You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
6
Edukasyon sa Pagpapakatao

ACTIVITY SHEET

Quarter: 1 Week: 1
Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa
MELC: sarili at pangyayari

Code EsP6PKP- Ia-i– 37

Pangalan: Seksyon:
Paaralan:
Activity Title: Hindi Hadlang ang Paghihirap
Panuto: Basahin ang talata.

Source: https://buhayteacher.com/mcdonalds-throws-graduation-party-for-kid-who-went-viral-for-studying-outside-store/

Ang batang nasa larawan ay si Daniel Cabrera na nag-


aaral sa Subangdaku Elementary School sa Mandaue City,
Cebu. Siya ay sumikat sa social media at hinangaan dahil
kinakitaan siya ng kasipagan at pagpupursige sa pag-aaral. Sa
larawan na ito ay makikita na siya ay gumagawa ng takdang-
aralin sa ilalim ng ilaw ng isang “fast food chain”. Ito ay sa
kadahilanang wala silang kuryente sa kanilang bahay.
Hindi naging hadlang ang kahirapan ng buhay ng
kaniyang pamilya upang magawa niya ang mga gawain sa
paaralan. Nakapag-isip siya ng paraan upang maipagpatuloy
ang kanyang pag-aaral. Siya ay nakatapos ng elementarya at
nakakuha ng mga parangal.

2
Activity Title: Hindi Hadlang ang Paghihirap
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong mahalagang aral ang natutunan mo sa buhay ni


Daniel?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Anu-anong kahirapan ang dinaranas mo o ng iyong
pamilya ngayon?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. May mga sitwasyon ba sa buhay mo ngayon na nagiging
hadlang sa iyong pag-aaral? Anu-ano ang mga ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Ano ang maari mong gawin upang mapabuti ang
kalagayan ng inyong pamilya o estado ng iyong pag-
aaral?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3
Activity Title: Pagsusuri sa Sarili
Panuto: Mahalagang makilala natin ang ating sarili upang
makagawa tayo ng paraan upang mapabuti ito. Makakatulong
ito sa ating pang-araw-araw na pagpapasiya. Punan ang
Graphic Organizer sa ibaba upang lubusang makilala ang sarili.

4
Activity Title: Katatagan ng Loob
Panuto: Isa sa kailangan sa pagsusuri ng mga bagay na may
kinalaman sa sarili at pangyayari ay ang pagkakaroon ng
katatagan ng loob na gawin ang tama. Lagyan ng tsek (✓) ang
mga gawain nagpapakita ng katatagan ng loob sa
pagpapasiya. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.

 1. Tinanggihan ni Jose ang paanyaya ni Ben na


manigarilyo.

 2. Sinunod ni Anna ang kanyang ina at iniwasan ang hindi


matuwid na kaibigan.

 3. Sumamang gumala si Allan sa barkada ng hindi


nagpapaalam sa magulang.

 4. Hindi sumang-ayon si Dan na maglaro ng basketball sa


oras ng klase.

 5. Nawalan ng trabaho ang ama ni Jane kaya ang


kanilang buong pamilya ay tulung-tulong sa pagluluto at
pagbebenta ng lutong ulam at meryenda.

 6. Ibinigay ni Lito ang kanyang baong pera kay Gino kahit


alam niyang ipangsusugal lang ito ni Gino.

 7. Napilitang mangopya sa pagsusulit si Trina dahil hindi siya


nakapag-aral ng mabuti.

 8. Isinauli ni Kathy ang perang napulot sa may-ari.


5
Activity Title: Ang Tamang Gawain
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang gawain ay nagpapakita ng
mapanuring pag-iisip upang maging tama ang pagpapasiya.
Isulat ang MALI kung hindi tama ang pagpapasiya.

__________1. Binilang muna ni Rona ang sukli bago umalis ng


tindahan.
__________2. Nagpulong muna ang magkakapatid kung ano
ang magandang iregalo sa kanilang nanay.
__________3. Dahil wala pa si nanay at oras na ng tanghalian,
nagpasiya si Jena na initin ang mga tirang ulam at
pakainin ang kanyang mga kapatid.
__________4. Pinapasok ni Loren sa kanilang bahay ang taong
hindi naman niya kakilala.
__________5. Dahil nawalan ng kuryente sa kanilang bahay,
nagpasya na lang si Jun na huwag nang gawin
ang takdang aralin.
__________6. Bago bilhin ni Rowena ang gatas, tiningnan muna
niya ang “expiration date” nito.
__________7. Hindi binantayan ni Michael ang dalawang taong
gulang niyang kapatid dahil siya ay naglalaro sa
kompyuter.
__________8. Puro chichirya lamang ang kinakain ni Alma.
__________9. Pinili ni Joshua ang magsabi ng totoo kahit pa siya
ay mapapagalitan.
__________10. Tinanong muna ni Mario ang kanyang nanay
kung anong gamot ang iinumin para sa sakit ng
ulo.
6
SANGGUNIAN:

“K to 12 Most Essential Learning Competencies”, Department of


Education, June, 2020, page 86.
Buhay-Teacher. “McDonalds Throws Graduation Party for Kid
who went viral for studying outside the store”. Retrieved
on June 28, 2020 https://buhayteacher.com/mcdonalds-
throws-graduation-party-for-kid-who-went-viral-for-
studying-outside-store/

7
All Right Reserved
2020

ACKNOWLEDGEMENT
CAROLINA S. VIOLETA, EdD
Schools Division Superintendent

CECILIA E. VALDERAMA, PhD


Asst. Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA, PhD


Chief, Curriculum Implementation Division

VIVIAN R. DUMALAY
Education Program Supervisor, EsP/ALS

LEAH A. PONCE
Developer / Writer

You might also like