You are on page 1of 20

2

Filipino
Unang Markahan: Modyul 5
Pagsunod sa Nakasulat na
Panutong may 1-2 at 1-4 na
Hakbang
Filipino – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5: Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 1-2 at 1-
4 na hakbang!

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Laila M. Salik Cindelyn E. Cinches Normina S. Radzak
Ma. Imelda G. Luntayao Meah A. Mondejar Gingging E. Acob
Alibai M. Usop Sherazade A. Lucman Annie L. Demate
Crystalbel B. Besinio

Editors: Dr. Vivencio O. Aninon, PSDS


Tagasuri: Dr. Rosita M. Casan, EPS
Tagaguhit: Laila M. Salik, Geunicar A. Perez Jr. MAELT
Tagalapat: Geunicar A. Perez
Tagapagdisenyo ng Pabalat: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Concecion F. Balawag, CESO IV – Schools Division Superintendent
Edgar G. Sumapal – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Subject Area Supervisor
Dr. Pancho G. Balawag – CID Chief
Engr. Reynaldo S.E. Villian – Division EPS In Charge of LRMS
Dr. Kagawaran
Inilimbag sa Pilipinas ng Vivencio O. Aninon, PSDS – –Division
ng Edukasyon SOCCSKSARGEN Rehiyon XII
ADM Coordinator
Dr. Rosita M. Casan, EPS – Subject Area Supervisor
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2

Filipino
Unang Markahan: Modyul 5
Pagsunod sa Nakasulat na
Panutong may 1-2 at 1-4 na
Hakbang

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 2 ng Self-
Learning Module (SLM) sa Pagsunod sa nakasulat na panutong
may 1-2 at 1-4 na hakbang!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalaala sa mga mag-aaral:


Ang modyul na ito ay gabay sa inyong pag-aaral.
Basahin at unawain ang nilalaman nito.
Sagutin ang mga tanong sa abot ng inyong
makakaya. May gabay na sagot sa hulihang bahagi
ng modyul upang makita kung wasto ang inyong
sagot.

2
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 2 ng Self-Learning Module
(SLM) sa Pagsunod sa nakasulat na panutong may 1-2 at 1-4 na
hakbang!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

3
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

4
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

5
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang inyong


isaisip. Nakakatulong ito upang matulungan kang
Magpakatao at Maging Kasapi ng Pamilya. Ang saklaw
ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa
maraming iba't ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang
wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay
inayos upang sundin ang karaniwang pagkakasunud-
sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-sunod kung
saan mo basahin ang mga ito ay maaaring mabago
upang tumugma sa aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang modyul ay nahahati sa limang mga aralin:

• Aralin 1 –Pagsagot sa mga tanong ukol sa panuto.

• Aralin 2 – Pagsunod ukol sa ibinigay na Panuto


• Aralin 3 – Pagbibigay ng 1-2 hakbang na panuto
• Aralin 4 – Pagsagot sa mga tanong ukol sa kuwentong
napakinggan
• Aralin 5 – Pagbibigay ng 3-4 hakbang na panuto

PAMANTAYANG Naipamalas ang kakayahan sa


PANGNILALAMAN mapanuring pakikinig at pag-unawa
sa napakinggan
PAMANTAYAN SA Naipamamalas ang kakayahan at
PAGGANAP tatas sa pagasaslita at pagpapahayag
ng sariling ideya, kaisipan, karanasan,
at damdamin
ESSENTIAL Pagsunod sa nakasulat na panutong
LEARNING
may 1-2 at 1-4 na hakbang!
COMPETENCY

Subukin
Panuto sa Magulang: Babasahin ang panuto para sa
iyong anak at gabayan siya sa paggawa ng gawaing ito.
Ang iyong tapat na paggabay sa iyong anak ay aming
hinihiling. Maraming salamat po.

Panuto sa Magulang: Tingnan at idokumento ang


ginagawa ng iyong anak sa pamamagitan ng pagkuha
ng litrato o video upang maging basehan na siya mismo
ang gumagawa ng mga gawain.

Panuto sa Magulang: Ipasulat sa anak ang Tama kung


ang pahayag ay totoo at Mali kung hindi naman ito
nagsasaad ng katotohanan. Isulat sa patlang ang sagot.

___________1. Ang kaliwa, kanan, itaas, at ibaba ba ay


mga pangunahing direksiyon?
___________2. Salita ba ang mabubuo sa pagsasama-
sama ng mga pantig?
___________3. Ang panandang si at sina ba ay para sa
pangngalang pambalana?
___________4. Ang panandang ni at nina ba ay para sa
pangngalang pantangi?
___________5. Ang talahulugan ba ay bahagi ng aklat?
Pagsunod sa nakasulat na
Aralin
5 panutong may 1-2 at 1-4 na
hakbang!

Balikan

Panuto sa Magulang: Ipasagawa sa iyong anak ang


sumusunod na gawain.
- Itaas ang kanang kamay.
- Itaas ang kaliwang kamay.
- Ipadyak ang kanang paa.
- Ipadyak ang kaliwang paa.
- Humarap sa kanan.
- Humarap sa kaliwa.

Itanong: Nagawa mo ba ang mga panuto nang wasto?


Bakit?

Ipakita ang larawan ng ferris wheel, carousel at roller


coaster.
Ipatukoy kung ano ang bawat larawan.
Itanong: Nakapunta ka na ba sa isang parke o pasyalan
na may mga ganitong sakayan? Hayaang magbahagi
ang bata ng sariling karanasan.

Tuklasin

Panuto sa Magulang: Iparinig sa iyong anak ang kuwento


at ipasagot ang sumusunod na tanong.

Higanteng Ferris Wheel

“Wow!” Ang una kong nasabi nang pumasok kami sa


tarangkahan ng parke. Ito ang unang beses na pumasyal
kami rito. Kasama ko sina Nanay, Tatay, at ang bunso kong
kapatid na si Lani. Kaagad kong niyaya si Tatay na
sumakay sa higanteng ferris wheel. Gustong-gusto namin
ni Lani na sumakay roon. Lumapit si Tatay sa
tagapagbantay para itanong kung nasaan ang ferris
wheel. “Lumakad nang diretso. Pagdating sa roller
coaster, lumiko sa kanan. Lakad uli nang diretso hanggang
sa carousel. Lumiko sa kaliwa at naroon ang higanteng
ferris wheel,” sabi ng tagapagbantay. Nagpasalamat si
Tatay. Kapit ang mga kamay namin ni Lani, pinuntahan na
namin nina Nanay at Tatay ang ferris wheel. “Wow! Ang
ganda at ang laki ng ferris wheel,” sabay naming sinabi ni
Lani. Bumili si Tatay ng mga tiket para sa aming apat. Nang
umikot na ang ferris wheel, kitang-kita ko ang buong parke
mula sa itaas. Mas malakas na “Wow!” ang aming
nasambit.

Sagutin ang mga tanong.


1. Saan pumasyal ang mag-anak?
2. Ano ang gustong-gusto nilang sakyan?
3. Paano nila narating ang ferris wheel?
4. Nang umikot na ang ferris wheel saang direksiyon
nakikita ang buong parke?
5. Ano-anong salita ang binilugan sa kuwento?

Magaling ang iyong sagot ay tama.


Ang mga salitang makikita sa kuwento na may bilog ay
halimbawa ng mga panuto.

Suriin

Panuto sa Magulang: Ipagawa sa anak ang pagsasanay.

Sabihin kung Palagi mong nagagawa ang pahayag,


Minsan kung bihira, at Hindi kung hindi pa. Hintayin ang
hudyat ng guro.
Palagi Minsan Hindi
1. Nasasabi ko nang malinaw
ang ibinigay kong panuto.
2. Masaya ako kapag
nasusunod nila ang ibinigay
kong panuto.
3. Inuulit ko ang panuto kapag
hindi nila ito nasundan.
4. Nasasabi ko nang may
katamtamang lakas ng boses
ang mga panuto.
5. Nasasabi ko nang may
tiwala sa sarili ang mga
panuto.

Pagyamanin
Panuto sa Magulang: Pag-aralan ng inyong anak ang
mapa at sagutin ang pagsasanay sa ibaba ng mapa.

Gawain I:
Lagyan ng tsek ( / ) ang panuto sa pagbibigay ng
direksiyon ang naaayon sa mapa at ekis ( X ) naman
kung hindi.

_________ 1. Mula sa bahay, lumakad nang diretso


papuntang simbahan.
_________ 2. Mula sa simbahan, lumiko sa kanan
patungong palengke.
_________ 3. Mula sa palengke, lumiko sa kaliwa
patungong parke.

_________ 4. Mula sa paaralan, lumakad nang diretso


patungong palengke.
_________ 5. Mula sa munisipyo, lumiko sa kaliwa
patungong bahay.

Gawain II: Pagbibigay panuto at gagawin ng bata


1. Itaas ang dalawang kamay.
2. Ibaba ang dalawang kamay.
3. Tumingin sa itaas.
4. Tumingin sa ibaba.

Gawain III:Pasagawa sa iyong anak ang sumusunod na


gawain.
- Itaas ang dalawang kamay at pumalakpak.
- Humakbang pakanan at pumadyak.
- Humakbang pakaliwa at tumawa.
- Lumakad nang diretso at kumembot.

Isaisip

Sa pagbibigay ng maikling panuto, kailangang maging


maayos at malinaw ang paglalahad.

Isagawa

Panuto sa Mag-aaral: Gumawa ng maikling panuto


kung paano ka makakarating sa iyong silid-tulugan mula
sa inyong kusina. Maaaring gamitin ang mga salitang
kanan, kaliwa, o diretso.
Panuto sa Magulang: Ipagawa sa anak ang pagsasanay.

Panuto sa Mag-aaral: Tulungan si Tetet na makarating sa


paaralan. Gamitin ang mga salitang kanan, kaliwa, at
diretso base sa larawan.

Karagdagang Gawain

Panuto sa Magulang: Ipasulat sa anak ang direksyon o


panuto kung paano makakarating sa inyong bahay
mula sa paaralan.
Gamitin ang mga salitang kanan, kaliwa, at diretso

Susi sa Pagwawasto
Tayahin Pagyamanin
1. lumakad si Tetet 1. /
ng diretso, lumiko 2. X
sa kaliwa at lumiko 3. /
sa kanan. 4. /
5. X
Tuklasin Subukin
1.parke 1. Tama
2. ferris wheel
2. Tama
3. Lumakad sila nang diretso.
Pagdating sa roller coaster, 3. Mali
lumiko sila sa kanan. Lakad
uli nang diretso hanggang sa 4. Tama
carousel at lumiko sa kaliwa. 5. Tama
4. mula sa itaas
5. diretso, kanan, kaliwa,
itaas
Sanggunian
Filipino 2 TG 34 – 35
Filipino 2 LM 83 – 86
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.thew
eek.in%2Fleisure%2Flifestyle%2F2018%2F08%2F16%2Fvirtual-reality-
giving-world-roller-coasters-new-
twist.html&psig=AOvVaw0EtrnxKA91uUxrbOxUQIDN&ust=15924012
03132000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKiehIy7
huoCFQAAAAAdAAAAABAM
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.flickr.
com%2Fphotos%2F40219734%40N08%2F41303468904%2F&psig=AO
vVaw0FZhAnd_UKL24O72qX5bEA&ust=1592400958087000&source=
images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLiW7-
G7huoCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.eleg
antthemes.com%2Fblog%2Fdivi-resources%2Fhow-to-create-a-
clickable-carousel-of-divi-
modules&psig=AOvVaw0dfenBxbTYCyoGS-
nCwWkI&ust=1592400828768000&source=images&cd=vfe&ved=0
CAIQjRxqFwoTCIDx14a8huoCFQAAAAAdAAAAABAD
PAHATID LIHAM
Ang sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021.Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like