You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9
Araling Panlipunan
Ika-Apat na Markahan Modyul 5
Mga Patakarang Pang-ekonomiya na
Nakatutulong sa Sektor ng Agrikultura,
Industriua, Pangingisda at Paggugubat
Araling Panlipunan – Grade 9
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Mga Patakarang Pang-ekonomiya na Nakakatulong
sa Sektor ng Agrikultura, Industriya, Pangingisda at Paggugubat
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtatakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto O
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na Ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa Paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapag lathala at mga may- Akda ang karapatang-ari ng iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito Ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o Inilimbag


sa anumang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Narifel I. Bermudo / Aileen N. Geografo

Editor:

Tagasuri: Monina R. Antiquina, EPS, EMD, AP / Juhaira I. Hussien

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: Oliver A. Manalo

Tagapamahala: Virgillio P. Batan Jr. Schools Division Superintendent


Lourma I. Poculan Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag Education Program Supervisor, LRMS
Monina R. Antiquina Education Program Supervisor, EMD, AP
Leo Martinno O. Alejo Project Development Officer II, LRMS

Printed in the Philippines by


Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga Del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address:dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin
MELC: Nabibigyang halaga ang mga patakarang pang-
ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura
(industriya, agrikultura, pangingisda at
paggugubat)(AP9MSP-IVd-8)
● Natutukoy ang mga patakarang pang-ekonomiya na
nakakatulong sa sektor ng agrikultura
● Naipaliliwanag ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa
sektor ng agrikultura
● Naiisa-isa ang kahalagahan ng mga patakarang pang-ekonomiya
sa sektor ng agrikultura, pangingisda, paggugubat at industriya

Balikan
Gawain 1
Panuto:

Magbigay ng tatlong halimbawa sa mga suliranin na kinakaharap


sa mga sektor ng agrikultura. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

3
Tuklasin
Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra para makabuo ng mga
grupo ng salita. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. TURALCULAGRI DANL FORMRE DECO - ayon sa batas na ito ang mga


nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito
___________________________________________________

2. PINELIPPHI SHERIESFI DECO OF 1998 – itinadhana ng pamahalaan na


naglilimita at naglalaman ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng
Pilipinas
____________________________________________________
3. SHERYFI SEARCHRE – pananaliksik at pagtingin sa potensyal ng
teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development
____________________________________________________
4. LIC PUB DANL CAT NG 1902 - sistemang Torrens sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay
ipinatalang lahat
____________________________________________________
5. TASBA PUBRELIKA LANGBI 1160 - pangunahing nangangasiwa sa
pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa
pamahalaan
____________________________________________________

Pamprosesong Tanong
1. Tungkol saan ang nabuo mong mga salita?
2. Ano ang ugnayan sa mga nabuo mong salita sa sektor ng
agrikultura?
3. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng mga ito sa mga taong may
kaugnayan sa sektor ng agrikultura?Ipaliwanag.

Suriin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto tungkol sa mga patakarang
at programa ng pamahalaan upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura.
Pagkatapos mong basahin, sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang
susunod na gawain na may kinalaman sa mga patakaran ng sektor ng
agrikultura

4
MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Mga Batas Tungkol sa Lupa

Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng


1. Land Registration pananakop ng mga Amerikano na kung saan
Act ng 1902 ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng
mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na
2. Public Land Act ng nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay
1902 maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na
ektarya ng lupain.
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa
National Resettlement and Rehabilitation
3. Batas Republika Administration (NARRA) na pangunahing
Bilang 1160 nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain
para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa
pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan
nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
Ito ay batas na nagbibigay-proteksyon
4. Batas Republika Blg. laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at
1190 ng 1954 pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga
manggagawa.
Ito ay simula ng isang malawakang
reporma sa lupa na nilagdaan ng dating
Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng
Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga
nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na
5. Agricultural Land
tunay na may-ari nito. Ang pagbili ng
Reform Code
pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng
mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga
lupang ito ay muling ipinagbili sa mga
magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng
presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari
ng lupa.

5
6. Atas ng Pangulo Blg. 2 Itinadhana ng kautusan na isailalim
ng 1972 sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong
panahon ni dating Pangulong Marcos.

Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2


ay ipinatutupad ang batas na ito na
sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa
7. Atas ng Pangulo Blg. 27 tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila
ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka.
Ang mga magsasaka ay binigyan ng
pagkakataong mag may-ari ng limang ektarya
ng lupa kung walang patubig at tatlong
ektaryang lupa may patubig.
Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na inaprubahan
ni dating Pangulong Corazon Aquino noong
ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas
na ito ang lahat ng publiko at pribadong
lupang agricultural. Ito ay nakapaloob sa
Comprehensive Agrarian Reform Program
(CARP).
Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng
lupang agrikultura anuman ang tanim nito sa
mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga may-
ari ng lupa. Sila ay makapag titira ng hindi
hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat
anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya
ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito.
8. Batas Republika Blg. Ang pamamahagi ng lupa ay isinasagawa sa
6657 ng 1988 loob ng 10 taon.
Hindi sakop ng CARP ang ginagamit
bilang:
● liwasan at parke
● mga gubat at reforestation area
● mga palaisdaan
● tanggulang Pambansa
● paaralan
● simbahan
● sementeryo
● templo
● watershed, at iba pa
Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan
sa mga may-ari ay isinasagawa sa iba’t ibang
paraan. Maaaring magbayad ng salapi ng
ilang porsiyento at ang ilang bahagi ay sa
panagot o bonds ng pamahalaan. Ang lupaing
higit sa 50 ektarya ay binabayaran ng 25% na

6
salapi at 75% ay panagot o bonds ng
pamahalaan. Ang 24-50 ektarya ng lupa ay
30% ng salapi. Ang natitirang bahagi ay
bonds ng pamahalaan.

Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura

PAGSASAKA/PAGTATANIM

Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang


maisakatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang
pangkabuhayan ng mga magsasaka:
√ Pagpapatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang
masigurong mayroong suportang ibinigay sa kanila;
√ Pagpapayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
√ Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay nakapag-aaral
kaya itinayo ang Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform
Scholarship Program; at
√ KALAHI agrarian reform zones.
Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang
matiyak ang kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa
pamamagitan ng reporma sa lupa.

PANGINGISDA

Pagpapatayo ng mga daungan


Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa
pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ng mga
daungan. Dahil dito, nagiging mas madali para sa mga mamamayang
maabot ang mga produkto mula sa mga ito.
Philippine Fisheries Code of 1998
Ito ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng
wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
Fishery research
Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohikal tulad
ng aquaculture marine resources development, at post-harvest technology
ay patuloy na ginagawa upang masiguro ang pagpaparami at
pagpapayaman sa mga yamang-tubig.

PAGTOTROSO

Community Livelihood Assistance Program (CLASP)


Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong
paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Halimbawa, ang mangrove
farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at plantasyon ng
mga halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan.

7
National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
Ito ang programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at
protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop
at pananim dito.
Sustainable Forest Management Strategy
Ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng
kagubatan. Ito ay estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang
suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at
pagpapalit ng gamit sa lupa.

Pamprosesong Tanong
1. Paano nakatutulong ang mga patakarang ito sa sektor ng
agrikultura?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagtatanim, pangingisda at
pagtotroso sa ekonomiya ng bansa.
3. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong para
pahalagahan ang mga sektor na ito?

8
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Isulat ang mga sektor ng agrikultura at magbigay ng tatlong
halimbawa sa mga patakarang nito. Isulat ang iyong sagot sa mga kahon
sa ibaba.

Sektor ng Agrikultura Mga Patakaran


1. A. _____________________________________
_____________________________________
B. _____________________________________
_____________________________________
C. _____________________________________
_____________________________________
2. A. _____________________________________
_____________________________________
B. _____________________________________
_____________________________________
C. _____________________________________
_____________________________________
3. A. _____________________________________
_____________________________________
B. _____________________________________
______________________________________
C. ______________________________________
______________________________________
4. A. ______________________________________
______________________________________
B. ______________________________________
______________________________________
C. ______________________________________
_______________________________________

9
Gawain 2
Panuto: Itala mo sa bawat kahon ang mga sektor ng agrikultura at ang mga
kahalagahan nito.

Pamprosesong mga Tanong


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba sa mga naging
patakaran ng pamahalaan sa iba’t ibang aspekto ng
agrikultura?
2. Sa iyong palagay, mayroon bang mga naging pagkukulang upang
ganap na matamo ang layunin ng mga patakaran? Patunayan.
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang maaari mong papel
upang maging matagumpay ang pagpapalakas sa sektor ng
agrikultura?

Gawain 3

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang sagot sa mga pahayag sa ibaba.


Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

10
______________________________ 1. Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay
ipinatalang lahat.
______________________________ 2. Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga
lupaing pampubliko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa.
______________________________ 3. Nakapaloob dito ang pagtatatag ng
National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA)
na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa
mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
______________________________ 4. Ito ay batas na nagbibigay
proteksyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng
mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
______________________________ 5. Ito ay simula ng isang malawakang
reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado
Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963.
______________________________ 6. Upang higit na mapadali ang pagdadala sa
mga huling isda sa pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o
bagsakan ng mga ito ang mga daungan.
______________________________ 7. Ang pananaliksik at pagtingin sa
potensyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources
development, at post-harvest technology.
______________________________ 8. Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga
mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng
bansa.
______________________________ 9. Ito ay paraan upang matakdaan ang
permanente at sukat ng kagubatan.
______________________________ 10. Suporta sa pagpapalawak at
pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan
sa pagbibigay ng trabaho.

11
Gawain
Panuto: Punan ng wastong sagot ang sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang mga mahahalagang kontribusyon ng sektor ng


agrikultura, industriya, pangingisda at paggugubat sa:

Iyong sarili…

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pamayanan…

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Lipunan…

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
1. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba sa mga naging patakaran ng
pamahalaan sa iba’t ibang aspekto ng agrikultura?
______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang iba’t ibang aspekto ng agrikultura?
Patunayan.
______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

12
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo pahalagahan ang sektor ng
agrikultura?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________

Tayahin
Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bilugan
ang titik ng iyong napiling sagot sa bawat bilang.
1. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagbibigay-proteksyon laban sa
mapang-abuso, mapang-api at mandaraya na may –ari ng lupa sa mga
manggagawa?
A. Batas Republika Bilang 1160 ng 1953
B. Batas Republika Bilang 1190 ng 1954
C. Batas Republika Bilang 2200 ng 1980
D. Batas Republika Bilang 1132 ng 1867

2. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Comprehensive Agrarian


Reform Program of CARP?
A. Ipamahagi ang mga pampubliko at pampribadong mga lupaing
agrikultural anuman ang tanim o tenyur nito.
B. Ipamahagi ang mga malalaking ektarya ng mga pampribadong
lupain na hindi nakarehistro sa gobyerno.
C. Ipamahagi ang mga pampublikong mga lupain para sa mga
magsasaka ng matagal ng nagsasaka.
D. Ipamahagi ang mga pampubliko at pampribadong lupain kung
magbabayad ang mga magsasaka ng 50% sa may-ari ng lupa
3. Kailan nilagdaan ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ang malawakang
reporma sa lupa ayon sa Agricultural Land Reform Code?
A. Agosto 8, 1963 C. Agosto 7, 1963
B. Agosto 10 1936 D. Agosto 9, 1936

4. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga programa ng pamahalaan upang


maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka MALIBAN sa:
A. KALAHI agrarian reform zones.
B. Pagbibigay ng Scholarship program para sa mga anak ng magsasaka.
C. Pag-aangkat ng produkto sa ibang bansa.
D. Pagtatayo ng mga daungan.

5. Sino ang pangulo ng Pilipinas ang lumagda sa (CARP)Comprehensive


Agrarian Reform Program noong Hunyo 10, 1988?
A. Jose P. Laurel C. Ferdinand E. Marcos
B. Diosdado P. Macapagal D. Corazon C. Aquino

13
6. Isa sa pangunahing suliranin ng Sektor ng Agrikultura ay ang
pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong
agrikultura. Bakit nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan.
C. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
D. Kawalan ng ng maayos na daan patungo sa pamilihan
(Farm-to market road)

7. Ito ay ang mga pinagsanib na programa upang mapaunlad ang land


tenure at maayos ang mga hadlang na nagpapabagal sa pag-unlad ng
agrikultura.
A. Repormang agraryo
B. Repormang pang-agrikultura
C. Comprehensive Land Reform Program
D. Comprehensive agrarian reform

8. Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng


mga kagubatan at lamang dagat, alin sa mga sumusunod ang dapat
gawin ng pamahalaan para malutas ang mga ito.
A. Bibigyan ng malaking budget ng pamahalaan ang sektor ng
agrikultura
B. Magtatag ng mga ahensya at programa na tumutulong sa sektor na
ito.
C. Magsasagawa ng kampanya upang humikayat na pangalagaan ang
agrikultura
D. Magbigay ng maraming pananim at binhi sa mga magsasaka

9. Alin ang HINDI programang pang-agraryo?


A. Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
B. National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
C. KALAHI agrarian reform zone
D. Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)

10. Ito ay itinatag upang pangasiwaan ang pamamahagi ng mga kalupaan


para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
A. National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA)
B. Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
C. National Protected Areas System (NIPAS)
D. Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL)

14
Karagdagang Gawain
Panuto: Mangalap ng mga larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng sektor
ng agrikultura, industriya, pangingisda at paggugubat. Idikit ang mga ito sa
“long bond paper” at gawing collage.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:
Ekonomiks 9, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral.
Unang Edisyon 2015, Muling Limbag 2017,,pp. 418-422, 447-
450.

15
16

You might also like