You are on page 1of 8

9oooo9

9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Week 1:
Konsepto at Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran

1
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:


Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansangkaunlaran. AP9MSP-Iva-2

Mga Layunin
 Naiisa isa ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.
 Naipapaliwanag ang bawat palatandaan.
 Nabibigyang-halaga ang konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran.

ANG KONSEPTO NG PAG-UNLAD

Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa


tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa
salitang pagsulong.

PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG PAGSULONG AT PAG-UNLAD


Ang mga salitang “Pagsulong” at “Pag-unlad” ay parehong nagsasabi ng pag-angat ng
isang bagay o isang tao mula sa kaniyang kasalukuyang kinatatayuan. Ang pinagkaiba naman
nilang dalawa ay sa kung paano ito nasasaisip o naipapakita o naisasagawa ng mga tao.

Ang Pagsulong ay maaring masabi na kapareho ito ng sitwasyon sa baha. Ang mga tao ay
sumusulong o mayrooong pag-sulong. Ang ibig sabihin ng salitang “sulong” ay pagdiretso o
paglakad patungo sa isang lugar o kung ano man. Kung ito ay gagamitin sa pagbigay
deskripsyon sa isa sa mga karakteristiks ng isang tao ito ay maaring:

Ang Pag-sulong ay:


1. Hindi patitibag sa kahit na anong suliranin
2. Pagtungo sa isang mithiin o nais na gawin at pananatilidito
3. Pagkakaroon ng isang layunin at pag-angat
Ang Pag-unlad naman ay maaring magamit sa ekonomiya. Tulad na lang ng pagkakaroon ng
mga panibagong programa o teknolohiya sa ating komunidad. Ito ay pagbabago ng mga dating
gawin ngunit nasa isip pa rin ang tama at epektong maihahatid ng mga ito. Ang pagunlad ay

2
pagbabago mula sa normal at maliit na ideya hanggang sa malaki at mas matibay na lohika.
Kung ito man aymaihahalintulad sa mga tao ito ay maaring:
1. Pagkakaroon ng bukas na isipan
2. Pagtanggap sa mga makabagong kagamitan o paraan ng paggawa
3. Pagbibigay kontribusyon sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagiging isang
inobatibong tao

Ang pinagkaiba ng dalawang salitang “Pag-sulong” at “Pag-unlad” ay nakabatay lamang sa


sitwasyon o sa mga taong gagamit ng mga ito. Ang “Pag-sulong” ay nakapokus sa pagtungo sa
isang layunin o bagay; ang “Pag-unlad” ay sa pag-angat ng pag-iisip o gawi ng mga tao sa
ating komunidad o ekonomiya.

DALAWANG MAGKAIBANG KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KINA


MICHAEL P. TODARO AT STEPHEN C. SMITH (ECONOMIC DEVELOPMENT
2012)

TRADISYONAL NA MAKABAGONG PANANAW


PANANAW
- Sinasaad na ang pag-unlad ay dapat na
- Binigyang-diin ang pag-
kumatawan sa malawakang pagbabago
unlad bilang pagtatamo ng
sa buong sistemang panlipunan. Dapat
patuloy na pagtaas ng na ituon ang pansin sa iba’tibang
antas ng income per capita pangangailangan at nagbabagong
nang sa gayon ay mas hangarin ng mga tao at grupo sa
mabilis na maparami ng nasabing sistema upan masiguro rin ang
bansa ang kaniyang paglayo mulasa di-kaaya-ayang
output kaysa sa bilis ng kondisyon ng pamumuhay tungo sa
paglaki ng populasyon kondisyon na mas kasiya-siya.
nito.

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni


Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay
matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng
mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo
ito, mahalagang bigyang-pansin ang pagtanggal sa mga ugat
ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at
hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na
naglilimita sa kakayahan ng mgamamamayan. Ang tatlong
KKK ng Pag-unlad ayon sa kanya ay ang;
Kayaman (mataas na kita). Kalayaan (malayang
http://news.berkeley.edu/wpcontent/uploads/2016/02/a magpasya) at Kaalaman
(maayos na edukasyon). martya_sen_750.jpg

Maraming mga korporasyon ang kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito ay
pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang pagpasok ng mga
dayuhang mamumuhunang ito ay nakapagtataguyod ng mas mabilis na paglago at pagsulong ng
kanilang ekonomiya. Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong ng mga likas na
yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.

Sa librong Economics, Concepts and Choices (2008) ninaSally Meek, John Morton at
Mark Schug, inisa- isa nila ang iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa.

3
LIKAS NA YAMAN YAMANG TAO KAPITAL TEKNOLOHIYA AT
INOBASYON
Malaki ang Mas maraming Sa tulong ng mga Nagagamit nang mas
naitutulong ng mga output ang kapital tulad ng episyente ang iba
likas na yaman sa nalilikha sa mga makina sa pang
pagsulong ng isang bansa mga pagawaan pinagkukunangyaman
ekonomiya kung maalam ay nakalilikha ng upang mas maparami
lalong-lalo na ang at may mas maraming pa ang mga
mga yamang-lupa, kakayahan ng produkto at nalilikhang produkto
tubig, kagubatan at mga serbisyo. at serbisyo.
mineral. manggagawa
nito.

MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD AT PAGSULONG


Iba’t iba ang mga palatandaan na ginagamit upang masukat ang pag-unlad ng isang
bansa. Dati-rati, ang pagsukat sa paglago ng isang ekonomiya ang palasak na ginagamit upang
masabing maunlad o di maunlad ang isang bansa. Masasabing ang pagsulong ay isa lamang
aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong
nalikha sa loob ng isang panahon.

Sa pagsukat nito, ginagamit ang:


- Gross Domestic Product (GDP),
- Gross National Product (GNP), - GDP/ GNP per capita at -
real GDP/ GNP.

Sa kabilang banda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at
serbisyo dahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang kita at yaman ng bansa sa
mga mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mgan umero, makab agong teknolohiya,
at nagtataasang gusaliu pang masabing ganap na maunlad ang isangbansa. Higit pa rito ang
kahulugan ng pag-unlad. Higit pa ito sa mga modernong kagamitan at mga makabagong
teknolohiya sapagkat kasamar ito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng
mga tao.

Ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa ayon kay;


Feliciano R. Fajardo
- ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang
mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan
sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga
pangkaraniwang tao.
Todaro at Smith sa kanilang aklat na Economic Development

- ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong


kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan,
gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang
pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawassa di
pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan.

Sa paglago ba ng ekonomiya ay gumaganda ang buhay ng tao? Mas masaya ba ang mga
tao sa kanilang buhay at kapaligiran tuwing lumalaki ang ekonomiya? Ang mga
pangangailangan ba ng tao ay natutugunan? Ito ang mga katanungan na hindi kayang sagutin
at sukatin ng tradisyonal napalatandaan ng pag-unlad kung kaya iba-iba ang ginagamit upang
masukat ang kalidad ng buhay ng tao.

4
Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index bilang isa
sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.

Ang Human Development Index (HDI)


- ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng
pamumuhay.
➢ Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan, ginagamit na pananda ang haba ng
buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang
itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa
panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay.
Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean years of schooling at expected years of
schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang mean years of schooling ay tinataya ng United
Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa
mga surbey at sensus ukol sa antas ng pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25 taong
gulang. Samantala, ang expected years of schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga
nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years of
schooling ng UNESCO.

➢ Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay nasusukatgamit ang gross national


income per capita.

KAHALAGAHAN NG HUMAN DEVELOPMENT INDEX (HDI)


- Nilikha upang bigyang-diin na ang mgat ao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang
ang pagsulong ng ekonomiya nito.
- Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng
kaunlarang pang- tao) at 1 (pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao).
- Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarangp ambansa ng
dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa
kaunlarang pantao.

Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development


Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang:

1. Hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI),


2. kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at
3. gender disparity (Gender Inequality Index).

ITO ANG MGA:

A. Ang Inequality-adjusted HDI


- ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at
edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa.

B. Ang Multidimensional Poverty Index


- ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at
indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay

C. Gender Development Index


- ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mgal alaki at babae.

5
Ang pagbibigay-pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng
pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ang human development ay
hindi nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy
ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang
ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay
ng mga tao.

PAGYAMANIN

Gawain A: Jumble Tumble


Panuto: Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto at salitang
inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang nabuong salita sa inyong notebook.

1. Ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae.


- EGDNRE EDVELNPETMO NIEDX

2. Ang nagpasimula ng Human Development Report.


- BAHBUM LU AQH
3. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa.
- OTA
4. Nilikha upang bigyang-diin na ang mgatao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
- NHMUA OPETENDVMLE EDIXN
5. Ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal
ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay
- DNMMLTNUOALIISEI RTYOVER DIXNE

Gawain B

PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA
Panuto: Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
pagsulong at pag-unlad. Isulat ang nabuong salita sa inyong notebook.

PAGSULONG PAG - UNLAD

ISAISIP
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Bilang isang Pilipino, ano ang maaaring gawin ng bawat mamamayan upang matamo
ang pambansang kaunlaran?

2. Pagkatapos natutunan ang mga Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran,


paano mo mapapahalagahan ang mga ito?

ISAGAWA

6
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagbibigay-halaga sa konsepto
at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit, o paggawa
ng tula, o likha ng awit. Gawin to sa inyong kuwaderno.

TAYAHIN

Panuto:

Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa
inyong kwaderno. Titik lamang ang isulat.

1. Ang pag-unlad ay binubuo ng mga sumusunod maliban sa:


A. Likas-kayang pag-unlad C. Kaseguruhang pangkabuhayan
B. Makataong pamamahala D. Modernisasyon

2. May pag-unlad kung:


A. tumataas ang GNP
B. tumataas ang dami ng naghahanap-buhay
C. dumadami ang pinuno
D. natutugunan ang pangangailangan ng tao

3. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sapagsulong ng ekonomiya ng


isang bansa maliban sa:
A. likas na yaman C. teknolohiya
B. yamang-tao D. kalakalan

4. Ayon sa kanya ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso.


A. Michael P. Todaro C. Feliciano R. Fajardo
B. Stephen Sy D. Amartya Sen

5. Nagsasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong


sistemang panlipunan.
A. Makabagong pananaw C. Teknolohikal na pananaw
B. Tradisyonal na pananaw D. Multidimensional na pananaw

6. Sa pamamagitan ng salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman ng bansa na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng
isangbansa.
A. Yamang-tao C. LikasnaYaman

7
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital

7. Isang mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya sapagkat kung mas


maraming output ang nalilikha ito ay nangangahulugang mas maalam at may kakayahan
ang mga mangagawa nito.
A. Yamang-tao C. Likas naYaman
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital

8. Nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isangbansa.
A. Human Development Index C. Gender Inequality Index
B. Multidimensional Poverty Index D. Human Resource Index

9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga “ugat ng kawalang kalayaan” ayon kay
Amartya Sen sa kanyang akdang Development as Freedom?
A. kahirapan
B. Diskriminasyon
C. Limitasyon s akakayahan ng mga mamamayan
D. pagkakapantay-pantay ng mga tao

10. Ang Human Poverty Index ay sumusukat ng:


A. Kakulangan sa edukasyon ng mga tao. C. Maiklingbuhay ng tao
B. Kakulangan sa kita ng mga tao. D. Lahat ay tama.

Karagdagang Gawain
PANUTO: Gawin ang nakasulat sa ibaba. Ilagay ito sa inyong notebook o sa short bond paper.

PANUTO: Muling balikan ang mga palatandaan ng pag-unlad. Base sa iyong obserbasyon sa
iyong barangay, ano ang tunay na kalagayan sa mga aspekto ng kalusugan, edukasyon at
antas ng pamumuhay?
Isulat ito sa inyong notebook.

You might also like