You are on page 1of 20

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Konsepto ng Pagkonsumo
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Konsepto ng Pagkonsumo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jessica Altarejos- Calisagan
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor
Tagasuri: Eden S. Templonuevo/ Ruby R. Denofra, Head teachers, AP
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS and Division ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Konsepto ng Pagkonsumo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto ng
Pagkonsumo

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Konsepto ng Pagkonsumo !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa pag-aaral mo ng mga mahahalagang


konsepto ng Ekonomiks. Isa sa mahahalagang konsepto ng Ekonomiks ay ang
pagkonsumo na magiging pokus ng aralin natin ngayon. Ang pagtugon sa mga
pangangailangan natin para mabuhay at masiyahan ang nagtutulak sa atin para
kumunsumo ng produkto at serbisyo. Ito ay mahalaga sa ekonomiya ng ating
bansa sapagkat dito nakasalalay ang iba’t ibang gawaing pag-ekonomiya. Ang
pagkonsumo natin ang dahilan para lumikha ng maraming produkto at serbisyo
ang mga prodyuser na magpapasigla sa ekonomiya ng ating bansa.

Sa modyul na ito tatalakayin ang mga paksang:

1. Konsepto ng Pagkosumo
2. Mga Batas ng Pagkonsumo
3. Proseso ng Paggawa ng Desisyon ng mga Konsyumer
4. Mga Uri ng Pagkonsumo

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga salik na


nakaaapekto sa pagkonsumo.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin makakamit mo ang mga sumusunod
na layunin:

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo.


2. Nasusuri ang mga uri at batas ng pagkonsumo.
3. Nailalarawan ang proseso ng pagkonsumo.
4. Naisasabuhay ang matalino at wastong pagkonsumo sa pamamagitan ng
pagsasaalang sa pangangailangan at nakalaang badyet

Subukin

Kapag ikaw ba ay mamimili ng produkto o serbisyo, naglalaan ka ba ng


maraming oras at effort sa paggawa ng desisyon? Magkakaroon tayo ng isang
maiksing gawain. Basahin ang mga produkto at serbisyo na nasa ibaba, lagyan ng
1 tsek (/)kung saan ang kategorya ang kinabibilangan nito ayon sa iyong
karanasan. Handa ka na ba?

1
PRODUKTO / SERBISYO KAUNTING KATAMTA- MARAMING
ORAS AT MANG ORAS ORAS AT
PAGOD AT PAGOD PAGOD
1 Softdrinks
2 Sapatos na pang sports
3 Alahas
4 Sasakyan
5 Kurso sa Kolehiyo
6 Prutas
7 Pagpapaayos ng buhok
8 Bahay
9 DVD’s
10 Cellphone

Ano ang natutuhan mo sa gawing ito? Napansin mo ba na nakadepende ang


dami ng oras at effort na ilalaan natin batay sa produkto o serbisyong pipiliin?
Mahusay!!! Ngayong mukhang may mga namumuo nang mas maraming
katanungan at pagksabik sa iyong mukha. Halika’t magpatuloy tayo sa ating pag-
aaral.

Aralin

4 Konsepto ng Pagkonsumo

Ang paghahanap natin ng mga bagay o serbisyo na nais nating bilhin ay


may malaking kinalaman sa paksa natin hinggil sa PAGKONSUMO.
Dahil walang lubos na kasiyahan tayong mga tao, wala ring tigil ang ating
pagbili at paggamit sa mga bagay at serbisyo na sa tingin natin ay makapagbibigay
ng lubos na kasiyahan batay na rin sa ating mga pangangailangan at kagustuhan
sa buhay. May iba’t ibang uri ng pagkonsumo ang bawat isa sa atin. May mga
batas rin ng pagkonsumo ang sinusunod natin at higit sa lahat may proseso
tayong ginagawa sa pagkonsumo.

Balikan

Matapos mong mapalalim at lubos na maunawaan ang nakaraang aralin


tungkol sa alokasyon, alalahanin mo muna ang mahahalagang konsepto tungkol
sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na natalakay sa nakalipas na araw.
Gamit ang talahanayan, punan mo ito ng wastong impormasyon.

2
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MAHALAGANG KONSEPTO
1. Tradisyonal na Ekonomiya

2. Market Economy

3. Command Economy

4. Mixed Economy

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at
maunawaan ng mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa
pagkatuto. Binigyang pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa
5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan (Communication);
pagtutulungan(Collaboration); pagkamalikhain (Creativity);
mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao
(Character building). Makikita rin ang aralin na ito online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang :
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng
mga mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-
aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian
upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga
gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instruksiyon
sa pagkatuto.

3
Tuklasin

Gawain: Memes Meaning (Mapanuring Pag-iisip)

Binabati kita at matagumpay mong natutunan ang nagdaang aralin. Bago


tayo tuluyang dumako sa ating bagong aralin, tunghayan mo ang memes sa ibaba.

Ano ang masasabi mo sa mensahe


ng memes?
Kung ikaw ang tatanungin, kailan
nga ba nawawala o nauubos ang pera
mo? Sa isang araw, saan nauubos ang
pera o baon mo?
Katulad rin ba ng batang nasa
larawan ang iyong damdamin sa
panahong wala ka ng pera? Bakit?
https://www.google.com/search?q=memesPAGGASTOS+NG+PERA&tbm=isch&ved=2ahUKEwj8-
KTpk5_pAhXuzIsBHaCtBzAQ2-
cCegQIABAA&oq=memesPAGGASTOS+NG+PERA&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAoQGDoECAAQGFDR9
QFY3IoCYPqLAmgAcAB4AIABbYgB4QqSAQQxNC4zmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=T6KyXryVHe6Zr7

Suriin

Para lubusan mong maunawaan ang paksa tungkol sa konsepto ng pagkonsumo,


maaari mong i-access ang link kung ikaw ay may internet access.
https://www.emaze.com/@AOZTFLCRI/konsepto-ng-
pagkonsumo?kun0%7CLaqwvnhhhyrdxxzazzoaggzwitvzqglihvAktqnwznrkomTyxwlq
nR%7C0nuk
Huwag kang mag-alala kung ikaw naman ay offline, halina’t aralin natin
ang konsepto ng pagkonsumo.

ANO ANG PAGKONSUMO?


Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at pagbili ng mamimili sa
mga produkto at serbisyo. Ang isang produkto at serbisyo na ginagamit ay
itinuturing na may kapakinabangan. Ang kapakinabangan ng mamimili mula sa
isang produkto ay tinatawag na kasiyahan.

Sino ang mga mamimili?

Sa ekonomiks, ito ay tumutukoy sa isang tao,


pangkat ng tao, o institusyon (tulad ng
paaralan at ospital) na nagsasagawa ng
direktang pagkonsumo. Sila ang bumibili o
gumagamit ng produkto at serbisyo upang
tugunan ang kanilang pangangailangan at
matamo ang kanilang kasiyahan. Karaniwan din
silang tinatanawag na konsyumer.
https://www.google.com/search?q=consumer&tbm=isch&ved=2ahUKEwiYm7

SVtJ7pAhUMapQKHZTwD0EQ2-
cCegQIABAA&oq=consumer&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggA
MgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJ1DHXFiXZmD7aW
gAcAB4AIABgQGIAbEFkgEDNy4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=i

4
Kahandaan ng Konsyumer

Tumutukoy ang salitang kahandaan sa mga produktong iniisip ng


konsyumer na pangangailangan o kagustuhan niyang bilhin. Ang kombinasyon ng
mga produktong isinasaalang-alang ng konsyumer na bilhin at nais makuha ay
tinatawag na preference. Ang preference ng konsyumer ay iba iba sa bawat tao .
Ito ay ang pagtugon sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.
Tinatawag na kasiyahan (satisfaction) ang kapakinabangang natatamo ng
konsyumer. Hangad ng sinuman na makamit ang lubusang kasiyahan mula sa
mga produktong nakokonsumo nito.

MGA BATAS SA PAGKONSUMO

1. Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko o Law of Economic Order


Mas higit ang kasiyahan ng tao kapag nabibigay ang halaga ng mga
pangunahing pangangailangan kaysa luho. Ayon sa batas na ito, mas bibigyang
prayoridad ng tao na gumastos para sa kanyang mga pangunahng pangngailangan
gaya ng pagkain.

2. Batas ng Bumababang Kasiyahan o Law of Diminishing Marginal


Utility
Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility, habang dumarami ang
produktong nakokonsumo, ang karagdagang kasiyahan na nakukuha sa patuloy
na pagkonsumo ng produkto at serbisyo ay bumababa. Mayroong dalawang puno
ang batas na ito:

(1) Mahalagang maitakda ng konsyumer ang dami ng kanyang bibilhing


produkto. Ito ay dahil may hangganan o limitasyon ang kasiyahang makukuha
mula sa mga kinokonsumong produkto.

(2) Mataas ang pagpapahalagang ibinibigay ng konsyumer sa pagkonsumo


ng kakaunting produkto. Ito ay dahil sa mataas na marginal utility na natatamo
mula rito. Samantala, bumababa naman ang pagpapahalaga habang dumarami
ang kinokonsumong produkto. Ito ay dahil mababa ang marginal utility na
natatamo mula rito. Isinasaalang-alang ang nasabing kaisipan ng konsyumer sa
pagsasaayos ng kanyang nais bilhin o preference.

3. Batas ng Pagkakaiba-iba o Law of Variety

Ayon sa batas na ito, higit na kasiyahan ang natatamo ng tao sa pagbili ng


iba’t ibang produkto kaysa sa pagbili ng iisang uri ng produkto. Ang batas na ito
ang magpapaliwanang kung bakit ang mga konsyumer ay bumibili at gumagamit
ng iba’t ibang klase o uri ng produkto.

4. Batas ng Pagkakabagay-bagay o Law of Harmony


May mga pagkakataon na ang mga konsyumer ay nagnanais na bumili at
gumamit ng mga produktong babagay sa isa’t isa o di kaya ay magkakaterno.
Halimbawa kung ang ulam mo ay dinuguan, ang nais mong katerno nito ay puto.

5
PROSESO NG PAGGAWA NG DESISYON NG KONSYUMER

Mayroong limang yugto ng proseso ng paggawa ng desisyon ng isang


konsyumer. Ang aktuwal na pagbili ay isa lamang sa mga yugto ng proseso.
Ngunit, hindi lahat ng mga proseso sa pagdedesisyon ay mauuwi sa pagbili ng
produkto o serbisyo. Hindi rin lahat ng desisyon ng mga konsyumer ay
kinapapalooban ng limang yugto. Ito ay nakadepende sa digri ng hirap o
masalimuot na pagpili.

1. Pagtukoy sa Pangangailangan

2. Pagsaliksik ng Impormasyon

3. Masusing Pagpili

4.Paggawa ng Desisyon ng Mamimili

5. Reaksiyon ng Mamimili

Batay sa tsart sa itaas ang proseso ng paggawa ng desisyon ng isang


konsyumer ay magsisimula sa:
1. Ang tipikal na paggawa ng desisyon ng isang mamimili o konsyumer ay
karaniwang magsisimula sa hindi nakuhang pangangailangan o kagustuhan. Ito
ang magtutulak sa kanya na bumili ng produkto o serbisyo. Halimbawa, ang
pagkagutom ay magsasanhi upang ang ikaw ay bumili ng pagkain.

2. Sa ikalawang yugto, ang yugto ng kamalayan (awareness), kung saan ang


mamimili ay maghahanap ng impormasyon na may kaugnay sa kailangan o
kagustuhan nya. Maaaring magsurf ka sa internet o di naman kaya magtanong sa
ibang tao para sa sapat na impormasyon.

3. Ang ikatlong yugto ay magsisimula kapag nakakita ang mamimili ng


produkto o serbisyo na nagustuhan niya. Ang matagumpay na paghahanap ng
impormasyon ay mag-iiwan sa konsyumer ng mga pagpipilian tulad ng Milk Tea,
Burger, Spaghetti, o Siomai. Pagkatapos ay masusi niyang pag-iisipan ang mga
posibleng pagpilian. Halimbawa, napili mo ang milk tea.

4. Sa ikaapat na yugto, matapos ang masusing pagpili, pagkukumpara, at


pagkilatis ang mamimili ay gagawa na ng desisyon ng pagbili sa napiling produkto
o serbisyo. Dito maaaring bilhin mo na ang milk tea.

5. Matapos ang pagbili, sa ikalima at huling yugto ang mamimili ay


magpapahayag ng damdamin kung siya ay nasiyahan (satisified) o hindi nasiyahan
(dissatisfied) sa nabiling produkto o serbisyo ito rin ay tinatawag na post-
purchased behaviour. Tama ba ang ginawa mong desisyon? Maaaring matapos
mong inumin ang milk tea, naisip naisip mong mas gusto mo pala ang burger.
Tunghayan natin ang dayagram sa ibaba, makikita mo ang iba’t ibang uri ng
pagkonsumo na ginagawa ng mga mamimili.

6
1. TUWIRANG PAGKONSUMO 2. PRODUKTIBONG PAGKONSUMO
Ito ay tuwiran o daglian kapag Ang pagkonsumo ay produktibo
ang taong gumagamit kapag ang isang produkto
ay nasisiyahan kaagad ay ginagamit o upang
makabuo ng iba pang
o natatamo kaagad ang kapaki-pakinabang na
kanyang pangangailangan produkto.
URI NG
PAGKONSUMO
3. MAAKSAYANG 4. MAPANGANIB NA
PAGKONSUMO PAGKONSUMO
Maaksaya kapag ang pag-
konsumo ay sobra kung ihaham- Nakapipinsala ang pagkon-
bing sa kanyang pangangailangan o sumo kapag ito ay maaaring magin
kagustuhan. g banta sa kalusugan ng isang tao.

Pagyamanin

Gawain: Komik-Suri (Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)

Ngayong siksik na ang kaalaman mo sa konsepto ng pagkonsumo, basahin


mong mabuti ang komik strip ng isang mag-anak sa kanilang pamimili.
Magsasagawa ka ng pagsusuri sa karakter ng bawat miyembro ng pamilya.
Pagkatapos ay humandang sagutin ang gawain at mga katanungan.

SA DEPARTMENT STORE….

Alex: Sapat na siguro ang mga Mark: Mamili pa tayo! Magi: Bumili ako ng tela
pinamili nating laruan at damit Gusto ko na lubos ang para makapagtahi at
ay
para kay Yohanne para sa kasiyahan ng anak ko. makagawa ako ng damit
kanyang kaarawan. Tiyak na
Ay Bilhan rin natin siya ng
sa pinakamamahal kong
marami ang magreregalo sa tablet para panooran niya
pamangkin.
kanya rin nito. at paglaruan.

www.slidesgo.com

7
SA FOOD COURT……
Jeff: Walang anuman.
Ako naman, iinom ako Ella: Salamat sa
ng alak para makatulog panlilibre mo ng
ng mahimbing mamaya. kape ha. Nawala
na ang antok ko.

www.slidesgo.com

Matapos mong mabasa ang komik-strip, Sikapin mo naman sagutin ang


mga sumusunod na katanungan gamit ang talahanayan.

Uri ng Pagkonsumo Sino sa mga tauhan sa Anong mga produkto


komik-strip ang ang maglalarawan sa
naglalarawan ng iba’t iba’t ibang uri ng
ibang uri ng pagkonsumo at bakit?
pagkonsumo at bakit?
Tuwiran

Produktibo

Maaksaya

Mapanganib

Isaisip

Baunin mo at alalahanin ang mga mahahalagang punto sa araling pinag-


aralan natin:

8
 Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga
produkto upang matugunan ang mga pangangailangan at matamo ng
tao ang kasiyahan.
 Apat na uri ng pagkonsumo:
1. Tuwiran o Direkta – natatamo ang kasiyahan sa paggamit ng
produkto.
2. Produktibo – ang biniling produkto o serbisyo ay ginagamit sa
produksyon ng iba pang produkto at serbisyo.
3. Maaksaya – sayang na paggamit ng produkto.
4. Mapanganib – paggamit ng produkto na delikado sa tao.
 Mga batas na sumasaklaw sa pagkonsumo:
1. Batas ng Pagkakaiba
2. Batas ng Pagkakabagay-bagay
3. Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko
4. Batas ng Bumababang Kasiyahan.
 Proseso ng Pagdedesisyon ng Konsyumer
1. Pagtukoy sa Pangangailangan
2. Pagsaliksik ng Impormasyon
3. Masusing Pagpili
4. Paggawa ng Desisyon ng Mamimili
5. Reaksyon ng Mamimili

Isagawa

Gawain: Isabatas Natin! (Mapanuring Pag-iisip, Pagbuo ng


pagkatao, Pagkamalikhain)
Panuto: Gamitin mo ang konsepto sa mga batas ng pagkonsumo upang
sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat mo ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa maraming


lugar, marami ang nahinto at nawalan ng trabaho. Isa sa mga nahirapan sa
sitwasyon ay ang mag-anak ni Mang Boyong. Sa pagtanggap niya ng financial
assistance mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng 8,000 piso, ayon sa Batas ng
Pagpapasyang Ekonomiko o Law of Economic Order, paano kaya gagastusin ni
Mang Boyong ang natanggap na pera?

9
Sa maghapong pagtatrabaho ng iyong tatay, siya ay pagod na pagod at
gutom na rin nang makarating siya ng bahay. Hinainan mo ang iyong tatay ng
piniritong galungong at kanin. Higit sa isang galunggong na halos
magkakapareho ang laki ang kanyang naubos. Ayon sa Batas ng Bumababang
Kasiyahan o Law of Diminishing Marginal Utility, higit bang mas magiging
masaya ang iyong tatay sa ikaapat na piraso ng galunggong kaysa sa una?
Bakit?

Tayahin
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto. Maraming Pagpipilian. Basahing mabuti ang bawat katanungan at


bilugan ang pinakawastong sagot

1. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang


matugunan angpangangailangan.
a.distribusyon b.produksiyon c.pagkonsumo d.pamimil

2. Nais nating makamit ang mga bagay na ating naisin, kaya tayong lahat ay
itinuturing na
a.mamamayan b.konsyumer c.manggagawa d.ekonomista

3. Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay tinatawag


na
a. ability b. satisfaction c. utility d. Interest

4. Ang mga taong namimili ng mga produkto o serbisyo na sa tingin nila ay


makakapagbigay sa kanila ng lubos na kasiyahan ay tinatawag na:
a. prodyuser b. negosyante c. konsumer d. artista

5. Ang pagkonsumo na may dagling pagtugon sa pangailangan


a. produktibo b. maaksaya c. tuwiran d. mapanganib

6. Sa lipunang ating ginagalawan, talamak na ang paggamit ng ipinagbabawal na


gamot na nagiging dahilan ngunti-unting pagkasira ng kaisipan, pagkatao at
pangarap ng isang indibidwal. Anong uri ng pagkonsumo ang tinutukoy nito?
a. Tuwirang pagkonsumo b. Produktibong Pagkonsumo
c. Maaksayang Pagkonsumo d. Mapanganib na Pagkonsumo

10
7. Uri ng pagkonsumo na wala namang natatamong kasiyahan ang tao
a. maaksaya b. direkta c. produktibo d. mapanganib.

8. Uri ng pagkonsumo na natatamo agad ng tao ang kasiyahan dulot ng produkto


a. maaksaya b. tuwiran c. produktibo. d. mapanganib.

9. Uri ng pagkonsumo na kung saan ginagamit ang isang produkto upang


makagawa ng iba pang produkto.
a. tuwiran b. maaksay c. produktibo d. mapanganib.

10. Ang batas ng pagkonsumo kung saan ang mamimili ay mas gusto ang
magkakapareho o pagteterno sa mga produktong kanyang binibili. Gaya ng
pagkain ng lechon at Mang Tomas bilang sawsawan.
a. Law of Harmony b. Law of Variety
c. Law of Economic Order d. Law of Diminishing Marginal Utility

Karagdagang Gawain

Gawain Sa Pamilya Mo, Uriin Mo!


(Mapanuring Pag-iisip, Pagbuo ng Pagkatao, Pagtutulungan,
Pakikipagtalastasan)

Panuto. Sa bahaging ito, suriin mo ang pagkonsumo ng inyong pamilya at


magbigay ka ng 1-3 halimbawa ng produkto o serbisyo para sa bawat uri ng
pagkonsumo na natapos mong pag-aralan. Punan ng impormasyon ang
talahanayan sa ibaba. Maaaring magtanong o konsultahin ang magulang o
nakatatanda sa inyong pamilya sa pagsagot nito.

PRODUKTIBONG
TUWIRANG PAGKONSUMO PAGKONSUMO

MAPANGANIB NA
MAAKSAYANG PAGKONSUMO
PAGKONSUMO

11
Sanggunian

A. PRINTED MATERIAL

DepEd Learner’s Module (2015) Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-
aaral , Vibal Group Inc., Pasig City, Philippines.

Imperial et, al. Pana-panahon , Rex Bookstore, Manila, Philippines

B. ONLINE MATERIALS
https://app.emaze.com/@AZFCOWR#8

https://app.emaze.com/editor/@AOZTFLCRI

https://www.edb.gov.hk/attachment/tc/curriculum-development/kla/technology-
edu/resources/business-edu/topic%20m08_eng.pdf

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like