You are on page 1of 9

9 Activity Sheet sa

Araling Panlipunan 9
Quarter IV- MELC 3
Nasusuri ang Bahaging
Ginagampanan ng Agrikultura,
Pangingisda, at Paggugubat sa
Ekonomiya at sa Bansa

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Araling Panlipunan 9
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
SDO-Bacolod City
Rosario-San Juan Sts., Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng Gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga paaralan sa Division of Bacolod City.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Division of
Bacolod City.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 9


Manunulat: Maribelle A. Haresco
Editor: Joy A. Rullan
Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon
Tagaguhit: Luna Lou D. Beatingo
Tagalapat: Ma. Cristina O. Ballados

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Peter J. Galimba
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz

ii
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo


ng Kagawaran ng Edukasyon, SDO-Bacolod City. Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan
at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kanikanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga


panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 4, Linggo 3

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 3

Pangalan: _______________________ Grado at Seksiyon: _______________


Petsa: _________________________

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at
paggugubat sa ekonomiya at sa bansa.
AP9MSP-IVb-3

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa Learning Activity Sheet (LAS) na ito, natatalakay ang konsepto at salik na
nakaaapekto sa demand sa pang-araw-araw na pamumuhay.
.
Ang Sektor ng Agrikultura

Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak


at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil
malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Malaking
bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sector ay
umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga
hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa : paghahalaman (farming),
paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).

4
Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad
ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at
labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB),
tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sek-tor na ito sa
Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong
palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin
dito ang produksiyon ng gulay, halamang-gubat, at halamang mayaman
sa hibla (fiber).Gayundin ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang,
sibuyas, kamatis, repolyo, talong, kalamansi.
Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-
aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang
pagha-hayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga
pangangailangan sa karne atbp pagkain.Ang paghahayupan ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng
hayop.Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong
hanapbu-hay.
Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamala-
king tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking
daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala,
ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture.
Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang
gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng
operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang
bayan. Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15
kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may
kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang
aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan -
fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011). Sa
mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang
produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong
2012. Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4
bilyon at komersyal na may Php65,894.2 bilyon.
Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo,
at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng
gulaman.
Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong
gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga
kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng
mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso,
at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din
ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng
almaciga.

5
Kahalagahan ng Agrikultura
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang lupain
ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay,
mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga prutas tulad
ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito
bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga
pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat
na mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan. Ang
agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang
pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa
kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa
produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay
gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla
para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat
para sa pagkain, kemikal, o gamot.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang
pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong
agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan. Kabilang sa
mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra,
hipon, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit
sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa
National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga
Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura.
Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda,
minero, o tagapag-alaga sa paghahayupan.
5.Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor
Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa
patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang
patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng
populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng
sektor ng industriya at paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito.
Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay
isang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang
ito ng pamahala-an sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa
mga sangkap ng produksiyon. Ang kasiguraduhang sapat ang
kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay maa-aring may
positibong epekto sa isang bansa. Samantala, kung hihigit sa
pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging mga
produkto na ikaka-lakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay
magiging isang matibay na sandigan ng bayan upang makamit ang
inaasam nitong kaunlaran.

6
III. Mga Sanggunian
Balitao, Bernardo R. et al. (2015). Ekonomiks.
Araling Panlipunan 9 Batayang Aklat, pahina 363-370.

Mga Larawang kuha nina Maribelle Haresco, Jessy S. Hisona at Dante


Buenaflor

IV. Mga Gawain


Panuto: Mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura,
bumuo ng Concept Definition Map gamit ang modelo sa ibaba.

CONCEPT DEFINITION MAP

7
V. Repleksiyon
Panuto: Kilalanin kung anong sektor ng Agrikultura nabibilang ang bawat
larawan.
(Paghahalaman, Paghahayupan, Paggugubat, Pangingisda)

1. _________ 9. _________ 17 _______

2. _________ 10. _______ 18 _______

3. ________
11. _ ______ 19 ________

4. _______ 12. ________ 20 ______

5. _______ 13. ________

6. ________
14. ________

7. ________
15. ________

16 _______
8. _______

8
9
Gawain
Sektor ng Agrikultura - ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng
ekonomiya dahil ang lahat ng sector ay umaasa sa agrikultura upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksiyon.
Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng: paghahalaman (farming),
paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).
Kahalagahan ng Agrikultura
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural
patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod.
Repleksyon:
1. Pangingisda 11. Pangingisda
2. Paggugubat 12. Paghahalaman
3. Paghahayupan 13. Paghahalaman
4. Pangingisda 14. Pangingisda
5. Paghahayupan 15. Paggugubat
6. Paghahalaman 16. Paggugubat
7. Pangingisda 17. Paghahalaman
8. Paghahayupan 18. Paggugubat
9. Paggugubat 19. Paghahalaman
10. Paghahayupan 20. Paghahayupan
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like