salita na naglalarawan sa salitang
panunukso. (halimbawa: nakakasakit, masama, iyak, sumbong)
2. Magpakita ng video tungkol sa isang tula/awiting panudyo. Ipasuri ang laman ng video sa mag-aaral.
Isulat sa isang kalahating papel ang sagot.
1. Tungkol saan ang videong iyong napanood?
2. Sino-sino ang tinutukso o pinariringgan ng pang-uyam sa awiting iyong napanood?
3. Ilan ang pantig sa bawat taludtod ng napakinggang awitin?
4. Isulat ang mga salitang may tugma sa awitin.
C. Abstraksyon
1. Sa panahon ngayon, laganap na ang pambubully sa kahit na anong antas ng pamumuhay ng mga
Pilipino, ano kaya ang maaari mong gawin upang tuluyan nang mawala ang pambubully habang hindi
isinasantabi ang mga awiting panudyo na bahagi na ng ating panitikan?
D. Aplikasyon
Itanong sa klase: Kapag ikaw ay binu-bully ng iyong kaklase, ano sa tingin mo ang nararapat mong gawin?
Okey lang bang gantihan mo siya? Bakit?
E. Ebalwasyon
Sa isang kapat na papel ay sagutin ang mga sumusunod:
Kumpletuhin ang lyrics ng awiting panudyo na tampok sa ating aralin ngayon araw
Sitsiritsit _________, salaginto’t salagubang ang babae sa lansangan kung _______ parang tandang.
Santo Nino, sa Pandakan, Putoseko sa ________, Kung ayaw __________ Uubusin ka ng langgam
Mama, mama,_________, pasakayin yaring ________, Pagdating sa ________, Ipagpalit ng Manika
Ale,Ale namamayong, ________ yaring sanggol, Pagdating sa ________, Ipagpalit ng ________.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


VINCENT JAKE E. NAPUTO CECILIA B. RINGOR
Grade 7 – Filipino Teacher Master Teacher - Filipino

You might also like