You are on page 1of 20

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan–Modyul 2
Kahalagahan Ng Ekonomiks

DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mc Kenneth M. Baluyot


Editor: Jenielyn T. Garalda, Rodolfo F. De Jesus

Tagasuri: Gina C. Cristobal, Michelle A. Villajuan,


Brian Spencer B. Reyes. Leonilo C. Angeles
Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes
Tagapamahala Jenilyn Rose B. Corpuz, Brian E. Ilan,
Ebenezer A. Beloy, Heidee F. Ferrer,
Ederlina D. Baleña

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 8538-6900 loc 305
E-mail Address: lrms@depedqc.ph
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
Paunang Salita
Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong, o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o sinumang gagabay at tutulong sa
pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa hinandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtapos ng aralin upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan
o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay nakarararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala pa sila sa paaralan.
Alamin

Aralin 2 – Kahalagahan ng Ekonomiks


Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang matataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.
Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:

● Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na


pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. (AP9MKE-I2)

Tiyak na Layunin:

● Naiisa-isa ang kahalagahan ng ekonomiks ayon sa sariling


pagkaunawa at ang aplikasyon nito sa pang araw-araw na
pamumuhay.
● Nauunawan ang kahalagahan ng ekonomiks bilang mag-aaral,
bahagi ng komunidad, at bansa
● Naipaliliwanag ang kahalagahan ng ekonomiks bilang agham-
panlipunan
● Nasusuri ang kaugnayan ng ekonomiks sa iba pang agham at ang
aplikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Subukin

A. Isulat ang TAMA sa sagutang papel kung ang pangungusap ay wasto


at MALI naman kung hindi wasto.
1. Bahagi ng pag-aaral ng ekonomiks ang pagpili at paggawa ng desisyon.
2. Walang kasiguraduhan na uunlad ang pamumuhay ng isang tao kapag
natutunan niya ang mga konseptong pang-ekonomiya.
3. Sa tulong ng ekonomiks, nauunawaan ng bawat bansa ang kahalagahan ng
pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
4. Sa pag-aaral ng ekonomiks, matututunan ng isang indibidwal kung paano
kumikilos ang tao sa isang lipunan.
5. Sa pag-aaral ng ekonomiks, patuloy na nagkakagulo at nawawalan ng
kaayusan sa isang komunidad.

1 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
B. Isulat sa sagutang papel ang I kung ang kahalagahan ng
ekonomiks ay tumutukoy sa sarili, P kung sa pamilya at L kung
sa komunidad o lipunan.
6. Pagpili ng kaibigan
7. Pagpapatupad ng ordinansa o batas
8. Pagbabadyet sa isang linggo pagkain sa tahanan.
9. Pagpili ng kurso sa kolehiyo
10. Pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon

C. Alamin kung anong disiplina kaugnay ng pag-aaral ng ekonomiks


ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang.
Piliin ang sagot mula sa kabilang hanay. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
a. Kasaysayan
11. Pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari
12. Pag-aaral ng mga chart, grap at mga datos na b. Matematika
de numero. c. Sosyolohiya
13. Pag-aaral na may kinalaman sa moralidad at
paggawa ng tama o mali. d. Etika
Pag-aaral ng katangiang pisikal ng isang e. Heograpiya
lugar
14. Pag-aaral ng pinagmulan at estruktura ng f. Antropolohiya
lipunan.

Aralin

2 Kahalagahan ng Ekonomiks

Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo ng


kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.

⚫ Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kaya


kailangang maging matalino sa pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo.

Balikan

A. Panuto: Tukuyin ang konseptong isinasaad sa bawat bilang. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Opportunity Cost D. Trade-Off


B. Ekonomiks E. Marginal Thinking
C. Incentives F. Efficiency

1. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng


desisyon.
2. Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ang ibang bagay.

2 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
3. Ang pagsusuri ng tao sa karagdagang halaga, ito man ay gastos o pakinabang
mula sa isang gagawing pasya.
4. Karagdagang pakinabang o gantimpala kapalit ng isang magandang produkto
o serbisyong ibinigay o ipinagkaloob.
5. Ito ay isang agham-panlipunan na tumutukoy sa matalinong paggamit ng
limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Isulat kung ano o sino ang tinutukoy sa pangungusap. Piliin ang
letra ng tamang sagot mula sa kabilang hanay. Isulat ito sa sagutang
papel.

6. Salitang Griyego na pinagmulan ng a. Makroekonomiks


salitang ekonomiks
7. Siya ang tinaguriang “Ama ng b. Maykroekonomiks
Makroekonomiks”.
c. Oikonomia
8. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng d. Opportunity Cost
desisyon.
9. Sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa e. Produksiyon
maliit na yunit ng ekonomiya f. John Maynard Keynes
10. Dibisyon ng ekonomiks na tumutukoy sa
proseso ng paggamit ng likas-yaman para
sa kapakinabangan na paraan.

Tuklasin

Ang ekonomiks ay bahagi na ng ating


pamumuhay. Anuman ang iyong
pinagkakaabalahan, nakasisiguro akong
ito ay iyong nagagamit sa iba’t ibang aspeto
ng buhay bilang mag-aaral, miyembro ng
pamilya at bilang bahagi ng isang
komunidad at lipunan.

3 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
RAMDAM MO BA ?
Piliin ang antas ng kahalagahan sa mga sumusunod na gawain batay
sa iyong pagpapasya o pagdedesisyon bilang isang mag-aaral. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Gawain Lubhang Hindi Hindi


Mahalaga
Mahalaga Gaano Talaga
Pagpili ng track sa Senior High
4 3 2 1
School
Pagbabadyet ng iyong allowance 4 3 2 1
Pagbili ng pagkain at mga damit 4 3 2 1
Pagpili ng magiging kasama sa
4 3 2 1
iyong pupuntahan
Pagsama sa kaklase kung
4 3 2 1
mamasyal
Pagsali sa mga gawain ng
4 3 2 1
paaralan.
AVERAGE= kabuuang iskor/ 6

Kompyutin ang AVERAGE ng iyong mga iskor at gamitin ang batayan/iskala


sa ibaba upang malaman ang antas ng kahalagahan ng ekonomiks para sa
iyo.
Halimbawa: 4+4+4+3+3+4= 22/6 = 3.6 Lubhang Mahalaga
● Ibig sabihin nito, ang mga nabanggit na gawain ay napakahalaga para
sa iyo.

AVERAGE ANTAS NG KAHALAGAHAN


3.25-4.00 Lubhang Mahalaga
2.50-3.24 Mahalaga
1.75-2.49 Hindi Gaano Mahalaga
1.00-1.74 Hindi Mahalaga

Suriin

"ANG EKONOMIKS ANG NAGPAPASIGLA NG GALAW AT KILOS NG TAO SA


LIPUNAN."

Anuman ang ginagawa ng tao ay iisa lamang ang nais niyang makamit, ito ay ang
mabuhay. Ang pagnanais ng tao na mabuhay ang nagpaliliwanag ng kahalagahan
ng pag-aaral ng ekonomiks.
Ang mga sumusunod ang ilan sa kahalagahan ng Ekonomiks:

4 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
1. Sa pag-aaral ng ekonomiks, mauunawaan ang mga dahilan ng
pagnanais ng tao na mabuhay.
2. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon.
3. Malalaman mo ang kahalagahan ng pagganap sa tungkulin ng isang
indibidwal, sapagkat nasa ating mga kamay nakasalalay ang pag-unlad
ng ekonomiya.
4. Malilinang sa atin ang hangarin na maitaas ang antas ng sariling
pamumuhay at matamo ang kaunlaran ng pamilya gayun din ng bansa.
5. Maaaring maging higit na matalino, mapanuri at mapagtanong sa mga
nangyayari sa iyong kapaligiran.
6. Mahuhubog sa iyong pag-unawa, ugali at gawi sa pamamaraang
makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.
7. Matutukoy natin ang wastong paraan ng paggamit ng ating limitadong
yaman.
8. Lubos nating mauunawaan ang mga isyung pangkabuhayan at
panlipunan sa mga konseptong binibigyang-linaw sa pag-aaral ng
Ekonomiks.
9. Masusuri natin ang mga terminolohiya sa Ekonomiks na ang kahulugan
ay naiiba sa karaniwang katawagan.
10. Higit sa lahat, ang ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan
ukol sa pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano
naaapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating
lipunan.

Para mas lalo mo pang maunawaan ang KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS


halina’t panoorin natin ang bidyo sa Youtube gamit ang link na
https://tinyurl.com/AP9Q1M2v1

ANG PAGGAMIT NG KAALAMAN SA EKONOMIKS SA PAMUMUHAY NG


TAO
Mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao ang kaalaman sa
Ekonomiks. Hindi itinuturo ng Ekonomiks ang tiyak na pormula upang yumaman.
Ngunit nakatitiyak ako na maaaring ituro nito kung bakit at paanong
nagtatagumpay ang isang tao upang makamit niya ang kaniyang mga minimithi sa
buhay.
Ang mga pangyayari sa paligid gaya ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga
bilihin sa pamilihan, pagtaas at pagbaba ng interest rate sa mga bangko, pagdami
at pagkaunti ng mga nabibili at ipinagbibiling mga produkto sa merkado at maging
ang mga nangyayari sa ating kapaligiran ay bahagi ng ekonomiyang ating
kinagisnan. Gayunpaman, sa ganitong uri ng mga kalagayan, lubhang mahalagang
matutunan ang ekonomiks maging sa mga sumusunod na bahagi ng lipunan.
1. Mga Negosyante
● Ang kaalaman sa ekonomiks ay makatutulong sa paggawa ng mga
pasya o desisyon upang mapaunlad ang kanilang negosyo.
2. Mga Konsyumer
● Makatutulong ang kaalaman sa ekonomiks upang maging matalinong
mamimili.

5 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
● Magiging mulat sila sa kanilang mga karapatan at tungkulin upang
maiwasang madaya at magkamali.
3. Mga Naghahanapbuhay
● Magiging gabay ang kaalaman sa ekonomiks upang makagawa ng
tamang pagpapasya lalo na sa usapin ng pangangailangan sa loob ng
tahanan at tamang pagbabadyet ng pamilya.
4. Mga Mag-aaral
● Ang kaalaman sa ekonomiks ay nagiging daan sa paggawa ng mga
desisyon sa buhay maging sa pagharap sa mga suliranin.
● Tinuturuan tayo nito na maging matalino sa ating mga pagpili upang
matukoy ang tamang pagpapasya.

Pamprosesong Tanong:
GAWAIN 1: IPALIWANAG MO
Panuto: Ipaliwanag kung ano ang mga Paano ginagamit ang
kahalagahan ng paggamit ng kaalaman sa mga kaalaman at pamamaraan ng
ekonomiks sa pamumuhay at sa paggawa ekonomiks sa pang-araw-araw na
ng mga matatalinong pagdedesisyon ng mga pamumuhay?
sumusunod na tao. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Narito pa ang isang bidyo na naglalaman ng


KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS ang maari nating
mapanood upang higit tayong matuto gamit ang Youtube
link na https://tinyurl.com/AP9Q1M2v2

6 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Talahanayan 2.1 EKONOMIKS AT IBANG DISIPLINA NG AGHAM-
PANLIPUNAN

DISIPLINA TUON NG PAG-AARAL KAUGNAYAN SA EKONOMIKS


Antropolohiy ● Pag-uugali ng ● Kultura katulad ng paniniwala,
a pangkat ng tao sa kaugalian at tradisyon bilang
kanilang kultural na salik ng pag-unlad ng bansa.
kapaligiran
Demograpiya ● Katangian at ● Katangian at mga datos sa
mahahalagang datos populasyon (kasarian at
ng populasyon migrasyon) – impormasyon na
kailangan sa pagsasaayos ng
programang nakabatay sa
pangangailangan ng tao.
Heograpiya ● Katangian at ● Katangian at kaanyuan ng daigdig
kaanyuan ng daigdig bilang salik sa pattern ng
kalakalan, produksiyon at
pagkonsumo ng mga tao at mga
bansa
Kasaysayan ● Nakaraan at ● Pagsusuri sa pinagmulan at
kasalukuyang naidulot ng isang kaisipan o
salaysayin sa bawat pangyayari sa ekonomiya.
bansa
Agham- ● Paggawa ng mga ● Pamamaraan ng pamamalakad sa
Pampulitika desisyon gamit ang estado at paggamit ng
kapangyarihan at kapangyarihan, paglikha ng mga
impluwensiya patakaran at iba’t ibang sistema
ng pamahalaan bilang salik sa
pagpapatatag sa pambansang
ekonomiya.
Sikolohiya ● Pag-uugali at ● Personalidad at pagkilala ng tao
personalidad ng tao sa sarili bilang salik sa
bilang isang pakikitungo niya sa buhay.
indibidwal
Sosyolohiya ● Katangian at pag- ● Mga kaalaman bilang dagdag
uugali ng tao kapag impormasyon sa paglikha ng
nakitungo siya sa programang sensitibo sa mga
pangkat o kabuuan pangangailangan ng mga
ng kanyang lipunan batayang sektor at pangkat ng
tao.
Matematika ● Agham ng mga numero ● Sa tulong ng mga variables na
na nakatuon sa ginagamit sa paggawa ng mga
kaayusan at relasyon ekwasyon, makakatulong ito sa
ng mga ito. pagbuo ng mga modelong pang-
ekonomiya na magiging batayan sa
pagpapasya o pagdedesisyon.

7 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Pinagkunan:
Mateo, etal. (2012).Ekonomiks, Mga Konsepto at Aplikasyon.mula sa Klasipikasyon ng The Philippine
Social Science Council pp. 10-11

GAWAIN 2 : CROSSWORD PUZZLE


Panuto : Punan ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
pahayag sa bawat bilang sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

Pinagkunan: https://tinyurl.com/AP9Q1M2p8
PAHALANG
5. Agham ng numero na nakatuon sa kaayusan at relasyon ng mga ito
7. Pag-uugali at personalidad ng tao bilang isang indibidwal
8. Pag-uugali ng pangkat ng tao sa kanilang kultural na kapaligiran
9. Katangian at kaanyuan ng daigdig
10. Katangian at mahahalagang pangyayari sa populasyon
PABABA
1. Katangian at pag-uugali ng tao kapag nakitungo siya sa pangkat o kabuuan ng
kanyang lipunan
3. Paggawa ng mga desisyon gamit ang kapangyarihan at impluwensiya
4. Pag-aaral hinggil sa moralidad at paggawa ng tama o mali sa buhay
6. Nakaraan at kasalukuyang salaysayin sa bawat bansa.

8 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Pagyamanin

TAYO NA SA CANTEEN
Sitwasyon: Si Nicole ay binibigyan ng allowance kahit siya ay nasa online modality.
Sa loob ng isang linggo, binibigyan siya ng kaniyang mga magulang ng Php100 na
maaring pambili ng kaniyang pagkain at iba pang pangangailangan para sa online
class.
Suriin ang talahanayan ng mga produktong maaaring bilhin ni Nicole sa tindahan
at sagutan ang pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat sa isang buong papel ang iyong
sagot.

Produkto Presyo sa bawat


piraso
Tubig na inumin Php 10
Tinapay Php 8
Kanin Php 10
Ulam Php 20
Juice Php 10

Pinagkunan: Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, Gawain 5 Tayo na sa Canteen pp. 18-19

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Nicole, paano mo gagastusin ang iyong allowance na Php
100.00?
2. Sakaling nagkaroon ng budget meal sa tindahan, kung saan ang
footlong at softdrinks ay ginawa na lamang na Php 25.00, paano mo
pamamahalaan ang iyong badyet?
3. Sa pagsasaalang-alang mo ng kahalagahan ng ekonomiks, paano mo
ito magagamit sa ganitong uri ng sitwasyon?

9 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Isaisip

➢ Ang ekonomiks ay mahalagang sandigan ng matalinong pagpapasya.


➢ Katuwang ng pag-aaral ng ekonomiks ang iba’t ibang disiplina sa agham
at Agham Panlipunan dahil sa ugnayan ng mga ito.
➢ Kaakibat ng kahalagahan ng ekonomiks ang kasabihang, “Rational
people think at a margin”, na tumutukoy sa pagsusuri ng isang indibidwal
sa kaniyang ginagawang desisyon – may gastos man o may
pakinabang.
PAGNILAYAN

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa


iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-
aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?
Isagawa

Panuto: Gumawa ng synthesis ng mga natutunan mong impormasyon tungkol sa


kahalagahan ng Ekonomiks gamit ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

KONSEPTO

EKONOMIKS

KAHALAGA APLIKASYON
HAN

10 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Tayahin

A. Suriin ang kaugnayan ng mga pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot.

1. A. Walang garantiya o kasiguraduhan na uunlad ang pamumuhay ng isang


tao kapag natutunan niya ang mga konseptong pang-ekonomiya.
B.Sandigan ng ekonomiks ang matalinong pagpapasya.
a. Tama ang A at Mali ang B c. Mali ang A at Tama ang B
b. Tama ang A at Tama ang B d. Mali ang A at Mali ang B

2. A. Sa pag-aaral ng ekonomiks, matutunan ng isang indibidwal kung paano


kumikilos ang tao sa isang lipunan.
B. Sa pag-aaral ng ekonomiks, patuloy na nagkakagulo at nawawalan ng
kaayusan sa isang komunidad.
a. Tama ang A at Mali ang B c. Mali ang A at Tama ang B
b. Tama ang A at Tama ang B d. Mali ang A at Mali ang B

3. A. Sa tulong ng ekonomiks, nauunawaan ng bawat bansa ang kahalagahan


ng pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Bahagi ng pag-aaral ng ekonomiks ang pagpili at paggawa ng desisyon.
a. Tama ang A at Mali ang B c. Mali ang A at Tama ang B
b. Tama ang A at Tama ang B d. Mali ang A at Mali ang B

4. A. Sa ekonomiks mauunawaan ang mga dahilan ng pagnanais ng tao na


mabuhay.
B.Makakatulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon.
a. Tama ang A at Mali ang B c. Mali ang A at Tama ang B
b. Tama ang A at Tama ang B d. Mali ang A at Mali ang B

5. A.Malalaman mo ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin


ng isang indibidwal, sapagkat sa ating mga kamay nakasalalay ang pag-
unlad ng ekonomiya.
B.Higit sa lahat, ang ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan
ukol sa pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano
naaapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan.
a. Tama ang A at Mali ang B c. Mali ang A at Tama ang B
b. Tama ang A at Tama ang B d. Mali ang A at Mali ang B

11 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
B. MARAMIHANG PAGPILI. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

6. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga


kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng
pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiksa na magagamit sa kolehiyo
b. Makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng
pamahalaan
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang
makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya
d. Makakatulong upang makapagturo ng Ekonomiks sa hinaharap.

7. Saklaw ng pag-aaral nito ang katangian na may kinalaman sa populasyon.


a. Sosyolohiya b. Etika c. Demograpiya d. Matematika

8. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral na may kinalaman sa moralidad at paggawa


ng tama o mali.
a. Sosyolohiya b. Etika c. Kasaysayan d. Matematika

9. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pinagmulan at estruktura ng lipunan.


a. Sosyolohiya b. Etika c. Kasaysayan d. Matematika
10. Ang Heograpiya bilang agham panlipunan na kaugnay ng pag-aaral ng
ekonomiks ay tumutukoy sa:
a. Katangiang pisikal ng isang lugar
b. Bilang ng produksiyon sa isang lugar
c. Alternatibong pamalit sa ekonomiks
d. Pagsukat sa dami ng populasyon

11. Ang Pagpapatupad ng ordinansa o batas ay isang kahalagahan sa


ekonomiks na tumutukoy sa :
a. Indibidwal b. Lipunan c. Pamilya d. wala sa
nabanggit

12. Saklaw ng pag-aaral nito ang mga variables, graph at maging ang mga
numero.
a. Sosyolohiya b. Etika c. Kasaysayan d. Matematika

13. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kahalagahan ng ekonomiks na


tumutukoy sa indibidwal maliban sa :
a. Pagpili ng Kurso sa kolehiyo c. Paggastos sa baon
b. Pagpili ng kaibigan d. Pagbabadyet pagkain ng pamilya

14. Ang pag-aaral tungkol sa nakaraan at kasalukuyang mga pangyayari ay


tinatawag na.
a. Sosyolohiya b. Etika c. Kasaysayan d. Matematika

15. Ang mga sumusunod ay agham panlipunan na may kaugnayan sa pag-


aaral ng
ekonomiks maliban sa:
a. Sosyolohiya b. Pisika c. Demograpiya d. Antropolohiya

12 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Karagdagang Gawain

Batay sa mga natutunan kaugnay sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks.


Pumili ng isa sa tatlong gawain

A. Paggawa ng Poster
Panuto : Gumuhit ng poster hinggil sa iyong natutunang kahalagahan ng
ekonomiks. Isaalang-alang sa pagguhit ang temang “Ang Ekonomiks
Kaagapay sa Kaunlaran” o “Ang Ekonomiks sa Mukha ng Pandemya”.
Gawing batayan at sundin ang rubrik sa paggawa ng poster
Rubrik sa Pagpupuntos ng Poster

Pamantayan Paglalarawan Puntos


Nilalaman Akma ang mensahe ng larawan ayon 10
sa paksa
Presentasyon Mahusay ang pagpapabatid ng 10
kaalaman sa klase
Pagkamalikhain Mahusay ang pagkakaguhit ayon sa 10
mensaheng nais iparating
KABUUAN 30

B. Paggawa ng Diorama

Panuto : Gumupit ng mga bagay na naglalarawan sa inyong komunidad. Ididikit


ang mga ito sa illustration board o anumang bagay na mayron ka at pwedeng
pagdikitan.
1. Bakit ang mga larawang ito ang napili mo na ilagay sa iyong
diorama?
2. Ano ang kahalagahan sa iyo ng mga larawang ito?

3. Alin sa mga larawang inilagay mo sa diorama ang pinakamahalaga


para sa iyo? Bakit?
C. Pagbuo ng Collage

Panuto : Gumupit ng mga larawan na may kaugnayan sa kahalagahan ng


ekonomiks na matatagpuan sa Inyong komunidad at sagutan ang mga
pamprosesong tanong:
1. Ano-anong mga larawan ang makikita sa iyong collage?
2. Ano ang kahalagahan ng Ekonomiks batay sa iyong collage?
3. Ano ang kaugnayan gawaing ito sa pag-unawa ng kahalagahan ng
ekonomiks? Ipaliwanag

13 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Susi sa Pagwawasto

Unang Markahan – Modyul 2:


Kahalagahan ng Ekonomiks

14 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Sanggunian
• Baluyot, et al. (2020) Daily Lesson Log (Unang Markahan) Araling Panlipunan
9 – Ekonomiks (MELCs). Unpublished.

• C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing


House Inc.pp 3-21

• Department of Education (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –


Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon pp 18-22
• Imperial, Consuelo. et. al. (2016), Kayamanan: Ekonomiks Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Rex Publishing. pp11-16
• Mateo, Grace Estela C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House pp10-15
• Rivera, Arnel O. (2020). Modyul sa Ekonomiks (MELCs) Unpublished

Elektronikong Sanggunian:
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p1 (Cover Picture)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Ikong - Character 1)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p3 (Naomie - Character 2)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p4 (Photo 4)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p5 (Photo 5)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p6 (Photo 6)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p7 (Photo 7)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p8 (Puzzle Maker – Crossword Puzzle)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2v1 (Youtube video 1, Kahalagahan ng
Ekonomiks)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2v2 (Youtube video 2, Kahalagahan ng
Ekonomiks)

15 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon

Email Address: lrms@depedqc.ph

Telephone Number: 8538-6900 loc 305

Module Review Form: bit.ly/QCmodulereview

You might also like