You are on page 1of 16

GLOBALISASYON

Dalawang depenisyon ng
Globalisasyon:
Pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng
mga koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa
kapwa bansa, at bansa sa mga international
organization sa aspekto ng ekonomiya, politika,
kultura at kapalaigiran
Dalawang depenisyon ng
Globalisasyon:
Pagsusulong ng pandaigdigang kalakalan o
nternational trade sa pamamagitan ng
pagbubukas ng mga pambansang hangganan at
pagbabawas sa paghihigpit sa pag-angkat ng
mga produkto.
Pinagmulan ng Globalisasyon
SUEZ CANAL - Nagbukas noong 1869
Nagsilbing short cut ng mga barko mula Europa at Asia.
(TR) Transportation Revolution (Steam Engine, Steam
Ships)
Dahil sa TR bumaba rin ang halaga ng pagaangkat ng
mga produkto.
Iba’t – ibang Konsepto at
Pananaw sa Globalisasyon
Nagkakaroon ng globalisasyon dahil kinikilala ng mga bansa na hindi
sila mabubuhay nang walang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
Ayon sa WORLD BANK at INTERNATIONAL MONETARY
FUND, lubos na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa upang
umunlad. Ito raw ang pangunahing layunin ng globalisasyon.
Iba’t – ibang Konsepto at
Pananaw sa Globalisasyon
Ayon naman kay IMMANUEL WALLERSTEIN, ang
globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay ng kapitalismo sa
mundo. Ito raw ang pagkakahati-hati ng mga trabaho sa mundo.
Ayon kay ANTHONY GIDDENS, isang sosyolohista, ang
globalisasyon ay hindi lamang penomenong pang-ekonomiya
kundi isang panlipunang ugnayan ng mga pamayanan sa iba
pang pamayamanan sa daigdig.
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
INTEGRATION – Tumutukoy sa pagsasam-sama ng iba’t-ibang
elemento upang maging isang bagay. Ito ay pagsasama ng mga
bansang may nagkakaisang hangarin upang bumuo ng iisang
pangkat ng mga bansa na magsusulong makamit ang hangaring
ito
Halimbawa: EUROPEAN UNION at ASEAN
 
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
DE-LOCALIZATION – Ay ang pagbabawas ng mga gawaing
lokal at pag-usbong ng mga gawaing pandaigdigan bilang
kapalit nito. Maraming mga gawain ang dati’y kailangan
makaharap ng isang tao upang maisagawa ang kailangan gawin,
ngunit ngayon, higit na nabago ito habang lumalawak at
dumarami ang mga ugnayang pandaigdigan.
Halimbawa: Ang mga BPO at pamimili ng mga produkto
 
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
PAGSULONG NG TEKNOLOHIYA – Ang mga pagsulong sa teknolohiya
sa larangan ng life science at digital technology ay nagbubukas ng daan sa
mas maraming posibilidad ng kalakan at paggawa.
Mas napapadali ang globalisasyon sa pagkakaroon ng mga makabagong
teknolohiya ng komunikasyon sa mga malalayo at liblib na lugar.
Sa tulong na rin ng teknolohiya, lumaganap ang mga trabahong may
kinalaman sa kaalaman o knowledge. Umususbong ang “knowledge
economy”.
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
PAG-USBONG NG MGA MULTINATIONAL CORPORATION
– Ito ay isang kompanyang nagmamamay-ari ng mga assets o
capital sa mga bansa maliban pa sa bansang pinagmulan nito.
OUTSOURCING - sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo
mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing
layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang
mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na
mahalaga.
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
URI NG OUTSOURCING:
Business Process Outsourcing (BPO) - na tumutugon sa prosesong pangnegosyo
ng isang kompanya
Knowledge Process Outsourcing (KPO) - na nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng
pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng
kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa
mga sumusunod:
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang
bansa na naniningil ng mas mababang bayad.
Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya
sa kalapit na bansa.
Onshoring - Tinatawag ding domestic outsourcing na
nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula
din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon.
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon

MABILIS NA PAGHAHATID NG MGA PRODUKTO AT


SERBISYO – Isang katangian ng globalisasyon ay ang
pagkakaroon ng mabilils na paghahatid ng mga produkto at
serbsyo sa mga tao.
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
MAS MALAWAK NA MOBILITY
MOBILITY - ay tumutukoy sa paraan ng paggalaw ng mga
serbisyo, produkto, tao, komunikasyon at transportasyon
upang mas maging maginhawa at mabilis ang paggamit ng
mga ito.
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
Natutulungan ng mga ito ang pagpapabilis sa daloy ng komersyo sa
isang pook. May positibong epekto rin ito sap ag – unlad ng ekonomiya
at ng buhay ng mga tao. Ang pagpapagawa ng bagong kalsada, tulay,
Paliparan, at mga pantalan ay ilan lamang sa mga imprastrakturang
nagpapalawak sa mobility ng lipunan. Ang paglalagay ng fiber optic
cables sa bansa ay nakatutulong naman sa mobility ng industriya ng
komunikasyon. Nagreresulta ito sa mas malinaw nap ag – uusap sa
telepono at mas mabilis na internet connection.
Iba’t-ibang katangian (dahilan
at epekto) ng Globalisasyon
Sa mas malawak na mobility, mas mabilis na nakararating ang mga
produkto at serbisyo mula sa isang pook patungo sa iba pang lugar.
Nagiging mura ang mga produkto dahil sa mas mababang halaga ng
transportasyon. Yumayabong rin ang turismo kung mayroong
mobility na magpapadali sa paglalakbay.

You might also like