You are on page 1of 16

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Nag-iisip Ako Bago Gumawa
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Nag-iisip Ako Bago Gumawa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Febie Lee B. Pelitro, T-II


Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Febie Lee B. Pelitro, T-II
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente- Division OIC-LRMDS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Nag-iisip Ako Bago Gumawa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Nag-iisip Ako Bago Gumawa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pagdedesisyon sa sarili na
sinusuri nang mabuti bago bumuo ng
tiyak na desisyon. Ito rin ay naglalaman
ng mga gawain at gabay para sa mag-
aaral na angkop sa kanilang kasanayan
bilang mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Nag-iisip ko Bago Gumawa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang


Yunit I-Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya ng Edukasyon sa
Pagpapakato 6. Ito ay may pamagat na Nag-iisip Ako Bago Gumawa na binubuo ng
konseptong Pagmamahal sa Katotohanan (Love of Truth) at Mapanuring Pag-iisip
(Critical Thinking).

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Masuri nang mabuti ang mga bagay na may kinalaman sa sarili na
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon.

Subukin

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at lagyan ng tsek (√ ) ang patlang kung
nagsasaad ng tamang desisyon o pasya at ekis (X) naman kung hindi.
______ 1. Nakapulot ng pitaka si Faye sa kantina ng kanilang paaralan. Agad niya
itong ibinigay sa kaniyang guro upang maibalik sa may-ari.
______ 2. Inutusan si Shello ng kaniyang nanay na bumili ng asukal sa tindahan.
Sa paglalakad pauwi napansin niyang sobra ang sukli na ibinigay ng
tindera sa kanya. Agad niya itong isinilid sa kaniyang bulsa.
______ 3. Nakita ni Sairah na itinatapon ng kanilang kapitbahay ang mga basura
sa ilog kaya pinagsabihan niya ito.
______ 4. Isang hapon niyaya si John ng kaniyang mga kaibigan na pumunta sa
Mall. Bigla niyang naalaala na may pagsusulit sila kinabukasan kaya
minabuti niyang manatili na lang sa bahay at mag-aral.
______ 5. Si Ronnie ay mayroong sakit na nakahahawa. Sa kabila ng kaniyang
sitwasyon mas pinili niyang itago ito at magliwaliw.
______ 6. Nagkataon na naroon ka nang kinuha ng iyong kaklase ang pitaka ng
inyong guro. Binigay niya sa iyo ang kalahati ng perang laman nito
upang huwag mong isumbong at pumayag ka naman sa kanya.
______ 7. Napansin mong hindi pa nakapagrecess ang isa mong kaklase. May sobra
kang tinapay at ito ay ibinigay mo sa kanya.
______ 8. Binigyan ka ng kaibigan mo ng regalo dahil kaarawan mo, ngunit ang
kanyang ibinigay ay hindi mo nagustuhan at ito’y isinauli mo sa kaniya.
______ 9. Hindi mo sinasadyang nasira mo ang laruan ng kapatid mo. Agad mo
itong inamin sa nanay mo para mapalitan ito ng bago.
_____ 10. Papasok si Allan sa paaralan nang madaanan niya ang isang matandang
lalaki na patawid sa kalsada. Napagpasyahan niyang tulungan muna ito
sa pagtawid.

1
Aralin

1 Nag-iisip Ako Bago Gumawa

Isang magandang araw, mag-aaral!


Ako nga pala si Bb. Ivana, ang iyong guro.
Kilala mo ba ang iyong sarili?
Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa
isang bagay?
Sa araling ito iyong matututunan ang mga pasiya na
makabubuti sa nakararami.
Handa ka na ba?

Naranasan mo na bang magdesisyon tungkol sa iyong sarili?


Naging maganda ba ang iyong desisyon?
Nagkaroon ba ito ng magandang resulta?
Alam mo ba ang awiting “Maging Matapat”?
Halika, awitin natin at sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong pagkatapos.

“Maging Matapat”
Gagawin ko (3X)
Di ako mandadaya
Di ako magnanakaw
At magsasabi ng
Katotohanan lang
Di ako magsisinungaling
Malagay man sa alanganin
At aaminin ang
Aking pagkakamali
https://www.youtube.com/watch?v=a878abKaF7g

Mga Tanong:

1. Ano ang isinasaad ng awitin?


___________________________________________________________________________

2. Anong mga mahahalagang bagay ang natutunan mo sa awitin?


___________________________________________________________________________

3. May mga pangyayari ba sa iyong buhay na ikaw ay nagsinungaling? Anong


naging desisyon mo?
_________________________________________________________________________

4. Masasabi mo ba na ikaw ay nakagawa ng tamang desisyon?


_______________________________________________________________________

2
Balikan

Bago ang lahat, may gusto akong balikan na kaalaman.


Ang pananalig sa Diyos ay ating magagawa sa pamamagitan ng pagtitiwala at
pananampalataya sa Kanya. Bilang nilikha Niya, tayo ay may kakayahang
gumawa ng desisyon o pasya sa kanyang gabay para sa kabutihan ng ating
sarili, pamilya at kapwa-tao.

Tuklasin

Narinig mo na ba ang kuwento tungkol sa


batang si Gustin?

May ideya ka ba kung ano-ano ang mga


katangian ni Gustin?

Si Gustin

Si Gustin ay isang batang mangangalakal ng basura. Kasama niya ang


kaniyang kaibigan sa pangangalakal upang may ipangbaon sa pag-aaral. Ang
kaniyang nanay ay labandera at ang kaniyang tatay ay isang drayber.
Isang araw habang sila ay nangangalakal, nakapulot si Gustin ng isang bag
na naglalaman ng maraming pera. Kahit anong pambubuyo ng kaniyang kaibigan
ibinigay pa rin niya ito sa kapitan ng kanilang barangay.
Pinaghintay ng kapitan si Gustin at nang sila na lamang dalawa ang naiwan
ibinalik ng kapitan kay Gustin ang bag matapos matiyak na walang pinagsabihan
si Gustin maliban sa kaniyang kaibigan.
Binigyan siya ng kapitan ng dalawang pagpipilian. Una, dadalhin nila sa
munisipyo para mailagay ito sa ligtas na lugar at tutulungan siya na hanapin ang
may-ari. Pangalawa, gamitin ito sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Hinayaan siya ng kapitan na mag-isip nang mabuti at hihintayin ang magiging
pasya nito.
Maliit pa lang na bata kilala na sa pagiging matapat si Gustin sa kanilang
lugar, pati ang kaniyang mga magulang, mahirap ngunit marangal. Ang naging
desisyon ni Gustin ay isauli ang pera sa may-ari.

Panoorin ang video sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=65hLffZJhMg

3
Suriin

Gaano mo kaya naunawaan at naisapuso ang kuwentong


binasa/napanood?
Halika, sagutin natin ang mga sumusunod na katanungan!

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ilarawan ang mga pangyayari o kaganapan sa kuwento na nakapukaw sa


iyong damdamin.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Kung ikaw si Gustin, gagawin mo din ba ang ginawa niya? Bakit?


__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Kung dudugtungan mo ang kuwento, sa anong paraan mo


ito gustong magwakas?
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Anong natutunan mo sa nabasa/napanood mong kuwento


kahapon? Si Gustin ba ay matatawag nating magandang ehemplo
lalo na sa batang tulad mo? Bakit?
Binabati kita sa iyong kahusayan. Naipamalas mo ang iyong
mapanuring pag-iisip kaya patuloy mo itong paunlarin.
Ngayon, oras na para isulat mo ang iyong saloobin batay sa
sumusunod na sitwasyon sa ibaba.
Handa ka na ba?

4
Sitwasyon Saloobin
1. Isang batang nangungupit sa
bulsa ng tatay
2. May batang babae na tumulong
sa matanda sa pagtawid
3. Isang mag-aaral na
nangongopya sa araw ng
pagsusulit

Pamatnubay na mga katanungan:

1. Ano-anong mga pag-uugali ang ipinakita ng mga bata sa mga sitwasyon na


nasa loob ng kahon?

2. Kung sa iyo nangyari ang mga sitwasyon, ano ang gagawin mo? Bakit?

Isaisip
3.
Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na mag-isip nang malinaw at
makatwiran tungkol sa kung ano ang gagawin o kung ano ang paniniwalaan.
Kabilang dito ang kakayahan upang makisali sa reflective at malayang pag-iisip.

Mahalaga ang pagiging matapat sa lahat ng oras. Ito ay sandigan ng


katotohanan sa pagbuo ng isang natatanging desisyon.

Ang pagpanig sa katotohanan ay nagpapakita ng pagiging matapat.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng apat hanggang limang pangungusap kung ano ang naging
realisasyon mo tungkol sa pagmamahal sa katotohanan o pagiging
matapat.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5
Tayahin

Panuto: Bilugan ang kung nagsasabi ng tapat kung hindi ang mga
sumusunod na sitwasyon.

1. Humingi ng pera si Alonzo ngunit ito ay binili nya ng kendi sa


halip na lapis.
2. Nakita ni Bea na nalaglag ang pera ng kaniyang kaibigan kaya
agad niya itong pinulot at isinauli.
3. May proyekto sa Math sina Roy at Rennie. Sila ay humingi sa
kanilang nanay ng tamang halaga para pambayad.
4. Sobra ang sukli ng tindera kay Anna at hindi niya ito ibinalik.
5. Kumuha ng pera sa pitaka ng nanay niya si Gaspar
nang hindi nagpapaalam.
6. Nakapulot si Marilyn ng bag sa kalye. Nakalagay sa loob ang
pangalan at address ng may-ari. Nagkataong pag-aari ito ng
kaniyang kaklase kaya agad niya itong isinauli.
7. Nagpaalam si Evelyn na pumunta sa paaralan subalit sa bahay
ng kaibigan ito pumunta.
8. Pinuna ni Marco ang maling timbangan ng
tindera sa palengke.
9. Binigyan si Gina ng kaniyang lolo ng isang libong piso para
paghahatian nilang magkakapatid. Hinati niya ito nang wasto at
ibinigay sa mga kapatid.
10. Itinago at iniuwi ni Bryan ang napulot niyang sombrero

Karagdagang Gawain

Batay sa ating araling natalakay, pumili ng isang gawain na naaayon sa iyong


kakayahan mula sa konseptong pagmamahal sa katotohanan at mapanuring pag-
iisip at ipakita ito sa klase sa susunod na araw.

 Awit

 Collage

 Tula

 Poster

6
Subukin Suriin Pagyamanin
1. √ 1. Si Gustin kwento. Mga posibleng sagot:
2. X 2. Ang pangyayari o
1. Ang bata sa
3. √ kaganapan na
sitwasyon ay may
4. √ pumukaw sa aking
ugaling
damdamin ay sa
5. X nangunguha ng
yugto kung saan
6. X isang bagay na
siya ay nag-iisip
7. √ hindi nagpapaalam.
kung ano ang
8. X Kung ako ang nasa
magiging desisyon
9. √ sitwasyon hindi ko
niya sa perang
ito gagawin dahil ito
10. √ kanyang nakita.
ay nagpapakita ng
3. Opo, dahil kahanga-
hindi kanais-nais
hanga ang
na gawain.
katapatang kanyang
2. Ang bata ay isang
ipinakita.
matulungin. Siya ay
4. Mabigyan si Gustin
aking tutularan
ng gantimpala dahil
dahil alam kong
sa kanyang
tama ang kanyang
katapatang ginawa.
ginawa.
3. Ang mag-aaral ay
nandaraya. Hindi ko
siya gagayahin dahil
isa itong panloloko
sa aking sarili at sa
aking kapwa.
Susi sa Pagwawasto
Isagawa Tayahin
Posibleng sagot: 1.
Ang pagmamahal sa 2.
katotohanan o pagiging
3.
matapat ay nagdudulot
ng kabutihan sa sarili 4.
at sa kapwa-tao. Ito ay
nagbibigay ng 5.
kapanatagan sa 6.
kalooban at kaisipan.
Ang mga kabutihang 7.
ginawa natin ay may
8.
nakalaang gantimpala
mula sa Maykapal kaya 9.
dapat kailangan gawin
10.
natin ang tama sa
lahat ng panahon at
sitwasyon.
Sanggunian
“GUSTIN” youtube.com, Accessed May 14, 2020,
https://www.youtube.com/watch?v=65hLffZJhMg

“Maging Matapat” youtube.com, Accessed May 14, 2020


https://www.youtube.com/watch?v=a878abKaF7g
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon.
Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-
2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul
na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang
puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like