You are on page 1of 15

MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D1

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULE SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ikaapat na Markahan/ Ikatlong Linggo/ Unang Araw

MELC: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura, pangingisda at


panggugubat sa ekonomiya

LAYUNIN: Natutukoy ang mga sektor na bumubuo sa sektor ng agrikultura

A. PANIMULANG IMPORMASYON

PAKSANG-ARALIN:

• SEKTOR NG AGRIKULTURA

ALAMIN NATIN!

Magandang umaga mga bata. Sa araling ito ay ating tatalakayin ang isa sa mga mahahalagang sektor
ng ating ekonomiya, ang sektor ng agrikultura, Ang agrikultura ay isang sining at agham na may
kinalaman sa pagpaparami ng mga tanim o halaman at mga hayop. Nahahati ang sektor na ito sa
paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery) at pagugubat (forestry). Ito
ang itinuturing na batayang sektor ng ekonomiya.

1. Paghahalaman. Ang palay, niyog, mais, mangga, kape, tabako, pinya at abaka ay ilan
lamang sa mga pangunahing pananim ng bansa. Noong 2012 ayon sa National Statistical
Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot sa kabuuang kita ng sektor na ito sa
Php797.731 bilyon mula sa produksyon ng palay, mais, gulay, halamang gubat at halamang
mayaman sa hibla (fiber).

2. Paghahayupan. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng pag-


aalaga ng hayop gaya ng manok, baboy, baka, kalabaw, kambing, pato at iba pa. Ang sektor
na ito ang siyang nagtutustos ng ating pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.

3. Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng


isda sa daigdig. Makikita sa ating bansa ang isa pinakamalaking daungan ng mga huling isda.
Nauuri ang pangingisda sa tatlo- komersiyal, municipal at aquaculture. Ang komersiyal na
pangingisda ay gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada
Sakop ng operasyon nito ang 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan,
Ang municipal na pangingisda ay sa loob ng 15 kilometrong sakop ng munisipyo at gumagamit
ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa. Ang pangingisdang
aquaculture ay tumutukoy sap ag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito.

4. Pangugubat. Ang panggugubat ay mahalagang pinagkukunan ng mga produkto gaya


ng plywood,tabla, troso at veneer. Pinagkakakitaan din mula rito ang rattan, kawayan, pulut-
pukyutan, anahaw at nipa. Bagaman ang sektor na ito ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos
ng yaman nito ay patuloy na sinisikap ng pamahalaan na ito ay maingatan at malinang.

Page 1 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D1

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

GAWAIN 1: LETRA-LETS-BAGETS!
PANUTO: Tukuyin ang binabanggit ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang nawawalang
letra sa loob ng mga kahon.
1. Ito ay agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at halaman.

2. Tumutukoy sa mga gawaing pangkabuhayan na kinabibilangan ng pag-aalaga ng hayop.

3. Ang sektor na pinanggagalingan ng produksyon palay at iba pang pananim ng bansa.

4. Pinagkukunan ang sektor na ito ng mga kasangkapan gaya ng upuan, mesa at cabinet.

5. Nauuri ang sektor na ito sa tatlo, ang komersiyal, municipal at aquaculture.

GAWAIN 2: CIRCLE OF FUN!


PANUTO: Katuwang ang mga miyembro ng iyong pamilya, magbigay ng mga halimbawa ng mga
produktong matatagpuan sa mga sektor na bumubuo sa sektor ng agrikultura.Isulat ang sagot sa
loob ng mga bilog.

PAGHAHALAMAN PANGINGISDA

SEKTOR NG
AGRIKULTURA

PAGHAHAYUPAN PAGUGUBAT

Page 2 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D1

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

GAWAIN 3: FLASH REPORT! BALITANG AGRIKULTURA!

PANUTO: Basahin ang nilalaman ng balita at sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

Page 3 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D1

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

Pinagkunan: https://www.untvweb.com>news

1. Ayon sa balita, ano-ano ang mga itinuturing na dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga magsasaka
sa bansa?

_____________________________________________________________________________________

2. Papaano tinutugunan ng ating pamahalaan ang suliraning ito ng sektor ng agrikultura?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

3. Bukod sa ginagawa ng pamahalaan, ano-ano ang mga maimumungkahi mong paraan upang
tumaas ang bilang ng mga magsasaka sa ating bansa?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

4. Makabubuti ba sa bansa na dumami ang bilang ng ating mga magsasaka?Bakit?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Page 4 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D1

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

_____________________________________________________________________________________

TANDAAN.
Isa sa mahahalagang sektor ng ating ekonomiya ang agrikultura. Ito ay isang
sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at tanim. Binubuo ang
sektor na ito ng paghahalaman, paghahayupan, pangisdaan at paggugubat. Ang
sektor ng agrikultura ang itinuturing na batayang sektor ng ating ekonomiya.

C. PAGTATAYA / EBALWASYON: STARRY-STARRY NIGHT!

PANUTO: Isulat ang kung wasto ang pangungusap at kung ito ay mali. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

______ 1. Ang agrikultura ay isang sining at agham ng pagpaparami ng hayop at tanim.


______ 2. Ang agrikultura ang itinuturing na sekundaryang sektor ng ating ekonomiya.
______ 3. Binubuo ang sektor ng agrikultura ng paghahalaman, pahahayupan, pangisdaan at
paggugubat.
______ 4. Ilan sa mga pangunahing pananim sa bansa ay ang palay, mais, niyog ,tubo tabako at
abaca.
______ 5. Ang paghahayupan ang nagsu-supply ng ating pangangailangan sa karne, gatas at iba
pang pagkain.
______ 6. Isa ang Pilipinas sa may pinakamalaking daungan ng isda sa buong mundo.
______ 7. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo.
______ 8. Ang komersyal na pangingisda ay gumagamit na mga bangka na hindi hihigit sa tatlong
toneladang kapasidad.
______ 9. Nagaganap ang munisipal na pangingisda sa loob ng 10 kilometrong sakop ng
munisipyo.
______ 10. Ang paggugubat ang pinagmumulan ng ating pangangailangan sa plywood, torso
rattan at pulut-pukyutan.

Reference: Ekonomiks LM pahina 363-367.

References for Further Enhancement:


1.) https://youtu.be/KSYF5aJYt-A
2.) Books: Pana-panahon pahina 348-351
Ekonomiks: SEMP IV pahina 238-242
3.) Bitmoji.com

Inihanda ni:

G. STEVE R. LORICO
Pasay City South High School
Page 5 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D2

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULE SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ika-apat na Markahan/ Ikatlong Linggo/ Ikalawang Araw

MELC: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura, pangingisda at


panggugubat sa ekonomiya

LAYUNIN: Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at


paggugubat.

A. PANIMULANG IMPORMASYON

PAKSANG-ARALIN:

• SEKTOR NG AGRIKULTURA

ALAMIN NATIN!

Magandang umaga mga bata. Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang iba pang mga katangian ng mga
sektor na bumubuo sa sektor ng agrikultura. Ito ay upang higit mong matutunan ang mahahalagang
konsepto o ideya tungkol sa sektor na ito. Halina’t umpisahan natin.

Ang sektor ng agrikultura ay may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales mula
sa likas na yaman. Ilan sa mga hanapbuhay na kabilang sa sektor na ito ay ang pagsasaka,
paghahayupan, pangingisda at pagmimina.

PAGSASAKA- prutasan, gulayan, niyugan, tubuhan, maisan palayan at iba pa. Malaki
ang kontribusyon ng produksyon ng mani, kamoteng kahoy,bawang, talong, sibuyas at iba .
Noong 2001, umabot sa 287 bilyong piso ng produksyon ng bansa ang nagmula sa sektor na
ito

PAGHAHAYUPAN- bakahan, bakahan, at iba pa. Nangunguna sa bansa ang pag-aalaga ng


baboy. Sa kabilang dako, upang mapigilan ang bilang ng pagbaba ng mga kalabaw sa bansa,
itinatag ng Batas Republika Blg. 7307 ang Philippine Carabao Center na mangangasiwa sa
pagpaparami at pagpapaunlad ng populasyon ng kalabaw bilang katulong sa pagsasaka at
pinagkukunan ng gatas at karne.

PANGISDAAN- Ang Pilipinas ay biniyayaan ng saganang yamang tubig. Dahil sa isang


kapuluan ang ating bansa, napapaligiran ito ng karagatan at iba pang anyong tubig gaya ng
ilog, sapa at lawa na pawang sagana sa mga nahuhuling isda. Isa sa mga uri ng pangingisda
sa bansa ang aquaculture. Mahalaga ang papel nito sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga
sumusunod na kapakinabangang dulot nito:

• Nakapagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming mamamayan


• Nakatutulong ito sa ibang kaugnay na industriya tulad ng mga pagkain sa isda
(feeds) at food processing
• Napupunan nito ang bumababang bilang ng huli mula sa karagatan at iab pang
anyong tubig.
• Napapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lugar upang makapagpatayo
ng fishpond at mapagkakakitaan.

Page 6 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D2

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

• Nakapagpapasok ito sa bansa ng malaking halaga ng dolyar dahil sa kita mula


sa sa mga produktong iniluluwas sa ibang bansa.

PAGGUGUBAT- Napakahalaga ng kagubatan sa lupunan dahil sa mga sumusunod na


kadahilanan:
• pinagkukunan ito ng mga sangkap sa paggawa ng gamot
• nagsisilbi itong tirahan ng buhay-ilang (wildlife)
• pumipigil ito sa pagbaha at pagguho ng lupa
• nagsisilbi itong natural na imbakan ng tubig
• inaasahan ito ng mga pambansang minorya para sa kanilang ikabubuhay
• nagsisilbi itong proteksyon ng mamamayan laban sa malalakas na hangin bunga
ng bagyo

B. MGA GAWAIN;

GAWAIN 1: TIC-TAC-TOE
PANUTO: Hanapin at guhitan ang tatlong salita na magkakaugnay sa tic-tac-toe board. Makikita ito
pahalang, pababa,pataas o pa-diagonal. Isulat sa patlang sa ibaba kung saang sektor ng agrikultura
nabibilang ang mga nahanap na salita.

bulak troso isda kamote baboy pusit


1. 2.

baka papel bawang tubo hipon abaca

niyog Pulut- pato sea- kabayo ginto


pukyutan
weeds

____________________ ----------------------------------

3. kalabaw manok talaba 4. perlas tahong pawikan

pinya kape tabako bulak mangga pating

kambing tupa veneer ostrich goma papel

________________ _________________

usa kabibe saging


5.

kuneho suso tabla

kamelyo kamatis palay

------------------------
Page 7 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D2

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

GAWAIN 2: AGR - AKO- DIYAN!

PANUTO: Lagyan ng ang aytem kung sang-ayon ka na makatutulong ito sa sektor ng


agrikultura.

1. Pagluluwas ng mga produktong agrikultural sa ibang bansa

2. Paglilipat ng mga lupang sakahan sa mga subdibisyon at mall

3. Pagpapahiram ng pamahalaan ng puhunan sa mga magsasaka sa mababang


Interes
4. Pagkakaloob ng edukasyon sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong
paraan ng pagsasaka gamit ang teknolohiya
5. Pagpapahintulot sa mga mangingisda na gumamit ng dinamita sa pangingisda

6. Tree planting project ng mga non-government organizations

7. Pagbabantay sa mga karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas gaya sa West


Philippine Sea
8. Pagbabawal sa pagkakaingin at illegal na pagputol ng mga puno sa kagubatan

9. Pag-aangkat ng mga imported na karne dahil sa nararanasang African Swine Flu.

10. Pagkakaloob ng lupang sakahan sa mga magsasakang walang sariling lupa.

GAWAIN 3: NAME GAME!


PANUTO: Magbigay ng apat na salitang nagsisimula sa nakatalagang letra na may kaugnayan sa
sektor ng agrikultura. Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. = __________________, _________________, _________________, _________________

2. = __________________, _________________, _________________, _________________

3. = __________________, _________________, _________________, _________________

4. = __________________, _________________, _________________, _________________

5. = __________________, _________________, _________________, _________________

Page 8 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D2

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

6. = __________________, _________________, _________________, ________________

7. = __________________, _________________, _________________, ________________

GAWAIN 4: WE WORK AS ONE!


PANUTO: Kasama ng buong miyembro ng iyong pamilya, magtala ng limang bagay na matatagpuan
sa inyong bahay na kabilang sa mga sektor na bumubuo sa sektor ng agrikultura.

PAGHAHALAMAN PAGHAHAYUPAN

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

PANGINGISDA PAGGUGUBAT

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

TANDAAN:
Ang sektor ng agrikultura ay may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na
materyales mula sa likas na yaman.. Malaking bilang ng mga Pilipino ang umaasa sa
sektor ng agrikultura bilang kanilang ikinabubuhay gaya ng pagsasaka,
paghahayupan, pangingisda at pagmimina.

Page 9 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D2

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

C. PAGTATAYA: PHRASES AND NUMBERS!

PANUTO: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Ilagay ang
bilang ng pangungusap sa loob ng parisukat ayon sa tamang hanay.

TAMA MALI

1. Ang sektor ng agrikultura ang pinagmumulan ng mga hilaw na materyal mula sa mga likas na
yaman.
2. Ang pagsasaka ay isa sa mga hanapbuhay na mula sa sektor ng agrikultura.

3. Pinahihintulutan sa ilalim ng ating batas ang pagpatay sa mga maliliit na kalabaw.

4. Ang sektor ng paghahayupan ang pinagmumulan ng produksyon ng karne at gatas.

5. Bagaman napaliligiran ng karagatan ang bansa, kapansin-pansin ang paging salat nito sa mga
yamang-tubig.
6. Maliit na kita mula sa produksyon ng agrikultura ang tinatanggap ng ating bansa.
7. Nagmumula sa sektor ng paggugubat ang mga sangkap sa paggawa ng gamot.
8. Ang pagkakaingin ay nagdudulot ng magandang epekto sa ating biodiversity.
9. Isang hanapbuhay mula sa paggugubat ang pagmimina ng ibat-ibang mineral gaya ng ginto.
10. Ang mga kagubatan ay nakakalbo bunga ng pagsira ng mga hayop na naninirahan dito.

Reference: Ekonomiks LM pahina 363-382.

References for Further Enhancement:

1.) Online: https://youtu.be/KSYF5aJYt-A


2.) Books: Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon pahina 334-342
Ekonomiks: SEMP IV pahina 238-242
3.) Bitmoji.com

Inihanda ni:

G. STEVE R. LORICO
Pasay City South High School

Page 10 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D3

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULE SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ika-apat na Markahan/ Ikatlong Linggo/ Ikatlong Araw

MELC: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura, pangingisda at


panggugubat sa ekonomiya

LAYUNIN: Nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung paano makatutulong bilang isang


mamamayan sa sektor ng agrikultura

A. PANIMULANG IMPORMASYON

PAKSANG-ARALIN:

• MGA INSTITUSYON AT AHENSYANG TUMUTULONG SA AGRIKULTURA

ALAMIN NATIN!

Magandang umaga mga bata. Hindi maisasakatuparan ng ating pamahalaan ang mga programa nito
sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura kung wala ang mga ahensyang mangangasiwa sa mga ito.
Makikita sa ibaba ang mga institusyon at ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng
agrikultura. Halina at ating simulan ang pag-aaral natin ukol rito.

1. Department of Agriculture (DA) Gumagabay sa mga magsasaka ukol sa makabagong


teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim.

2. Landbank of the Philippines Nagpapautang sa kooperatiba ng mga magsasaka,


maging iba pang bangkong rural

3. Bureau of Fisheries and Aquatic Sinisikap na paunlarin ang larangan ng pangingisda


Resources (BFAR)
4. Philippine Rice Research Institute Nagsasagawa ng pananaliksik upang makatuklas ng
(PhilRice) matataas na uri ng binhi ng palay upang mapataas ang ani
ng mga magsasaka

5. National Irrigation Administration Nagsasaayos ng Sistema ng irigasyon lalo na sa mga


(NIA) bukiring hindi nararating ng tubig at yaong umaasa
lamang sa tubig-ulan.

6. Department of Agrarian Reform Nagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform


(DAR) Program (CARP) na naglalayong maipamahagi ang mga
lupaing agricultural sa mga magsasaka

7. Bureau Of Animal Industry Nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan

8. Foof Terminal Inc. Pamilihang maoagdadalhan ng kalakal ng sektor ng


agrikultura.

Page 11 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D3

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

9. Philippine Fisheries Development Nagbibigay ng sapat at mahusay na pasilidad sa maayos


Authority (PFDA) na pag-iimbak at distribusyon ng mga nahuling isda

10. National Food Authority Bumibili ng ani ng mga magsasaka sa tamang presyo.
Umaangkat din ito ng pagkain mula sa ibang bansa lalo na
kung mababa ang local na produksyon.

11. Ecosystem Research and Nagsasagawa ng pananaliksik sa ecosystem upang


Development Bureau (ERDB) magbigay ng siyentipikong batayan sa pangangalaga ng
kapaligiran at yamang-gubat.

12. Department of Public Works and Nagsasagawa at nagsasaayos ng mga tulay at kalsada
Highways (DPWH) upang mabilis na makrating ang mga produktong
agricultural sa pamilihan

B. MGA GAWAIN;

GAWAIN 1: LIGHTS, CAMERA, ACTION!


PANUTO: Kasama ng mga miyembro ng iyong pamilya, gumawa ng mga plano o paraan kung paano
kayo makatutulong sa sektor ng agrikultura. Isulat ang mga nabuong plano sa loob ng larawan ng
camera.

Page 12 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D3

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

GAWAIN 2: NEXT ATTRACTION!


PANUTO: Sa loob ng film strips ay magtala ng mga hakbang na dapat gawin ng pamahalaan upang
makatulong sa sektor ng agrikultura.

GAWAIN 3: I-CONNECT MO!


PANUTO: I-connect sa pamamagitan ng pagkulay ng mga pyramid mula sa pinakamababang lebel
hanggang sa pinakamataas ang mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng
agrikultura.

BFAR

Bureau
DSWD of
Animal
Industry

NIA DAR PFDA

Depart- Food
Department of
DOST ment of Terminal
Agriculture Energy Inc.

Depart-
DPWH ment of NFA DOLE PhilRice
Health

Page 13 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D3

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

GAWAIN 4: CONFIRMED O CANCELLED!


PANUTO: Isulat sa patlang ang CONFIRMED kung ang pangungusap ay makatutulong sa sektor ng
agrikultura at CANCELLED kung ito ay hndi makabubuti.

Pagkakaroon ng batas na Pagbibili ng mga negosyante sa


magpaparusa sa mga pabrikang mga magsasaka ng kanilang mga
magtatapon ng kemikal sa karagatan ani sa murang halaga

1. _______________________ 2. ________________________

Kawalan ng restriksyon sa mga


Pagtatayo ng kooperatiba ng mga
dayuhang kalakal na pumapasok sa
magsasaka at mangingisda
bansa

3. _______________________ 4. _______________________

Pagtuturo sa mga magsasaka ng Pagtatayo ng irigasyon sa mga


makabagong paraan ng pagsasaka palayan

5. _______________________ 6. _______________________

Pagbabawal sa pagputol sa mga


Pagpapataw ng malaking buwis sa
puno na mababa sa limang taon ang
mga produktong agrikultural
gulang

7. _______________________ 8. _______________________

Pagpaparusa sa mga nanghuhuli ng Pagbebenta ng mga karneng


mga endangered species sa ating apektado ng African Swine Flu.
mga kagubatan

9. _______________________ 10. ______________________


Page 14 of 15
MODULE CODE: Pasay AP9-Q4-W3-D3

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: __________________________

TANDAAN:
Bilang itinuturing na gulugod ng ating ekonomiya ay itinatag ang ibat’t-ibang ahensya
ng pamahalaan na tumutulong sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura. Layunin ng
mga ahensyang ito na pangalagaan ang mga taong kabilang sa sektor na ito kasama
na ang mga likas na yaman na siyang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.

C. PAGTATAYA: CARDS OF KNOWLEDGE!

PANUTO: Tukuyin kung paano tumutulong sa sektor ng agrikuktura ang mga ahensya ng
pamahalaan na makikita sa loob ng mga cards. Isulat ang sagot sa patlang.

1 2 3
DPWH

_________________________ __________________________ __________________________


_________________________ __________________________ __________________________
_________________________ __________________________ __________________________

4 5

_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________

Reference: Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad pahina 229-230

References for Further Enhancement:

1.) Books: Ekonomiks: SEMP IV pahina 245-252


2.) Bitmoji.com
3.) Pictures: Google.com

Inihanda ni:

G. STEVE R. LORICO
Pasay City South High School

Page 15 of 15

You might also like