You are on page 1of 15

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 1
PAKIKIPAGKAPUWA- TAO
Aralin:
Ako ay May Isang Salita: Pagtupad
sa Pangako (Pagkamapanagutan)
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 1- Pakikipagkapuwa-Tao
Aralin: Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa Pangako (Pagkamapanagutan)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheila Marie N. Pajela, MT-II


Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Rhoda C. Sustento, T-III
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente- Division OIC-LRMDS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 1
PAKIKIPAGKAPUWA- TAO
Aralin 1:
Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa
Pangako (Pagkamapanagutan)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self- Learning


Module (SLM) para sa araling Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa Pangako
(Pagkamapanagutan).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pakikipagkapuwa-tao. Ito rin
ay naglalaman ng mga gawain at gabay
para sa mag-aaral na angkop sa kanilang
kasanayan bilang mag-aaral sa ikaanim
na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module (SLM)


ukol sa araling Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa Pangako (Pagkamapanagutan).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

1
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

2
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Ang
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang Yunit


II- Pakikipagkapwa-tao ng Edukasyon sa Pagpapakatao VI. Ito ay may pamagat na Ako ay
May Isang Salita: Pagtupad sa Pangako. Ang aralin na ito ay nakatutok o nakapokus sa
konseptong pagkamapanagutan.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsible sa kapwa sa pagtupad
sa pangako.

3
Subukin

Panuto: Pusuan ang salitang PANGAKO sa bawat bilang kung ang isinasaad na sitwasyon
ay nagpapakita ng pagtupad sa pangako at kahunan naman ito kung
hindi PANGAKO

PANGAKO 1. Tinupad ni kuya Rico ang kanyang pangako sa nakababatang kapatid na


bigyan ng laruan ito sa kanyang kaarawan.
PANGAKO
2. Taos-pusong binigkas ni Cassandra ang Panunumpa ng Katapatan sa
watawat ng Pilipinas.
PANGAKO
3. Naging ugali na ni Rita ang pagsunod sa utos ng mga magulang nito.
PANGAKO 4. Magiliw na tinanggap ni G. Lolito ang kanyang mga panauhin sa kaarawan
nito.
PANGAKO
5. Binigay ng alkalde ng Lungsod ng Tacurong ang ipinangakong tulong sa
kanyang nasasakupan sa gitna ng pandemya.
PANGAKO
6. Sinunod ni Sai-Sai ang mga panuntunan ng kanilang organisasyon.
PANGAKO 7. Sinang-ayunan ni Ryan ang mungakahi ng kanilang punong-barangay sa
pagpapatupad ng kalinisan kontra dengue sa kanilang lugar.
PANGAKO
8. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ng punong-barangay nina Nenita na
magbibigay ito ng tulong sa mga residente na higit na naapektuhan ng
pandemyang CoVid-19.
PANGAKO
9. Tinupad ng pangulo ng Pilipinas ang pangako nitong dagdag sahod ng mga
kapulisan at militar.
PANGAKO
10. Binigyan ni Rashel ng regalo ang kanyang matalik na kaibigan gaya ng
kanyang ipinangako.

4
Ako ay May Isang Salita:
Aralin Pagtupad sa Pangako
(Pagkamapanagutan)

Binabati kita sa iyong ipinakitang kagalingan. Nakakatiyak akong


handang handa ka na sa panibagong modyul na ito. Pagbutihan mo!

Panuto: Ayusin ang jumbled letters upang mabuo ang konsepto/pagpapahalaga.


1. Koganpa - ___________________________
2. Andusunka - ___________________________
3. Nanapatangu - ___________________________
4. Biliresponsidad - ___________________________

Balikan

Gaano mo kaya naunawaan ang nabuo mong mga salita?


Halika, ating balikan ang nakaraang aralin sa Unang Markahan.
Siguradong tandang-tanda mo pa ang mga iyo. Tara, simulan na
natin!
Panuto: Isulat ang √ sa patlang kung sa palagay mo ang sitwasyon ay maaaring
magpakita ng tamang impormasyon.
_____ 1. Inaalam ng mabuti ni Ruben ang mga website na bubuksan.
______2. Hindi agad naniniwala sa mga balitang nababasa sa Facebook si Jessy.
______3. Binubuksan ni Josen ang mga malalaswang site na hindi dapat sa mag-
aaral na kagaya mo.
______4. Si Patty ay nangakong magiging responsible sa paggamit ng social media
lalong lalo na sa mga nilalaman nitong babasahin
______5. Halos hindi na natutulog si Danny kapag nabuksan ang Facebook.
______6. Nangako si Annie sa sarili na isasauli sa Principal’s office ang napulot
niyang pitaka.
______7. Tinupad ni Adrian ang kanyang pangako na babalik sa kanilang bayan
kapag siya ay nakapagtapos na ng kanyang pag-aaral.
______8. Sumumpa si Arlene sa kanyang kaibigan na hindi hadlang ang distansiya
upang kalimutan ang kanilang pagkakaibigan at pinatutuhanan naman
niya ito gaano man kahaba ang panahon.

5
Tuklasin

Sa aking palagay kayang-kaya mo na ang bawat gawain sa modyul na


ito. Upang higit mong maunawaan ang ating mga aralin, basahin ang kwento.

“Pangako: Hindi Dapat Mapako”


(Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon ph.42)

Isa si Luis sa mga mag-aaral sa ikaanim na baiting. Ang mga magulang ni


Luis ay masipag at may isang salita. Lagging sinasabihan ng kaniyang magulang si
Luis, “Kapag ikaw ay nangako o nagbitaw ng isang salita, dapat mo itong tuparin.
Malaki ang pananagutan ng tao sa bawat salitang sinasambit niya.
Nagkaroon ng isang Paligsahan sa Paaaralan. Isa si Luis sa mga napili bilang
kinatawan ng kaniyang seksiyon upang magsalita sa paligsahan sa pagtatalumpati.
Mahirap lang ang pamilya ni Luis ngunit maayos sa gamit. Pero nais ni Luis na
maging sa entablado ay maayos din siyang tingnan. Ang putting polo at itim na
pantalon niya ay maayos pa ngunit ang kaniyang sapatos na itim ay sira na.
sinabihan ng kaniyang Ina si Luis na manghiram muna siya ng sapatos sa kaniyang
pinsan. Nakahiram si Luis at sinabi nya na ibabalik din ito pagkatapos ng
paligsahan. Dumating ang araw na itinakda para magtalumpati sa Luis sa kaniyang
paaralan. Si Luis ay nanalo bilang pangalawa ngunit nagustuhan ng mga hurado
ang kaniyang talumpati at nais siyang isama sa pang-rehiyon na patimpalak.
Nagagalak si Luis ngunit nangako siya na isauli agad ang hiniram niyang sapatos.
Payo ng kaniyang mga magulang na kapag nangako, dapat tuparin mo kahit na
kailangan mo pa ito. Ang salita mo ay marapat mong pangatawanan. Dahil yan ang
nagsasabi kung anong klase at may pananagutan ka lagi. Kahit mahirap lamang,
may dangal at pananagutan ka. Isinauli ni Luis ang hiniram niyang sapatos.
Nalaman ng gurong tagapayo ni Luis at sinabi niya ito sa mga hurado. Bilang
premyo ay binigyan si Luis ng bagong sapatos.

Suriin

Naunawaan mo ba ang iyong binasa?


Nagustuhan mo ba ang nilalaman ng kwento?
Kung gayon sagutin ang sumusunod na tanong batay sa binasang kuwento.

1. Anong pagpapahalaga ang ipinapahiwatig ng kuwento?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
2. Sa lahat ba ng pagkakataon ay dapat tayong tumupad sa ating ipinangako?
Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtupad sa pangako?
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang AKROSTIK sa ibaba. Tingnan kung paano


tumupad ang mag-aaral sa kanilang pangako.
(Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon ph. 41)

M – ga bata man kami sa inyong paningin


A – ng pagtupad sa pangako
Y – aman naming maituturing
I – sinasagawa naming
S – alitang
A – ming
N – abitawan
G – abayang tamang aral
S – a pangakong
A – ming naibigay
L – agi naming
I – sinasaisip
T – iwala ng tao na
A – ng katumbas ang buong pagkatao
Pamatnubay na mga katanungan:

1. Ikaw paano ka tumupad ng pangako?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang katumbas ng tiwala na ibinibigay sa isang tao?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
Isaisip

Tandaan:

1. Laging iisipin na ang “Pangako ay Pangako” walang simple o kumplikado,


mahirap o madali dahil ang laging nakabigkas sa ating mga salita ay ang
pananagutan sa pagtupad nito.
2. Mag-isip muna nang mabuti bago magbigay ng pangako.
3. Laging alalahanin, ang pagtupad sa pangako ay larawan ng iyong
katapatan sa kapwa.
4. Kapag may hindi maiwasang pangyayari na nagiging hadlang sa ibinibigay
na pangako, buong katapatan kang hihingi ng paumanhin.

Isagawa

Tingnan natin kung gaano mo naunawaan ang ating bagong aralin.


Basahin ang mga tanong. Isulat ang Opo kung ginagawa mo ang mga ito at HINDI
naman kung hindi.
__________1. Ginagawa mo ba ang iyong pangako sa sarili na hindi na
magsisinungaling?
__________2. Tinutupad mo ba ang pangako mo na hindi na mahuhuli sa
Flag Ceremony?
__________3. Sinisikap mo bang tuparin ang iyong pangako na magsisimba at
madadasal sa isang takdang oras at araw?
__________4. Tinutupad mo ba ang iyong pangako na susundin ang mga
alituntunin sa loob ng silid-aralin?
__________5. Ginagawa mo ba ang lahat upang matupad ang bawat pangako?

Tayahin

Sagutin ang sumusunod.


Panuto: Isulat ang T kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagtupad sa pangako
at M kung hindi sa patlang.
_______1. Dahil sa sobrang abala ko sa aking trabaho hindi na ako pumunta sa
kaarawan ng kaibigan ko na pinangakuan ko na ako’y dadalo.

8
_______2. Nangako si Rita sa kanyang kaibigan na si Mila na magkikita sila sa harap
ng plasa sa ganap na ika-4 ng hapon para manood ng palabas. Tinupad
ni Rita ang kanyang pangako sa kaibigan.
_______3. Nangako ka na sasamahan mo ang kaibigan mo sa kanyang pagbakasyon
sa inyong lugar. Nakabalik na lamang siya ng Maynila na hindi mo
nakikita dahil tinatamad kang mamasyal.
_______4. Sinabi mo sa inyong guro ang totoong pangyayari dahil nangako ka na
hinding-hindi ka na magsisinungaling.
_______5. Tinupad ni Jose ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na
maging isang doktor.
_______6. Inayos mo ang sirang laruan ng iyong kapatid na pinangako mo sa kaniya
na aayusin.
_______7. Kahit pagod ka galing sa pag-aaral ay tinulungan mo parin ang kaibigan
mo sa paghahanap ng kaniyang aso dahil sa binitiwan mong pangako
sa kaniya.
_______8. Himbing kang natulog sa araw ng lingo kahit nangako ka na magsisimba
kayo ng mga kaibigan mo.
_______9. Maaga kang gumising upang matapos agad ang gawaing bahay dahil
nangako kang tutulong ka sa paglilinis ng inyong paaralan.
_______10. Hindi ka bumibitaw ng pangako na hindi mo kayang tuparin.

Karagdagang Gawain

Alalahanin ang isang pangakong ginawa mo. Isulat sa sagutang papel ang
impormasyong kinakailangan.
Pangakong ginawa: _______________________________________________________
Kanino ipinangako: _______________________________________________________
Dahilan ng hindi pagtupad: _______________________________________________
Ano ang naramdaman mo ng hindi mo natupad ang iyong pangako?
___________________________________________________________________________
Ano ang ginawa mo matapos mong hindi natupad ito?
___________________________________________________________________________

9
10
Pagyamanin Isagawa Tayahin
1. Opo 1. M
(Maaaring tanggapin 2. Opo 2. T
ang anumang
3. Opo 3. M
kasagutan ng mga
mag-aaral) 4. Opo 4. T
5. Opo 5. T
6. T
7. T
8. M
9. T
10.T
Subukin Balikan Suriin
1. 1. √ 1. Pagtupad sa
pangako
2. 2. Upang
2. √
3. pagkatiwalaan
4. 3. X tayo ng ating
5. kapwa
4. √ 3. Mapanatili ang
6. tiwala ng iba sa
7. 5. X atin
8. 6. √ (Maaaring tanggapin
9. ang anumang
7. √ kasagutan ng mga
10.
mag-aaral)
8. √
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
“Pangako: Hindi Dapat Mapako”, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon ph.42

11
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like