You are on page 1of 17

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 8:
Tamang Impormasyon sa
Internet/Social Media,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 8: Tamang Impormasyon sa Internet/ Social Media,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marie Jane S. Diaz , MT-I


Elke N. Pilotos, MT-II
Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Febie Lee B. Pelitro, T-II
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente- Division OIC-LRMS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor
Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 8:
Tamang Impormasyon sa
Internet/Social Media,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Tamang Impormasyon sa Internet/Social
Media Sinisiguro Ko Bago Gamitin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pagdedesisyon sa sarili na
sinusuri nang mabuti bago bumuo ng
tiyak na desisyon. Ito rin ay naglalaman
ng mga gawain at gabay para sa mag-
aaral na angkop sa kanilang kasanayan
bilang mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module (SLM)


ukol sa Tamang Impormasyon sa Internet/Social Media, Sinisiguro Ko Bago Gamitin!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang


Yunit I-Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya ng Edukasyon sa
Pagpapakato 6. Ito ay may pamagat na Tamang Impormasyon sa Internet/Social
Media, Sinisiguro Ko Bago Gamitin na binubuo ng konseptong Pagmamahal sa
Katotohanan (Love of Truth), Pagkabukas ng isipan (Open-mindedness), at
Pagkamahinahon (Calmness).

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Naisagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng
isang desisyon na nakabubuti sa pamilya sa paggamit ng impormasyon
sa pamamagitan ng internet/social media.

Subukin

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Punan mo ng mukhang


nakangiti ( ) kung ikaw ay sang-ayon at nakasimangot ( ) kung ikaw
ay hindi sang-ayon.

1. I-post ko sa social media ang tama at wastong impormasyon lamang.


2. I-post ko sa social media na magbabakasyon ako bukas sa Boracay
para inggitin ang aking mga kaibigan.
3. Ipa-access ko lamang ang aking status update at picture sa mga taong
kilala at pinagkakatiwalaan ko.
4. Maaaring maubos ko na sa social networking ang oras ko at napabayaan
ko ang aking pag-aaral.
5. Badyetin ko ang panahon sa paggamit ng social media gaya ng ginagawa
ko sa aking pera.
6. Uunahin kong aasikasuhin ang aking facebook account kaysa sa mga
gawaing bahay.
7. Gagamitin ko ang social media para iparamdam sa mga kapamilya kong
malayo na mahal ko sila.
8. I-update ko gamit ang social media ang aking mga kaklase tungkol sa aming
mga aralin at mga proyekto.
9. Dahil magkagalit ang pamilya ko at pamilya ng kapitbahay namin
ipagkakalat ko sa social media na hindi maganda ang ugali nila bilang
isang kapitbahay.
10. Hayaan ko lang na i-share ng aking mga kapatid ang mga fake news sa
social media.

1
Aralin Tamang Impormasyon sa
1 Internet/Social Media,
Sinisiguro Ko Bago Gamitin
Kamusta! Sa loob ng 7 linggo ay marami kang natutunan sa bawat
aralin. Ngayon ay nasa panghuli mo na itong modyul sa Yunit I-
Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya at kagaya ng
lagi kong sinasabi, isapuso ito upang maisabuhay mo ang bawat
magagandang kaugaliang natutunan mo!

Balikan

Iugnay ang hanay A ayon sa kanyang deskripsyon sa hanay B. Isulat ang letra ng
tamang sagot patlang na nakalaan bago ang bilang.
Hanay A Hanay B

a. Isang social networking


_______1. website na libre ang pagsali

b. Isang website na nagbabahagi


ng mga bidyo at nagbibigay-
http://content.time.com/time/co daan para sa mga
vers/0,16641,20061023,00.html tagagagamit o user nito na
mag-upload, makita, at
_______2. ibahagi ang mga bidyo clip

https://medium.economist.com/why-
c. Peryodikong publikasyon na
does-the-economist-call-itself-a- naglalaman ng
newspaper-39e25e2c8d25 maraming artikulo,
kalimitang pinopondohan ng
_______3. mga patalastas. Ito ay
nagbibigay ng impormasyon
https://en.wikipedia.org/wiki/Google_Images sa mga mambabasa

d. Isang uri ng paglilimbag na


naglalaman ng balita,
_______4. impormasyon at patalastas,
kadalasang na imprenta sa
mababang halaga
https://www.entrepreneur.com/article/307615

e. Dito maaring maghanap ng


impormasyon o links patungo
_______5. sa ibang website kaugnay sa
hinahanap, gamit
https://www.shutterstock.com/search/facebook+logo
ang "keywords"

2
Tuklasin
Basahin at unawain ang sanaysay.

“KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA EDUKASYON”


January 7, 2019
Ni: Alyssa Sadorra
Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang
kahalagahan na naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang social
media ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya. Ito ay
nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao at nagdudulot
na magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral.
Sakop ng internet ang social media sapagkat kung walang internet hindi
tayo makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas
maging mahusay sa pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung
lumiban ang isang mag-aaral maaari siyang gumamit ng social media upang
magtanong sa kanyang mga kaklase kung ano ang mga dapat gawin sa bawat
asignatura. Samakatuwid ang social media ay nagpapatibay ng komunikasyon ng
bawat tao. Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong gustong
malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at
maghanap ng reperensya.
Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng
komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa
isang tao. Naglalaman dito ang mahahalagang impormasyon.
Sumunod naman ang Google ang pinakamahalagang parte ng social media kung
saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa mga
reports, research, assignments, projects at iba pa.
Ang Youtube naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video na
naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Ang social
media ay isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao.
Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalong- lalo na sa mga mag-aaral. Sa social media
napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.
Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga
mag-aaral. Sa mga iba't ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na
mapagtibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong
kaibigan at nagkakaroon ng komunikasyon ang dating magkakaibigan na matagal
nang hindi nagkikita. Naipapahayag natin sa social media ang ating mga saloobin
ngunit dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social media.
May mabuti at masamang dulot ito. Dapat pa rin bigyang halaga ang mga
mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa teknolohiya umiikot ang ating
buhay. Sa maikling salita ,maging bukas ang isipan natin sa pagbabago, wasto,
tama at totoong impormasyon ang dapat na matutunan ng mga kabataan sa
social media. higit sa lahat maging mahinahon ang mga kabataan sa pagbasa ng
mga isyu at komentaryo, huwag padalos-dalos na magkomentaryo din.

3
Suriin
Sagutan mo ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang kahulugan ng social media para kay Alyssa?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang dalawang dulot ng social media?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Magbigay lamang ng dalawang mabuting impormasyon na makukuha
mo sa paggamit ng social media.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ikaw ay nagpost ng iyong family picture sa facebook, maraming
nagbigay ng likes dito. Pero may nag-comment ng masakit sa damdamin
mo. Ano ang magiging reaksyon mo dito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ano ang karapat-dapat na matutunan ng isang mag-aaral sa paggamit
ng social media na sinabi ng may akda sa sanaysay na binasa natin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Siyasatin ang mga sitwasyon sa ibaba at lagyan ng tsek ( / ) ang patlang
kung nagsasaad ng tamang desisyon o pasya at ekis ( X ) naman
kung hindi.
____1. Lahat ng mababasang impormasyon sa social media ay totoo at tama.
____2. Dapat tatlong oras kada araw ang paggamit ng isang bata sa
social media.
____3. Kailangang maging matalino at mapanuri pa rin tayo sa mga
impormasyong nakakalap.
____4. May epekto ang social media sa emosyon at pakikisalamuha ng isang
tao, partikular ang bata.
____5. Fake news ang makabagong tawag sa tsismis

4
Isaisip

Kailan mo masasabi na ginamit mo nang wasto ang social media?


Kapag wala kang nilabag na batas sa paggamit nito, wala kang
sinaktan na tao at para sa kabutihan ng lahat ang ginawa mo.
Gumamit ka lamang ng totoo at tamang impormasyon.

Isagawa
Basahin ang tula at sagutin ang katanungan sa ibaba.

SOCIAL MEDIA
ni PilosopaSiAkoh

Uso sa mga kabataan


Kahit trabaho ay napapabayaan
Di pwedeng kahit saglit maiwanan
Pag tumunog na yan paniguradong
Kahit pagkain ipagpapaliban.
Sa social media madaming ganap
Kahit na pag-ibig ay nahanap
Ang galing di ba?
Pati karelasyon instant na.
RS kung tawagin ang relationship,
Mga kabataan nga naman ngayon
Weird kung mag-isip
DA o DUMMY ACCOUNT yan naman ang
tawag sa account na di mo mukha ang nakikita,
Relasyong kasinungalingan ay nagsisimula
Depende na lang talaga kung paano
Gagamitin ang social media,
Mga kabataan ay di na mapipigilan
At lilipas na lang ang panahon,
Mga nakasanayan noon ay tuluyan nang lalaon.
Tanong:
Bilang isang mag-aaral at marunong gumamit ng social media, paano mo
ipakikita na responsable at mabait kang anak ng iyong mga magulang?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5
Tayahin
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ginagamit ito ng nakakarami para sa komunikasyon tulad ng mga
nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFW).
a. Telebisyon
b. Telepono
c. Telegram
d. Social media
2. Ano ang karamihang pinagpupuyatan ng mga kabataan sa gabi na minsan
ay hindi na maganda sa kanilang kalusugan?
a. Facebook
b. Aklat
c. Telebisyon
d. Paglaro ng chess
3. Ang masasamang epekto ng social media ay maiiwasan kung _______.
a. May sapat na patnubay ang mga magulang sa kanilang kabataan.
b. Hahayaan ang kabataan sa gusto nila.
c. Bigyan ng maraming oras ang kabataan na mag-explore sa social media.
d. Walang pakialam ang mga magulang.
4. Ang social media para sa kabataan ay mahalaga dahil___________
a. Natututo silang magbigay ng comments sa facebook mabuti
man o hindi.
b. Nagiging daan ito tungo sa pakikipag-usap sa kapwa kaklase o guro para
sa mabisang ugnayan.
c. Nagkakaroon ng sapat na oras upang panoorin ang ipinagbabawal
sa kanila.
d. Natututo sila sa mga uso kahit hindi bagay sa kanila.
5. Ang isang batang responsible sa paggamit ng social media ay _________
a. Nagiging tamad.
b. Hindi sumisipot sa paaralan.
c. Naging mas mahusay sa pag-aaral at may positibong pananaw.
d. Naging aktibo sa latest na bagay kahit walang kakayahan
sa buhay.
6. Nakita mo na nanonood ng malaslaswang palabas sa social media ang iyong
kapatid. Ano ang iyong gagawin?
a. Hayaan na lamang na parang walang nakita.
b. Makinood na rin kasama ang iyong kapatid.
c. Pagsasabihan ang kapatid na huwag manood ng malalaswang palabas.
d. Tulungan ang kapatid na maghanap ng mga kaparehong palabas sa
social media.

6
7. Tama bang i-post mo sa social media ang sama ng loob mo sa isang tao?
a. Tama, dahil ito ay ang magandang pagakakataon upang malaman niya
ang saloobin ko tungkol sa kanya.
b. Mali, dahil ang social media ay isang pampublikong proporma kung saan
nababasa ng lahat.
c. Tama, para makasagot kaagad siya dahil mabilis ang pagdaloy ng mga
impormasyon sa social media.
d. Mali, dahil pwede mo namang siyang sugurin sa kanilang bahay at
ipagsigawan sa lahat ang sama ng loob mo sa kanya.
8. Niyaya ni Mike ang kaibigan niyang si Reymond na huwag nang pumasok sa
klase dahil maglalaro nalang sila ng online game sa internet café. Tama ba
ang ginawa ni Mike?
a. Tama, dahil malilibang silang dalawang magkaibigan sa online game.
b. Mali, kasi pwede naman silang maglaro ng habulan sa parke ng
kanilang barangay.
c. Tama, sapagkat marami naman silang mapupulot na aral sa
online game.
d. Mali, dapat mas maging prayoridad nila ang kanilang pag-aaral kaysa sa
online game dahil ito ang magbibigay sa kanila ng mga iba’t
ibang kaalaman.
9. May nabasa kang isang post sa social media, alam mong ito ay isang fake
news. Ano ang gagawin mo?
a. Maglalagay ako ng comment na fake news ito at huwag ng i-share pa
sa iba.
b. I-share ko sa iba para marami pang makabasa nito.
c. Maglalagay ako ng like comment at i-share sa iba para masaya.
d. Hayaan ko na lamang na kumalat ang fake news na nabasa ko. Ang
mahalaga alam kong hindi iyon totoo.
10. Isang gabi, nakita ka ng nanay mo na nakatutok pa rin sa cellphone mo at
naglalaro ng online game na ML. Pinagsabihan ka ng nanay mo na tigilan na
ito kasi gabi at may pasok ka kinabukasan. Ano gagawin mo?
a. Magalit sa nanay kasi inistorbo ka niya sa laro mo.
b. Susundin ang nanay para hindi mahuli sa pagpasok sa
klase kinabukasan.
c. Sasabihing matutulog na, pero magtatakip ng kumot at maglalaro pa rin.
d. Hayaan lamang si nanay na parang walang narinig.

Karagdagang Gawain

Gumawa ka ng isang poster gamit ang long bond paper na nagpapakita ng


tamang paggamit ng impormasyon gamit ang social media.

7
Suriin
Posibleng sagot:
1. Ang social media ay produkto
ng makabagong teknolohiya.
Nagkaroon ito ng epekto sa
paghubog sa ugali at kaisipan
ng bawat tao. Nagdudulot ito
na magpalakas o magpahina
sa mga positibong pananaw ng
bawat mag-aaral, Nagpapatibay
din ito ng komunikasyon ng
bawat tao.
2. May mabuti at masamang
dulot ito.
3. *Ang gusto kong malaman sa
aking pag-aaral ay nandito na
at hindi na kailangang
magpunta sa malalaking silid-
aklatan upang maghanap g
reperensya.
* May mga video na
naglalaman ng mga
halimbawa kung paano
gawin ang isang bagay na
gusto kong matutunan.
Subukin 4. Para po sa akin , hindi ako
agad-agad na gagawa ng
1. hakbang sa halip mag-isip-isip
2. muna ako kung ano ang
3. mabuti. Para din po sa
ikabubuti ng pamilya ko ang
4.
gagawin ko.
5. 5. Maging bukas ang isipan sa
6. Balikan pagbabago, wasto, tama at
7. totoong impormasyon ang
1. C. nararapat na matutunan sa
8.
2. D. paggamit ng social media.
9.
3. E. Higit sa lahat maging
10. mahinahon ang mga kabataan
4. B.
5. A. sa pagbasa ng mga isyu at
komentaryo, huwag padalos-
dalos na magkomentaryo din.
Susi sa Pagwawasto
Isagawa
Posibleng sagot:
 Pag walang klase
at nasa bahay po
ako, uunahin ko
muna ang mga
gawaing nakaatang
sa akin. Pag
panahon na ng
pahinga, saka ko
lang buksan ang
social media ko.
Pawang sa
ikabubuti ng pag-
aaral lamang ang
paggamit ko ng
social media.
Gagamitin ko lang
ang gadget ko ng
1-2 oras Tayahin
pagkatapos ay
magpapahinga na 1. D.
Pagyamanin rin ako para di 2. A.
masira ang mga 3. A.
1. X 4. B.
mata ko at ang
2. √ kalusugan ko. 5. C.
3. √ 6. C.
4. √ 7. B.
5. √ 8. D.
9. A.
10.B.
Sanggunian
Sardona, Alyssa, Kahalagahan ng Social Media sa Edukasyon, Accessed May 28,
2020, https://medium.com/@alyssasadorra/kahalagahan-ng-social-media-sa-
edukasyon-14995a6225b2

PilosopaSiakoh, Social Media, Accessed May 28, 2020,


https://www.wattpad.com/478942471-tula-on-going-social-media (social media ni
PilosopaSiAkoh)

“Facebook” wikipedia.org, Accessed May


28,2020,https://tl.wikipedia.org/wiki/Facebook

“Google” wikipedia.org, Accessed May


28,2020,https://tl.wikipedia.org/wiki/Google

“Magasin” wikipedia.org, Accessed May


28,2020,https://tl.wikipedia.org/wiki/Magasin

“Pahayagan” wikipedia.org, Accessed May


28,2020,https://tl.wikipedia.org/wiki/Pahayagan

“Youtube” wikipedia.org, Accessed May


28,2020,https://www.wikiwand.com/tl/YouTube
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like