You are on page 1of 31

9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Demand
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Demand
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vennesa N. Pagaduan


Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD
Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad
Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David
Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD
Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros
Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado
Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librado M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region03@deped.gov.ph
9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Demand
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Demand.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kabuuang


kasanayan:
Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
Matapos basahin at gawin ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahan din
na:

1. natutukoy ang konsepto ng demand;


2. natutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa demand at paano ito
nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa batayan sa pagpapasya kung gaano karaming produkto o


paglilingkod ang bibilhin?
a. Batas ng negosyo
b. Batas ng demand
c. Batas ng konsyumerismo
d. Batas ng pangangailangan

2. Ano ang tawag sa dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang
takdang panahon?
a. timbang
b. suplay
c. demand
d. badyet

3. Ano ang tawag sa mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili
upang magkaroon ng bentahan?
a. pamilihan c. lansangan
b. sanglaan d. pasyalan

1
4. Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante?
a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. bodega
d. daungan

5. Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan


ng interaksyon ng suplay at demand?
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sino ang may tungkuling pag-aaralan kung paano matutugunan


ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang


nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo ng mga bilihin at
demand ng mga konsyumer?

Presyo

2 4 Dami

a. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer.


b. Mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
c. Habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.
d. Habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o


downward sloping?
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. Sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

2
9. Upang masabing demand ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at
kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung 30,000
lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang nasa
Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya ngunit sa
bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang 20,000
sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang maituturing na
demand ng sardinas?
a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

10. Ano ang tawag sa numerikal na datos sa iskedyul ng demand at ipinakikita sa


pamamagitan ng grapikong paglalarawan?
a. Kurba ng Presyo c. Kurba ng Negosyo
b. Kurba ng Demand d. Iskedyul ng Demand

11. Alin sa mga sumusunod na di-presyong salik na nakaaapekto sa demand ang


limitado?
a. Espekulasyon c. Sweldo ng mamimili
b. Populasyon d. Panlasa ayon sa edad at kasarian

12. Alin sa mga sumusunod na kaugnay o kapalit na produkto ang posibleng tumaas
ang presyo kapag tumaas ang halaga ng harina?
a. tinapay at cake c. kape
b. asukal at trigo d. alak

13. Batay sa kita ng mamimili, paano naapektuhan nito ang demand?


a. Nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga konsyumer kapag may 13th month pay
b. Ang pagtaas ng unemployment rate ay nakapagpapataas din ng
demand ng mga pagkain
c. Makakakuha ng mas malaking tubo ang mga negosyante kapag
marami ang bagong sweldo
d. Nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

14. Sa lalawigan ng Pampanga sa panahon ng pandemiko, ano ang pinakamataas


na demand ng mga mamamayan?
a. Disenteng trabaho
b. Maayos na pabahay
c. Masustansyang pagkain
d. Ayuda galing sa gobyerno

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng Pampanga


dahil sa pandemikong COVID-19, alin sa mga sumusunod na produkto ang
naging mababa ang demand kumpara sa kasabay sa panahong wala pang
pandemiko?
a. Alkohol b. Bitamina c. Face Mask d. Milk Tea

3
Balikan

Bago mo tuklasin ang bagong aralin, balikan mo muna ang iyong natutunan
tungkol sa pagkonsumo. Sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba, balikan mo ang
natutunan mo sa paksang pagkonsumo.

Panuto: Gayahin ang dayagram sa ibaba sa iyong sagutang papel o portfolio at


punan ng tamang impormasyon tungkol sa pagkonsumo.

Karapatan ng Tungkulin ng
Mamimili mamimili

4
Tuklasin

Madalas ka bang pumunta sa palengke o kaya sa mall para bumili ng iyong


kailangan? Kung oo, may mga bagay ka bang isinasaalang-alang bago mo bilihin
ang mga ito? Naiisip mo ba kung paano pinapatawan ng presyo ng mga nagtitinda
ang kanilang mga produkto?
Panuto: Basahin ang maikling tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong na
sumunod sa iyong sagutang papel.

TAMANG KONSUMO, DI KONSUMIDO


ni: Venn Pagaduan

Bago mo aralin, tuklasin muna natin


Sa iyong pamimili, ano ang ýong layunin?
Kagustuhan lang ba o pangangailangan din?
Kaya dapat nagpaplano rin.

Ang plano ng pagkonsumo


Ito ba ay ginagawa mo
Sa bawat pamimili mo
Di ka na konsumido?

Gabay na tanong:

1. Ano ang tinutukoy ng maikling tula?


2. Nagagawa mo ba ang mga nabanggit sa tula? Paano?

Tala para sa Guro

Sa puntong ito, maaaring ipabigkas nang malakas sa


mag-aaral ang maikling tula upang mas mabigyang-diin ang diwa
nito at madaling maiproseso ang tula.

5
Aralin
Konsepto Salik na
1 Nakakaapekto sa Demand

Suriin

A. Konsepto ng Demand

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung paano mo matutugunan ang mga


pangangailangan mo? Saan mo makakakuha ang mga ito?

Sa puntong ito, mahalagang pag-usapan ang apat na pangunahing


katanungang pang-ekonomiko:
1. Ano-ano ang produktong ipoprodyus,
2. Gaano karami ang ipoprodyus o lilikhain?
3. Paano ito ipoprodyus? at
4. Para kanino ito ipoprodyus?

Ang mga katanungang pang ekonomikong ito ang pinagmulan kung bakit may
konsepto ng demand. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo
na nais bilhin sa isang takdang presyo at lugar. May demand ang isang produkto at
paglilingkod kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan o nakatutugon sa isang
pangangailangan. Ang mga binibili natin tulad ng pagkain, damit, mga personal na
gamit gaya ng cellphone at iba pang gadget ay mga halimbawa ng demand.
Napakahalagang batayan sa pagbili ng isang pangangailangan ang presyo. Bumibili
tayo depende sa kakayahan natin o sa badyet na mayroon tayo. Kaya napakahalaga
na matutunan natin ang wastong pagbabadyet upang matugunan natin ang pang-
araw-araw na demand para sa mga pangangailangan natin.

6
B. BATAS NG DEMAND
Isinasaad ng Batas ng Demand na magkasalungat o inverse na ugnayan ang
presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo,
bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas
naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ibig sabihin ng
ceteris paribus ay ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto
sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o
nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, kapag kayo ng iyong pamilya ay
magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang inyong
pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo
muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin.

Tatlong Pamamaraan ng Pagpapakita ng Konsepto ng Demand:

1. Demand Schedule – isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at


gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

Demand Schedule ng Face Shield

Presyo bawat Piraso Quantty Demanded


Php100 10
90 20
80 30
70 40
60 50
50 60
40 70
30 80
20 90
10 100
0 110

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para


sa face shield sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang Php50, animnapu (60)
ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Mapapansin na habang tumataas
ang presyo ng face shield, bumababa naman ang dami ng gusto at kayang bilhin.
Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity
demanded.

2. Demand Curve – isang kurba sa graph na nagpapakita ng salungat na


ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng
mamimili.

7
100
A B
90
C
80
PRESYO

D
70
E
60
F
50

0 50
10 20 30 40 50 60

Ang graph ay batay sa demand


schedule na nasa talahanayan. Kung
ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kobinasyon ng mga presyo at quantity
demanded ay mabubuo ang demand
curve para sa face shield. Halimbawa,
sa punto A na ang presyo ay isang
daang piso (Php100), sampu (10) ang
dami ng face shield na gusto o handang bilhin ng mamimili; sa punto B ang presyo
ay siyamnapung piso (Php90), dalawampu ang dami ng face shield na gusto at
handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto
F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ito ang
tinatawag na demand curve. Ang paggalaw sa kurba mula punto a papuntang
punto, makikita na sa pagbaba ng presyo mula isang daang piso (Php100) pababa
ng limampung piso (Php50), ang demand sa face shield ay tataas ng ng sampung
(10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng sampung piso (Php10) makikita
sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso.

Ipinapakita sa graph sa susunod na pahina, ang paggalaw sa demand curve.


Mangyayari ang paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang
sariling presyo ng produkto. Kung ang presyo ng face shield ay bumaba mula Php100
sa Php90, makikita sa graph na lilipat ang punto mula puntong A patungong punto
B. Kung tataas naman ang presyo mula Php50 patungong Php60, lilipat ang punto
mula C patungong D.

8
Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)

A
100
00 B
90
C
80
D
70
E
60
F
50

0
10 20 30 40 50 60
0

3. Demand Function – ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo


at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba.

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang


presyo naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa
pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang
bilhin ng mga mamimil. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa
equation na:

Qd = a – bP

Kung saan:

Qd = quantity demanded

P = presyo

a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

b = slope = Qd

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong


pagbabago sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang


demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

9
Demand function mula sa Demand Schedule para sa Face Shield:

Qd = 110 – 1P

Kapag ang P = 100 Qd =? Kapag ang P = 50 Qd=?

Qd = 110 – 1P Qd = 110 – 10P

Qd = 110 – 1(100) Qd = 110 – 1(50)

Qd = 110 – 100 Qd = 110 - 50

Qd = 10 piraso Qd = 60 piraso

Gamit ang demand function, maaaring makuha ang dami ng quantity


demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo ng piso sa variable na
P at i-multiply sa slope na -1. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 110. Mula rito
ay makukuha ang sagot na 10 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa
naman ay Php50 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 60 piraso.

C. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGBABAGO NG DEMAND

Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nagiging dahilan upang
magbago ang demand tulad ng panlasa, kita, presyo ng kahalili o kaugnay na
produkto, bilang ng mamimili, at mga inaasahan ng mga mamimili sa hinaharap.

Panlasa. Ang pagbabago sa panlasa (taste) ng


mga mamimili ay may epekto sa demand ng
produkto. Halimbawa, ang paglabas ng milk
tea ay lubhang nagpababa sa demand para sa
mga lokal na palamig tulad ng sago at
gulaman maging ng soft drinks. Ang pagtaas
ng kamulatan ng mamamayan sa kalusugan
ay nagpataas ng demand para sa mga
produktong may kaugnayan sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng mga
pagkaing may mababang calorie, bitamina, at pagkaing walang artipisyal na
sangkap.

Kita. Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa karamihan


ng mga produkto dahil lumaki ang kakayahan ng tao na makabili. Ang pagbaba
naman ng kita ay nangangahulugan din ng pagbaba ng demand. Halimbawa, sa
pagtaas ng kita nagkakaroon ng kakayahan ang mga tao na bumili ng mamahaling
produkto tulad ng kotse, bakasyon sa ibang bansa, o bagong mga appliances sa
bahay. Ang ganitong uri ng mga produkto ang tinatawag na normal goods.

Tinatawag naman na inferior goods ang murang produkto na binibili ng mga


pamilyang may maliit na kita. Halimbawa, kapag tumaas ang kita ng isang pamilya,
bababa naman ang demand para sa mga produkto tulad ng ukay-ukay at mga

10
produktong gamit na (tulad ng second-hand mobile phones, bisikleta at iba pa). Sa
pagbaba naman ng kita, tataas din ang demand para sa inferior goods.

Presyo ng Kahalili (alternatibo) o Kaugnay na Produkto.

May epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay


(complement) na produkto. Ang kahaliling produkto ay iyong maaring gamitin kapalit
ng isang produkto. Halimbawa nito ay ang karne ng manok ay kahalili ng karne ng
baboy. Kapag tumaas ang presyo ng baboy, tataas ang demand para sa karne ng
manok dahil sa tuwiran itong kahalili para sa karne ng baboy. Ibig sabihin, ang
kurba ng demand para sa karne ng manok ay lilipat pakanan samantalang bababa
ang dami ng demand para sa karne ng baboy. Ang produktong magkaugnay naman
ay ginagamit na kapareha ng iba pang produkto tulad ng kape at asukal. Kapag
tumaas ang presyo ng kape, bababa ang demand para sa asukal. Kapag bumababa
naman ang presyo ng kape, tataas naman ang demand para sa asukal.

Bilang ng Mamimili

Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming


pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung
mas malaki ang populasyon. Ang paglaki ng populasyon ay magdudulot ng paglaki
ng demand na magdudulot naman ng pagtaas ng produksyon para sa kanilang mga
pangangailangan.

Inaasahan ng mga Mamimili

Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa


hinaharap, daragdagan nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan. Halimbawa,
inaasahan na ang dinaranas nating pandemya ay magtatagal pa ng isa o dalawang
taon ayon sa mga eksperto. Dahil dito, ngayon pa lang ay naghahanda na tayo ng
mga bagay na kakailanganin tulad ng pag-iimbak ng mga pagkain at gamot na siyang
nagpapataas ng demand nito sa pamilihan at magreresulta ng pagtaas ng presyo.

Ano ang maaari mong gawin bilang isang matalinong mamimili?

1. Iwasan ang pagsunod sa uso o moda ng damit at gamit dahil ang pagtaas sa
demand at nangangahulugan ng pagtaas din ng presyo ng mga produktong
ito.

2. Magtipid at huwag gumasta nang higit sa kinikita. Ang labis na paggasta ay


hindi mainam sa panahong mababa ang antas ng produksyon at magdudulot
ng pagtaas ng presyo. Hindi rin mabuti kung mababa ang antas ng paggasta
dahil magdudulot ito ng pagtamlay ng ekonomiya. Dapat ay nasa tamang
antas lamang ang paggasta. Ang dapat ay “eksaktong paggasta lamang”.

3. Ang pagdami ng mga alternatibo o kahaliling produkto ay magbibigay ng


pagkakataon sa mga mamimili upang raming pagpipilian na may maabang
presyo. Sa kabilang banda, ang labis at kulang na pagkonsumo ay hindi
mainam sa ekonomiya.

11
4. Sa pangkalahatan, ang tamang paggasta at pagkonsumo ay makatutulong
upang maging matatag ang kalagayan ng presyo sa pamilihan.

Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas ng


demand ay makapagdudulot ng paglipat ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan.
Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang pagbabago ng salik na hindi
presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay
makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. Mangyayari ang
paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay
nakapagdulot ng pagbaba ng demand.

12
Pagyamanin

Demand Reading
Panuto: Kopyahin ang talahanayan sa isang malinis na bond paper. Lagyan ng tsek
() ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag ukol sa
konsepto ng demand at lagyan ng ekis (X) ang kolum ng Hindi sang-ayon kung hindi
ka naniniwala.
Pahayag Sang-ayon Di-sang-
ayon
1. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded
ay maaaring ipakita gamit ang demand
schedule, demand curve, at demand function.
2. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng
produktong handang ipamigay ng mga
prodyuser sa pinakamahihirap na
mamamayan.
3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at
quantity demanded ay may tuwirang
relasyon.
4. Ang ceteris paribus assumption ay ginagamit
upang ipagpalagay na ang presyo lamang ang
salik na nakaaapekto sa pagbabago ng
quanity demanded habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago o nakaaapekto.
5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag
tumataas ang preso ng produkto sa
pamilihan, ang mamimili ay hahanap ng mas
murang pamalit ditto.

13
I-demand, Itala, at Ikurba!
Panuto: Iguhit ang graph sa malinis na bond paper at itala ang mga datos na
hinihingi batay sa nakasaad sa kahon.

Ipagpalagay na dumaan ang nagtitinda ng buko juice sa tapat ng inyong


bahay at pinayagan kang bumili ng iyong mga magulang. Ilang baso ng buko
juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6, Php8, Php10, hanggang
Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng
quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand schedule.
Ipagpalagay na ang demand function ay Qd= 50 - 2P. Pagkatapos nito ay
ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.

Demand Schedule para sa baso ng Buko Juice

Pamprosesong Tanong:
1. Ilan ang quantity
demanded sa
presyonganim na piso
(Php6)?

Presyo Quantity
Bawat Demanded
Baso
(Php) 2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded
nang tumaas ang presyo mula walong piso (Php8)
papuntang labing-apat na piso (Php14)?
Ipaliwanag ang sagot.
3. Ipaliwanag sa sariling pangunusap ang isinasaad
ng batas ng demand batay sa nabuo mong
demand schedule at demand curve.

14
Mag-compute Tayo!

Panuto: Isulat sa malinis na papel ang iyong kompyutasyon at kumpletong


talahanayan ng demand schedule.

A. Demand Function: Qd = 300 – 20P


P Qd
1
200
6
100
15

B. Demand Function: Qd = 750 – 10P

P Qd
600
30
300
60
0

SALIK-HAING POSTER

Panuto: Gumawa ng isang poster sa iyong portfolio na nagpapakita kung paano


nakakaapekto ang iba pang salik sa demand maliban sa presyo. Tiyaking magmula
ito sa sariling karanasan Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa paggawa ng poster.

RUBRIC:

Kaangkupan sa Tema : 5 puntos

Pagkamalikhain : 5 puntos

Pagpapaliwanag : 5 puntos

15 puntos

15
Patalasin ang Isip

Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang tanong gamit ang di bababa sa
sampung pangungusap.

Tanong: Bakit mahalagang malaman ang Batas ng Demand para sa isang isang mag-
aaral at mamimiling tulad mo? Bakit mahalagang malaman rin ito ng isang
negosyanteng tulad ng nagtitinda sa sari-sari store malapit sa inyo?

Grab mo: Graphic Organizer Ko!

Panuto: Kopyahin sa isang malinis na bond paper at punan ang graphic organizer
sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong:

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

1.

2.
•a.
•b
•c
•d
•e

16
Demand Mo’to!

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang magiging epekto sa demand sa mga


sumusunod na mga salik:

Salik na nakakaapekto
Epekto sa Dami ng Demand
sa Demand
Presyo ng computer at Ano ang epekto nito sa demand para sa
katulad na produkto ay computer at ibang gadyet?
tumaas dahil sa _________________________________
pagpatupad ng distance _________________________________
learning ng DepEd _________________________________

Pagbabago sa pagbili ng Paano ito makakaapekto sa demand para sa


mga gamit pang- mga produktong pang-eskuwela?
eskuwela bunga ng _________________________________
pandemya _________________________________
_________________________________

Salik na nakakaapekto Epekto sa Dami ng Demand


sa Demand
Hindi pinapayagan ang Ano ang mangyayari sa demand para sa
face to face na pag-aaral mga pampublikong sasakyan?
ng gobyerno kaya bawal _________________________________
lumabas at magbiyahe _________________________________
ang mga mag-aaral _________________________________

Dumadami ang mga Ano ang mangyayari sa demand para sa


nagnanais na mag- internet connections?
online learning dahil sa _________________________________
takot na mahawa sa _________________________________
sakit na covid-19 _________________________________

Nagtaasan ang presyo ng Ano ang mangyayari sa demand para sa


mga surgical at n95 na mga tela at iba pang uri ng face mask?
face mask _________________________________
_________________________________
_________________________________

17
Isaisip

Bilang paglalagom sa iyong natutunan tungkol sa konsepto at salik na


nakakaapekto sa demand, buuin ang isang concept map at ang repleksyon nito tulad
ng nasa ibaba. Gawin ito sa iyong portfolio o sagutang papel.

_______

________ Demand _______

_______

Repleksyon:

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

18
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na nagpapaliwanag tungkol sa aplikasyon ng


demand ayon sa napag-aralan mo sa konsepto at salik na nakakaapekto dito.
Maaaring kumuha ng mga paksa mula sa napapanood sa telebisyon o kaya sa mga
nangyayari sa sariling komunidad.
RUBRIC SA PAGWAWASTO SA PAGGAWA NG ARTIKULO
CRITERIA INDICATOR ISKOR
Nilalaman (8 puntos) Ebidensya ng kaalamang
sa paksang tinatalakay
Presentasyon (7 puntos) Mapagpahiwatig ang
mukha at pananalita
Projection at Tinig Malinaw at malakas
(3puntos)
Kabuuang Epekto (2 Epekto o tugon ng
puntos) audience
Kabuuang Iskor 20 puntos

Tayahin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.


1. Ang batayan sa pagpapasya kung gaano karaming produkto o paglilingkod
ang bibilhin ay tinatawag na ____________________.
a. batas ng negosyo
b. batas ng demand
c. batas ng konsyumerismo
d. batas ng pangangailangan

2. Ang dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang takdang


panahon at tiyak na lugar ay ____________________.
a. timbang c. demand
b. suplay d. badyet

3. Isang mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili upang


magkaroon ng bentahan ay ang ____________________.
a. Pamilihan c. lansangan
b. Sanglaan d. pasyalan

19
4. Dito pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante.
a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. bodega
d. daungan

5. Ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan ng


interaksyon ng suplay at demand ay ____________________.
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sila ang may tungkuling pag-aaralan kung paano


matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Tingnan ang grap sa ibaba. Piliin ang kahulugan ng Batas ng Demand.

Presyo

2 4 Dami

a. kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer.


b. mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
c. habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.
d. habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

8. Kapag may paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o downward


sloping, ito ay nangangahulugan ng ___.
a. walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. may negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

20
9. Kailangang may kagustuhan at kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang
produkto upang tawaging demand ang produkto. Halimbawa, kung 30,000
face masks ang kailangan ng mga frontliners sa ospital; subalit ayon sa datos,
may sampung kompanya ng face masks.Sa bilang na ito, anim lamang ang
may interes na magbenta ng kabuuang 20,000 face masks sa halagang
P75.00. Tukuyin ang demand para sa sardinas.
a. 10 b. 75 c. 20,0000 d. 30,000

10. Ang tawag sa numerikal na datos sa iskedyul ng demand at ipinakikita sa


pamamagitan ng grapikong paglalarawan ay tinatawag na _________________.
a. kurba ng Presyo
b. kurba ng Demand
c. kurba ng Negosyo
d. iskedyul ng Demand

11. Ang mga sumusunod maliban sa isa ay di-presyong salik na nakaapekto sa


demand. Tukuyin ito.
a. espekulasyon
b. populasyon
c. sweldo ng mamimili
d. panlasa ayon sa edad at kasarian

12. Ang mga sumusunod na kaugnay o kapalit na produkto ang posibleng


magpataas ng presyo kapag tumaas ang halaga ng harina.
a. tinapay at cake
b. asukal at trigo
c. kape
d. alak

13. Batay sa kita ng mamimili, ang mga sumusunod maliban sa isa ay


nakakaapekto sa demand.
a. nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga konsyumer kapag may 13th month pay
b. ang pagtaas ng unemployment rate ay nakapagpapataas din ng
demand ng mga pagkain
c. makakakuha ng mas malaking tubo ang mga negosyante kapag
marami ang bagong sweldo
d. nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

14. Sa panahon ngayon ng pandemya, ito ang paraan upang makatulong ang
mga mamamayan upang hindi na maghintay ng tulong sa gobyerno.
a. Manatili sa sariling tahanan
b. Maghintay ng ayuda galing sa gobyer
c. Magtanim ng mga gulay at iba pang masustansyang pagkain
d. Maghintay ng tamang panahon upang makabalik sa trabaho

21
15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng
Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, ang mga sumusunod na
produkto maliban sa isa ang naging mababa ang demand kumpara sa
panahon na wala pang pandemiko.
a. Alkohol
b. Bitamina
c. Face mask
d. Milk Tea

Karagdagang Gawain

GAWAIN: GRAPH NG PAGBABAGO


Panuto: Kapanayamin o interbyuhin ang iyong nanay o isang nakatatanda sa inyong
tahanan.Ipasagot sa kanya ang mga sumsunod sa malinis na papel.

1. Kung may magkakaloob sa inyo o kikita kayo ng isang libong piso, ano-ano
ang mga bagay na demand o gusto ninyong mabili para sa iyong sarili? Maaari
po bang maging partikular kayo sa brand, dami, kulay, lasa, at iba pang
detalye? Bakit po ang mga ito ang demand ninyo?
2. Ano-ano ang sa palagay nyo ang magiging epekto sa inyo kung bibilhin ninyo
ang mga nailista ninyong demand?
3. Sa inyong palagay, magbabago po ba ang listahan ninyo kung sa sususnod
na buwan ay tatanungin ko uli kayo sa inyong demand na kakasya sa isang
libo? Ipaliwanag.

22
23
Pagyamanin
Demand Reading
1. Sang-ayon
2. Di-sang-ayon
3. Sang-ayon
4. Sang-ayon
5. Sang-ayon
I-demand, Itala, at Ikurba!
PRESYO QUANTITY
BAWAT DEMANDED
BASO
14 22
12 26
10 30
8 34
6 38
4 42
2 46
0 48
Mag-compute Tayo!
Qd = 300 – 20P
P Qd
1 280
Subukin 5 200 Tayahin
1. C 6 180 1. D
2. C 10 100 2. A
3. A 3. A
15 0
4. A 4. C
5. D 5. D
6. C 6. C
7. C Qd = 750 – 10P 7. C
8. D 8. D
9. C P Qd 9. C
10. A 15 600 10. A
11. B 30 450 11. B
12. B 12. B
13. A 45 300 13. A
14. C 60 150 14. C
15. D 15. D
75 0
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Erwin D.J., De Guzman,
Apollo D., Lumibao, Juanito L, Mateo, Alex P., Mondejar, Irene J.
(2017). EKONOMIKS Araling Panlipunan 9 Modyul Para sa Mag-aaral,
pp.113 – 138, 153 – 192.

Balitao, Bernardo R., Cervantes, Miriam dR., Nolasco, Liberty I., Ong Jerome
A., Ponsaran, John N., Rillo, Julia D. (2012) Ekonomiks; Mga Konsepto
at Aplikasyon (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikaapat na Taon,
pp. 52-56

Balitao, Bernardo R., Cervantes, Miriam dR., Nolasco, Liberty I., Ong Jerome
A., Ponsaran, John N., Rillo, Julia D. (2012) Ekonomiks; Mga Konsepto
at Aplikasyon (Manwal ng Guro sa Araling Panlipunan Ikaapat na Taon,
pp. 52-56

Cruz, Nilda B.,Viloria, Avelina M., Rillo, Julia D., Vivar, Ph.D, Teofista L.
(1999, ) EKONOMIKS; Teorya at Aplikasyon, pp.146 – 173

Cruz, Nilda B.,Viloria, Avelina M., Rillo, Julia D., Lim, Alice(2000)
EKONOMIKS; Manwal ng GUro para sa Ikaapat na Taon, pp. 52-66

Rillo, Julia D., Cruz, NIlda, and Balitao, Bernard R. (2005). Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, pp.117 -130.

https://encrypted-tbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQKskUHea5
NgFLazVTopJrZCXrrXeMck1L7foU--XZNp7RhcJ

https://youtu.be/SCtmUZrZJt0

https://youtu.be/o4GpgpqMIIM

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, city of San Fernando (P)

You might also like