You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9
Araling Panlipunan
Ika-Apat na Markahan Modyul 1
Konsepto sa Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran
Araling Panlipunan – Grade 9
Supporrt Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Konsepto sa Palatandaan ng Pambansang
Kaunlaran
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gail L. Mabilog / Cherry Mae N. Idahosa

Editor: Mimie M. Opo

Tagasuri: Monina R. Antiquina, EPS, EMD, AP / Mimie M. Opo

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: Oliver A. Manalo

Tagapamahala: Virgillio P. Batan Jr. Schools Division Superintendent


Lourma I. Poculan Asst.Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag Education Program Supervisor, LRMS
Monina R. Antiquina Education Program Supervisor, EMD, AP
Leo Martinno O. Alejo Project Development Officer II, LRMS
Maria Liza E. Valdehueza School Principal II, Dipolog City NHS

Printed in the Philippines by


Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga Del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang konsepto, palatandaan ng
kaunlaran at mahahalagang impormasyong dapat makita upang masukat
ang kaunlaran ng isang bansa. Ikaw ay haharap sa tekstong nagbibigay-
kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang pumukaw sa iyong
interes. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng
sariling kahulugan ng pambansang kaunlaran at masiyasat ang mga
palatandaan nito.

Pamantayan ng Pagkatuto: MELC: Nasisiyasat ang mga palatandaan ng


pambansang kaunlaran. AP9MSP-IVa-2

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

a. Natutukoy ang mga konsepto ng pag-unlad;


b. Naiisa-isa ang mga palatandaan ng pag-unlad; at
c. Naka Pagmumungkahi ng mga paraan sa pagtamo ng pambansang
kaunlaran.

Balikan
Gawain 1. I- PI o PM MO AKO!

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Isulat ang (PI) kung ito ay nagpapakita
ng pag-iimpok, at (PM) kung ito ay nagpapakita ng pamumuhunan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1
Tuklasin

Gawain 2: PICTURE ANALYSIS

Panuto: Suriin ang kalagayan ng dalawang larawan sa ibaba. Sagutin ang


mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang napuna mo sa unang larawan? Sa ikalawang larawan?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Alin sa larawang ito ang nagpapakita ng konsepto ng pag-unlad?
Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Suriin
Gawain 3: MAGBASA AT MATUTO

KONSEPTO NG PAG–UNLAD

Paano ba masasabi na maunlad ang isang bansa? Masasabi ba natin


na maunlad ito kung maraming matataas na gusali, magarang sasakyan, o
mataas ang sweldo ng mga tao? Gayundin, maunlad ba ng pamumuhay ng
mga tao kung mayroong pinaka bagong cellphone, o hindi kaya branded na
damit at sapatos? Ano nga ba ang kaunlaran?

2
Ang pag unlad ay isang kaisipang maaaring may kaugnayan sa salitang
pagsulong. Ito ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng
pamumuhay ayon sa diksyunaryong Merriam-Webster.

Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), ang


pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Habang ang pagsulong ay
bunga ng proseso o produkto ng pag-unlad. Ayon pa rin kay Fajardo, ang
pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay daan,
sasakyan, kabahayan, gusali, paaralan at marami pang iba. Ang mga ito ay
resulta ng pag-unlad. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay isang progresibong
proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas
ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-
pantay at pananamantala.

May dalawang magkaibang konsepto ang pag-unlad batay sa aklat ni


Michael P. Todaro at Stephen C. Smith:

⮚ Tradisyonal na pananaw- binibigyang- diin ang pag-unlad


bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income
per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng
bansa ang kanyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng
populasyon nito.
⮚ Makabagong pananaw- isinasaad na ang pag-unlad ay dapat
na kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong
sistemang panlipunan.

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang


ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang
yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang
matamo ito, mahalagang bigyan pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng

kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon, at hindi


pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng
mga mamamayan.

MGA SALIK NA MAKAKATULONG SA PAGSULONG NG


EKONOMIYA NG BANSA
⮚ Likas na Yaman – Malaki ang naitutulong ng mga likas na
yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga
yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Subalit hindi
kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na
pagsulong ng isang bansa.

3
⮚ Yamang-tao- Isang mahalagang salik sa pagsulong ng
ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang
nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang
mga manggagawa nito.

⮚ Kapital- Lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng


ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng
mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming
produkto at serbisyo.

⮚ Teknolohiya at Inobasyon- Sa pamamagitan ng mga salik na


ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga
nalilikhang produkto at serbisyo

MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD


Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Hindi
sapat ang pagsukat ng Gross Domestic Product (GDP), Gross National
Product (GNP), GDP/GNP per capita at real GDP/GNP, makabagong
teknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang
isang bansa. Higit pa ito sa modernong kagamitan at mga makabagong
teknolohiya dahil kasama rito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng
pamumuhay ng mga tao.

Ayon kay Fajardo, ang pagsulong ng ekonomiya dulot ng mga dayuhang


mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa
kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.

Ayon pa kay Todaro at Smith sa kanilang aklat na Economic


Development, ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong
kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng

mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng


pagsulong ng ekonomiya, pagbabawas sa di- pagkakapantay-pantay at pag-
alis ng kahirapan.

HUMAN DEVELOPMENT INDEX


Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human
Development Index (HDI) bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad
ng isang bansa. Tumutukoy ito sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng
isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang
pantao (human development) tulad ng:

4
a. Kalusugan- ginagamit na pananda ang inaasahang tagal ng
buhay o life expectancy
b. Edukasyon- ginagamit na pananda ang mean years of schooling
(antas ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may 25 taong
gulang) at expected years of schooling (bilang ng mga nag-aaral
sa lahat ng antas ng edukasyon)
c Antas ng pamumuhay- nasusukat gamit ang gross national
income per capita.

Ito ay unang inilathala ni Mahbub ul Haq at inilimbag ng United Nations


noong 1990. Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng
UNDP, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na
nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa
pamamagitan ng mga pahayag na ito, na kinatigan pa ng maraming empirikal
na datos at makabagong pananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran, ang
Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa
pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo.

Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa


paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga
tao. Ilan sa mga ito ay ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na
serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng
karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampulitika at
pangkultura at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.

Ang Human Development Report Office ng United Nations Development


Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang
masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI,
kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at gender disparity (Gender
Inequality Index). Ang Inequality –adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy
kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga
mamamayan ng isang bansa. Ang Multidimensional Poverty Index naman ay

ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan


at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay samantalang
ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan
ng mga lalaki at babae.

Ang human development ay hindi nakapako sa isang konsepto lamang.


Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang
pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang
pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa
pamumuhay ng mga tao.

5
Pagyamanin
Gawain 4: CONCEPT DEFINITION MAP

Panuto: Mula sa teksto tungkol sa konsepto ng pag-unlad, bumuo ng


concept definition map gamit ang modelo sa ibaba.

Gawain 5: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isulat sa bilang 1 at 2 ang pagkakaiba ng


pagsulong at pag-unlad at sa bilang 3 naman ang pagkakatulad nito.

6
Pamprosesong Tanong:

1. Kailan masasabing maunlad ang isang bansa?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Sang-ayon ka ba konsepto ni Todaro na ang pag-unlad ay dapat na
kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang
panlipunan? Pangatwiran.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain
Gawain 6: PAG-ISIPAN MO!

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang
kolum na sinasang-ayunan mo. Pagkatapos ay dugtungan ang pangungusap
na nasa loob ng kahon upang mabuo ang konsepto nito.

7
Isaisip

Gawain 7: JUMBLED LETTERS


Panuto: Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto
at salitang inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang nabuong
salita sa kahon.

8
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na may
kaugnayan sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Isulat
ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas


ng pamumuhay. Isa ito sa kaisipang maaaring may kaugnay din sa salitang
pagsulong. Ang kahulugan na ito ay mula kay _____.

A. Fajardo C. Merriam-Webster
B. Todaro at Smith D. Sen

2. Inilahad sa aklat na Economic Development (2012) na mayroong dalawang


magkaibang konsepto ang pag-unlad. Ito ay tradisyonal na pananaw at
makabagong pananaw. Sino ang may-akda sa aklat na ito?

A. Fajardo C. Meriam-Webster
B. Todaro at Smith D. Sen

3. Ipinaliwanag niya na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung


mapaunlad ang yaman ng buhay ng tao kaysa yaman ng ekonomiya nito.
Ang pahayag na ito ay mula kay _____.
A. Fajardo C. Meriam-Webster
B. Todaro at Smith D. Sen

9
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa palatandaan ng pag-
unlad?

A. May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP.


B. May pag-unlad kung limitado ang kalayaan.
C. May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.
D. May pag-unlad kung may makabagong teknolohiya at makinarya.

5. Ang sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong


sa isang bansa maliban sa _____.

A. Likas na Yaman C. Teknolohiya at Inobasyon


B. Yamang-Tao D. Kalakalan

6. Sa pamamagitan ng mga salik na ito ng pag-unlad, nagagamit ng mas


episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami ang
mga nalilikhang produkto at serbisyo. Anong salik ng pag-unlad ang
tinutukoy nito?

A. Likas na Yaman C. Teknolohiya at Inobasyon


B. Yamang-Tao D. Kalakalan

7. Ito ay itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa.

A. Likas na Yaman C. Teknolohiya at Inobasyon


B. Yamang-Tao D. Kalakalan

8. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa


na matugunan ang mahahalagang aspeto ng kaunlarang pantao.

A. Human Development Report C. Human Resource Management


B. Human Development Index D. Human Resource Development

9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama tungkol sa konsepto ng


pag-unlad?

A. Ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng


epekto nito sa pamumuhay ng tao.
B. Ang pag-unlad ay nasusukat sa dami ng mga dayuhang
namumuhunan sa bansa.
C. Ang pag-unlad ay nakikita sa mga modernong gusali na naipatayo.
D. Ang pag-unlad ay nasusukat sa GNP at GDP ng bansa.

10. Anong pananda ang ginagamit sa aspekto ng edukasyon ukol sa antas


ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang?

A. Life Expectancy C. Gross National Income Per Capita


B. Mean Years of Schooling D. Expected Years of Schooling

10
Karagdagang Gawain

Gawain 8: ANO ANG IYONG MUNGKAHI?

Panuto: Magbigay ng tig-iisang programa o patakaran na maaari mong


maimumungkahi na maging paraan upang mapaunlad ang mga sumusunod
na aspeto ng kaunlaran sa ating bansa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Susi sa Pagwawasto

kanilang pag-unawa.
PM 5. pag-unawa. mag-aaral ayon sa
PI 4. ayon sa kanilang nakadepende sa sagot ng
PI 3. sagot ng mag-aaral Ang mga sagot ay
PI 2. ay nakadepende sa
PM 1. Ang mga sagot Pagkakaiba
Pagkakatulad at
I-PI o PM Mo Ako! Picture Analysis Concept Definition Map/

Balikan Tuklasin Pagyamanin

11
12
Karagdagang Gawain Tayahin
Ano ang iyong mungkahi? 1. C
2. B
3. D
Ang mga sagot ay 4. B
nakadepende sa sagot ng 5. D
mag-aaral ayon sa 6. C
kanilang pag-unawa. 7. B
8. B
9. A
10.B
Isaisip Gawain
Jumbled Letters Pag-isipan Mo!
1. Kapital 6. Pagsulong
2. UNDP 7. Pag-unlad 1. Oo 6. Oo
3. Gross National 8. Inequality- 2. Oo 7. Oo
Income Per Capita Adjusted HDI 3. Oo 8. Oo
4. Multidimensional 9. Gender 4. Oo 9. Oo
Index Development 5. Oo 10. Oo
5. Mahbub ul Haq Index
10. Life Expectancy
Sanggunian:

Mga Aklat at Modyul:

Balitao et al., (2015). EKONOMIKS Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral


(Unang Edisyon). Vibal Group, Inc.

Viloria, L., (2018). PAGLINANG SA KASAYSAYAN Ekonomiks. Diwa Learning


Systems Inc.

Philippines. Department of Education. (2002). Pambansang Kaunlaran- Modyul


16. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE

Mga Pinagkukunan ng Larawan:

11 Countries with the Best Roads in the World. Kinuha mula sa


https://images.app.goo.gl/v2rusRF1WsbrMwu78

Opinion | Ewan ko!. Kinuha mula sa https://images.app.goo.gl/


geyihyZTyfZ4UoW27

13
14

You might also like