You are on page 1of 58

9

MODYUL SA
ARALINGPANLIPUNAN
IKALAWANG MARKAHAN

MAYKROEKONOMIKS
ARALIN
1 DEMAND
Panimula At Mga Pokus NaTanong
Madalas ka bang pumunta sa palengke o kaya sa mall para bumili ng
pangangailangan ? Kung oo, may mga bagay ka bang isinaalang-alang bago mo bilhin
ang iyong kailangan? Naiisip mo ba kung paano pinepresyohan ng mga nagbebenta ang
kanilang mga produkto?
Malamang, madalas bago ka bumili ng isang bagay ay inaalam mo muna kung
kasya ang iyong badyet o kaya naman ay sinusuri mo muna ang produkto kung ito ba
ay tama lang sa presyo o kaya naman, ito ay kinukumpara mo muna sa iba pang
nagbebenta. Malamang din naisip mo na ang pagprepresyo ng mga nagbebenta ay
batay sa kanilang puhunan at inaasahang tubo para sa kanilang kita. Tama ka kung ito
ang iyong naiisip.

Mga Aralin At Sakop ng Modyul:

ARALIN 1 : DEMAND
Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya
2. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand
3. Nakakapagpasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na
nakakaapekto sa demand
4. Naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod.

SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Ang paggalaw ng kurba ng demand at suplay ay nagpapakita ng pagbabago ng
demand at suplay bunga ng isang salik habang ang ibang salik ay di nagbabago
. Ano ang salik na nakapagpapabago sa kurba ng demand at suplay.
A. Dami ng nagbebenta C. Presyo
B. Gastos D.Subsidy
2. Ito ay tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng derektang relasyon ng presyo
at dami ng ipagbibiling produkto habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
A. Iskedyul ng suplay C. Kurba ng suplay
B. Kurba ng Demand D. Punto ng ekwilibriyo
3. Kapag ang presyo ng produkto ay tumataas at ang dami ng demand ay
bumababa, habang ang salik ay di nagbabago, ito ay tumutukoy sa
_______________________
A. Batas ng Demand C. Demand
B. Batas ng Suplay D. Suplay
4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salik ng demand?
A. Kita, teknolohiya, subsidy, buwis
B. Klima, teknolohiya, kagustuhan, espekulasyon
C. Ekspektasyon, buwis, teknolohiya, populasyon
D. Okasyon, presyo ng ibang produkto , kita, panlasa
5. Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, maaari mong asahan na :
A. Tataas ang demand ng nasabing produkto
B. Ang kurba n g supplay ay pupunta sa kanan
C. Ang dami ng ipinagbibili ng produkto ay bababa
D. Ang dami ng ipinagbibiling produkto ay tataas
6. An gating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang suliranin . Bilang isang kabataang
Pilipino sa paanong paraan ka makatutulong sa kasalukuyang suliranin ng
bansa sa ekonomiya?
A. Ipabago ang sistema ng edukasyon sa bansa
B. Pumunta s aibang bansa upang duon na lamang mag-aral
C. Ipahayag ang mga saloobin sa pamamagitan ng mga rally at protesta
D. Isipi at isagawa ang mga natutuhan sa paaralan upang maging produktibong
mamamamayan ng bansa
7. Ikaw ay isang negosyanteng nagnanais na kumita ng Malaki sa iyong negosyo.
Ano ang iyong gagawin upang lumaki ang iyong kita?
A. Magdadagdag ng tauhan upang lumaki ang produksyon
B. Mangungutang ng puhunan upang maparami ang paninda
C. Lalakihan ang puhunan upang maraming produkto ang magawa
D. Iaanunsyo ang produkto upang ito ay makilala ng mga mamimili
8. Ang Pamahalaan ay nagnanais na makamit ang pambansang pangkaunlaran.
Anong programa an dapat nitong ipatupad ?
A. Programa sa pagbubuwis C. Programang Pangkalikasan
B. Programang pang-agraryo D. Programang Pang-
ekonomiya
9. Ikaw ay isang opisyal ng barangay at naatasang maging speaker sa isang
programa sa nalalapit na kapistahan na may teamang “ Makakamit ang
Kaunlaran, Basta’t tayo ay sama-sama.
A. Gagamit ng makabagong teknolohiya upang maging kapani-paniwala sa
iyong mga manonood
B. Ang mga larawang ipakikita ay makukulay upang ito ay maging kabigha-
bighani
Sa mga manonood
C. Ang mga halimbawang ipakikita at nakakatawa upang hindi mawalaang
interes ng mga manonood
D. Maglalahad ng mga kwento sa tunay na buhay ukol sa paksa na
makapagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood
10. Ang pagkakaroon n g matalinong pagpapasya sa mga sistema ng demand at
suplay sa pamilihan ay nagdudulot ng kaunlran nito. Bilang isang prodyuser,
anu-ano ang mga suliraning dapat mong lutasin sa produksyon?
A. Paano gagawin? Kailan gagawin? Para kanino ang gagawain?
B. Ano ang gagawin? Saan gagawin? Gaano karami ang gagawin?
C. Ano ang gagawin? Magkano ang gagagastusin? Paano ipamamahagi?
D. Ano ang gagawin? Para kanino ang gagawin? Gaano karami ang gagawin?
Alamin

MAYKROEKONOMIKS
Ang maykroekonomiks ay sangay ng ekonomiks na
tumatalakay o sumusuri sa maliliit na yunit ng ekonomiks
tulad ng kayarian ng isang maliit na negosyo at mga
pangyayari o pasya sa alokasyon ng mga tiyak na sektor ng
ekonomiya (bahay kalakal at sambahayan) Sinusuri rin ng maykroekonomiks ang
pagkonsumo ng tao at kung paano siya naaapektuhan ng mga pagbabago sa presyo ng
mga bilihin , gayundin ang pagtaas ng kita.
Tinitignan din dito ang mga aktibidad ng mga prodyuser at kung paano nila
ginagamit ang iba’t ibang salik ng produksiyon para sa pagtatakda ng presyo sa mga
produkto o serbisyo at sa pagpapalaki ng kanilang kita.
SAKLAW NG MAYKROEKONOMIKS ANG MGA SUMUSUNOD:
 Mga paraan kung paano ginagamit ng mga mamimili ang kanyang kita upang
matugunan ang kanyang mga pangangailangan at mapataas ang antas ng
kasiyahan o kalidad ng kaniyang buhay.
 Mga gawi, kilos, at pasya ng isang prodyuser o negosyante sa alokasyon ng
kanyang pinagkukunang-yamanupang mapababa ang posibilidad ng pagkalugi
at mapataas naman ang tubo.
 Ang pagtatakda ng presyo ng bilihin sa pamamagitan ng interaksiyon ng
demand at suplay,

GAWAIN 1: AKO AY MAPANURING MAMIMILI!

PAnuto: PAgmasdan ang mga larawan na nasa ibaba , suriing mabuti ang mga presyo
ng mga ito at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Mga Sapatos

Mga Kotse

Mga ATLETA
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mas mahal ang
2. Bakit mas mahal ang kaysa
 Anong katangiaan ang mayroon ang manlalarong si lebron James ng NBA
Bakit mas mahal ang bayad sa kanya kumpara sa ibang tulad niyang manlalaro?
 Batay sa iyong mga nagging kasagutan sa tatlong naunang katanungan, anu-ano
ang batayan sa pagppresyo ng negosyo?

Gawain 2 KWL CHART

PANUTO: Ngayon naman ay ating alamin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng


pagsagot sa KWL Chart sa paksang na ating tatalakayin : Ang DEMAND na
terminolohiya sa Ekonomiks . Punan mo ang K at W na bahagi ng chart .

Paano matatamo ang pambansang kaunlaran?

Know Want Learn


(Alam Ko) (Nais Kong Malaman) (Natutunan Ko)

(PUPUNAN ITO SA
HULING BAHAGI NG
ARALIN)
TALA-EKONOMIKS

BAHAY-KALAKAL –ito ay sektor ng SAMBAHAYAN- sektor ng


Ekonomiya na tumutukoy sa isang tao Ekonomiya ns tumutukoy sa mga
o pangkat ng mga tao tulad ng prodyuser kumokonsumo(consumer)
o negosyante.
TUBO- halagang kinikita
KITA – halagang sinasahod ng mula sa negosyo o
sambahayan mula sa kanilang trabaho pinamamahalaang kapital o
at pagpapaupa pananalapi

PRODYUSER- taong namumuhunan


o negosyante na gumagawa ng produkto
o nagbibigay ng serbisyo sa mga tao
o mamimili

TALAKAYIN:
ANG KONSEPTO NG DEMAND

May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan


upang mabuhay. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto
o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang
presyo sa isang takdang panahon.

RELASYON NG PRESYO AT DEMAND


Mahihinuha natin sa kahulugan ng demand na ito ay may
relasyon sa presyo. Sa pamamagitang ng skedyul ng demand, naipakikita ng pagbabago
ng dami ng demand sa presyo ng produkto at sebisyo sa nais at kayang bilhin ng isang
mamimili.

Batas ng Demand
Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na
ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang
presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang
presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang
ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik
na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang iyong
pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang
inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo
muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin

May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse


na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. Ang unang konseptong
magpapaliwanag dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang
presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa gayon,
mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas na
presyo dahil maghahanap sila ng mas mura. Halimbawa, kung mahal ang ballpen maaring
bumili ng lapis na mas mura. Ang ikalawa ay ang income effect. Ito ay nagpapahayag na
mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag mababa ang presyo
ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming
produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang kita
na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya
mababawasan ang dami ng mabibiling produkto.

Mayroon tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand, ang


demand schedule, demand curve, at demand function.
 Demand Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng
demand schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami
na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa
susunod na pahina ang halimbawa ng demand schedule.

Demand Schedule para sa Kendi

Presyo bawat piraso Quantity Demanded


Php 5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity


demanded para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso
(Php1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang bilhin
ng mamimili. Sa presyong dalawang piso (Php2.00) bawat piraso, apatnapung
(40) piraso naman ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang
presyo at maging limang piso (Php5.00) ang bawat piraso, magiging sampu (10)
na lamang ang magiging demand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang
magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi para sa
mamimili.

Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity


demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag na demand curve.
Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Demand Curve

Presyo ng kendi sa piso


A

Quantity

Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na


nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay
mabubuo ang demand curve para kendi. Halimbawa, sa
punto A na ang presyo ay limang piso (Php5), sampu (10)
ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B na ang
presyo ay apat na piso (Php4), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at
handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang
punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ang
kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa
dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.
Halimbawa, ang paggalaw sa kurba mula punto A papuntang punto B,
makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso (Php5) pababa ng apat na piso
(Php4), ang demand sa kendi ay tataas ng sampung (10) piraso. Kapag ang presyo
naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded
sa sampung (10) piraso.

Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)


Presyo ng kendi sa piso

Quantity

Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari ang


paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo
ng produkto. Kung ang presyo ng kendi ay bumaba mula Php5 sa Php4, makikita
sa graph na lilipat ang punto mula A patungong B. Kung tataas naman ang presyo
mula Php2 patungong Php3, lilipat ang punto mula C patungong D.

Demand Function

Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng


presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qd = f (P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang
presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa
pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at
kayang bilhin ng mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand
function ay sa equation na:

Qd = a - bP

Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo

a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)


b = slope= ∆Qd
∆P

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa


presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang


demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10P

Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?


Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10 (1)
Qd = 60 – 10(5) Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50
Qd = 50 piraso Qd= 10 piraso

Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may
given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na
-10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na
quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php5 ang presyo kaya ang naging
quantity demanded ay 10.
Gawain 3: EKO-KOMPLETO

Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na


pangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.
1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin
ng mga mamimili.

2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan


ng presyo at quantity demanded.

3. _ _ _ _ A _ _ D _ _ _ _ _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded.

4. _ _ _ E _ _ _ _ _ _ I _ _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto


sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.

5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas


mahaba ang presyo.
Gawain 4: I-DEMAND, ITALA, at IKURBA

Panuto:Ipagpalagay na sobrang init ng panahon at katatapos niyong maglarong


magbabarkada. Nagkataong may tindang ice-cream malapit sa inyo .Ilang ice cream ang
handa at kaya mong bilhin sa presyong Php10, Php15, Php20 hanggang Php25 kada apa?
Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat
presyo upang mabuo ang demand schedule.
Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 - 2P. Pagkatapos nito ay
ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.

Demand Schedule para sa Ice-Cream

Presyo Bawat Quantity


Apa ng Ice Demanded
cream
(Php)
10
15
20
25

Pamprosesong Tanong:
1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php10.00?
2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula
Php15 papuntang Php25? Ipaliwanag ang sagot.

3. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinasaad ng batas ng demand


batay sa nabuo mong demand schedule at demand curve.

Gawain 5 : MAG-COMPUTE TAYO!

Mula sa datos na nasa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang maipakita ang
demand schedule.

A. Demand Function: Qd = 300 – 20P


P Qd
1
200
6
100
15

B. Demand Function: Qd = 750 – 10P


P Qd
600
30
300
60
0

Natapos mo na ang Unang Linggo


ng ikalawang markahan !
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND
 KITA
Ang halagang sinasahod ng mamimili mula sa pagtatrabaho o
pagpapaupa ng kaniyang mga ari-arian o serbisyo. Ang laki o
liit ng kita ng mamimili ang nagtatakda ng dami na kaya
niyang bilhin.
 NORMAL GOOD- Kung ang produkto ay isang normal
good, ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng
demand ng produktong ito.Ang ice-cream ay halimbawa
nito.Kung mas mataas ang kita ng isang mamimili, mas
maraming ice-cream ang kanyang mabibili.
 INFERIOR GOOD - Kung ang produkto naman ay isang
inferior good, ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagbaba ng demand ng
produktong ito. Ang halimbawa nito ay ang sardinas. Kung mababa ang kita ng
isang mamimili ang marahil sardinas lamang ang kasya sa badyet nito ngunit kapag
tumaas na ang kanyang kita ay maari na siyang makabili ng mas masarap na
pagkain at bababa ang demand sa pagbili ng sardinas.

 POPULASYON
Ito ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar. Ito ay nagpapataas ng demand para
sa maraming uri ng bilihin sa isang pamayanan.
Ang pandarayuhan o migrasyon ay nakapagpapataas din ng demand ng bilihin sa isang
lugar. Sa kasalungat, bumababa naman ang demand ng produkto sa mga lugar na iniiwan
ng mga taong lumilipat sa ibang lugar.
 PANLASA AT PAGTATANGING MAMIMILI
Ito ay tumutuloy sa kagustuhan o nais ng mamimili at maaring makapagpabago sa
antas ng demand.
• DAMI NG MAMIMILI- Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag
na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang
bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na
nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang smartphone,
marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso kaya marami ang demand nito.
• PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO –
Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay
komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo ay mga produktong
sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala
ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa
presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng
komplementaryong produkto.
Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas
ang demand sa asukal. Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand
sa asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa sa
demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong
produktong komplementaryo (complementary).
Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon
ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho
itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito,
bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas naman ang demand para
sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas
ng demand ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa
isa’t isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at tsa, keso, at
margarine.
• INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP- Kung inaasahan ng
mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o
linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuya
Ang Paglipat ng Demand Curve (o Shifting of the Demand Curve)
Paglipat ng Demand Curve Paglipat ng Demand Curve sa
Kanan sa kaliwa

Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas ng demand ay


makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng
demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng
pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng
demand sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago
ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng demand.

MATALINONG PAGPAPASYA SA PAGTUGON SA MGA PAGBABAGO NG


MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND

Batay sa ating talakayan, mayroon pang ibang mga salik na maaaring


makapagpabago sa demand maliban sa presyo. Papaano kaya tayo matalinong makatutugon
sa pagbabagong dulot ng mga salik na ito?

1.Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong


pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat
bilihin.
2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo.
Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t ibang pamilihan.

Ang anumang pagbabago sa mga nasabing salik ay may kaakibat na epekto sa mga
mamimili. Ang matalinong pagtugon ng mga mamimili sa mga nagbabagong salik ay
napakahalaga.
Gawain 6: GRAPHIC ORGANIZER

Punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong


tanong:

Pamprosesong Tanong:

1. Ano–ano ang salik na nakakaimpluwensiya sa demand?


2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw sa demand curve? Sa paglipat ng
demand curve? Paano naiiba ang salik na presyo sa ibang salik?
3. Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa
mga salik ng demand?

Gawain 7: DEMAND UP, DEMAND DOWN!

PANUTO: Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa isang produkto batay sa
mga pagbabago ng sumusunod na salik. Isulat sa patlang ang ↑ kung tataas ang demand at
↓ kung bababa ang demand.

1. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto


2. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit
3.Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit
4. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods)
5. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior goods)
6. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo
7. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo
8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo
9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo
10. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand)
Gawain 8: T-SHIRT DESIGN

Panuto: Sa isang maiksing puting papel,magdisenyo ng t-shirt na may temang “Ang


Pagiging Matalinong Mamimili: Susi sa Pagtamo ng Pambansang Kaunlaran”. Isulat sa
kahon ang paliwanag tungkol sa mabubuong disenyo. Maging gabay sa paggawa ng
disenyo ang rubrik

Paliwanag:
RUBRIK SA PAGDISENYO NG T-SHIRT

Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Binigyang-pansin ang
pagpapahalaga sa pagiging matalino at
Kaangkupan sa
mapanagutang mamimili na 25
Tema
susi sa pagtamo ng pambansang
kaunlaran.
Akma sa tema ang mga aspekto ng
Detalye ng disenyo ukol sa ugnayan ng pagiging
25
disenyo matalinong mamimili sa pagtamo ng
pambansang kaunlaran.
Nagpakita ito ng natatanging disenyo
Orihinalidad at
gamit ang pagiging malikhain at angkop 25
Pagkamalikhain
na mga kagamitan
Mahusay na naipaliwanag ang bawat
Pagpapaliwanag aspekto ng disenyo na angkop sa tema ng 25
gawain
Kabuuang Puntos 100

Gawain 9: KWL CHART

PANUTO: Ngayon naman ay ating alamin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng


pagsagot sa KWL Chart sa paksang na ating tatalakayin : Ang SUPPLY Punan mo ang K
at W na bahagi ng chart .

Paano matatamo ang pambansang kaunlaran?

Know Want Learn


(Alam Ko) (Nais Kong Malaman) (Natutunan Ko)
Napunan na Napunan na

Natapos mo na ang ikalawang


linggo ng ikalawang markahan
PRICE ELASTICITY OF DEMAND

Gawain 1: I-SHOOT SA BASKET

Basahin at suriin ang sitwasyon na nasa loob ng kahon at isagawa


ang nakapaloob na gawain
Sitwasyon: Nagkaroon ng higit sa 10 bahagdan ng pagtaas sa presyo ng mga
produkto at serbisyo na nakalista sa ibaba. Sa kabila nito, walang
pagbabago sa suweldo mo. Ilagay sa basket ang mga produkto at
serbisyong bibilhin mo pa rin kahit tumaas ang presyo nito.

bigas alahas serbisyo ng koryente


cellphone softdrinks gamot
load chocolate pamasahe sa dyip

PRICE ELASTICITY OF DEMAND


 Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano kalaki ang
magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may
pagbabago sa presyo nito. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may
pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa ibaba.
ɛd = %∆Qd
%∆P
 Bahagdan ng pagbabago sa QD o %∆Qd ang tumatayong dependent variable at ang
bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang independent variable.
Nangangahulugan ito na ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay
may salungat (inverse) na relasyon sa presyo. Para mas maayos ang interpretasyon,
gagamitin natin ang absolute value ng formula nito.
Kung saan:

ɛd = price elasticity of demand


%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
Gamit ang mid-point formula ang %∆Qd at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang:
ɛd = %∆Qd
%∆P
%∆Qd %∆P

= Q2 – Q1_ x 100 = _ P2 - P1 _ x 100


Q1 + Q2 P1 + P2
2 2
Halimbawa:
Q1 = 100 P1 = 60
Q2 = 200 P2 = 50

%∆Qd %∆P

= _200 – 100_ x 100 = _50 – 60 x 100


100 + 200 60 + 50
2 2

= 100 x 100 = -10 x 100


300 110
2 2

= 100 x 100 = -10 x 100


150 55

%ΔQd = 66.67% %ΔP = -18.18%

ɛd = %∆Qd = 66.67% = | -3.67| elastic


%∆P -18.18%

 Sundan lamang ang mid-point formula upang makuha ang sagot. Ang unang
kukunin ay ang %∆Qd, alamin mula sa given kung alin ang Q1 at Q2 at gamitin na
ang formula rito. Pagkatapos ay kunin din ang %ΔP, alamin kung alin ang P1 at P2 at
gamitin na ang formula nito. Ang sagot sa %∆Qd ay i-divide sa nakuhang %ΔP para
makuha na ang coefficient ng elasticity.

 Sa bawat isang bahagdan ng pagtaas ng presyo, may mga sitwasyon na mas


malaki sa isang bahagdan ang ibinababa ng quantity demanded ng mga
mamimili. Ibig sabihin, ang produktong ito ay hindi gaanong mahalaga o kaya ay
maraming pamalit kaya puwede na munang hindi bilhin. Sa kabilang banda, may
mga pagkakataon naman na mas maliit sa isang bahagdan ang ibinababa ng quantity
demanded ng mga mamimili. Nangangahulugan ito na ang produkto ay mahalaga o
kaya ay limitado ang mga pamalit kaya malamang ay bibilhin pa rin ito ng mga
mamimili.

Kaugnay nito, tunghayan ang talahanayan sa susunod na pahina upang


maunawaan ang iba’t ibang uri ng price elasticity of demand at ang gawi ng mamimili ayon sa
pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
PRICE ELASTICITY OF DEMAND

Uri ng Halimbawa ng
Kahulugan
Elastisidad Produkto

1. Elastic Ang demand ay masasabing price elastic Ang halimbawa ng produktong


kapag mas malaki ang naging price elastic ay mga produktong
%∆Qd > %ΔP bahagdan ng pagtugon ng quantity maraming malapit na substitute.
demanded kaysa sa bahagdan ng Isa na rito ay softdrinks. Kapag
|∊| > 1 pagbabago ng presyo. Sa maliit na tumaas ang presyo nito,
bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang marami ang maaaring ipalit ng
mga mamimili ay nagiging sensitibo sa mamimili. Maaaring bumili ng
pagbili. Halimbawa, ang price elasticity ibang brand ng softdrinks o kaya
of demand ay 1.2. Ibig sabihin, sa bawat ay bumili na lamang ng juice,
isang bahagdan ng pagbabago sa presyo bottled water, o sago at
ay may katumbas na 1.2 na bahagdan ng gulaman. Isa pang halimbawa
pagbabago ng quantity demanded. Ang ng price elastic na demand ay
pagiging sensitibo ng quantity mga produktong hindi
demanded sa pagbabago ng presyo ay pinaglalaanan ng malaki sa
maaring ipaliwanag ng sumusunod: badyet sapagkat hindi naman
a. Maaaring marami ang substitute ito masyadong kailangan.
sa isang produkto.
b. Ang mga produkto ay hindi
pinaglalaanan ng malaki sa
badyet sapagkat hindi naman
ito masyadong kailangan.

2. Inelastic Ang demand ay masasabing price Ang halimbawa ng mga


inelastic kapag mas maliit ang produktong price inelastic ay
naging bahagdan ng pagbabago ng ang mga pangunahing
|∊| < 1 quantity demanded kaysa sa bahagdan pangangailangan at mga
pagbabago ng presyo. Ipinahihiwatig produktong halos walang
nito na kahit malaki ang bahagdan ng substitute. Kapag tumaas ang
pagbabago sa presyo, ang mga presyo ng produkto o serbisyo
mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili. ay halos walang pagbabago sa
Halimbawa, ang price elasticity of quantity demanded. Ang
demand ay 0.5. Ibig sabihin, sa bawat halimbawa ng serbisyong price
isang bahagdan ng pagbabago sa presyo inelastic ay koryente at tubig.
ay may katumbas na 0.5 na bahagdan Mahirap mawala ang mga ito
ng pagbabago ng quantity demanded. sa pang-araw- araw na
Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity pamumuhay, kaya kahit
demanded sa pagbabago ng presyo ay magmahal o tumaas ang
maaaring ipaliwanag ng sumusunod: presyo ng mga ito, maliit na
maliit lamang ang magiging
bahagdan ng pagbaba ng
a. Halos walang malapit na
quantity demanded sa mga
substitute ito.
sa isang produkto.
b. Ang produkto ay
pangunahing
pangangailangan.
3. Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng
Unitar presyo sa bahagdan ng pagbabago ng
yo quantity demanded.
Unit
Elastic
Nangangahulugan ito na anumang
4. |∊|= 1 pagbabago sa presyo ay magdudulot ng
Perfectl infinite na pagbabago sa quantity
y demanded. Ipinapakita rito na sa iisang
elastic presyo, ang demanded ay hindi matanto
o mabilang.
|∊| = ∞
Nangangahulugan ito na ang quantity
5. demanded ay hindi tumutugon sa
Perfectl pagbabago ng presyo. Ang produktong
y ito ay lubhang napakahalaga na kahit
Inelasti anong presyo ay bibilhin pa rin ang
c kaparehong dami.
Deman
d

|∊| = 0

Maliban sa elastic at inelastic, may iba pang degree ang elastisidad. Ito ay ang
unitary, perfectly elastic, at perfectly inelastic.
Ipinapakita sa unitary na magkapareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo at
quantity demanded. Ang coefficient ng unitary elastic demand ay .Walang tiyak na
halimbawa ang ganitong degree ng elastisidad.
Ipinapakita naman sa perfectly elastic na kahit walang nagbago sa presyo ay may
pagtugon pa rin ang mga mamimili. Hindi malalaman ang dami ng pagtugon dito kaya ang
coefficient ng elasticity nito ay infinite (∞). Walang tiyak na halimbawa ang ganitong
degree ng elastisidad.
Ipinapakita naman sa perfectly inelastic na kahit anong pagbabago sa presyo ay
walang magiging pagtugon ang mga mamimili dito. Ibig sabihin, sa kahit na anong presyo
ay bibili pa rin ng eksaktong dami. Dahil sa walang pagtugon na naganap, ang coefficient
ng elasticity nito ay 0. Tulad ng unitary at perfectly elastic, wala ring tiyak o eksaktong
sitwasyon o halimbawa ang perfectly inelastic.
Maituturing na pinakamalapit na halimbawa nito ay ang mga produktong may
kinalaman sa mga produkto at serbisyo na pansagip-buhay tulad ng insulin sa mga may
diabetes, chemotherapy sa mga may kanser at dialysis para sa mga may malalang sakit sa
bato.
Gawain 2: MAG-COMPUTE TAYO!

Suriin ang sitwasyong nasa susunod na pahina. Gamit ang formula, kompyutin ang
price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.

Coefficient Uri ng
SITWASYON
Elasticity
1. Mayroon kang ubo at sipon. Ang gamot na
nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng Php10
bawat isang piraso at bumili ka ng 10 piraso. Ngayon
ang presyo ay Php15 bawat piraso. Bumili ka na
lamang ng 8 piraso.
2. Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng
nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang
presyo nito sa Php25, nakabili ka ng 5 bareta ng sabon.

3. Tumaas ang halaga ng paborito mong fishball mula


₵.50 tungong Php1 bawat isa. Sa dati mong binibili na
20 piraso, ngayon ay 10 piraso na lamang ang iyong
binibili.

4. Si Mang Erning ay may sakit na diabetes. Kailangan niya


ng gamot na insulin batay sa takdang dosage na
inireseta ng kaniyang doktor. Tumaas ang presyo nito
mula Php500 kada 10 ml. vial tungong Php700 bawat
10ml vial. Walang magawa si Mang Erning kundi bilhin
ang iniresetang dosage ng doktor.

Gawain 3: CHART ANALYSIS!

Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga tanong.

Ang demand schedule sa ibaba ay nagpapakita ng demand ng mga negosyante na


naka base sa Maynila at Cebu at ng mga bakasyonista para sa tiket sa eroplano.

Presy Quantity Demanded Quantity Demanded ng


o ng mga negosyante mga bakasyonista
Php1,500 3 95
100 0
Php2,000 3 75
Php2,500 000
2 0
55
900 0
Pamprosesong Tanong:

1. Sa pagtaas ng halaga ng tiket sa eroplano mula Php2,000 sa Php2,500 ano ang


price elasticity of demand para sa mga:
a. negosyante? b. bakasyonista?
2. Bakit magkaiba ang price elasticity ng negosyante sa mga bakasyonista?
Ipaliwanag.
Gawain 4: PICTO-POSTER

Tinalakay sa araling ito ang tungkol sa price elasticity of demand. Ngayon ay


bibigyan mo ng pagpapahalaga ang mga produktong ito sa pamamagitan ng paggawa ng
poster na magpapakita ng “Mga Pamamaraan sa Pagtitipid ng Elektrisidad at Tubig”.
Ikaw ay dalawang poster, isa para sa pagtitipid ng koryente at isa ay para naman
sa pagtitipid ng tubig. Iguguhit ito sa malinis na putting papel.

Rubrik sa Pagpupuntos ng Poster


Pamantayan Paglalarawa Punto
n s
Nilalaman Wasto ang impormasyon. Naglalaman ng pangunahing 1
kaparaanan sa pagtitipid ng koryente at tubig. 0
Presentasyon Mahusay na naipahahatid ang mensahe ng kahalagahan 1
ng pagtitipid ng koryente at tubig. 0
Pagkamalikhain Mahusay ang pagkakalatag ng disenyo at mga larawan 1
na lubhang kaakit-akit sa mga tumitingin. 0
KABUUANG PUNTOS 3
0

Natapos mo na ang Ikatlong Linggo


ng Ikalawang Markahan !

Transisyon sa Susunod na Aralin

Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng price elasticity of demand at


ang epekto nito sa presyo ng produkto at serbisyo. Sa isang pampamilihang
ekonomiya, dalawa ang nagtatakda ng presyo. Ang demand ay kalahating bahagi
lamang sa pag-alam ng magigiging presyo ng bilihin. Ang isang bahagi naman ay
tumutukoy sa halaga na nais ng nagbebenta ng produkto at serbisyo. Ang
kagustuhan at kakayahan ng nagbebenta ng produkto at serbisyo ay bibigyang-
katuturan ng konsepto ng supply. Ang susunod na aralin ay tatalakay sa konsepto ng
supply, ang mga salik na nakaaapekto rito, at ang ugnayan nito sa presyo ng
produkto at serbisyo. Ang mga ito ay makatutulong upang magkaroon ng matalinong
pagdedesisyon tungo sa pambansang kaunlaran.
ARALIN
2 SUPLAY
PANIMULA

Tulad ng naging pagtalakay sa aralin tungkol sa demand, tutuklasin


natin ang ugnayan ng presyo at supply gamit ang tatlong pamamaraan sa
pagtuturo ng ekonomiks. Magsasagawa rin ng mga kasanayan ukol sa mga salik na
nakaaapekto sa supply. Inaasahan na ikaw ay mahihikayat na pagyamanin ang
iyong kaalaman at maunawaan kung paanong ang konsepto ng supply ay
makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng prodyuser tungo sa pambansang
kaunlaran.

Gawain 1: THREE PICS: ONE WORD

Panuto: Kompletuhin ang word puzzle ng bawat susuriing larawan. Matapos nito ay pag-ugnay-
ugnayin ang inilalahad ng bawat larawan upang mabuo ang hinihinging konsepto. Pumili ng mga
letra upang mabuo ang salita o konsepto.

(KONSEPTO)

U N G P E L

Y P A B S M

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang salitang nabuo mula sa mga larawan?


2. Anong konsepto ang mabubuo mo batay sa mga larawan?
3. Paano mo maiuugnay ang mabubuong konsepto sa mga prodyuser?
Gawain 2 : GO NEGOSYO!

Suriin ang pag-uusap ng dalawang prodyuser at sagutin ang pamprosesong


tanong sa ibaba.
Sa palagay ko,
iyan ang
Ang presyong semento pinakamatalinong
ay tumaas sa nakalipas desisyon!
na tatlong buwan at
mukhang magpapatuloy Sapat pa naman
pa ang pagtaas nito sa ang ating
susunod na taon. mga salik ng
produksiyon kung
Sa palagay mo dapat ba magtataas tayo ng
tayong magdagdag ng output.
produksiyon?

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang paksang pinag-uusapan ng dalawang prodyuser?

2. Batay sa usapan, ano ang reaksiyon ng isang prodyuser kapag tumataas ang

presyo?

3. Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto

sa pagdagdag ng produksiyon?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang graph ng kaalaman upang


inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa konsepto ng supply.
Gawain 3: KWL CHART

PANUTO: Ngayon naman ay ating alamin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng


pagsagot sa KWL Chart sa paksang na ating tatalakayin : Ang ginagampanan ng
SUPPLY sa Ekonomiks . Punan mo ang K at W na bahagi ng chart .

Paano makatutulong ang konsepto ng supply sa matalinong pagdedesisyon ng


prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran?

Know Want Learn


(Alam Ko) (Nais Kong Malaman) (Natutunan Ko)

(PUPUNAN ITO SA HULING


BAHAGI NG ARALIN)

ANG KONSEPTO NG SUPPLY


Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang
mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumita. Ang
supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Batas ng Supply
 Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo
sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din
ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang
presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili
(ceteris paribus).
 Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na
magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang
pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng
produkto o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batayan ng prodyuser sa
paglikha.Dahil dito, higit ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag
mataas ang presyo.
Supply Schedule

Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply sa pamamagitan ng supply


schedule. Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at
gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang
supply schedule.

Supply Schedule ng Kendi

Presyo (piso bawat piraso) Quantity Supplied


Php5 50
4 40
3 30
2 20
1 10
0 0

Ang iskedyul na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity supplied


para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat
piraso ng kendi, sampu (10) lamang ang dami ng handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser. Sa presyong (Php2.00) bawat piraso, dalawampung (20) piraso naman
ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kung tataas pa ang presyo at
maging limang piso (Php5.00) bawat piraso ang kendi, kapansin-pansing magiging
50 ang magiging supply para dito. Malinaw na ipinapakita ang direktang ugnayan
ng presyo at quantity supplied ng kendi para sa prodyuser.

Maliban sa supply schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa


quantity supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph, ito ay tinatawag na
supply curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity
supplied.
Supply Curve
Presyo ng kendi sa piso

Quantity
Ang graph sa itaas ay batay sa supply schedule na nasa talahanayan. Kung
ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity
supplied ay mabubuo ang supply curve para dito. Halimbawa, sa punto B ang presyo
ay piso (Php1), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng
prodyuser; sa punto C na ang presyo ay dalawang piso (Php2), dalawampu (20)
ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser. Kung tutuntunin ang
mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pataas o
upward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan sa
pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handang ipagbili ng mga mamimili. Ang
paggalaw sa kurba mula punto B papunta ng punto C ay nagpapakita sa pagtaas
ng supply ng sampung (10) piraso ng kendi. Kapag ang presyo naman ay bumaba
ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity supplied sa sampung (10)
piraso.

Paggalaw sa Supply Curve o Movement Along the Supply Curve


Presyo ng kendi sa piso

∆P
CO
Quantity Supplied
Ipinapakita sa graph sa itaas ang paggalaw sa supply curve. Mangyayari ang
paggalaw sa supply curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng
produkto na nagbabago. Kung ang presyo ng kendi ay tumaas mula Php1 tungong
Php2, makikita sa graph na lilipat ang punto B sa punto C. Kung bababa naman ang
presyo mula Php5 tungong Php4, ang punto F ay lilipat sa punto E.
Supply Function

Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity


supplied ay sa pamamagitan ng supply function. Ang supply function ay ang
matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari
itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qs = f (P)

Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman
ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang
presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Isa
pang paraan ng pagpapakita ng supply function ay sa equation na:

Qs = c + bP

Kung saan:
Qs= dami ng supply
P = presyo
c = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)
d = slope = ∆Qs
∆P

Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o negative. Nagpapakita


ang slope ng pagbabago sa dami ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa supply schedule sa itaas at ang supply


function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba:

Supply Function mula sa Supply Schedule para sa kendi: Qs = 0 + 10P.


Kapag ang P = 1 Qs= ? Kapag ang P = 10 Qs=?

Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P Qs
= 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5) Qs =
0 + 10 Qs = 0 + 50
Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso

Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung
may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at I-multiply
ito sa slope +10, ang makukuhang sagot ay idadagdag sa 0 (intercept). Mula
dito ay makukuha ang sagot na 10 na quantity supplied. Sa ikalawang halimbawa,
ang presyo na 5 ay i-multiply sa 10. Ang naging quantity supplied ay 50.
Gawain 4: GRAPH MO!
Ilipat sa graph ang mga punto na makikita sa supply schedule sa
kaliwa upang mabuo ang supply curve.

Presyo (Php) Quantity


Bawat Piraso Supplied
10 50
15 100
20 150
25 200
30 250

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang quantity supplied sa presyong Php30?


2. Ano ang nangyari sa quantity supplied nang bumaba ang presyo sa Php10?
Ipaliwanag.
3. Paano inilalarawan ng supply curve ang batas ng supply?

Gawain 5: SU-DA-KU (SURI, DATOS, KURBA)

Nalalapit na ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Hunyo, kaya inaasahan ang


pagtaas ng presyo ng school supplies partikular na ang kuwaderno. Gamit ang supply
function na Qs= 0 + 50P at itinakdang presyo sa ibaba, bumuo ng hypothetical na iskedyul
na magpapakita ng iyong desisyon kung ilang kuwaderno ang handa mong ipagbili.
Matapos ito ay i-plot ang iskedyul upang mabuo ang supply curve.

Iskedyul ng supply para sa notebook bawat piraso

Presyo (Php) Dami ng


ng notebook ibebenta
21
18
15
12
9
COPY
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong pangunahing dahilan para lumikha ng maraming


produkto at serbisyo?
2. Kung ikaw ay isang negosyante/nagbibili, ano ang dapat mong isaalang-
alang maliban sa kumita? Ipaliwanag.
Gawain 6: MAG-COMPUTE TAYO!

Kompyutin ang sumusunod na talahanayan gamit ang datos na nasa ibaba. A.

Supply Function na Qs = 0 + 5P
Presyo (Php) Qs

2
20
6
40

1
0

Iba pang mga Salik na Nakaaapekto sa Supply


Maliban sa presyo, may iba pang salik na nakaaapekto sa supply. Ang pagsusuri
ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng
desisyon ang mga prodyuser.

(1) Pagbabago sa Teknolohiya


Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo
ng mas maraming supply ng produkto. Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng
produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.

(2) Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon


Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik gaya ng lupa,
paggawa, kapital, at entrepreneurship. Sa bawat pagtaas ng presyo ng alinmang salik,
mangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring
bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng presyo ng alinmang salik ay magdudulot din
ng pagbaba ng kabuuang gastos sa produksiyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng supply.

(3) Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda


Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga
nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser ng mag prodyus at magtinda nito.
Halimbawa, dahil nauuso ang pagtitinda ng siomao, milkshake at toasted siopao, mas
marami ang nahihikayat na magtinda ng kaparehong produkto.

(4) Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto


Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity supplied ng
mga produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais.
Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang gamitin ang kabuuang
lupa bilang taniman ng mais. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng
supply ng mais.
(5) Ekspektasyon ng Presyo
Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling
panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa
hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng
supply sa pamilihan.
Halimbawa, may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa mga
pinagmumulan ng supply ng bigas sa bansa. May ilang mapagsamantalang negos
yante na magtatago ng kanilang supply dahil sa inaasahang pagtaas sa presyo ng produkto.
Kapag nangyari na ang inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas, muli nilang ilalabas sa
pamilihan ang mga itinagong bigas.

Ang Paglipat ng Supply Curve o Shifting of the Supply Curve


Presyo

Presyo

Quantity Quantity

Ang graph sa itaas ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng supply. Ang


pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kanan.
Mangyayari ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan kung ang mga pagbabago
ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng supply. Ang pagbaba ng
supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kaliwa. Mangyayari
ang paglipat ng supply sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo
ay nakapagdulot ng pagbaba ng supply.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na


Nakaaapekto sa Supply

Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa magiging


kahihinatnan ng negosyo. Dapat alam ng prodyuser kung papano tutugon sa
pagbabago ng mga naturang salik.

1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon ay nagreresulta sa pagtaas ng presyo


ng produkto. Hahantong naman ito sa pagbaba ng demand. Ang pagtaas ng
gastos ng produksiyon ay matutugunan sa pamamagitan ng efficient na
pamamaraan. Ibig sabihin sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng
maraming produkto.
2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging
matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad
nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa mga eksperto upang
maging matatag ang negosyo.
3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay
napakahalaga. Dapat maging handa sa anumang inaasahang balakid tulad
ng natural na kalamidad at krisis sa ekonomiya upang hindi maapektuhan ang
produksiyon.

4. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan. Ito ay lalo


lamang magpapalala ng sitwasyon. Dapat isipin ng mga negosyante ang kapakanan ng
nakararami lalo na ng mga konsyumer na hindi kayang abutin ang mataas na presyo .

Gawain 7: GRAPHIC ORGANIZER

Isulat sa loob ng kahon ang angkop na salik upang mabuo ang organizer.

Supply

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakaiimpluwensiya sa supply?


2. Bukod sa sariling presyo, ano-ano pa ang mga salik na nakaaapekto sa
supply?
3. Paano nakaiimpluwensiya ang mga pagbabago sa salik ng supply sa
desisyon ng mga prodyuser ukol sa dami na gagawing produkto?

PRICE ELASTICITY OF SUPPLY

Malaki ang epekto ng pagbabago sa presyo ng mga produkto sa quantity supplied


ng prodyuser. Ang wastong pagtugon sa bahagdan ng pagbabago ng presyo ay
makatutulong sa mga prodyuser upang makaagapay sa naging pagbabago nang sa gayon
ay makuha ang ninanais na kita. Ang pagsukat kung gaano ang pagtugon ng prodyuser
sa bahagdan ng pagbabago ng presyo ay may kinalaman sa konsepto ng Price Elasticity
of Supply.
Ang price elasticity of supply ay ang paraan na ginagamit upang masukat ang
magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago sa
presyo nito.
URI NG PRICE ELASTICITY OF SUPPLY

URI NG HALIMBAWA NG
KAHULUGAN
ELASTISIDAD PRODUKTO

Ang supply ay masasabing Halimbawa nito ay mga


price elastic kapag mas manufactured goods
1. Elastic malaki ang naging bahagdan ng tulad ng tela, damit,
pagbabagong quantity sapatos, appliances at
supplied kaysa sa bahagdan ng marami pang iba.
pagbabago ng presyo. Kapag tumaas ang
%ΔQs > %ΔP Ibig sabihin, mas madaling presyo, mas mabilis na
nakatutugon ang mga prodyuser
εs > 1 na magbago ng quantity supplied
nakagagawa ng
produkto ang mga
sa maikling panahon. prodyuser.

Ang supply ay masasabing price Isang halimbawa nito ay


inelastic kapag mas maliit ang ang mga nagmamay-ari
naging bahagdan ng pagtugon ng mga resort. Hindi
ng quantity supplied kaysa sa kaagad m
bahagdan ng pagbabago ng akapagdadagdag
2. Inelastic ng supply ng kuwarto
presyo. Samakatwid, anumang
bahagdan ng pagbabago sa o kaya ay swimming
presyo ay magdudulot ng pool kahit tumaas ang
%ΔQs < %ΔP mas maliit na bahagdan ng bayad o renta sa mga
pagbabago sa quantity supplied. ito. Mangangailangan
εs < 1 Mahabang panahon pa ang ng matagal na panahon
kakailanganin ng mga supplier ang resort owners bago
upang makatugon sa pagbabago makatugon sa
ng demand. pagbabago ng bayad o
renta.

3. Unitary o Unit
Elastic Pareho ang bahagdan ng Walang tiyak na
pagbabago ng presyo sa halimbawa ang supply na
%ΔQs = %ΔP bahagdan ng pagbabago ng unit elastic.
quantity supply.
εs = 1
Gawain 8: TRIPLE MATCH!

Punan ng tamang kasagutan ang dalawang kolum upang mabuo ang


talahanayan.

Digri ng Elastisidad Mathematical Statement Coefficient


1. Elastic
2. Inelastic
3. Unitary
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kaya hindi pare-pareho ang pagtugon ng mga prodyuser sa pagbabago


ng presyo ng mga produktong kanilang ibinebenta?
2. Bakit palaging positibo ang coefficient ng price elasticity of supply?
3. Ano ang kahalagahan ng konsepto ng price elasticity of supply para sa
mga prodyuser?

NA

Natapos mo na ang Ika-Apat na Linggo


ng Ikalawang markahan !

Transisyon sa Susunod na Aralin

Inilahad sa unang aralin ang tungkol sa gawi at desisyon ng mga mamimili na


naipakita sa konsepto ng demand. Sa ikalawang aralin naman ay tampok ang gawi at
desisyon ng mga prodyuser na naipakita sa konsepto ng supply. Tinalakay natin ang
dalawang konsepto nang magkahiwalay. Sa iyong palagay, maaari kaya nating
pagsamahin ang dalawang konseptong ito? Ano kaya ang mabubuo kapag nagkaroon
ng interaksiyon ang upang magkaroon ng matalinong pagdedesisyon tungo sa
pambansang kaunlarana ang supply at demand?.
ARALIN INTERAKSIYON NG
3
DEMAND AT SUPPLY
PANIMULA

Tinalakay sa mga nakaraang aralin ang kahulugan at kahalagahan ng demand


at supply sa pang-araw-araw na pamumuhay. Matatandaang may inverse o magkasalungat
na ugnayan ang presyo at demand. Ang dami ng demand ay mababa kung ang presyo nito
ay mataas; at tataas ang dami ng demand kung ang presyo nito ay mababa. Sa kabilang
banda, maaalalang may positibong ugnayan ang presyo at supply. Ang pagtaas ng presyo
ay nakahihimok sa mga prodyuser na magdagdag ng dami ng supply; at ang pagbaba ng
presyo ay nangangahulugan din ng pagbaba ng dami ng produkto at serbisyo na handang
gawin ng mga ito.
Kaya sa araling ito, pagsasamahin natin ang dalawang konseptong ito. Makikita mo
ang interaksiyon ng demand at supply bilang isang mahalagang salik sa pagtugon ng
pangangailangan tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.

INTERAKSIYON NG DEMAND AT SUPPLY

Gawain 1: RETWEET.... BARGAIN

Gamit ang speech balloon sa ibaba, magbahagi ng ilan sa iyong mga karanasan ukol
sa pagbili ng produkto o serbisyo at pakikipagtawaran sa presyo ng mga ito.

Pamprosesong Tanong:

1. Sa tingin mo, bakit pumayag ang prodyuser na ibigay ang produkto sa nais mong
presyo at dami?
2. Bakit ka naman pumayag sa nais din niyang presyo at dami?

ANG EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN


Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na Essentials of
Economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong
konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais at ang mga
prodyuser naman ay nakapagbebenta ng kanilang mga produkto.
Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang
bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling
produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang
pinagkasunduan. Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng
konsyumer at prodyuser at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa napagkasunduang
bilang ng mga produkto o serbisyo.

Ipagpalagay natin ang halimbawang ito. Si Corazon ay nagmamay-ari ng isang


maliit na tindahan malapit sa paaralan. Kamakailan lamang ay napag-isipan niyang
magtinda ng isang bagong produkto - ang home made niyang kendi. Sa unang araw,
gumawa siya ng 50 kendi at ibinenta sa halagang limang piso kada piraso. Nalungkot
siya dahil maraming natira sa kaniyang mga paninda. Si Maria, ang kaniyang suki, ay
bumili lamang ng 10 piraso. Nagkaroon ng labis na 40 piraso. Dahil sa kalabisan,
binabaan niya ang presyo ng mga ito sa halagang dalawang piso. Sa pagbaba ng
presyo, naging maganda ang pagtugon ni Maria. Sa mababang halaga, 40 piraso ang
nais at handang bilhin ni Maria ngunit 20 pirasong kendi lamang ang handa at kayang
ipagbili ni Corazon. Dahil sa labis na demand, nahikayat siyang dagdagan ang
ipagbibiling kendi ngunit sa mas mataaas na presyo.
Mula sa dating Php2, tumaas ang presyo sa Php3. Nabawasan ang quantity
demanded mula 40 piraso papuntang 30. Sa kabilang banda, ang quantity supplied
mula 20 piraso ay naging 30. Mapapansin sa halimbawa na pantay o balanse ang
quantity demanded at quantity supplied sa presyong Php3. Ang pangyayaring ito ay
nagpapakita ng ekwilibriyo.

Ipinapakita lamang ng karanasan ni Corazon at ni Maria kung paanong ang batas ng


demand at batas ng supply ay nagkakaroon ng interaksiyon sa pamilihan. Gusto niyang mag-
alok ng mas maraming kendi kapag tumataas ang presyo. Sa kabilang banda, mas maraming
kendi ang nais at handang bilhin ni Maria sa mababang presyo ngunit hindi naman siya
nakahandang bumili ng mga ito sa mataas na presyong nais ni Corazon.
Upang lubos na maunawaan ang interaksiyon ng demand at supply, ating suriin ang
graph. Ang vertical na axis ay nagpapakita ng presyo ng kendi. Ang horizontal na axis naman
ay nagpapakita ng dami ng kendi. Ang demand curve (D) ay nai-plot gamit ang presyo at
ang quantity demanded (hanay 2 at 3). Ang supply curve (S) ay nai-plot gamit ang presyo at
quantity supplied (hanay 1 at 3).
Maaari ding makuha ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng paggamit ng demand at
supply function. Ipinaliwanag sa nakaraang aralin na may inverse o magkasalungat na
ugnayan ang presyo at quantity demand. Ibig sabihin, sa bawat pagtaas ng presyo (P) ay
siya namang pagbaba ng dami ng demand o quantity demanded (Qd). Ang bawat
pagbaba ng presyo nito ay nangangahulugan naman ng pagtaas ng quantity demanded.
Gamit ang konseptong ito, masasabing ang Qd ay isang dependent variable samantalang
ang P naman ay isang independent variable. Ipagpalagay natin ang equation na Qd = 60 -
10P.
Sa kabilang banda, magugunitang may positibong ugnayan ang presyo at supplied.
Ang pagbabago sa presyo (P) ay nakaaapekto sa dami ng supply o quantity supplied (Qs).
Samakatwid, ang anumang pagtataas ng presyo ay nangangahulugan din ng pagtaas ng
quantity supplied. Ang pagbaba naman ng presyo ay nangangahulugan din ng pagbaba ng
dami ng supply nito. Ipagpalagay natin ang mathematical equation na Qs = 0 + 10P.
Sa pamamagitan ng mathematical equation na ito ay maaari na nating makuha ang
ekwilibriyo. Una munang alamin ang halaga o presyo (P) gamit ang demand at supply
function. Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa demand at supply function. Ang mga
makukuhang sagot ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong dami nito.

Ang kompyutasyon na nasa talahanayan sa ibaba ay nagpapakita kung papaano


makukuha ang ekwilibriyong presyo at quantity.
Qd = 60 - 10P Qs = 0 + 10P
Qs = Qd Qd = 60 - 10P Qs = 0 + 10P
0 + 10P = 60 - 10P = 60 - 10(3) = 0 + 10(3)
10P + 10P = 60 - 0 = 60 - 30 = 0 + 30
20P = 60 = 30 = 30
20 20
P=3
Ekwilibriyong Presyo (P*)= 3 Ekwilibriyong Dami (Q*)= 30

Gawain 2: SUBUKIN NATIN!

A. Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang demand at supply functions.


Qd = 150 - P Qs = -60 + 2P
Presyo (P) Dami ng Demand (Qd) Dami ng Supply (Qs)
40 110
55
80
65 110
100
B. Gamitin ang nagawang iskedyul (talahanayan) sa Gawain 4A upang
makalikha ng graph na nagpapakita ng interaksiyon ng demand at supply.

Matapos mong maunawaan ang konsepto ng ekwilibriyo na nagsasabing


ito ang punto kung saan ang dami ng demand at dami ng supply ay pantay o
balance, ngayon naman ay ihanda mo ang iyong sarili upang maunawaan at
masuri mo ang mga konsepto ng surplus at shortage.

SHORTAGE AT SURPLUS
Muling suriin at pag-aralan ang graph sa itaas. Mapapansing ang
dalawang kurba ay nagtatagpo lamang sa iisang punto. Ito ang punto ng
ekwilibriyo sa pamilihan. Nagaganap ito kung ang quantity demanded at quantity
supplied ay parehong 30 piraso ng kendi sa halagang Php3.00. Makikita ang
pagtatagpo ng mga kurba ng demand at supply sa presyong naitakda ng nagbibili
at mamimili.
Malinaw na inilahad sa mga panindang kendi ni Corazon na ang pamilihan
ay hindi kaagad nakapagtatakda ng ekwilibriyong presyo. Kadalasan, dumadaan
muna ito sa proseso ng paulit-ulit na transaksiyon ng mamimili at nagbibili bago
tuluyang matukoy ang ekwilibriyong presyo at dami. Ang anumang sitwasyon o
kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa isang
takdang presyo ay tinatawag na disekwilibriyo. Ang pamilihan ay maaaring
makaranas ng surplus kung mas marami ang quantity supplied kaysa quantity
demanded. Sa kabilang banda, ang shortage ay nararanasan naman kung ang dami
ng demand ay mas malaki kaysa dami ng supply.
Makikita natin sa graph sa susunod na pahina kung paano naranasan ni
Corazon at ni Maria ang mga konsepto ng surplus at shortage.

Natuklasan ni Corazon na kapag ibinenta niya ang kaniyang panindang kendi sa


presyong mas mataas kaysa Php3.00, maraming kendi ang hindi nabibili. Ang dami ng
surplus ay nasusukat sa distansiya sa pagitan ng dalawang kurba sa bawat presyo.
Halimbawa, sa presyong Php4.00, 20 piraso ang gustong bilhin ni Maria at 40 piraso
naman ang gustong ibenta ni Corazon. Naipapakita rito ang surplus na 20 kendi.

Nang magdesisyon naman siyang ipagbili sa halagang mas mababa sa tatlong piso,
kakaunti lamang ang kendi na handa at kaya niyang ipagbili samantalang marami pang
kendi ang handang bilhin ni Maria. Ang dami ng shortage ay nasusukat sa distansiya sa
pagitan ng dalawang kurba sa bawat presyo. Halimbawa, sa presyong Php2.00, 40 piraso
ang gustong bilhin ni Maria at 20 piraso lamang ang gustong ibenta ni Corazon. Naipapakita
rito ang shortage na 20 kendi.

Gawain 3: KNOWLEDGE ORGANIZER

Buuin ang graphic organizer batay sa isinasaad ng tekstong iyong nabasa.


Upang higit na maunawaan ay sagutin ang mga pamprosesong tanong na susukat
sa antas ng iyong kaalaman at pang-unawa.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan?


2. Kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?
3. Paano nagkakaroon ng gampanin ang presyo upang magkaroon
ng ekwilibriyo sa pamilihan?

Mahusay! Ngayong natapos mo ang mga teksto at mga gawain upang


iyong maunawaan ang konsepto ng ekwilibriyo at masuri ang epekto ng
surplus at shortage sa pamilihan, sa puntong ito ay susukatin mo ang iyong
kaalaman sa pamamagitan ng maikling pagsusulit sa susunod na gawain.
Gawain 4: LABIS? KULANG? o SAKTO?

Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod
na pangungusap ay nagsasaad ng surplus, shortage, o ekwilibriyo.
1. Kailangan ni Chiello ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ng
kaniyang ina ngunit siyam na rosas lamang ang natitira sa flower shop.
2. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php50 at sa dami
na 30.
3. May 100 sako ng palay si Isko ngunit 70 sako lamang ang handang bilhin
ng bumibili nito.
4. May 36 na panindang payong si Berlin. Dahil sa biglaang pagbuhos ng
ulan, naubos lahat ang kaniyang paninda.
5. Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa
suspensiyon ng klase kaninang umaga.

Natapos mo na ang Ika-Limang Linggo


ng Ikalawang markahan !

Transisyon sa Susunod na Aralin


Inilahad sa nakaraang aralin ang tungkol sa demand at supply.
Ipinaliwanag ang ugnayan ng dalawang konseptong ito. Nalaman mo na ang
demand ay kinakatawan ng konsyumer, samantalang ang supply ay sa panig
naman ng prodyuser.
Tinalakay din ang interaksiyon ng demand at supply at kung paano ito
nababago sa pamamagitan ng presyo at mga salik na hindi presyo.
Subalit, anong mekanismo o lugar nga ba maaring magtagpo ang konsyumer at
prodyuser? Paano mabisang maipaliliwanag ang relasyon ng demand at supply
gamit ang isang aktuwal na sitwasyon? Ang mga katanungang ito ay ilan lamang
sa sasagutin sa susunod na aralin tungkol sa pamilihan.
ARALIN
ANG
4
PAMILIHAN
PANIMULA

Ang pagtugon sa pangangailangan ang isa sa mahahalagang konsepto na


binibigyang diin sa pag-aaral ng ekonomiks. Ang bawat isa ay may mga
pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahan na magprodyus upang
matugunan ang mga ito. Kung kaya’t ang relasyon sa pagitan ng prodyuser at
konsyumer ay lubhang mahalaga para sa kapakinabangan ng lahat.
Sa nakaraang mga aralin, naunawaan mo ang ugnayan ng demand at supply
na kumakatawan sa konsyumer at prodyuser. Subalit, sa anong mekanismo ba ng
ekonomiya madaling malaman kung may sapat bang mga produkto o serbisyo na
siyang tutugon sa walang katapusang pangangailangan ng tao? Sa ganitong
aspekto papasok ang bahaging ginagampanan ng PAMILIHAN. Kung kaya’t ang
pangunahing pokus ng araling ito ay ang konsepto ng pamilihan at ang mga
estruktura nito bilang isang mahalagang salik sa pagtugon ng pangangailangan
tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.
Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap
sa mga teksto at mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at
magdaragdag sa iyo ng kaalaman.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapaliwanag ng
kahulugan ng pamilihan at makauunawa at makapagsusuri ng iba’t ibang sistema
o estruktura ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng mga
tao.

ANG PAMILIHAN: KONSEPTO AT MGA ESTRUKTURA NITO

Gawain 1: PIK-TUKLAS!

Suriin kung anong mensahe ang nais iparating ng sumusunod na larawan


gamit ang mga pamprosesong tanong. Itala ang inyong kasagutan gamit ang call-
outs, stars & banners, at bubble map.

LARAWAN 1
LARAWAN 2

LARAWAN 3

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
2. Isa-isahin ang mga simbolismong ginamit at ipaliwanag ang mensahe ng mga ito.
3. Alin sa mga larawan ang nakapukaw ng iyong interes? Ipaliwanag.
Gawain 2: PICTURE PERFECT: PIC-COLLAGE

Unawain, suriin, at sagutin ang sumusunod na larawan gamit ang mga


pamprosesong tanong na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
2. Ano ang naging batayan mo upang matukoy ang konseptong ipinahahatid ng mga
larawan?
3. Alin sa mga larawang ito ang madalas kang nagkakaroon ng ugnayan? Bakit?

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa


paksa, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipang ito sa tulong ng
mga teksto at mga gawain. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay
matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa
pamilihan. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan
ka sa pagsagot ng katanungan kung ano ang pamilihan at iba’t ibang mga
estruktura nito maging ang bahaging ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa.
Halina’t umpisahan mo sa pagbabasa ng unang teksto.
ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN

 Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer.


 Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at
prodyuser.
 Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa
marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto
at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo.

 Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser,


samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan
ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari
ng mga konsyumer.

 Presyo ang siyang batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahan


nilang da sa dami ng handa at kayang bilhin na produkto at serbisyo ng mga
konsyumer magbenta ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo.

 Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa, o pandaigdigan ang


lawak.

1. Ang sari-sari store na matatagpuan saanmang dako ng ating bansa ay isang


magandang halimbawa ng lokal na pamilihan.
2. Ang mga produktong abaka ng Bicol, dried fish ng Cebu, Durian ng Davao, at iba
pang natatanging produkto ng mga lalawigan ay bahagi ng pamilihang panrehiyon.
3. Ang bigas naman ay bahagi ng pambansa at pandaigdigang pamilihan gaya ng mga
prutas o produktong petrolyo at langis.
4. Ang mga nauusong on-line shops sa pamamagitan ng internet ay mga halimbawa
ng pamilihang maaring maging lokal, panrehiyon, pambansa, at pandaigdigan ang
saklaw.

Gawain 3: WORD TO CONCEPT MAPPING

Mula sa tekstong iyong nabasa ay sagutin mo ang mga pamprosesong tanong.


Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang nais iparating o ipahayag ng teksto?
2. Ano ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa teksto?
3. Pumili ng limang mga pangunahing salita sa teksto na iyong pag-
uugnay- ugnayin upang maipaliwanag ang konsepto ng pamilihan?
Gamitin ang concept mapping chart na matatagpuan sa ibaba upang
itala ang iyong mga kasagutan para sa bilang 3 at ang text box para
naman sa iyong mabubuong ugnayan ng mga napiling salita.

Natapos mo na ang Ika-Anim na Linggo


ng Ikalawang markahan !
Mga Estruktura ng Pamilihan

 Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng


merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
 Ang mga ito ay teoretikal na balangkas ng pamilihan. Ang dami at lawak ng kontrol
ng market players o ang mga konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na
nagtatakda ng estruktura nito.

2 BALANGKAS NG PAMILIHAN

1. PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON


 Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal.
 Sa ilalim ng sistemang ito, hindi kayang idikta nang isang prodyuser at
konsyumer ng mag-isa ang presyo.
 Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
 Sa panig naman ng mga konsyumer, walang sinoman ang may kakayahang
idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang
ng maaaring bumili ng produkto o serbisyo.
 KONSEPTO NG PRICE TAKER - kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon
lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na
magtakda ng sarili nilang presyo.

MGA KATANGIAN NG PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON


(Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2nd Edition
(2009))
1. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
2. Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
3. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
4. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
5. Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

2. PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA KOMPETISYON


 Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung
wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may
ganap na kompetisyon.
 Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong
estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
MGA ANYO NG PAMILIHANG MAY HINDI-GANAP NA KOMPETISYON
 MONOPOLYO
 Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na
gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t
walang pamalit o kahalili. Dahil dito, siya ay may kakayahang
impluwensiyahan ang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
 Ang mga halimbawa ng mga prodyuser na nasa ganitong uri ay
ang mga kompanya ng koryente sa aspekto ng transmission,
tubig, at tren.

MGA PANGUNAHING KATANGIAN NG MONOPOLYO

1. Iisa ang nagtitinda – Dahil iisa ang nagbebenta, ang presyo at dami ng
supply ay idinidikta, batay sa tinatawag na profit max rule o pagnanais ng
prodyuser na makakuha ng malaking kita.

2. Produkto na walang kapalit – Ang mga produkto ay walang kauri kaya


nakokontrol ang presyo at dami ng supply.

3. Kakayahang hadlangan ang kalaban – Dahil sa mga patent,


copyright, at trademark gamit ang Intellectual Property Rights, hindi
makapasok ang ibang nais na maging bahagi ng industriya na kaparehas
sa hanay ng produkto at serbisyong nililikha ng mga monopolista.

 COPYRIGHT- isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang


pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (literary
works) o akdang pansining (artistic works).
 PATENT - pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
 TRADEMARK - ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na
siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
 NATURAL MONOPOLY- iyong mga kompanyang binibigyang- karapatan na magkaloob ng
serbisyo sa mga mamamayan
 MONOPSONYO
 Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang mamimili
ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
 Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan
Ang mga larawan sa ibaba ang mabisang
magpapaliwanag ukol sa estrukturang
monopsonyo:

 OLIGOPOLYO
 Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan
lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na
produkto at serbisyo.

 Sa ganitong uri ng pamilihan, may kakayahan ang prodyuser na


maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo na umiiral sa pamilihan.

 Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng produkto sa pamilihan ay ang


semento, bakal, ginto, at petrolyo
 HOARDING - o ang pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply sa
pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo.

Ang mga larawang nasa ibaba ang mabisang magpapaliwanag ng


mga halimbawa ng mga produkto na nasa ilalim ng estrukturang oligopolyo.

 Monopolistic Competition
 Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming
kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa
pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer. Gayunpaman, may
kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda
ng presyo ng kanilang mga produkto.
 Dahil sa product differentiation, ang katangian ng mga produkto na
ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig. Ang kanilang pagkakapareho ay maaaring sa uri ng
produkto gaya ng shampoo, sabon, o toothpaste. Sila ay nagkakaiba-
iba sa packaging, labeling, presentasyon, at maging sa lasa o flavor.
Ginagawa ito ng mga prodyuser sapagkat ang kanilang layunin sa
product differentiation ay kumita at mas makilala ang kanilang mga
produkto.

 ADVERTISEMENT o pag-aanunsiyo ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga


prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo.
Ang mga halimbawa ng
mga produkto at serbisyong
ipinagkakaloob sa pamilihang may
monopolistic competition ay ang
mga sabong panlaba at pampaligo,
toothpaste, pabango, fabric
conditioner, cellphone, softdrinks,
appliances, fastfood restaurant,
serbisyo ng mga ospital, hair salon,
beauty & cosmetics product, at
marami pang iba. (Balitao, 2012)
Gawain 4: GRAPHIC ORGANIZER

Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng


tekstong nabasa. Upang higit na maunawaan, sagutin ang mga pamprosesong tanong
na susukat sa antas ng iyong kaalaman at pang-unawa.

DALAWANG
PANGUNAHING
ESTRUKTURA
NG PAMILIHAN

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang dalawang pangunahing estruktura ng pamilihan?


2. Isa-isahin ang mga katangian ng bawat estruktura at uri ng pamilihan
na nabibilang dito?
3. Paano nakaapekto ang mga estruktura ng pamilihang ito sa ugnayan
ng presyo, demand, at supply tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng
tao.
Gawain 5: STRUCTURAL MARKET ANALYSIS: THREE PICS, ONE WORD

Suriin ang tatlong larawan na nasa loob ng bawat kahon at tukuyin ang posibleng
kinabibilangan nitong estruktura ng pamilihan.
1.) 2.)

OPY
3.) 4.)
5.) 6.)

7.) 8.) _________

9)_________________
Gawain 6: Pabili o Patawad

Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ayon sa
mga salitang nakasalungguhit. Lagyan ng salitang PABILI kung TAMA ang mensahe at PATAWAD
kung ito ay MALI.

1.) Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
2.) Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser, at
ang produkto.
3.) Nagaganap ang sistema ng pamilihan dahil lahat tayo ay may kakayahan na mag-supply.
4.) Sa pamamagitan ng pamilihan, nalalaman ang sistema ng ekonomiya.
5.) Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may
ganap na kompetisyon.
6.) Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing
produkto.
7.) Kapag mataas ang presyo, ang mga prodyuser ay nahihikayat na magbawas ng supply lalo
na sa mga pangunahing uri ng produkto.
8.) Ang presyo ang pangunahing salik sa pagbabago ng demand at supply sa pamilihan.
9.) Kapag mababa ang presyo sa pamilihan ang konsyumer ay nagtataas ng kabuuang
dami ng binibiling produkto.
10.) Ang kartel ay nangangahulugang alliances of consumers.

PANGHULING PAGTATAYA

1. Ang paggalaw ng kurba ng demand at suplay ay nagpapakita ng pagbabago ng demand at suplay bunga
ng isang salik habang ang ibang salik ay di nagbabago . Ano ang salik na nakapagpapabago sa kurba ng
demand at suplay.
A. Dami ng nagbebenta C. Presyo
B. Gastos D.Subsidy
2. Ito ay tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng derektang relasyon ng presyo at dami ng ipagbibiling
produkto habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
A. Iskedyul ng suplay C. Kurba ng suplay
B. Kurba ng Demand . Punto ng ekwilibriyo
3.Kapag ang presyo ng produkto ay tumataas at ang dami ng demand ay bumababa, habang ang salik ay
di nagbabago, ito ay tumutukoy sa _______________________
A. Batas ng Demand C. Demand
B. Batas ng Suplay D. Suplay
4.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salik ng demand?
A. Kita, teknolohiya, subsidy, buwis
B. Klima, teknolohiya, kagustuhan, espekulasyon
C. Ekspektasyon, buwis, teknolohiya, populasyon
D. Okasyon, presyo ng ibang produkto , kita, panlasa
5.Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, maaari mong asahan na :
E. Tataas ang demand ng nasabing produkto
F. Ang kurba n g supplay ay pupunta sa kanan
G. Ang dami ng ipinagbibili ng produkto ay bababa
H. Ang dami ng ipinagbibiling produkto ay tataas
6.Ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang suliranin . Bilang isang kabataang Pilipino sa paanong
paraan ka makatutulong sa kasalukuyang suliranin ng bansa sa ekonomiya?
A. Ipabago ang sistema ng edukasyon sa bansa
B. Pumunta s aibang bansa upang duon na lamang mag-aral
C. Ipahayag ang mga saloobin sa pamamagitan ng mga rally at protesta
D. Isipi at isagawa ang mga natutuhan sa paaralan upang maging produktibong mamamamayan ng
bansa
7.Ikaw ay isang negosyanteng nagnanais na kumita ng Malaki sa iyong negosyo. Ano ang iyong gagawin
upang lumaki ang iyong kita?
A. Magdadagdag ng tauhan upang lumaki ang produksyon
B. Mangungutang ng puhunan upang maparami ang paninda
C. Lalakihan ang puhunan upang maraming produkto ang magawa
D. Iaanunsyo ang produkto upang ito ay makilala ng mga mamimili
8.Ang Pamahalaan ay nagnanais na makamit ang pambansang pangkaunlaran. Anong programa an dapat
nitong ipatupad ?
A. Programa sa pagbubuwis C. Programang Pangkalikasan
B. Programang pang-agraryo D. Programang Pang-ekonomiya
9.Ikaw ay isang opisyal ng barangay at naatasang maging speaker sa isang programa sa nalalapit na
kapistahan na may teamang “ Makakamit ang Kaunlaran, Basta’t tayo ay sama-sama.
A. Gagamit ng makabagong teknolohiya upang maging kapani-paniwala sa iyong mga manonood
B. Ang mga larawang ipakikita ay makukulay upang ito ay maging kabigha-bighani
Sa mga manonood
C. Ang mga halimbawang ipakikita at nakakatawa upang hindi mawalaang interes ng mga manonood
D. Maglalahad ng mga kwento sa tunay na buhay ukol sa paksa na makapagbibigay ng inspirasyon
sa mga manonood
10.Ang pagkakaroon n g matalinong pagpapasya sa mga sistema ng demand at suplay sa pamilihan ay
nagdudulot ng kaunlran nito. Bilang isang prodyuser, anu-ano ang mga suliraning dapat mong lutasin sa
produksyon?
A. Paano gagawin? Kailan gagawin? Para kanino ang gagawain?
B. Ano ang gagawin? Saan gagawin? Gaano karami ang gagawin?
C. Ano ang gagawin? Magkano ang gagagastusin? Paano ipamamahagi?
D. Ano ang gagawin? Para kanino ang gagawin? Gaano karami ang gagawin?

Natapos Mo Na Ang Ika-Pitong Linggo


Ng Ika-Lawang Markahan!

You might also like