You are on page 1of 14

6 Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2
PAGKIKIPAGKAPUWA-TAO
Aralin:
Ako ay May Isang Salita: Pagtupad
sa Napagkasunduan (Pagkamagalang)
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan– Modyul 2: Pakikipagkapuwa-Tao
Aralin: Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa Napagkasunduan (Pagkamagalang)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Roy E. Soberano, T-II


Febie Lee B. Pelitro, T-II
Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Febie Lee B. Pelitro, T-II
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente-Division OIC-LRMS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon –SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Aralin:
Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa
Napagkasunduan (Pagkamagalang)

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa
Napagkasunduan (Pagkamagalang).
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pakikipagkapuwa-tao. Ito rin
ay naglalaman ng mga gawain at gabay
para sa mag-aaral na angkop sa kanilang
kasanayan bilang mag-aaral sa ikaanim
na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa araling Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa
Napagkasunduan (Pagkamagalang).
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

2
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang


Yunit II- Pakikipagkapuwa-tao ng Edukasyon sa Pagpapakatao 6. Ito ay may
pamagat na Ako ay May Isang Salita: Pagtupad sa Napagkasunduan na binubuo ng
konseptong pagkamagalang.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang maipakikita ang
kahalagahan ng pagiging responsible sa kapwa sa pamamagitan ng pagtupad
sa napagkasunduan.

3
Subukin

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat ang salitang Tama sa patlang
kung ang isinasaad ay tungkol sa pagtupad sa napagkasunduan at Mali kung hindi.
______1. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa
plasa at nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit
sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon subalit nauna kang pumunta
upang manood.

______2. Humiram ka ng aklat sa kaibigan mo. Napagkasunduan ninyong dalawa na


isasauli mo ito pagkaraan ng tatlong oras. Agad mo itong isinauli
pagkatapos mong gamitin.

______3.Napagkasunduan ninyo ng tatay mo na bibilhan ka niya ng bagong pares ng


sapatos. Nang dumating siya, agad niyang inabot ang pares ng rubber shoes
na binili niya para sa iyo.

______4. Lahat kayo sa inyong baitang ay nagkasundo na maglalaan ng panahon


para sa paghahalaman. Lahat ay naglaan ng kanilang oras sa pagpapaganda
ng kanilang halamanan maliban sa’yo dahil marami kang inaasikasong
ibang gawain.

______5. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na magpapakain ka sa susunod


na linggo. Dumating ang araw ng inyong napagkasunduan ngunit abala ka
sa pagbibisikleta at ipinaalam mo na lamang sa kanila na hindi matutuloy
ang nasabing kasunduan.

______6. Abala ka sa paglilinis ng inyong bahay. Naalala mo na may kasunduan kayo


ng iyong kaibigan na samahan siya sa talipapa. Agad kang nagligpit at
pinuntahan siya para samahan.

_______7. Kaarawan ng iyong nakababatang kapatid sa makalawa at


napagkasunduan ninyong manonood kayo ng sine ngunit binalewala mo ito.

_______8. Napagkasunduan ninyong magkakabarkada na maglalaro ng basketball sa


araw ng Sabado. Lahat ay tumupad sa usapan.

_______9. Sa paglalaro ng soccer sumagi sa isip mo ang plano ninyong


magkakaibigan na magkikita kayo sa tapat ng palengke. Hindi ka dumating
dahil nagpatuloy ka sa paglalaro.

________10. Ang ilang mag-aaral sa ikaanim na baitang ay nag-usap-usap at


nagkasundong magkikita sa tabing-ilog upang maligo. Maaga pa silang
pumunta sa lugar na napagkasunduan.

4
Ako ay May Isang Salita:
Aralin Pagtupad sa Napagkasunduan
(Pagkamagalang)
Magandang araw! Marahil ay nalulugod ka nang malaman ang bagong
aralin sa Ikalawang Markahan. Kaya dapat nating isaisip at isapuso ang
nilalaman ng modyul na ito upang iyong maisasabuhay ang mga
kaalamang matutunan mo dito.

kaugaliang natutunan mo!

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung iyong ginagawa at ekis (X) naman kung hindi.
Mga Tanong Ginagawa Hindi Ginagawa
1. Humihingi ng paumanhin kung hindi
nakatupad sa pangako
2. Pinagsisikapang panindigan ang pangako
sa kapwa
3. Dumarating sa tamang oras ng
napagkasunduan
4. Madalas gumagawa ng pangako sa kapwa
5. Nagbabayad ng utang ayon sa takdang
panahon ng pinagkasunduan

Tuklasin

Magandang araw sa iyo! Sa bahaging ito ay ipakikilala ko sa iyo ang iyong bagong
aralin. Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba, nakakatuwa at bagong aral na
naman ang matutunan mo dito.

Sitwasyon:

Isang grupo nang mag-aaral ang naatasang magbigay ng maikling


panuntunan. Pagkatapos ng klase ay nagkaroon ng pagsasanay ang pangkat nila
Jenny. Pinangunahan niya ito at napagkasunduan ng grupo na walang liliban sa
oras ng pagsasanay upang madaling mabuo ang palatuntunan.

Si Jenny ay kasama sa pangkat na magbibigay ng isang sayaw. Dalawang


beses ng nagsasanay ang grupo subalit hindi siya nakasipot sa ikatlong araw.

5
Tanging siya lamang ang hindi makasunod, dahil sa kanya ay nagtagal ang oras nila
sa pagpapraktis. Hiyang-hiya si Jenny sa pangyayari kaya’t kinabukasan ay tinupad
niya na makarating sa praktis upang matutunan niya ng buong husay ang sagot.

Suriin
Marahil ay naintindihan mo ang kwentong iyong binasa, ngayon naman ay sagutin
mo ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang napagkasunduan ng grupo ni Jenny?


___________________________________________________________________________

2. Ano ang ginawa ni Jenny upang matutunan ang sayaw?


___________________________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng pagtupad sa napagkasunduan?


_____________________________________________________________________

Pagyamanin

May mga pagsasanay akong ibibigay upang mapatibay ang iyong pang-unawa at
kasanayan sa paksang ito.
Panuto: Iguhit sa bilog ang mukhang angkop sa sitwasyon. Nasisiyahan kapag
nagpapakita ng pagtupad sa napagkasunduan at nalulungkot
kapag hindi.

1. Napagkasunduan ng buong mag-aaral na dadalo sila at magbibigay ng


sorpresa sa karawan ng kanilang guro. Hindi nakadalo si Marta dahil may
iba siyang inatupag.
2. Nasira mo ang bagong laruan ng nakababata mong kapatid.
Nakipagkasundo ka sa kanya na papalitan mo ng bago ang nasirang laruan
kinabukasan ngunit nakalimutan mo itong bilihan dahil sa pagmamadali mo
sa pag-uwi.
3. Napag-usapan ninyong magkakaibigan na bibili kayo ng regalo para sa
kaarawan ng inyong guro. Akmang napadaan kayo sa nagtitinda ng
magagandang bag. Bumili kayo bilang panregalo tulad ng
iyong napagkasunduan.
4. Napag-usapan ninyong magkakapatid na maaga pa kayong gigising upang
tumulong sa mga gawaing bahay ngunit tinanghali ka ng gising.
5. Pumunta ka sa lugar na pinagkasunduan ninyong magkakaibigan sa
takdang oras.

Isaisip
6
Laging Tandaan
Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng pagkamapanagutan dahil
ang taong responsible ay ginagawa ang kaniyang sinasabi.

Isagawa

Ngayon ay isasalin natin ang iyong bagong kaalaman sa tunay na sitwasyon ng


buhay.

Panuto: Dugtungan nang naangkop na mga salita ang mga sitwasyon sa ibaba.

1. Kung ikaw ay nangako na darating sa lugar na napagkasunduan, ang gagawin


mo ay _____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kung napagkasunduan ninyo na dadalo sa pagpupulong, ikaw ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Napagkasunduan ninyong magkakapatid na magpapakabait na at hindI


maging sakit sa ulo ng inyong magulang, ang gagawin mo ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Napagkasunduan ng grupo ninyo na ikaw ang bahala sa pag-aayos ng inyong


proyekto sa ESP dahil mas alam mo ito, ang gagawin mo ay
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Nagkasundo ang lahat na mamasyal sa plaza sa inyong lugar, ngunit marami


ka pang nakatambak na gawain, ang gagawin mo ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin

7
Ngayon naman ay gusto kong malaman o sukatin kung ano ang mga natutunanan
mo sa ating aralin.

Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagtupad


sa napagkasunduan at kung hindi.
_______1. Maagang naligo si Allan dahil napagkasunduan nila ng kaniyang nanay
na madaling araw pa sila mamamalengke.
_______2. Hindi pumunta si Jessa sa napagkasunduan nilang lugar ng kanyang
matalik na kaibigan.
_______3. Sasali sa isang paligsahan ang grupo nina Alex dahil ito ang kanilang
napagkasunduan.
_______4. Matiyagang naghintay si Aling Marta sa mall kung saan magkikita sila ng
kanyang kumareng si Aling Susing na siyang kanilang napagkasunduan.
_______5. Hindi natupad ang pinag-usapan ng barkada ni Joey na maliligo sila sa
ilog noong nakaraang Sabado dahil may ibang pinagkaabalahan ang
mga ito.
_______6. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa paaralan para
sa pagsasanay ng sayaw na itatanghal sa Lunes. Lahat ay tumupad sa
napag-usapan upang mapaganda ang kalalabasan ng
nasabing aktibidades.
_______7. Nagkasundo kayong magkakaibigan na pupunta sa plaza upang panoorin
ang mga palabas na gaganapin. Maaga kang naghanda upang makarating
sa lugar na napagkasunduan.
_______8. Napag-usapan nina Rico, Cris at Jhecor na magsasanay ng larong chess
para sa Palarong Pambansa sa araw ng Sabado ngunit hindi nakapunta
ang dalawa sa mga ito dahil may piyestang dinaluhan.
_______9. Nakiusap at nakipagkasundo si Cindy sa kanyang guro na ihahabol ang
mga gawaing hindi niya naibigay dahil sa karamdaman. Binigyan siya ng
pagkakataon na ipasa ang mga gawain sa susunod na linggo at agad niya
itong natapos.
_______10. Nag-usap sina Jessiel at Joenel na aayusin at lilinisin nila ang silid-
aralan, ngunit nagulat ang buong klase nang makita na marumi pa
rin ito.

Karagdagang Gawain

Sa isang malinis na papel, ipaliwanag ang kasabihang “Ang usapan ay usapan”.

8
9
PAGYAMANIN ISAGAWA TAYAHIN
1. Pupunta sa takdang
1. oras 1.
2. Malugod na dadalo
2. makikinig sa 2.
pagpupulong
3. 3. Tutupad sa
3.
4. binitawang salita 4.
4. Gagawin ng maayos
5. ang proyekto 5.
5. Tatapusin ang mga
gawain upang 6.
makasama sa 7.
pamamasyal gaya ng
napagkasunduan 8.
(Maaaring tanggapin ang
anumang kasagutan ng 9.
mga mag-aaral)
10.
SUBUKIN BALIKAN SURIIN
4. Mali (Maaaring tanggapin 1. Magkaroon ng
ang anumang pagsasanay sa
5. Tama pagsayaw para sa
kasagutan ng mga
kanilang
6. Tama mag-aaral)
palatuntunan
7. Mali 2. Siya ay tumupad
na sa kanilang
8. Mali
usapan na
9. Tama pagsasanay sa
pagsayaw.
10.Mali
3. Mapanatili ang
11.Tama tiwala ng iba sa
atin
12.Mali
(Maaaring tanggapin
13.Tama ang anumang
kasagutan ng mga
mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Values 6, www.slidesharenet.com.ph

10
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod
naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like