You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE
Masbate

9
GAWAING PAGKATUTO
sa

ARALING PANLIPUNAN
Ika-apat na Markahan – Linggo: 5

Mga Patakaran at Programa upang


Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura

RENA BASAS ROCO


Manunulat

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE
Masbate

GAWAING PAGKATUTO
Linggo: - 5
PANGALAN: _____________________________
ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN
GRADO: GRADE 9
PETSA: _______________________
I- PANIMULANG KONSEPTO
Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas
ang sektor ng agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng
agrikultura at ng mga mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning kinakaharap
nito ay bunga ng mga nakaraan at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga
namumuno ng bayan, gayundin ng mga mamamayan na naging mapang-abuso sa
likas na yaman ng bansa. Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang implementasyon
ng mga batas at programa upang masiguro ang kaayusan sa sektor ng agrikultura.

MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Batas Tungkol sa Lupa


Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng
Land Registration Act ng 1902 pananakop ng mga Amerikano na kung saan
ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.

Public Land Act ng 1902 Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga


lupaing pampublilko sa mga pamilya na
nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay
maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na
ektarya ng lupain.
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National
Batas Republika Bilang 1160 Resettlement and Rehabilitation Administration
(NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa
pamamahagi ng mga lupain para sa mga
rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga
pamilyang walang lupa
Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban
Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya
ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.

Ito ay simula ng isang malawakang reporma


Agricultural Land Reform Code sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong
Diosdado Macapagal noong ika-

2
8 ng Agosto 1963.Ayon sa batas na ito,ang mga
nagbubungkal ng lupa ay itinuturing na tunay na
may-ari nito.
Atas ng Pangulo Blg 2.ng 1972 Itinadhana ng kautusan na sa ilalim sa
reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong
panahon ni dating Pangulong Marcos.
Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay
Atas ng Pangulo Blg. 27 ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing
magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng
kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-
ari ng lupang sinasaka.
Ang mga magsasaka ay binigyan ng
pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng
lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang
lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang
bubungkalin.
Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating
Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng
Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang
lahat ng publiko at pribadong lupang
agrikultural. Ito ay nakapaloob sa
Comprehensive Agrarian Reform Program
(CARP).
Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang
agrikultural anoman ang tanim nito sa mga
walang lupang magsasaka. May hangganan ang
matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay
makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng
lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng
tatlong ektarya ng lupa kung sila ang magsasaka
nito.

MGA PATAKARAN AT PROGRAMANG PANGKAUNLARAN SA SEKTOR NG


AGRIKULTURA

PAGSASAKA/PAGTATANIM

Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang


maikatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang
pangkabuhayan ng mga magsasaka:

 Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong


mayroon suportang maibibigay sa kanila;
 Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
 Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral
kaya itinayo ang Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship
Program; at
 KALAHI agrarian reform zones.
Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak
ang kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan
ng reporma sa lupa.

3
PANGINGISDA
Pagtatayo ng mga Philippine Fisheries Code Fishery Research.Ang
daungan. Upang higit na of 1998. Ito ang itinadhana pananaliksik at pagtingin sa
mapadali ang pagdadala sa ng pamahalaan na potensiyal ng teknolohiya
mga huling isda sa pamilihan naglilimita at naglalayon ng tulad ng aquaculture marine
o tahanan, nagsisilbing wastong paggamit sa resources development,at
sentro o bagsakan ng mga yamang pangisdaan ng post-harvest technology ay
ito ang mga daungan. Dahil Pilipinas. patuloy na ginagawa upang
dito, nagiging mas madali masiguro ang pagpaparami
para sa mga mamamayang at papapayaman sa mga
maabot ang mga produkto yamang-tubig.
mula sa mga ito.
PAGTOTROSO

Community Livelihood National Integrated Sustainable Forest


Assistance Program Protected Areas System Management Strategy – ito
(CLASP) – paglilipat (NIPAS) ito ay programa ay pamaraan upang
teknolohiya o pagtuturo sa na pangunahing layunin ay matakdaan ang permanente
mga mamamayan ng maingatan at protektahan at sukat ng kagubatan. Ito
wastong paglinang sa mga ang kagubatan. ay estratehiya ng
likas na yaman ng bansa. pamahalaan upang
Hal.Mangrove farming sa maiwasan ang suliranin ng
Bohol, Plantasyon ng squatting, huwad at ilegal na
kawayan sa La Union. pagpapatitulo ng lupa at
pagpapalit ng gamit sa lupa.

II- KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs

 Nabibigyang halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na


nakakatulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng agrikultura,
pangingisda at paggugubat)

III- MGA GAWAIN

Gawain 1: TUKOYIN MO

Panuto: Tukuyin kung Batas o Patakaran ng sektor ng agrikultura ang mga


sumusunod na programang nabanggit.

__________1. Public Land Act ng 1902

_________2. Philippine Fisheries Code of 1998.

__________3. Sustainable Forest Management Strategy

_________4. Agricultural Land Reform Code

__________ 5. Public Land Act ng 1902

4
Gawain 2: I-VENN DIAGRAM NA YAN

Panuto: Isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga sekundaryang


sektor ng agrikultura gamit ang istratehiyang Venn diagram.

Pagsasaka

Pangisdaan

Pagtotroso

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba sa mga naging patakaran ng pamahalaan sa
iba’t ibang aspekto ng agrikultura?
______________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, mayroon bang mga naging pagkukulang upang ganap na matamo
ang layunin ng mga patakaran? Patunayan.
_____________________________________________________________________
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang maaari mong maging papel upang maging
matagumpay ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura?
__________________________________________________________________

5
Gawain 3: RIPPLES OF KNOWLEDGE

Panuto: Punan ang hanay ng mga patakaran o programang pang-ekonomiya ayon


sa mga naibigay na sitwasyon, inaasahang magiging epekto nito, at ang ahensiya ng
pamahalaang nangangasiwa rito.

Gawain 4: MANGAMPANYA TAYO!

Panuto: Gumawa ng advocacy campaign upang palakasin ang sektor ng


agrikultura. I-upload sa social networking sites (halimbawa, Facebook, blogs at iba pa)
upang maging boses ng mga kabataan at mag-aaral o maaari ding isulat lamang ito.

6
IV. RUBRIK

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG “CAMPAIGN” ISLOGAN


Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Puntos

Nilalaman Malinaw na nagpapahiwatig ng 10


pagpapa-halaga sa sektor ng
agrikultura tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad

Pagkamalikhain Ang likha ay orihinal


10

Kaangkupan sa tema Angkop sa tema ang ginawang islogan. 5

Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng islogan 5

Kabuuan 30

7
V. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1. 1. Batas 2. Patakaran 3. Patakaran 4. Batas 5. Batas

Gawain 2: Nakabatay sa opinyon ng mag-aaral

Gawain3: Nakabatay sa opinyon ng mag-aaraL

Gawain 4: Nakabatay sa sagot ng mag-aaral.

VI. SANGGUNIAN

 Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa mag-aaral pahina 376-385

Inihanda ni:

Rena B. Roco
T-1
Cleofe A. Arce Memorial High School

Sinuri ni: G. Lelis A. Bartolay


Punongguro

8
9

You might also like