You are on page 1of 25

PASAY-AP4-W3-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4

Ikalawang Markahan/ Ikatlong Linggo/ Unang Araw

MELC: Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa gawaing

pangkabuhayan ng bansa

Layunin: Natatalakay ang mga gawaing pangkabuhayan sa bansa

na nakapagbibigay ng mga pangangailangan na
nakakaranas ng mga hamon at pagtugon.

PANIMULA

ANG ATING ARALIN SA ARAW NA ITO ay tungkol sa Hamon ng

mga Gawaing Pangkabuhayan.

https://www.google.com.ph/search?q=farmer&tbm=isch&hl
=en&hl=en&tbs=rimg:Cd0m5I1KrcPPYdiXy55i7eLf&authuser
=0&sa=X&ved=0CAIQrnZqFwoTCPizyNDx-
-sCFQAAAAAdAAAAABAk&biw=1349&bih=625

https://www.google.com.ph/search?hl=en&authuser=0&tbm=isch&sxsrf=ALeKk02jhpIvu1_5RSgbgNqFy0tPUlBj0Q%3A1600750447705
&source=hp&biw=1366&bih=625&ei=b4NpX6XUKJv7wQO98LzQCg&q=larawan+ng+agrikultura&oq=larawan+ng+agrikultura&gs_lcp=C
gNpbWcQAzIECCMQJzoHCCMQ6gIQJzoFCAAQsQM6AggAOgYIABAHEB46CAgAEAgQBxAeULYTWK-
HAWDKlgFoAXAAeACAAV2IAbYMkgECMjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ved=0ahUKEwjlx7qO_PvrAhWbfXAKH
T04D6oQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=855HF9ePXkM8RM

Page 1 of 25
PASAY-AP4-W3-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pangingisda+sa+pilipinas&rlz=1C1CHBF_enPH868PH869&sxsrf=ALeKk00O06SBjjzxgu
vN9mG2cE5_JilmQ:1601261628877&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=LSkCAfVND3_UGM%252CoA6F2thNqbdVLM%252C_&vet=1&us
g=AI4_kTvxMWL41qxkoI3ra3cz9RQ8_XQzg&sa=X&ved=2ahUKEwiTndO07IrsAhWMBogKHY1RC1oQ9QF6BAgJEEc&biw=1366&bih=625
#imgrc=LSkCAfVND3_UGM
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pagtotroso+sa+Pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUKEwjmscv27IrsAhVK9pQKHRWqBEMQ2
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+pagtotroso+sa+Pilipinas&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQHlDnkxRYwK4UYNG7FWgAcAB4AIAByQGIAYsOk
gEGMC4xMi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=x1BxX6ayCcrs0wSV1JKYBA&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CH
BF_enPH868PH869#imgrc=WcCYfsBO8lbypM

Malaki ang bahagi ng kabuhayan ng Pilipinas ay nakasalalay

sa sektor ng agrikultura at ang lahat ng sektor ay umaasa dito upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na
materyal upang magawang produkto.

Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa dahil

sa magandang klima, tropikal na katangian nito. May malalawak din
itong taniman, kung kaya angkop sa mga pagsasaka at pag-aalaga
ng hayop.

Ang Agrikultura ay isang agham at sining sa pangangalaga

at produksiyon ng mga tanim at hayop. Kabilang dito ang
produksiyon ng mapakikinabangang mga halaman at paghahayupan
pati pangangalaga sa lupa, pamamahala sa pananim at mga gawaing
pagproproseso at pagbebenta. Sa kabuuan ang sektor na ito ay
kinabibilangan na mga gawain tulad ng ang pangingisda,
pagtatanim, pag-aalaga ng hayop at panggugubat.

Page 2 of 25
PASAY-AP4-W3-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa

ang mga produkto na pangunahing pangangailangan ng mga tao
para patuloy na mabuhay. Kung liliit ang produksiyon,
maaapektuhan ang mga mamamayan at ang bansa. Ayon sa
maraming magsasaka, ang uri ng kanilang pamumuhay ay isang
tuloy na pakikipaglaban sa mga hamong kaakibat ng kanilang
hanapbuhay tulad ng mga sumusunod:
1. lumalaking bilang ng mga angkat na produktong agrikultural
2. kahirapan dulot ng mababang kita ng mga magsasaka
3. limitadong pondo na pinagkaloob ng pamahalaan bilang
tulong sa maliliit na magsasaka
4. suliranin sa irigasyon
5. kawalan ng kontrol sa presyo. Higit sa lahat, ay ang
6. suliranin sa kalamidad, pagkasira ng kalikasan, pagbabago ng
panahon tulad ng El Niño phenomenon o mahabang panahon
ng tag-init.

TUKLASIN NATIN

Malinaw ba ang aralin natin sa araw na ito? Kung hindi balikan ang
ating pinag-aralan at basahing muli. Kung malinaw na, ikaw ay
handa na sa ating pagsasanay o gawain.

Gawain 1
Panuto: Punan ng dayagram ng mga gawain na may kaugnayan
sa sektor ng agrikultura na humaharap sa mga hamon o
suliranin.

Sektor ng Agrikultura

Page 3 of 25
PASAY-AP4-W3-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

• Pagsasaka o Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim

ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging pinya, kape,
manga, tabako at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang
kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ito ay nagmula sa produktong
palay, mais at iba pang pangunahing pananim ng Piliinas. Kasama rin
ang produksiyon ng gulay, halamang gamut, at halamang mayaman
sa fibrea (fiber). Gayundin ang kamoteng kahoy, kamote, kamatis,
bawang, sibuyas, repolyo, talong at kalamansi.

• Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-

aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang
paghahayupan ay nakakatulong sa pag-supply ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba pang mga pagkain.

• Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga

pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa
pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating
bansa. Bahagi ng gawaing pangingisda ay ang paghuhuli ng hipon,
sugpo at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa
ng gulaman.

• Paggugubat. Ang paggugubat ay isa pang ekonomikong gawain sa

sektor ng agrijkultura. Patuloy na nalilinang ang ating kagubatan
bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin sa pagkaubos ng mga yaman
nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood tabla, troso at veneer.
Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan,
nipa, anahaw, kawayan, pulot pukyutan at dagta ng alamciga.

Gawain 2
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga halimbawa ng mga pagkain,
produkto na nakukuha sa bawat gawaing pangkabuhayan.
Pagsasaka/ Pag-aalaga ng Pangingisda Paggugubat
Pagtatanim hayop

Page 4 of 25
PASAY-AP4-W3-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Lubos mo na bang nauunawaan ang mga gawaing pangkabuhayan sa ilalim

ng sektor ng agrikultura? Sa mga susunod na modyul ay matutunghayan
ninyo ang mga hamon at pagtugon na ginagawa upang mabigyang solusyon
ang ilang mga suliranin nito.

Mahalaga ba na malaman mo ang mga pagkain,

kagamitan at bagay na naibibigay ng mga gawaing
pangkabuhayan sa mga mamamayan at
bansa?__________________________.

TANDAAN MO:

➢ Ang mga gawaing pangkabuhayan na kasama sa sektor ng agrikultura

ay ang pagsasaka o pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at pangingisda
na nakapagbibigay ng pinakamalaking kita sa bansa at pangunahing
pinagkukunan ng pagkain.Sa kasalukuyan, ito ay nakararanas ng
hamon na kailangang magkaroon ng pagtugon o oportunidad upang
mapangalagaan ang mga ito.

PAGTATAYA
Panuto: Unawain ang mga sumusunod na pahayag. Ibigay ang tamang sagot
1. Tumutukoy ito sa pag-aalaga ng hayop tulad ng manok, pato, kambing at iba
pa. __________________________________________________________
2. Bahagi ng hanapbuhay ng mga tao sa gawaing ito ay paghuhuli ng hipon,
sugpo at pag-aalaga ng damong dagat. _____________________________
3. Pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino na nasa mga pook rural.
_____________________________________________________________
4. Ang isang gawaing pangkabuhayan na pinagmumulan ng mga plywood,
tabla, torso at iba pa. ____________________________________________
5. Ito ay ang agham ng pagpaparami ng hayop at halaman kasama ang gawaing
pangingisda at pagtotroso. _______________________________________

References for Further Enhancement:

1. Book: AP4 LM p. 164-170
2. Book: Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino sa Dulo ng Panahon
3. Hamon sa Agrikultura: https://www.youtube.com/watch?v=_xkW0lDsbqc
4. Ekonomiko: AP LM 9 pahina 365 to 368

Inihanda ni: VIRGINIA D. BILLONES

Andres Bonifacio Elem. School

Page 5 of 25
PASAY-AP4-W3-D2

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION–NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4

Ikalawang Markahan/ Ikatlong Linggo/ Ikalawang Araw

MELC: Naiisa-isa ang mga hamon at pagtugon sa gawaing pangkabuhayan ng bansa

tulad ng pagsasaka.

Tiyak na layunin: Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa gawaing pangkabuhayan

sa bansa sa sektor ng agrikultra.

ANG paksa sa modyul na ito ay tungkol sa mga hamon at pagtugon sa

gawaing pangkabuhayan ng bansa tulad ng pagsasaka.

Ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ng mga tao ay

pagtatanim o pagsasaka. Nagbibigay ito ng malaking kita sa bansa at pinagkakakitaan
ng mga magsasaka, ngunit nakakaranas ng mga hamon sa pagdaan ng panahon.

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+nagtatanim&rlz=1C1CHBF_enPH868PH869&sxsrf=ALeKk03-
ibL_nQF1TfrgKQtqabQUfofkZQ:1601295577449&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Wi8vkDxg4v2qIM%252CqQt-
bveoxZbkWM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kQwcn7VkaHAQ55N80YctMzDDA8lpw&sa=X&ved=2ahUKEwj608vw6ovsAhUBE4gKHeBvC0sQ9QF6BAgKEEs&biw=1366&bih=625#imgrc=vhlAz6D
CQMAf1M

Mga Hamong Kinakaharap ng Bansa sa Pagsasaka o Pagtatanim

1. lumalaking bilang ng mga angkat na produktong agricultural
2. kahirapan dulot ng mababang kita ng mga magsasaka
3. limitadong pondo na pinagkaloob ng pamahalaan bilang tulong sa maliliit na
magsasaka
4. suliranin sa irigasyon
5. kawalan ng kontrol sa presyo. Higit sa lahat, ay ang
6. suliranin sa kalamidad, pagkasira ng kalikasan, pagbabago ng panahon tulad
ng El Niño phenomenon o mahabang panahon ng tag-init.
7. Ang La Niña na sanhi ng malakas na ulan na dala ng bagyo na nkakapinsala
ng mga pananim
8. Pagtatayo ng mga tirahan o subdibisyon sa mga lupang taniman

Page 6 of 25
PASAY-AP4-W3-D2

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+angkat+na+bigas&rlz https://www.google.com/search?q=larawan+ng+murang+pagbili+ng+a
ni&tbm=isch&ved=2ahUKEwj0tPPG8YvsAhVMb5QKHZtuCJoQ2cCeg
=1C1CHBF_enPH868PH869&sxsrf=ALeKk02WRbkjLyhb9oFKyNMas QIABAA&oq=larawan+ng+murang+pagbili+ng+ani&gs_lcp=CgNpbWc
E8f2sa1zw:1601296997060&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah QAzoECCMQJ1CpQljxygNg1c4DaBNwAHgAgAGPAYgBhxaSAQUxO
UKEwi53MGV8IvsAhUCZ94KHZFvCwIQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1 C4xMJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=2dtx
366&bih=625#imgrc=zfQnRUh6sq0RZM X7TkA8ze0QSb3aHQCQ&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH8
68PH869#imgrc=EfypVmYPB4TYIM

https://www.google.com/search?q=palayan+na+tuyo+sa+irigasyon&rlz https://www.google.com/search?q=bitak+bitak+na+lupa&rlz=1
=1C1CHBF_enPH868PH869&sxsrf=ALeKk00r2d9jfhK3Fli7poHm5ljDq
YyKLQ:1601297647327&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=g54GvpWon
C1CHBF_enPH868PH869&oq=bitak&aqs=chrome.0.69i59j69i57
RmMkM%252CxXf4_G4ZgCfStM%252C_&vet=1&usg=AI4_- j0l6.3509j0j15&sourceid=chrome&ie=UTF-8
kQtr4vgMGKvgsIcX7GmpIQTWUjBA&sa=X&ved=2ahUKEwiwiMvL8ov
sAhVCFqYKHX6cDcoQ9QF6BAgKEAY#imgrc=g54GvpWonRmMkM

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pagbaha&rlz=1C1C https://www.google.com/search?q=pamayanang+subdibisyon&t
HBF_enPH868PH869&sxsrf=ALeKk00vFqVmQj4gphOjEvhqiCDRRb bm=isch&ved=2ahUKEwi0sfS--YvsAhXiGKYKHVUtAJ8Q2-
ODYQ:1601298874542&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=sflMhs_R4v cCegQIABAA&oq=subdibisyon&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgQ
HRXM%252CGAN73OoGZ_vvIM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRV IIxAnMgIIADIGCAAQBRAeMgQIABAYUMpLWK1eYKh8aABw
AHgAgAG6AYgB5g6SAQQwLjEzmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei
hpaYY-
1pbWfAAQE&sclient=img&ei=K-RxX_TvL-
vl4NLPVN4enXHmeXjFHw&sa=X&ved=2ahUKEwi5keKU94vsAhUD
KxmAXV2oD4CQ&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH86
7WEKHRWjBSwQ9QF6BAgJEFY&biw=1366&bih=625#imgrc=sflMhs 8PH869#imgrc=Mqij9-dGqXPeaM
_R4vHRXM

Page 7 of 25
PASAY-AP4-W3-D2

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Ilang Pagtugon sa mga Hamon

a. Impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang
gumanda ang ani at dumami ang produksiyon
b. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon
c. Paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga
lupain sa kani-kanilang mga probinsiya; at
d. Pagbibigay ng pagkakataon para sa magsasaka na makapag-aral ng tamang
paraan ng pagsasaka.

TUKLASIN NATIN

Malinaw ba ang aralin natin sa araw na ito? Kung hindi balikan ang ating pinag-aralan at
basahing muli. Kung malinaw na, ikaw ay handa na sa ating pagsasanay

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+makabagong+teknolohiya+sa+pagsasaka&rlz=1C1CHBF_enPH868PH869&sxsrf=
ALeKk01MI1XV9m1On6zG2E7dIAE83EF2Jg:1601033319263&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi2nZLymYTsAhWWA
YgKHaSuAw8Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=kvsAC9zHPdVy4M

PAGSASANAY 1
Alamin ang hamon sa mga sumusunod na pagpipilian. Ilagay sa basket ang mahahanap
mong hamon. Isulat ang letra ng tamang kasagutan.

Mga Pagpipilian:
A. Pagkakaroon ng modernong kagamitan sa pagsasaka
B. Suliranin sa irigasyon
C. Pagpapatayo ng mga bagong pantalan
D. Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
E. Climate change
F. El Niño Phenomenon
G. Lumalaking bilang ng angkat ng mga produkto
H. Kawalan ng kontrol sa presyo

Page 8 of 25
PASAY-AP4-W3-D2

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PAGSASANAY 2:
Punan ng sagot ang mga kahon sa talahanayan. Piliin ang sagot sa ibaba ng kahon.
Pagtugon/Oportunidad Hamon

❖ Suliraninsa irigasyon
❖ Kawalan ng kontrol sa presyo
❖ Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
❖ Climate Change
❖ Paggamit ng bagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon
❖ Paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga
lupain sa kani-kanilang mga probinsiya
❖ Lumalaking bilang ng mga angkat na produktong agricultural
❖ El Niño Phenomenon o mahabang tag-init

Page 9 of 25
PASAY-AP4-W3-D2

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Tandaan Mo
Ang gawaing pangkabuhayan tulad ng pagsasaka ay nakapagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan ng mga tao at nakapagtutustos ng mha hilaw na
material para magawang iba pang produkto at kalakal. Sa kasalukuyan ito ay
nakararanas ng haon dulot ng pagbabago ng kapaligiran at iba pang dahilan.
Marapat na bigyang pagtugon ang mga suliranin nito upang mapanatili ang
pagdami ng yaman nito.

PAGTATAYA
Panuto: Ibigay ang tamang kasagutan sa mga hinihingi ng mga sumusunod
1-3. Mga hamon na nararanasan ng mga tao ay pagsasaka o pagtatanim.

4-5. Pagtugon na ginagawa ng pamahalaan at iba pa upang mapanatili ang pag-unlad

ng pagsasaka.

References for Further Enhancement:

1. Book: AP4 LM p. 164-170
2. Book: Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino sa Dulo ng Panahon
3. Hamon at Oportunidad sa gawaing pangkabuhayan: https://www.youtube.com/watch?v=_xkW0lDsbqc
4. Ang Pilipinas: www.gov.ph/ang-pilipinas

Inihanda ni: VIRGINIA D. BILLONES

Andres Bonifacio Elem.

Page 10 of 25
PASAY-AP4-W3-D3

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4

Ikalawang Markahan/ Ikatlong Linggo/ Ikatlong Araw

MELC: Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa gawaing

pangkabuhayan ng bansa
Layunin: Naiisa-isa ang mga hamon at pagtugon sa gawaing
pangkabuhayan sa bansa tulad ng pangingisda

PANIMULA

ANG ATING ARALIN SA ARAW NA ITO ay tungkol sa mga Hamon at Pagtugon

sa Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa tulad ng Pangingisda .

https://www.google.com/search?q=+mga+tulong+sa+sektor+ng+pangingisda&tbm=isch
&ved=2ahUKEwjMjoTbgpXsAhWlJaYKHe7xAJoQ2-
cCegQIABAA&oq=+mga+tulong+sa+sektor+ng+pangingisda.

Mahalaga ba ang pangingisda bilang gawaing pangkabuhayan ng

bansa?__________________________________________________________

Page 11 of 25
PASAY-AP4-W3-D3

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PANGINGISDA

• https://www.google.com/search?q=mga+ng+mga+mangingisda&tbm=isch&ved=2ahUKEwjr2raZrITsAhUOAqYKHV3EB
EYQ2-
• cCegQIABAA&oq=mga+ng+mga+mangingisda&gs_lcp=CgNpbWcQDDoECCMQJzoCCAA6BggAEAgQHjoECAAQGDoICAAQ
sQMQgwE6BAgAEEM6BQgAELEDUK2oDFigow1gxLANaAJwAHgAgAHNAYgB7SmSAQYwLjM3LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mt
d2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=medtX6uqHY6EmAXdiJOwBA&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH868PH869#
imgrc=DNf43NUJlhW2FM
• https://www.google.com/search?q=mga+sirang+coral+reefs&tbm=isch&ved=2ahUKEwiJn-
uCrYTsAhUSJqYKHS3oDxYQ2-
cCegQIABAA&oq=mga&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIIxAnMgQIIxAnMgQIABBDMggIABCxAxCDATIICAAQsQMQgwEyCAg
AELEDEIMBMggIABCxAxCDATIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzoHCCMQ6gIQJzoHCAAQsQMQQ1C44hZYqP0WYJOMF2g
BcAB4BIABqwKIAaASkgEGMC4xNS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclient=img&ei=duhtX4mMIZLM
mAWt0L-wAQ&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH868PH869.

PANGINGISDA

Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga na anyong tubig. Dahil dito, ang bansa ay
sinasabing masagana sa pangisdaan at mga likas na yaman. Ang gawaing
pangkabuhayan na ito ang isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan..
Hindi nangangahulugan na ang mayayamang pangisdaan ay patuloy na manatiling
mayaman sa produksiyon, sapagkat may mga kinakaharap na mga hamon na nagiging
balakid sa patuloy na pag-unlad ng pangingisda bilang gawaing pangkabuhayan.
Maituturing na pinakamalaking hamon sa pangingisda ay ang mga sumusunod:

• climate change o pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga pangyayari tulad

ng mga kalamidad.
• ang mga kalsada, tulay, at iba pang impraestrukturang nakababagal sa
transportasyon ng mga produktong dagat kaya’t hindi maipaabot sa merkado ang
mga sariwang isda, sugpo at iba pang mga kauri nito.
• ang pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa maling paraan ng pangingisda
• hindi epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa protektadong
lugar.
• polusyon dulot mga ng kemikal na galing sa mga pagawaan at basurang galing sa
tahanan

Page 12 of 25
PASAY-AP4-W3-D3

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Ang sektor ng pangisdaan sa kabila ng kinakaharap nitong

hamon ay mayroon ding mga pagtugon na inihanda ang ating
pamahalaan at patuloy na pagtulong ng ibang mga ahensya upang
malinang ito ng maayos at patuloy na makapagbigay ng mga
pangangailangan. Maraming mga katubigan na nakapaligid dito at
maging nasa loob ng ating bansa ito ay may kinakaharap na hamon

Mga pagtugon o oportunidad sa pangingisda

❖ Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) sa
industriya ng pagbibili ng isda sa pamamagitan ng pagpapatayo ng
karagdagang daungan o pantalan sa mga istratehikong lugar upang
mapalago ang kita at produksiyon:
❖ Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda:
❖ Paglalaan ng mga sasakyang pangingisda;
❖ Pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng
underwater sonars at radars;
❖ Paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine at fishing:
❖ Paglunsad ng mga programang makatutulong sa pagpapaunlad ng
industriya ng pangingisda tulad ng Blue Revolution at Biyayang Dagat
at:
❖ Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong masuportahan ang
maliliit na mangingisda.

Mahalaga ba na maunawaan mo ang mga pagtugon na dapat sundin

upang matulungan ang mga magsasaka?___________.

TUKLASIN NATIN

Malinaw ba ang aralin natin sa araw na ito? Kung hindi balikan ang ating
pinag-aralan at basahing muli. Kung malinaw na, ikaw ahanda na sa ating
pagsasanay o gawain?

GAWAIN 1 NABALITAAN MO BA?

Panuto: Ano ang maaring hamon o suliranin na kinakaharap ng mga
mangingisda sa ating bansa at naging pagtugon ukol dito?

Hamon-

Pagtugon o oportunidad-

Page 13 of 25
PASAY-AP4-W3-D3

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

GAWAIN 2
Panuto: Isulat ang hamon na kinakaharap ng mga mangingisda
sa kanilang kabuhayan at ang pagtugon na ginagawa
upang malunasan ang mga suliranin nito.

Hamon Pagtugon o
Oportunidad

TANDAAN…
Ang pangingisda ay isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan. Sagana ang bansa sa mga yamang likas nito na
nakapagbibigay ng mga pagkain at iba pang mga pangangailangan
ganun din ang hanapbuhay. Sa kabila nito nakakaranas ang mga
mangingisda ng suliranin ngunit may mga nakahandang pagtugon na
dapat gawin ng pamahalaan, iba pang mga ahensya upang mapanatili
maunlad na produksyon nito.

Page 14 of 25
PASAY-AP4-W3-D3

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PAGTATAYA

Panuto: Unawain ang bawat pahayag. Isulat ang HA kung ang isinasaad
nito ay hamon na kinakaharap ng mga mangingisda sa kanilang
gawain at PA kung ito ay pagtugon.

________1. Pagkakaroon ng modernong kagamitan tulad ng underwater

sonars at radars.
________2. Pagbabago ng klima ng mundo.
________3. Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda.
________4. Pagkasira ng mga tahanan ng isda sa ilalim ng dagat
________5. Programang Blue Revolution at Biyayang Dagat.
________6. Paglalaan ng mga sasakyang pangingisda.
________7. Pagpapatayo ng bagong pantalan.
________8. Likas na mga pangyayari tulad ng kalamidad.
________9. Polusyon galing sa mga pagawaan
________10. Polusyon galing sa mga tahanan tulad ng mga basura
________11. Paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine
fishing
________12. Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong
masuportahan ang maliliit na mangingisda
________13. Hindi epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat
lalo na sa mga protektadong lugar.
________14. Impraestrukturang nakababagal sa transportasyon ng
mga produktong dagat kung kayat hindi mapaabot sa
merkado ang mga sariwang isda
________15. Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA)
sa industriya ng pagbibili ng isda sa pamamagitan ng
pagpapatayo ng karagdagang daungan o pantalan sa mga
istratehikong lugar upang mapalago ang kita at produksiyon

References for Further Enhancement:

1. Book: AP4 LM p. 164-170
2. Book: Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino sa Dulo ng Panahon
3. Hamon at Oportunidad sa gawaing pangkabuhayan: https://www.youtube.com/watch?v=_xkW0lDsbqc
4. Ang Pilipinas: www.gov.ph/ang-pilipinas

Inihanda ni: VIRGINIA D. BILLONES

Andres Bonifacio Elem.

Page 15 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D4

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4

Ikalawang Markahan/Ikatlong Linggo/ Ikaapat na Araw

MELC: Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa gawaing pangkabuhayan ng bansa

Layunin: Naipaliliwanag ang hamon at pagtugon sa gawaing pangkabuhayan ng bansa tulad ng
panggugubat.

Panimulang Impormasyon
HANDA NA BA
KAYONG MATUTO?

Ang mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan

ay dahil sa malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil
sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksyon tulad ng mga troso at mineral.
1. Nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya
2. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
3. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon.
4. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa.

Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang
sustansya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito. Makikita sa ibaba
ang larawan ng kagubatan na kung saan ay nauubos ang mga puno dahil sa patuloy na pagpuputol
ng mga punongkahoy at isa sa maituturing na hamon sa gawaing panggugubat.

shorturl.at/elL48

Page 16 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D4

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Ang ikalawang larawan ay ang pagkakaingin. Ang kaingin o kaingin system ay ang proseso
ng paghawan ng isang lupain o bundok sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng puno. Ang
pagkakaingin ay masama ang dulot sa kalikasan at hayop. Ang pagsusunog kasi ay nakadadagdag
sa polusyon sa hangin at sa pagsusunog ay nasisira ang halaman o puno na tinitirhan ng mga
ibon. Dahil din sa kaingin ay nagkakaroon ng soil erosion kaya ilegal na ang gawain na ito.

shorturl.at/yKO15

Ang ikatlong larawan ay ang kagubatan na ginawang mga tirahan ng tao sa kadahilanang
wala silang matirahan sa kapatagan.

shorturl.at/bcjAS

Page 17 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D4

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Pagtugon na binuo ng Pamahalaan sa pagtugon sa gawaing pangkabuhayan ng bansa

tulad ng panggugubat.

1. Reforestation o muling pagtatanim sa mga lugar na pinutulan ng mga puno. Itinayo ang
pambansang punlaan ng mga puno at sa tulong ng iba-ibang ahensya at institusyon ay
tinatamnan ang mga bahagi ng kagubatan na nakakalbo na.
2. Pagbabawal sa mga pagtotrosong panluwas. Ang pagpapatupad ng selective o total log
ban.

Ano-ano ang mga hamon at pagtugon sa gawaing pangkabuhayan ng bansa tulad ng

panggugubat?
ISAISIP NATIN: Malinaw ba ang aralin natin sa araw na ito? Kung
hindi, balikan ang ating pinag-aralan at basahing muli. Kung malinaw
na, ikaw ay handa na sa ating mga pagsasanay.

GAWAIN 1: Punan ang talahanayan. Sumulat ng 2 hamon na kinakaharap ng panggugubat at

2 pagtugon ng pamahalaan.

HAMON PAGTUGON
1. 1.

2. 2.

GAWAIN 2: Sumulat ng islogan sa loob ng kahon kung paano makakatulong sa paglunas ng

suliranin sa gawaing pangkabuhayan ng bansa tulad ng panggugubat.

Page 18 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D4

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

GAWAIN 3: Sa unang kahon nakalagay ang suliranin ng sektor ng

panggugubat. Isulat sa ikalawang kahon ang mga ginagawang hakbang
para malutas ito. Sa huling kahon isulat ang inaasahang resulta.

Mga Suliranin Mga Solusyon Inaasahang Resulta

Nawawalan ng tirahan
ang mga hayop kaya
hindi makapagparami

Pagkakaroon ng
pagguho ng lupa

Pagkakaingin

Pagkaubos ng
kagubatan

Nababawasan ang
suplay ng mga hilaw na
sangkap na ginagamit
ng mga industriya.

Page 19 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D4

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

TANDAAN NATIN: Ang mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan ay
dahil sa malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman.Ang ilan sa mga hamon ay ang
patuloy na pagpuputol ng puno at pagkakaingin. Ang pagtugon naman ng pamahalaan ay
Reforestation o muling pagtatanim sa mga lugar na pinutulan ng mga puno at ang pagpapatupad
ng selective o total log ban.

PAGTATAYA: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng

pangungusap at MALI kung hindi.

__________________1. Ang kaingin system ay ang proseso ng paghawan ng isang lupain o

bundok sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng puno.
__________________2. Ang mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan
ay dahil sa malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman.
__________________3. Ang kagubatan ay hindi ginagawang tirahan ng mga hayop.
__________________4. Ang Pagkakaingin ay nakakatulong sa kagubatan upang maging
maganda ang tubo ng mga tanim na puno.
__________________5. Ang kagubatan ay ginagawa rin na tirahan ng mga tao dahil sa kawalan
ng matirahan sa kapatagan.
__________________6. Dahil sa kawalan ng mga puno sa kagubatan, natatangay ng agos ng
tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansya nito.
__________________7. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa.
__________________8. Ang pagsusunog o pagkakaingin ay nakadadagdag sa polusyon sa
hangin.
__________________9. Nagiging sanhi ng kaingin ay ang pagkakaroon ng soil erosion kaya
ilegal na ang gawain na ito.
__________________10. Nagpatupad ang pamahalaan ng Selective o total log ban para
maiwasan ang pagputol ng maraming puno sa kagubatan.

Inihanda ni: GRACE L. GUDIAGA

Padre Burgos Elementary School

Sanggunian:
1. Adriano et.al (2015) Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral p.293
2. Pagkakaingin: https://brainly.ph/question/1554800

Page 20 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4

Ikalawang Markahan/Ikatlong Linggo/ Ikalimang Araw

MELC: Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa gawaing pangkabuhayan ng bansa

Layunin: Napahahalagahan ang mga pagtugon sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan
ng bansa.

Panimulang Impormasyon
HANDA NA BA KAYONG
MATUTO?

Ang bawat pagtugon sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa

gaya ng pagsasaka, pangingisda at panggugubat ay kailangan patuloy na pahalagahan dahil ito
ang makakatulong upang tiyak na mapangalagaan ang ating likas na yaman at makatulong sa
kabuhayan ng bawat mamamayan. Makakatulong din ito upang umangat ang ekonomiya ng
bansa.

Pagtugon o Oportunidad sa Pagsasaka o Pagtatanim

1. Pagtulong ng pamahalaan sa pagkakaroon ng irigasyon sa mga bukid.

2. Mga pananaliksik na ginagawa ng eksperto sa paghahalaman para sa pagpapabuti ng mga
ani upang matulungan at madagdagan ang kaalaman ng mga magsasaka sa kanilang mga
itinatanim na binhi.
3. Pageksport ng ating produktong ani sa tulong ng Bureau of Agricultural Research.
4. Ang pagtatatag ng bangko rural at kooperatiba para sa mga magsasaka upang makatulong
o matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka
5. Pagbibigay impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng mga
makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Pagtugon o Oportunidad sa Pangingisda

1. Fishery Law Enforcement Teams o ang tinatawag nating Bantay Baybay System- ang
sistemang ito ay tumutulong sa mga Local Government Unit sa pagbabantay ng kanilang
baybay dagat.
2. RARE Program for sustainable fishing in the Coral Triangle – ang programang ito ang
nagsusulong na magkaroon ng mahusay na pamamahala ang mga pangisdaan upang
patuloy pa itong pakinabangan ng mga tao.
3. Ang Pagtatatag ng Natural Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) na
magpapasimula o susuporta sa mga pananaliksik na dapat makatulong sa pagpapaunlad
ng industriya ng isda sa Pilipinas
4. Pagtatayo ng mga lugar na pangisdaan pero may probisyong hindi dapat hulihin ang mga
isdang kasalukuyang nagbubuntis o nangingitlog
5. Ang pagpapatupad ng Philippine Fisheries Code of 1998-paglimita at wastong paggamit
sa yamang pangisdaan ng bansa

Page 21 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Pagtugon o Oportunidad sa Panggugubat

1. Ang Pagtatatag ng Community Livelihood Assistance Program o (CLASP) nilalayon ng

batas na ito sa pamamagitan ng pagtuturo o paglilipat ng kaalaman sa mga tao para wastong
pangangalaga ng ating likas na yaman tulad ng kagubatan.
2. Forest Management Bureau o (FMB) ang programang ito ang nagpapatupad ng
"Sustainable Forest Management Strategy" (SFMS) patuloy na pangangalaga sa kagubatan
3. National Inetgrated Protected Areas System (NIPAS) ang programang ito ay naglalayon
na mabigyan ng proteksyon ang ating kagubatan at ang mga likas na pananim at hayop na
matatagpuan dito.

Sinasabing mahirap pagsabayin ang kaunlarang pangkabuhayan at pangangalaga sa

kapaligiran. Bilang isang mapanuring mamamayan at mag-aaral, Anong programang
pangkabuhayan ang dapat ilunsad ng pamahalaan na may katiyakang ang kapaligiran ay hindi
mapipinsala at ang balanse ng kalikasan ay naitataguyod?

TUKLASIN NATIN: Malinaw ba ang aralin natin sa araw na ito?

Kung hindi, balikan ang ating pinag-aralan at basahing muli. Kung
malinaw na, ikaw ay handa na sa ating mga pagsasanay.

GAWAIN 1: Alin sa mga pagtugon o oportunidad sa pagsasaka o pagtatanim ang makakatulong

sa mga magsasaka upang gumanda ang kanilang ani. Pumili ng apat na tamang kasagutan at
isulat sa loob ng kahon sa ibaba.

A. Pagtulong ng pamahalaan sa pagkakaroon ng irigasyon sa mga bukid.

B. Mga pananaliksik na ginagawa ng eksperto sa paghahalaman para sa pagpapabuti ng mga
ani upang matulungan at madagdagan ang kaalaman ng mga magsasaka sa kanilang mga
itinatanim na binhi.
C. Pageksport ng ating produktong ani sa tulong ng Bureau of Agricultural Research.
D. Ang pagtatatag ng bangko rural at kooperatiba para sa mga magsasaka upang makatulong
o matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka
E. Pagbibigay impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng mga
makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

1._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Page 22 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

GAWAIN 2: Alin sa mga pagtugon o oportunidad sa pangingisda ang

naglalayong mapangalagaan at mapaunlad ang industriya ng pangingisda.
Pumili ng apat na tamang kasagutan at isulat sa loob ng kahon sa ibaba.

A. Fishery Law Enforcement Teams o ang tinatawag nating Bantay Baybay System- ang
sistemang ito ay tumutulong sa mga Local Government Unit sa pagbabantay ng kanilang
baybay dagat.

B. RARE Program for sustainable fishing in the Coral Triangle – ang programang ito ang
nagsusulong na magkaroon ng mahusay na pamamahala ang mga pangisdaan upang
patuloy pa itong pakinabangan ng mga tao.

C. Ang Pagtatatag ng Natural Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) na

magpapasimula o susuporta sa mga pananaliksik na dapat makatulong sa pagpapaunlad
ng industriya ng isda sa Pilipinas.

D. Pagtatayo ng mga lugar na pangisdaan pero may probisyong hindi dapat hulihin ang mga
isdang kasalukuyang nagbubuntis o nangingitlog.

E. Ang pagpapatupad ng Philippine Fisheries Code of 1998-paglimita at wastong paggamit

sa yamang pangisdaan ng bansa

1.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Page 23 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

GAWAIN 3: Alin sa mga pagtugon o oportunidad sa panggugubat ang

naglalayong mapangalagaan at maproteksyunan ang kabugatan. Pumili
ng dalawang tamang kasagutan at isulat sa loob ng kahon sa ibaba.

A. Ang Pagtatatag ng Community Livelihood Assistance Program o (CLASP) nilalayon ng

batas na ito sa pamamagitan ng pagtuturo o paglilipat ng kaalaman sa mga tao para wastong
pangangalaga ng ating likas na yaman tulad ng kagubatan.

B. Forest Management Bureau o (FMB) ang programang ito ang nagpapatupad ng

"Sustainable Forest Management Strategy" (SFMS) patuloy na pangangalaga sa
kagubatan.

C. National Inetgrated Protected Areas System (NIPAS) ang programang ito ay naglalayon
na mabigyan ng proteksyon ang ating kagubatan at ang mga likas na pananim at hayop na
matatagpuan dito.

1.______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2.______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

GAWAIN 4: Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na akronim.

1. NIPAS: ________________________________________________________________
2. FMB:__________________________________________________________________
3. CLASP: ________________________________________________________________
4. SFMS: _________________________________________________________________
5. NFRDI: ________________________________________________________________

Page 24 of 25
Module Code: PASAY-AP4-W3-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________

TANDAAN NATIN: Ang bawat pagtugon sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan ng
bansa gaya ng pagsasaka, pangingisda at panggugubat ay kailangan patuloy na pahalagahan
dahil ito ay makakatulong upang maingatan at mapangalagaan ang ating mga likas na yaman.
Sa pamamagitan din ng mga pagtugon na ito natutulungan din ang mga mamamayan sa
kanilang gawaing pangkabuhayan.

PAGTATAYA: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng

pangungusap at MALI kung hindi.

__________________1. Ang Pagtulong ng pamahalaan sa pagkakaroon ng irigasyon sa mga

bukid ay nakabubuti sa mga ani.
__________________2. Ang Pagbibigay impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa
paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka ay may
magandang ibubunga.
__________________3. Ang pagpapatupad ng Philippine Fisheries Code of 2008 ay paglimita
at wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng bansa
__________________4. Ang pagtatag ng NFRDI na magpapasimula o susuporta sa mga
pananaliksik na dapat makatulong sa pagpapaunlad ng industriya ng
pagsasaka sa Pilipinas.
__________________5. Ang programa ng NIPAS ay naglalayon na mabigyan ng proteksyon
ang ating kagubatan at ang mga likas na pananim at hayop na
matatagpuan dito.
__________________6. Ang Forest Management Bureau o (FMB) ang programang ito ang
nagpapatupad ng "Sustainable Forest Management Strategy".
__________________7. Ang Pagtatatag ng CLASP ay nilalayon ng batas na ito sa pamamagitan
ng pagtuturo o paglilipat ng kaalaman sa mga tao para wastong
pangangalaga ng ating likas na yaman tulad ng kagubatan.
__________________8. Ang RARE Program for sustainable fishing in the Coral Triangle ay
tinatawag nating Bantay Baybay System.
__________________9. Ang bawat pagtugon sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan ng
bansa gaya ng pagsasaka, pangingisda at panggugubat ay kailangan
patuloy na pahalagahan dahil ito ang makakatulong upang tiyak na
mapangalagaan ang ating likas na yaman.
__________________10. Ang Pagtatayo ng mga lugar na pangisdaan ay may probisyong hindi
dapat hulihin ang mga isdang kasalukuyang nagbubuntis o
nangingitlog.

Inihanda ni: GRACE L. GUDIAGA

Padre Burgos Elementary School

Sanggunian:
1. Adriano et.al (2015) Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral p.164-167
2. Elena C. Cutiongco & Crispin T. Garcia (2014). Yaman ng Lahing Pilipino p.105-106, 118
3. Prorama ng Pamahalaan at kung paano malulutas ang suliranin sa agrikultura: https://prezi.com/0vl_vv_sansb/programa-ng-
pamahalaan-at-paano-malulutas-ang-suliranin-sa/
4. Sektor ng Paggugubat: https://prezi.com/4sqbc24dsqin/sektor-ng-paggugubat/

Page 25 of 25

You might also like