You are on page 1of 17

2

Edukasyong
Pangkatawan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Paggalaw ng Isahan,
May Kasama, at Grupo Gamit ang
Iba’t ibang Bagay
Edukasyong Pangkatawan – Ikalawang Baitang
Self-Lerning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Paggalaw ng Isahan, May Kasama, at Grupo Gamit
ang Iba’t Ibang Bagay
Ikaapat na Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat:
Nelly Hope Pakatuwa
Emee Lord G. Geverola
Editor: Marlene L. Palma
Tagasuri: Eliezer B. Elman Marlene L. Palma
Tagakuha ng larawan: Nelly Hope G. Pakatuwa
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Natividad G. Ocon, CESO VI -OIC- Schools Division Superintendent
Meilrose B. Peralta- OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno Duhilag Jr. - REPS MAPEH
Reynaldo M. Pascua – OIC-CID Chief
Hazel G. Aparece EdD - Division EPS In Charge of LRMS
Antonio Pasigado - Division ADM Coordinator
Eliezer B. Elman – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Education – SOCCSKSARGENRegion


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2

Edukasyong
Pangkatawan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Paggalaw ng Isahan, May Kasama,
at Grupo Gamit ang Iba’t Ibang
Bagay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pangkatawan 2 ng
SELF LEARNING MODULE (SLM) para sa araling Paggalaw ng Isahan, May Kasama,
at Grupo Gamit ang Iba’t Ibang Bagay.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pangkatawan 2 ng Self Learning
Module (SLM) ukol sa Paggalaw ng Isahan, May Kasama, at Grupo Gamit ang Iba’t
Ibang Bagay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

3
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagan Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
g Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

4
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat batay sa iyong


pangangailangan. Narito ito para makatulong sa iyong lubusang
pag-unawa sa asignaturang Edukasyong Pangkatawan.

Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang matutunan ang mga sumusunod:
1. nakagagalaw ng isahan, may kasama, at grupo na may
laso, hoop, bola, at anumang magagamit na mga
materyales, may tunog, panloob at panlabas na mga
lugar (PE2BM-IV-c-h21); at
2. naisasagawa ang mga kasanayan ng mga batayang kilos
bilang tugon sa tunog (PE2MS-IV-a-h-1).

Bago mo simulan ang mga gawain sa pagkatuto, subukin mo


muna ang iyong paunang kaalaman.

6
Subukin

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na gawain:

1. Iguhit ang larawan ng isang batang lalaking umiiyak nang


malakas na nakahiga sa lupa at iginulong ang kanyang katawan
dahil iniwan siya ng kanyang ina.

2. Iguhit ang larawan ng isang batang babae na naglalakad sa


ilalim ng malakas na ulan gamit ang kanyang payong.

3. Tumayo gamit ang dalawang paa.

4. Hawakan ang bola at idribol ito ng limang beses.

5. Ilapag ang isang patpat sa lupa o sahig. Lumundag kayo ng


mga kapatid mo ng sampung beses pasulong at paurong.

Naisagawa mo ba ang mga gawain? Nasiyahan ka ba


habang ginagawa ang mga ito? Alin sa mga gawain ang
madaling gawin? Alin naman ang medyon may kairapan gawin?

Ano-ano kaya ang iyong mga natutunan sa nakaraang


modyul. Naaalala mo pa kaya ang mga ito? Balikan ang iyong
napag-aralan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa
susunod na bahagi ng modyul.

7
Paggalaw ng Isahan, May Kasama,
Aralin 1 at Grupo Gamit
ang Iba’t Ibang Bagay
May mga galaw o gawaing pampisikal na isinasagawa ng
isahan, dalawahan, o maramihan sa tulong ng mga bagay gaya
ng patpat, hoop, bola, at iba pang gamit. Sa tulong ng mga
kagamitang ito naging mas kawili-wili ang paggalaw at
pagsasagawa ng mga gawaing pampisikal.

Balikan

Panuto: Ano-anong mga galaw ang maaaring ipakita sa mga


sumusunod na sitwasyon? Pagtambalin ang nasa Hanay A at
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sanayang papel.
Hanay A Hanay B

_____1. Hinahabol ng aso a. Pagpapadulas

_____2. Nanalo sa paligsahan b. Pagkandirit

_____3. Papasok ng simbahan c. Pagtalon

_____4. Nasugatan ang isang paa d. Pagtakbo

_____5. Paglinis ng sahig gamit ang e. Paglakad ng mahina


pamunas

8
Mga Tala para sa Guro

Paaalalahanan din ang mga magulang na


subaybayan ang kanilang mga anak sa pagsagot ng
modyul na ito.

Tuklasin
Panuto: Gawin ang mga sumusunod habang kinukunan ng
larawan o video ang iyong ginagawa. Ipadikit o kaya ipadala sa
iyong guro ang iyong ginawa. Kapag walang kamera o cellphone,
maaaring iguhit ang sagot sa iyong papel.

Mga Gagawin Larawan/Video o Guhit


1. Gumulong na parang bola.
2. Tumalon patalikod.
3. I-dribol ang bola.
4. Tumayo gamit ang isang paa.
5. Lumukso gamit ang lubid.

Nasiyahan ka ba sa iyong mga ginawa? Kaya mo ba itong


gawin ng isahan? Ano ang iyong naramdaman nang ginawa mo
ito ng may kasama?

9
Suriin

May mga gawaing pampisikal na isinasagawa ng isahan


gaya ng pagtakbo, pagsayaw, paglundag, pag-iskape, at iba pa
na ginagamitan ng mga bagay tulad ng patpat o stick, lubid,
hoop, laso, bola o anumang bagay na makikita sa inyong bahay.
Meron namang mga gawain na maaaring maisasagawa ng
dalawahan o maramihan. Kagaya halimbawa ng paglaro ng
luksong lubid. Kinakailangan na may tagahawak ng lubid sa
magkabilang dulo para ipaikot ito habang ikaw ay lumulundag.

Para mas kawili-wili ito, mas mabuting may saliw ng musika.


Maaari mong ibagay ang bawat galaw ayon sa ritmo ng musika o
tugtog. Ang paggalaw ay umaayon sa bawat sitwasyon na ating
kinakaharap upang maisasakatuparan ang ninanais.

Para maranasan ang natutunan sa araling ito, basahin at


gawain ang hakbang sa paggawa ng luksong lubid. Paalala
lamang na tiyakin ang kaligtasan.

Kumuha ng isang lubid na may katamtamang haba. Gawin


ang luksong lubid sa isang bakanteng lugar sa inyong bakuran.
Gawin ang galaw at itala sa kahon kung ilang talon ang nagawa
at ang oras na inilaan sa pagtalon.

Kagamitan Bilang ng talon na Oras na inilaan sa


nagawa gawain

10
Pagyamanin

Ilarawan ang inyong ginawa sa gawaing Suriin. Magtala ng


limang karanasan na inyong ginawa sa bahaging Suriin. Isulat sa
ibaba ang iyong pahayag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isaisip

Ang bawat tao ay may iba’t ibang paraan ng paggalaw.


Mahalagang malaman at isaisip natin ang tamang galaw upang
maiakma sa tamang lugar. Ang paggalaw ay umaayon sa bawat
sitwasyon na ating kinakaharap upang maisasakatuparan ang
ninanais.

Isagawa
Awitin ang “Sitsiritsit” habang ginagawa ang sumusunod:
a. Tumawag ng isang kasamahan sa bahay upang magtala
ng ebalwasyon sa iyong ginawang kilos.
b. Iguhit ang isang bituin kung ang iyong ginawa ay may
kagalingan, dalawang bituin kung magaling, at tatlong
bituin kung magaling na magaling.
_____1. Tumatalon gamit ang dalawang paa sa ibabawa ng
patpat o stick na inilapag sa sahig o lupa.
_____2. Tumatalon gamit ang isang paa.

11
_____3. Tumakbo ng paikot-ikot sa bakanteng lugar.
_____4. Sumayaw sa salin ng Sitsiritsit.
_____5. Magdribol ng bola. Gawin ito ng sampung beses.

Tayahin

Panuto: Gawin ang galaw na nakasaad sa loob ng talahanayan


sa ibaba. Pagkatapos, lagyan ng puntos ang iyong ginawa. Narito
ang mga puntos na naaayon sa bilang ng talon na iyong
naisagawa:

1 puntos kung dalawang talon


2 puntos kung apat na talon
3 puntos kung anim na talon
4 puntos kung walong talon
5 puntos kung sampung talon

Galaw 1 2 3 4 5
Kumuha ng isang tali. Tumawag ng
dalawang tagahawak ng tali. Gawin ang
luksong lubid habang iniikot-ikot ng may
hawak ang tali. Gawin ito hanggang
makagawa ng maraming talon.

Karagdagang Gawain
Sanayin ang sarili na gumalaw gamit ang iba’t ibang bagay
sa iyong kapaligiran. Gawin ito upang maging madali ang mga
gawaing pang-araw-araw.

12
13
Balikan:
1. d 4. b
2. c 5. a
3. e
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Falcutila, Rogelio F. John M. Cnavez. Rhodora B. Pena. Corazon C.
Flores. Music, Art, Physical Educaiton, and Health – Ikalawang
Baitang. Pasig City: DepED-IMCS. 2013.
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like