You are on page 1of 31

9

EKONOMIKS
Unang Markahan – Modyul 4
MGA URI NG SISTEMANG PANG -
EKONOMIYA
Asignatura – Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 4: Mga Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jazer John B. Arsenal, Jocelyn Delposo, Brigida R. Pleños,
Josephine L. Castillo, Dinah M. Dimajiva
Editors: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagasuri: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagaguhit: Jazer John B. Arsenal
Tagalapat: Emily E. Baculi
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Name of Schools Division Superintendent
Name of Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny A. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lito S. Adanza- Divison EPS Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
9

EKONOMIKS
Unang Markahan – Modyul 4:
MGA URI NG SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga uri ng Sistemang Pang-ekonomiya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga uri ng Sistemang Pang-ekonomiya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa na naayon sa iyong kakayahan. Ito ay


makatutulong na maisagawa ang mga pagsasanay at matutunan ang tungkol sa iba’t
ibang sistemang pang-ekonomiya. Ang mga gawaing ibinigay sa sitwasyon ay naayon
sa iyong mga karanasan, nang sa ganoon ay madali mong maintindihan ang aralin.
Ang bawat gawain ay nailapat sa paraang naaayon at nararapat sa daloy ng
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:

Aralin 4- Mga iba’t - ibang uri ng Sistemang Pang-ekonomiya

Pagkatapos ng mga pagsasanay sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ang iba’t - ibang sistemang pang-ekonomiya.

1. Naiisa-isa ang mga konsepto ng Sistemang Pang-ekonomiya;


2. Natutukoy ang mga katangian ng iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng sistema sa ekonomiya;

1
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

Gawain 1: Mga Paunang Pagtataya

A. Panuto : Sagutin ang talasalitaan. Pagtapat - tapatin ang mga salita sa naayon
na kahulugan nito. Gumuhit ng linya mula sa salita patungo sa kahulugan nito.

1. Alokasyon pinahihintulutan ang ibang kasapi ng


ekonomiya na makabuo ng mga
impormasyon at magtakda kung anong
mga pangangailangan at kagustuhan
ang una nilang tutugunan

2. Market economy ang mga kinakailangang impormasyon


ay binubuo at itinakda ng iilang tao,
grupo, o institusyon

3. Sentralisado aspekto ng bansa kung saan


tinutugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao

4. Desentralisado sistemang pang-ekonomiya kung saan


ang produksiyon at distribusyon ng mga
produkto at serbisyo ay nagaganap sa
mekanismo ng malayang pamilihan
5. Pangunahing mga bagay na kailangan ng tao upang
pangangailangan mabuhay

6. Sistemang paglalaan ng takdang dami ng


pang-ekonomiya pinagkukunang yaman ayon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao

B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag, isulat ang


TAMA kung ito ay nagsasaad ng katotohanan, isulat naman ang MALI kung hindi.

2
_____7. Ang Tradisyonal na ekonomiya ay gumagamit ng mano-mano na paggawa
ng produkto.

_____8. Sa Command Economy, ang namumuno ay sinusunod ang kagustuhan ng


mga nasasakupan nito.

_____9. Ang Alokasyon ay ang tamang paggamit ng mga pinagkukunang yaman.

_____10. Ang Mixed Economy ay pinaghalong katangian ng Command economy at


Tradisyonal na ekonomiya.

C. Panuto: Buuhin ang pahayag gamit ang mga salita sa kahon.

efficient
alokasyon
Pang-ekonomiko
Pinagkukunang – yaman
Sistemang pang-ekonomiya

Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng 11._________________________ sa


ilalim ng iba’t ibang 12._________________________________. Upang matiyak na
13.____________ at maayos ang alokasyon ng mga 14._____________________, dapat
itong sumasagot sa apat pangunahing katanungang 15.___________________.

Iba’t Ibang Uri Ng Sistemang


Aralin
Pang-Ekonomiya

3
4
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin,
ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang
pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang
mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa iba’t ibang uri ng sistemang pang-
ekonomiya. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang
masagot ang katanungan kung may ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya.
Halina’t umpisahan mo na muli ang iyong pag-aaral.

Balikan

Matapos mong sagutan ang mga paunang pagtataya, pagnilayan mo muna


ang susunod na gawain upang lubusang maintindihan ang mga konsepto ukol
dito.

Gawain 2: Likas Yaman


Panuto: Makikita sa larawan
ang isang taong nag-iisip at nasa
harapan niya ang limitadong
pinagkukunang yaman. Paano
mo ito maihahalintulad ito sa
ating lipunan? Isulat ang
kasagutan sa mga patlang sa
ibaba.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4
Tuklasin

Bago natin talakayin ang bagong aralin, tunghayan mo muna ang gawain at
sagutin ang pamprosesong tanong.

Gawain 3: Larawan - Suri


Panuto: Mula sa mga larawan, tukuyin ang mga gawain at mga tauhan o institusyon
na bumubuo nito. Isulat ang sagot sa patlang na nasa ibaba ng bawat larawan.

A B

C D

Mga pamprosesong tanong:


1. Ano ano ang mga pinapakita ng mga larawan?
____________________________________________________________________________

2. Sino sino ang mga nag mamay - ari ng mga institusyong ito?
____________________________________________________________________________

3. Alin sa mga larawang ito ang pampubliko at pampribado?


____________________________________________________________________________

Gawain 4: Ano-Sino-Paano

5
Panuto: Mula sa larawan, tukuyin ang kaisipang mahihinuha gamit ang mga
gabay na tanong sa ibaba.

Mga pamprosesong tanong:

1. Maari bang magmamay - ari ang pribadong mamamayan ng negosyo?


Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sino ang nagdedesisyon sa usapin ng produksyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano ipinamamahagi ang mga pinagkukunang yaman ng bansa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ano ang pakinabang na dala ng tamang pamamahagi ng yaman ng bayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Paano itinatakda ang presyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

6
Kumusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Tunghayan at basahin ang
mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang sistemang pang ekonomiya.

Ang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na
kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari,
at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko
ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang
lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang
mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang


matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga
produkto at serbisyo.

Maaalala natin na ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na


pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-anong produkto at serbisyo
ang gagawin? Pangalawa, papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
Pangatlo, para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Panghuli, gaano
karami ang gagawing produkto at serbisyo?

Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa
daigdig:

Tradisyonal na Ekonomiya

Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na


ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay
nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing
produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot
lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan.

Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na


tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan
na itinuro ng matatanda sa pangkat. Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang
tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa

7
paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa
kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Market Economy

Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang


pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong
sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa
lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho.
Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng
pamilihan.

Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng


kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga
gawain. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng
mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng
mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser
ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling
sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at
prodyuser sa loob ng pamilihan.

Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng


proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas
na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga
pribadong indibidwal.

Command Economy

Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong


kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong
nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya (central planning agencies). Katunayan, ang pagpapasya sa
proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng
pamahalaan lamang.

Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng


mga kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan
sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay.

8
Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng
pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito.

Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet


Union. Sa kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang
Cuba at North Korea.

Mixed Economy

Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng


market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan
ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng
dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan
na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan.

Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang
nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command
at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit
maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa
pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.

May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura,


at mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na
makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal.
Gayumpaman, ito ay hindi nangangahulugang ganap na awtonomiya para sa kanila
sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

Halaw: Balitao, B., Cervantes, M., Nolasco, L., Ong, J., Ponsaran, J., Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon.
Quezon City: Vibal Publishing House

Pagyamanin

Binabati kita dahil sa natapos mo nang basahin at intindihin ang mga


mahahalagang impormasyon na patungkol sa ating aralin. Ngayon naman ay gawin
mo at sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay para iyong lubos na
pagkaunawa.

9
Gawain 5: Analysis-Tsart

Panuto: Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng paggamit ng Matrix.

Ang matrix ay nagpapakita ng mga uri ng sistemang pang - ekonomiya at mga


katangian nito. (Bigyang - pansin ang pagdedesisyon, motibo at paraan ng
pamamahagi.)

Mga
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang sistemang pang-ekonomiya?


_____________________________________________________________________
2. Ano ano ang katangian ng mga uri nito?
_____________________________________________________________________
3. Alin ang mas mainam na sistemang pang-ekonomiya? Patunayan.
_____________________________________________________________________
4. Alin ang mas nababagay na sistemang pang-ekonomiya para sa ating
bansa?
_____________________________________________________________________
Gawain 6: Data Retrieval Chart
Panuto: Magsaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pang-
ekonomiya na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlo hanggang limang
bansa at isulat ito sa kanang bahagi ng tsart.

Sistemang Pang-ekonomiya Mga Bansa

Tradisyonal na Ekonomiya

10
Market Economy

Command Economy

Mixed Economy

Mga pamprosesong tanong:

1. Ayon sa iyong nakalap at nabasang impormasyon alin sa mga bansang


ito ang maunlad?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. May mga bansa pa ba na gumagamit ng Command Economy? Ano
naman ang masasabi mo sa kanilang kabuhayan sa lugar na iyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng Sistemang Pang-ekonomiya sa bawat
bansa? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ano ang sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa Pilipinas?
Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip

Ngayong tapos na tayo sa pagtatakay ng mga mahalagang konsepto tungkol


mga sistemang pang-ekonomiya, ating ibuod ang iyong natutunan sa pamamagitan
ng pagpuno ng mga salita sa patlang.

Gawain 5: Ibuod Mo

11
Panuto: Ibuod ang natutunan sa pamamagitan ng pagpuno ng mga salita sa
patlang.

Ang ____________________ ay aspekto ng bansa kung saan binibigyan ng

katugunan ang mga suliraning _________________. Ito ay nauuri bilang

__________________, _______________________, _____________________ at

__________________________.

Isagawa

Tunghayan naman ang bahaging ito ng ating aralin. Sagutin ang gawaing ito
na makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Gawain 6: Sistema-Suri
Panuto: Suriin ang sistemang pang – ekonomiya na umiiral sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pag bibigay ng mga sumusunod na impormasyon. Punan ng sagot
ang mga kahon.

12
Tayahin

Binabati kitang muli sa iyong matagumpay na pagsagot sa pagsasanay. Nasa


dulo na tayo ng iyong pag aaral tungkol sa mga uri ng sistemang pang-ekonomiya.
Sukatin naman ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa pagtataya.

Gawain 9: PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang kasagutan.

13
1. Ano ang tawag sa aspekto ng bansa kung saan ay tinutugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao?
a. kultura
b. alokasyon
c. pamahalaan
d. sistemang pang-ekonomiya

2. Bakit ang bawat pamahalaan ay mag sinusunod na sistemang ekonomiya?


a. upang maipagmalaki sa iba ang kanilang ekonomiya
b. upang matuwa ang mga mamamayan at mabuhay ng mapayapa at
maunlad
c. upang matugunan ang kagustuhan ng mga mamamayan at makatulong
sa pag-unlad ng bansa
d. upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at
alokasyon ng mga produkto at serbisyo

3. Sa ilalim ng Command Economy, sino ang nagpapasya kung anong produkto at


serbisyo ang dapat na likhain?
a. pamilihan

b. prodyuser

c. konsyumer

d. pamahalaan

4. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang


HINDI nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
a. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng
pamahalaan.
c. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang-yaman.
d. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan
sa ilang gawain.

5. Ang bansang Pilipinas ay mayroong magkahalo na sistemang pang – ekonomiya,


alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?

a. Tanging ang pamahalaan lamang ang may hawak ng pamilihan.


b. Ang pamilihan ay magulo at hindi gaanong napamamahalaan ng
pamahalaan.

14
c. Ang mamamayan ang may hawak at kalayaan sa pagnenegosyo at pagtugon
sa pangangailangan.
e. May kapangyarihan ang pamahalaan na magkaroon ng kontrol sa mga
pampublikong institusyon at may kalayaan din ang pampribadong
indibidwal na mag negosyo.

B. Mula sa mga pag pipilian ay tukuyin ang katangian ng iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Mixed Economy

B. Market Economy

C. Command Economy

D. Tradisyunal na Ekonomiya

___6. Ito ay sistemang pang - ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol


at regulasyon ng pamahalaan.

___7. Sa ganitong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang kasagutan sa pangunahing


katanungang pang - ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang
pamilihan.

___8. Sa ganitong uri ng sistema ay walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may
maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito.

___9. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok (konsyumer at prodyuser), ay


kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking
pakinabang.

___10. Hinahayaan sa sistemang ito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit


maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa
pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.

___11. Ang mga patakarang ito ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa


kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at
North Korea.

___12. Ang sistemang ito ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital,


pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.

___13. Ang sistemang ito ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong


pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal.

15
___14. Sa ilalim ng sistemang ito ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong
nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya (central planning agencies).

___15. Sa sistemang pang-ekonomiyang ito ang kasagutan sa pangunahing


katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

C. Sanaysay
1. Pagbibigay ng mungkahi hinggil sa uri ng Sistemang Pang-ekonomiya na angkop
sa Pilipinas. (Pagtibayin ang mga punto ng kalakasan at kahinaang tinatalakay sa
paglalapat hinggil sa pagpili ng alternatibong sistema.)

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paghambingin ang mga mabuti at di – mabuting katangian ng iba’t-ibang sistema


ng ekonomiya.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubrik para sa pagbibigay ng puntos. (Sanaysay)

Pamantayan Iskor
Organisasyon ng ideya
Lohikal na presentasyon ng datos
Gramatika
Malinis at maayos na pagkakasulat
Kabuuang Iskor ________________

Katumbas na Interpretasyon

Iskala Katumbas na Interpretasyon Kabuuang Iskor


5 Magaling 17-20
4 Lubhang kasiya-siya 13-16
3 Kasiya-siya 10-12
2 Hindi gaanong kasiya-siya 7-9
1 Dapat pang linangin 4-6

16
Karagdagang Gawain

Magaling! Nasagutan mo ang pagtataya. Ngayon naman ay pagyamanin mo


ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin sa pamamagitan ng pag
sagot sa mga gawain na sumusunod.

Gawain 10: Dialogue Box


Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.

17
18
Gawain 11: Comic Strips
Panuto: Batay sa inyong obserbasyon, gumawa ng sariling comic strip, kung paano
naapektuhan ang sistemang pang-ekonomiya ng ating bansa dahil sa pandemic.
Iguhit sa loob ng kahon.

19
Gumamit ng rubrik sa pagwawasto ng mga comic strip. (20 puntos)

Kriterya Indikator Iskor


Katibayan ng kakayahang maglapat ng
Nilalaman
kaalaman sa bagong sitwasyon
Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng
Presentasyon
mga comic strip
Biswal na pang-akit Malinis at maayos ang likhaing guhit

Kabuuang epekto Naipahayag ang mensahe

Kabuuang Iskor _______________

Katumbas na Interpretasyon

Iskala Katumbas na Interpretasyon Kabuuang Iskor


5 Magaling 17-20
4 Lubhang kasiya-siya 13-16
3 Kasiya-siya 10-12
2 Hindi gaanong kasiya-siya 7-9
1 Dapat pang linangin 4-6

Susi sa Pagwawasto

20
21
Sanggunian
Tayahin: Subukin
Gawain 9 A.
A. 1. paglalaan ng takdang dami ng
pinagkukunang yaman ayon sa
1. B pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. sistemang pang-ekonomiya kung saan
2. D
ang produksiyon at distribusyon ng mga
3. D produkto at serbisyo ay nagaganap sa
mekanismo ng malayang pamilihan.
4. B 3. pinahihintulutan ang ibang kasapi ng
ekonomiya na makabuo ng mga
5. D impormasyon at magtakda kung anong
B. mga pangangailangan at kagustuhan
ang una nilang tutugunan.
6. C. 4. ang mga kinakailangang impormasyon ay
binubuo at itinakda ng iilang tao, grupo,
7. B o institusyon.
5. mga bagay na kailangan ng tao upang
8. D
mabuhay.
9. B 6. aspekto ng bansa kung saan
tinutulungan ang pangangailangan at
10. A kagustuhan ng tao
11. C
B.
12. B
7. TAMA
13. B
8. MALI
14. C
9. TAMA
15. D
10. MALI
C.
C.
Sanaysay: Maaring magkaroon
ng iba’t – ibang sagot ang mga 11. ALOKASYON
mag-aaral.
12. SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
13. EFFICIENT
14. PINAGKUKUNANG YAMAN
15. PANG-EKONOMIKO
LE-andSIM-Format E REYES.pptx

A. Aklat

Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon,


Bagong Edisyon 2012, Vibal Publishing House, Inc.

Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng


Guro sa Araling Panlipunan) Ikaapat na Taon, Vibal Publishing House, Inc.

Balitao, et.al, Modyul para sa mga Mag-aaral, Ekonomiks, 2015.

22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like