You are on page 1of 20

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Ikaapat na Markahan-Modyul 8
Pang-ekonomikong Ugnayan at
Patakarang Panlabas ng Pilipinas

Manunulat : Melda C. Balgua

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin 1 Pang-ekonomikong Ugnayan at
Patakarang Panlabas ng Pilipinas

Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahang matutukoy at matutuhan mo ang mahahalagang konsepto


hinggil sa pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas ng Pilipinas na lubhang naapektuhan
dahil sa pandemyang CoVid-19 na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.

Araling Sakop ng Modyul 8


1. Prinsipyo ng Kalakalang Panlabas
2. Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig
3. Kalakalang Panlabas ng Pilipinas: Kahalagahan, Mga Patakaran at
Programa

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na:


1. nasususuri ang pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas na
nakatutulong sa Pilipinas;
1.1 naipaliliwanag at naikukumpara ang prinsipyo ng Kalakalang Panlabas;
1.2 napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng Kalakalang Panlabas sa
ekonomiya ng ating bansa;
1.3 nasusuri ang ugnayan at mga patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa
iba’t ibang samahan o organisasyong sa Kalakalang Pandaigdig.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin
Sa panimulang pagsusulit, ay susukatin ang iyong kaalaman hinggil sa paksang
tatalakayin. Bigyan mo ng pansin ang mga tanong na hindi mo masasagutan ng wasto.

I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng pinakatamang


sagot sa sagutang papel.

1. Si Mr. David Jones ay isang British National na nais mamuhunan sa Pilipinas. Aling
ahensiya ng pamahalaan ang kanyang lalapitan upang makakuha ng impormasyon tungkol
sa mga negosyante sa bansa?
A. Center for Industrial Competitivenss C. Trade and Industry Information Center
B. Foreign Trade Services Corps D. Department of Trade and Industry
2. Alin sa mga sumusunod ang batayan sa pagpili ng produkto o serbisyo ng isang bansa sa
pagkakaroon ng espesyalisasyon batay sa ekonomista na si David Ricardo.
A. Cost of factor of production. C. Commodity Cost
B. Marginal Cost D. Opportunity Cost
3. Ang mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko gaya ng WTO, APEC at ASEAN ay
may magkakahalintulad na layunin. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
pinakahahangad ng bawat kasapi nito?
A. Liberalisasyon ng kalakalan C. Mapaunlad ang sariling ekonomiya
B. Suportang Teknikal D. Matatag na ugnayan sa kapwa bansa
4. Bakit mahalaga ang paggamit ng Balance of Payment sa kalakalang Panlabas ng
Pilipinas?
A. Nagbibigay ito ng impormasyon sa mga bansa na ka-transaksyon ng Pilipinas.
B. Nasusukat nito ang performance ng kalakalang panlabas ng bansa.
C. Nagtataguyod ito ng isang malakas na pundasyon sa pagpaplano sa kalakalang
panlabas.
D. Nagtutulak ito sa Pilipinas na pagbutihan pa ang pakikilahok sa kalakalang
panlabas.
5. Ang mga sumusunod ay hakbangin ng pamahalaan alisunod sa Outward oriented
strategy maliban sa isa: ____.
A. Promosyon ng turismo sa bansa. C. Pakikilahok sa malayang kalakalan
B. Pagpapataas sa taripa ng bansa. D. Paghihikayat sa pagluluwas ng
produkto.
II Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang pahayag ay tama. At malungkot na mukha 
kung ang pahayag ay mali at isulat ang letra ng tamang salita mula sa kahon sa ibaba na
ipapalit sa salita na salangguhitan upang maiwasto ang pahayag.
______1. Ang Balance of Trade ay may negatibong resulta sa balance of payment.
______2. Ang usapin o isyu sa pagitan ng mga kasapi sa APEC ay dinadaan sa consensus.
______3. Ang inward oriented strategy ay nagbibigay ng halaga sa Domestic Trade.
______4 Ang bansang USA na may mataas na teknolohiya sa paggawa ng bakuna laban
sa Covid-19 ay may comparative advantage kaysa sa Pilipinas.
______5. Ang kalidad ng manggagawa sa Pilipinas ay itinataguyod ng Trade and Industry
Information Center.

a. ASEAN d. Trade Surplus g. Center for Industrial Competitiveness


b. AFTA e. Absolute Advantage
c. Trade Deficit f. Foreign Trade service Corps

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan

Matapos mong mabasa at masagutan ang ating panimulang pagsusulit, ating balikan
at tingnan muli ang ilan sa mga mahahalagang aralin na ating tinalakay kaugnay sa Impormal
na Sektor.

➢ Sa nakaraang modyul ay nabasa at natutunan mo na kabilang sa impormal na sektor ang


mga mahihirap at salat na mga mamamayan ng ating bansa, na mas lalong naapektuhan
dahil sa pandemyang CoVid -19.
➢ Nakita mo rin sa ating mga gawain na ang impormal na sektor ay walang mga
pinananghahawakang dokumento na kailangan sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing
pang-ekonomiya.
➢ Ang impormal na sektor ay bawal o iligal subali’t marami paring mamamayang Pilipino
ang gumagawa nito dahil sila ay hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan mula sa
kanilang kinita sa pagnenegosyo.
➢ Batid natin na kumimikita din kahit paano ang mga kabilang sa impormal na sektor at
nairaraos nila ang kanilang mga pang-araw-araw na gastusin, subali’t ang kita ng
impormal na sektor ay hindi naisasama sa pagtuos ng kabuoang Gross Domestic Product
(GDP) ng bansa.
➢ At sa huli, masasabi natin na ang impormal na sektor ay nagpapakita ng pagiging
maparaan ng mga Pilipino upang mapaglabanan ang kahirapan, na kayang humarap sa
suliraning pangkabuhayan tulad ng kawalan ng trabaho lalo na at nasa panahon tayo ng
pandemya sa kasalukuyan, na sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Gawain: Gamit ko; Gamit mo sa Panahon ng Pandemyang (Covid-19)


Punan ng sagot ang Tsart

___
___ ___
Halimbawa ng mga
produkto na
ginagamit mo sa
panahon ng
pandemya

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Matapos kang magtala ng mga produkto na ginagamit mo sa panahon ng pandemya,


Hanapin at sagutan mo ang gawaing kaugnay sa patakarang Pang-ekonomiya.

Hanap- Salita:
Hanapin ang mga salita sa loob ng kahon sa ibaba. Ang mga ito ay maaring pababa,
pahalang, pataas at pabaliktad. Isulat ang iyong sagot sa papel.
K A Y R A N I K A M A M E X
P A N D E M Y A M A N E S P
R B L M D A H I L O I L N O
O D E A R I L Y U O P E P R
D A B K K V Q U E O K E A N
U S A I P A E T A R M O U A
K E L N D C L S A G I B D S
T L E A R N I A K R W O J I
O W U R N A O L N O I T E R
A W O Y A S B A M O J P I O
E W A G Y J O P O I O P A U
I T E K N 0 L O H I Y A Y V
Q U A L A N G I S A Y E P E

1._______________________ 6.__________________________
2._______________________ 7.__________________________
3._______________________ 8.__________________________
4._______________________ 9.__________________________
5._______________________ 10._________________________

Sa mga nahanap mong salita:


1. Magtala ng tatlong salita na hindi ka pa masyadong pamilyar.

2. Pumili ka ng tatlong salita na sa palagay mo ay magkakaugnay. Ipaliwanag


ang iyong sagot.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Ngayon naman pag-aralan mo at suriin ang mga aralin sa modyul na ito. Matutuhan
mo sa araling ito ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa ugnayan ng pamilihan at
pamahalaan, kasabay nito ang paglalarawan at pagsusuri ng ugnayan ng Pilipinas sa ibang
bansa sa larangan ng kalakalan.

Sa ikatlong markahan natalakay ang ikalimang modelo ng daloy ng ekonomiya na


kung saan ang ekonomiya ng isang bansa ay mailalarawan na sarado o bukas. Masasabing
sarado o domestic ito kung hindi nakikipag-ugnayan sa dayuhang ekonomiya at bukas kung
may nagaganap na pakikipag-ugnayan sa dayuhang ekonomiya o may nagaganap na
kalakalang panlabas. Ipinapalagay na ikaw ay handa na upang higit na mapalawak ang iyong
kaalaman sa kalakalang panlabas. Halika! iyong baybayin ang batis ng kaalaman.

Kahulugan at layunin ng Kalakalang Panlabas


Ang bawat bansa ay tanggap ang realidad na hindi nila maaring matugunan ang
pangangailangan sa produkto at serbisyo sa isang kalakalang domestic sapagkat may
limitasyon o hindi sapat ang kakayahan na malikha ang mga ito. Dahil sa sitwasyon na ito ay
kailangang makilahok ng mga bansa sa kalakalang panlabas. Batay sa Oxford Dictionary of
Economics; ang Kalakalang Panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan ng produkto at
serbisyo ng mga bansa. Sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa ay patuloy na
natutugunan ang mga pangangailangan. Halimbawa nito ang Pilipinas ay sagana sa mga
produktong agrikultural gaya ng mais at prutas ngunit salat naman sa mga produktong
petrolyo gaya ng langis at gasolina bunga nito patuloy na umaasa ang bansa sa mga bansa
na gaya ng Saudi Arabia na sagana sa produktong petrolyo.

Mga Teorya at Pananaw sa Kalakalang Panlabas


Sa paglahok ng mga bansa sa kalakalang panlabas ay may ilang prinsipyo o batayan na
nagsisilbing gabay sa paggawa ng mga desisyon o hakbangin ukol sa pag-aangkat (import) o
pagluluwas(export) ng mga produkto at serbisyo upang higit na mabuti ang epekto nito sa
ekonomiya ng bansa.
Absolute Advantage Theory
Ang teorya ito ay panukala ni Adam Smith na nakapaloob naman sa kanyang aklat na
“An Inquiry into the Nature and Causes of Wealth of the Nations (1776)” dapat bigyang
kunsiderasyon ng bansa ang pagbili ng produkto at serbisyo sa labas ng bansa, tignan kung
siya ay makatitipid dito at magpakadalubhasa na lamang sa mga produktong na kayang
gawin sa mas mababang halaga.
Comparative Advantage Theory
Ang teorya ito ay panukala ni David Ricardo nagbibigay diin sa pagpapakadalubhasa
sa paglikha ng produkto at serbisyo na may comparative advantage o less comparative
disadvantage. Ang pagpili sa mga lilikhain produkto at serbisyo ay ang may mas mababang
opportunity cost.
Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba upang higit na maunawaan ang mga konsepto
na nasa itaas.
Bansa Dami ng Laptop Computer Dami ng Smart phone
Matapat 5 12
Masigasig 1 5
6 17
Ang bansang Matapat ay masasabing may absolute advantage sa paglikha ng Laptop
computer at smart phone kaysa sa bansang Masigasig sapagkat mas malaki ang bilang ng
produkto ang kanilang nililikha na posibleng dulot ng lubos na kalamangan nila sa kasanayan
ng mga manggagawa at teknolohiya sa paglikha nito.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bansa Dami ng Laptop Computer Dami ng Smart phone
Matapat 5 ( 1 laptop computer ay may 10 ( 1 Smartphone ay may
halaga na 2 Smartphone) halaga na 0.5 ng laptop)
Masigasig 2 (1 laptop ay may halaga na 5 ( 1 Smartphone ay may halaga
2.5 Smartphone) na 0.4 laptop computer)

Ano ang opportunities cost sa paglikha ng bawat produkto sa bawat bansa?


- Sa bansang Matapat, upang makalikha ng isang laptop computer ay kailangang niya
isakripisyo ang halaga ng dalawang Smartphone habang sa paglikha naman ng isang
Smart phone ay kailangan nila magsakripisyo ng 0.5 na halaga ng laptop computer.
- Sa bansang Masigasig, upang makalikha ng isang laptop computer ay kailangang niya
isakripisyo ang 2.5 na halaga ng smart phone habang sa paglikha ng naman ng isang
Smartphone ay kailangan niya na na isakripisyo ang 0.4 na halaga ng isang laptop
computer.
Ano ang bansa ang may comparative advantage sa paglikha ng laptop computer?
- Ang bansang Matapat ang may comparative advantage sa paglikha ng laptop computer
dahil sa mas mababa ang opportunity cost o ang halaga ng isasakripisyo niya sa paglikha
nito.
Ano ang bansa ang may comparative advantage sa paglikha ng Smartphone?
- Ang bansang Masigasig ang may comparative advantage sa paglikha ng smartphone
dahil mas mababa ang opportunity cost o ang halaga ng isasakripisyo niya sa paglikha
nito.
Aling bansa ang magluluwas (export) at mag-aangkat (import) ng laptop computer at
Smartphone?
- Ang bansang Matapat ay magluluwas ng laptop dahil may comparative advantage siya sa
paglikha nito habang ang bansang Masigasig ay mag-aangkat na lamang dahil siya ay
may less comparative advantage.
- Ang bansang Masigasig ay magluluwas ng Smartphone dahil sa may comparative
advantage siya sa paglikha nito habang ang bansang Matapat ay mag-aangkat na lamang
dahil siya ay may less comparative advantage sa paglikha.

Ang bansa na may mataas na comparative advantage sa paglikha ng isang produkto


ay magpakadalubhasa o magkaroon ng espesyalisasyon at nararapat na magsagawa ng
pagluluwas ng produkto (Export). Samantalang ang bansa na may less comparative
advantage sa paglikha ay mag-angkat (Import).

Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas


Sa kasalukuyan ang ating bansa ay patuloy na nakikipagkalakalan sa ibang bansa at
habang isinasagawa natin ito ay patuloy na sinusubaybayan ang performance ng bansa. Sa
pagtukoy ng performance ng bansa sa kalakalang panlabas ay gumagamit ito ng isang talaan
ng transaksyon ng bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo na tinatawag na Balance of
Payment (BOP). Ang isang bansa ay masasabing may Balance of Trade (BoT) kung may
pantay ang halaga ng Export at Import. May Trade Surplus kung mas nakahihigit ang Export
at may Trade Deficit naman kung mas mataas ang Imports.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
HIGHLIGHTS OF THE PHILIPPINE EXPORT AND IMPORT STATISTICS
DECEMBER 2019 (Preliminary)

Table A.1 Summary of External Trade Performance: December 2019 and December 2018

Exports Imports
December 2019p December 2018r December 2019p December 2018r
TOTAL
FOB Value (in Million US Dollars) 5,742.29 4,729.85 8,219.98 8,900.09
Year-on-Year Growth (Percent) 21.4 -12.2 -7.6 -4.9

Electronic Products
FOB Value (in Million US Dollars) 3,438.43 2,752.71 2,078.77 2,236.52
Year-on-Year Growth (Percent) 24.9 -13.6 -7.1 -1.3
p – preliminary, r – revised
Retrieved from: https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statist

Batay sa talahanayan A.1 sa itaas masasabing na ang Balance of Trade ng bansa ay


may Deficit na nagkakahalaga ng -7645.69 (5,742.29-8,219.98).
Ang mga talahanayan A.2 at A.3 ay naglalaman ng mga produkto na iniimport at
iniexport ng bansa gayundin ang talahanayan ng mga bansa na nag-iimport sa ating bansa at
mga bansa na nag-eexport.

Table A.2 Top 10 Philippine Exports to All Countries: December 2019


Year-on-Year Growth in Percent
Gainers Loser
Cathodes and Section of Cathodes, of Refined Copper 471.2 Metal -17.9
Components
Bananas (Fresh) 34.9
Gold 30.2
Electronic Products 24.9
Chemicals 18.2
Machinery and Transport Equipment 12.6
Other Manufactured Goods 10.4
Ignition Wiring Set and Other Wiring Sets Used in Vehicles, 3.5
Aircrafts and Ships
Coconut Oil 1.1
p – preliminary, r- revised
Retrieved from: https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statist

Table A.3 Top 10 Philippine Imports from All Countries: December 2019
Year-on-Year Growth in Percent

Gainers Losers
Telecommunication Equipment and Electrical 64.2 Iron and Steel -38.0
Machinery
Miscellaneous Manufactured Articles 8.1 Cereals and Cereal Preparations -30.8
Mineral Fuels, Lubricants and Related Materials 6.5 Industrial Machinery and -21.9
Equipment
Plastics in Primary and Non-Primary -21.5
Forms
Other Food and Live Animals -11.5
Electronic Products -7.1
Transport Equipment -1.2
p – preliminary
Retrieved from: https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statistics

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Top Three Countries Where the Philippines Exported Different Products

Country Export Value


U.S.A. USD 902.25 million
China USD 835.98 million
Japan USD803.98 million
Retrieved from: https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statist

Top Three Countries Where the Philippines Imported Different Products

Country Import Value


China USD 1.98 Billion
Japan USD 749.65 Million
Republic Korea USD 661.17 Million
Retrieved from: https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statist

Makikita sa talahanayan A.2 at A.3 na may pagtaas sa pag-eexport ng bansa kumpara


sa pag-iimport. Habang sa talahanayan ng mga tatlong bansa na may pinakamataas na
halaga sa pag-eexport at pag-iimport ay mapapansin na ang halaga ng mga produkto na
inimport ay higit na mataas kaysa sa produktong inexport. Batay sa datos na nasa
talahanayan na ang bansang Pilipinas ay import dependent.

Ang PIlipinas at Ang mga Samahang Pandaigdig (WTO, APEC, ASEAN)

Ang pagsapi ng Pilipinas sa mga samahang pandaigdaig gaya ng WTO, APEC at


ASEAN ay nagpapamalas ng pagpapahalaga nito sa pagbuo ng matibay ng ugnayan sa ibang
bansa. Ugnayan na makatutulong sa kanya na makasabay sa mabilisang pagbabago
nagaganap sa lahat ng aspekto ng buhay ng tao gaya ng sistema ng edukasyon,
komunikasyon, transportasyon, teknolohiya at industriyalisasyon. Dahil sa mga samahang
pandaigdig higit na naging organisado at sistematiko ang mga nagaganap na kalakalang
panlabas sa bawat kasapi nito.

Mga Samahang Pandaigdigan na kinabibilangan ng Pilipinas:


1. World Trade Organization
 Itinatag noong Enero 1, 1995 na alinsunod sa naging resulta sa Uruguay Round
 Ito ay naging kapalit ng GATT (General Agrement Tariff Trade)
 Ito ay namamahala sa pandaidigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global
trading system at magbibigay ng solusyon sa mga sigalot o suliranin ng bawat kasapi
nito.
 May 160 na kasapi ang samahang ito at ang aplikasyon rito ay dumadaan sa masusing
pagsusuri.
 Ang misyon ng samahan ito ay ang:
a. Pagsusulong malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagtatanggal sa Trade
Barrier.
b. Pagbibigay ng technical support at pagsasanay sa mga Developing Countries.
c. Magpataw ng trade sanction laban sa kasapi na hindi sang-ayon sa pasya ng
samahan.
Ang mga gumagabay na prinsipyo ay mga:
a. Walang diskriminasyon sa sistemang pangkalakalan.
b. Malaya na sistemang pangkalakalan sa pagbabawas ng mga hadlang sa
kalakalan.
c. Kompetitibong Kalakalan
d.Tiyakin ang kalalabasan ng sistemang kalakalan upang ang dayuhang kompanya
at pamahalaan ay hindi magdaragdag ng mga hadlang sa kalakalan.
e. Katanggap-tanggap sa mga bansa na hindi gaanong maunlad.

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. ASIA Pacific Economic-Cooperation
 Itinatag noong November 1989 at ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa
Singapore.
 Ito ay may layuninng isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa
rehiyon ng ASIA- Pacific.
 ito ay binubuo ng 21 bansa na nagsasagawa ng taunang pagpupulong o economic
forum.
 Ito ay walang kasunduan na ipinipilit sa mga kasapi o sa member economy.
 Ang mga isyu o usapin ay nakabatay sa consensus.
 Ito ay may Three Pillars (Balitao et al “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” ) na siyang
sinusunod:
a. Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan.
b. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo.
c. Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal.
3. Association of Southeast ASIAN Nation.
 Itinatag noong August 8 ,1967 na may layunin na paunlarin ang ugnayan ng mga bansa
sa Timog Silangang Asya.
 Ito ay binuo ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand na
kinikilala bilang founding member sa bisa ng Bangkok Declaration.
 Ito ay bumuo ng tatlong community-ASEAN Political-Security, ASEAN Economic.
 Community at ASEAN Socio Cultural Community na naglalayong mapaghusay at
makamit ang mga layunin ng samahan.
Ito ay may mga layunin na:
a. paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya;
b. pagbuklurin ang mga bansa sa rehiyon;
c. pagsulong sa malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN kasama ang
mga bansang dialogue partners.
4. ASEAN Free Trade Area (AFTA)
Ito ay ang kasunduan na nabuo ng samahan upang maisagawa ang malayang kalakalan
sa rehiyon. Nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) na
nag-aalis sa taripa at quota upang ganap ang pagdaloy ng kalakalan.

Kalakalang Panlabas
Positibong Epekto Negatibong Epekto
Pagdami ng uri ng produkto /serbisyo sa Higit na tinatangkilik ang produkto o
pamilihan. serbisyo na mula sa labas ng bansa.
Pag-angat ng kalidad ng produkto at Bumababa ang produksyon dahil umaasa
serbisyo bunga ng pag-angat ng kakayahan na lang sa mga produkto na nagmumula sa
sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. labas ng bansa.
Ang mga produkto at serbisyo na gawa sa Nahihirapan na makipagsabayan ang mga
Pilipinas ay nakikilala sa ibang bansa. lokal na negosyante sa mga dayuhan
produkto at kompanya.
Napagtitibay ang ugnayan o relasyon ng Bumababa ang antas ng empleyo.
mga bansa.
Paglawak ng pamilihan ng mga bansa na
nakikilahok sa kalakalang panlabas.

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Istratehiyang Pangkalakalang Panlabas ng Pamahalaan

1. Inward oriented strategy


Ang istratehiyang pangkalakalan na ito ay mas nagbibigay halaga sa
produksyong pangdomestiko kaysa sa panlabas na pampamilihan. Kilala ang
istratehiyang ito na Import Substitution Strategy. Gamit ang quota o paglilimita ng mga
produktong papasok sa bansa at ang taripa na isang buwis na ipinapataw upang
tumaas ang imported goods sa loob ng bansa.

2. Outward oriented strategy


Ang istratehiyang pangkalakalan ng pamahalaan na nagtataguyod sa isang
malayang kalakalan maging domestiko o panlabas, pagbili ng produkto na lokal o
dayuhan. Kilala ito bilang Export Promotion Strategy. Itinataguyod nito ang
Liberalisasyon sa kalakalan.
Mga Patakaran at Programa na Ipinatutupad ng Pamahalaang Pilipinas para sa
Kalakalang Panlabas
(Halaw sa aklat ng Ekonomiks ; Konsepto at Aplikasyon nina Balitao et al.)
Liberalisasyon sa Sektor ng Pagpapahintulot sa mga banyagang bangko na mapalawak
Pagbabangko (RA 7721) ang kanilang operasyon sa bansa pati na rin ang
pagmamay-ari, pamamahala at pangangasiwa nito. Layunin
na batas na ito na maging competitive ang kapaligirang pang
ekonomiko ng bansa upang ang hinahangad na
industriyalisayon ay makamit.
https://www.bsp.gov.ph/Regulations/Banking%20Laws/RA7721.pdf
Trade and Industry Ang inaatasan na mangasiwa sa operasyon ng Bureau
Information Center Research Center na ang pangunahing gawain ay
magpalaganap ng impormasyon at datos tungkol sa
ekonomiya, kalakalan at kapakanan ng mamimilli. Nagagawa
ng ahensiya na ito ang pangunahing gawain niya sa
pamamagitan ng lathalain, pahayagan, mini documentary film
at sa website nila sa internet.
Foreign Trade Service Corps Ang ahensiya na ito ay nakapaloob sa Department of Trade
and Industry na naglulunsad ng iba’t ibang istratehiya
pampamilihan gaya ng :
1.Trade Promotion Exposition o Exhibit-produkto ng Pilipinas
2. Investment Promotion – Paghikayat sa foreign investor na
maging partner ng Filipino businessman.
3. Commercial Intelligence- Pagsasagawa ng Market research
upang makapagbigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon.
4. Trade Negotiation-pakikilahok sa multilateral trade
agreement na bahagi ng WTO.
https://www.dti.gov.ph/overseas/

Center for Industrial Ang ahensiya na ito ay naglalayon na iangat ang kalidad at
Competitiveness(CIC) antas ng kakayahan at produktibidad ng manggagawa upang
makasabay sa kompetisyon sa pandaigdigang pampamilihan
ng manggagawa, produkto at serbisyo. Ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtatayo ng training center na kung saan
ang mga manggagawa ay sasanayin upang ma-upgrade o
ma-update ang kanilang kakayahan.

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mahalagang Terminolohiya
Kalakalan Ito ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo, o pareho.Tinatawag din
ng kalakalan ang komersyo.
Produkto Ito ay isang bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang ang bagay na
ito ay ginawa sa pamamagitan ng pang-industriyang proseso.
Import Ito ang pagtanggap ng mga produktong galing ibang bansa, ito ang mga
produkto na ating binibili mula sa iba’t ibang bansa.
Export Ito ang pagluluwas ng mga produkto galing sa sariling bansa, ito ay ang
mga produktong gawa sa ating bansa at ating ibinebenta sa iba’t ibang
bansa.
Quota Ito ang pagbibigay ng limitasyon sa mga produkto at serbisyo na papasok
sa loob ng bansa.
Taripa Ito ay ang buwis na ipinapataw sa mga produkto na inaangkat papasok ng
bansa.
Liberalisasyon Ito ang mga patakaran o programang pang-ekonomiya na nagtataguyod ng
ng Kalakalan malayang kalakalan sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng
pagbabawas o pagtatatanggal ng mga hadlang gaya ng taripa at quota.

Pagyamanin

Ngayon upang mapagtibay ang iyong natutuhan at pag-unawa sa ating paksang aralin.
Sagutan mo ang inihandang gawain sa ibaba.

Gawain: Aking Tanong, Iyong Tugon

Punan ng sagot ang grahic organizer.

KALAKALANG PANLABAS

Ito ay nangangahulugan ng Ito ay nagaganap


____________________________ dahil_______________________
____________________________ ___________________________
____________________________ ___________________________
_

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
HSBH (Hambing Salita Buo Hinuha)
Suriin ang mga nakalista na produkto nasa talahanayan. Sagutin ang mga
katanungan sa sagutang papel.
Mga Produktong Iniexport Mga Produktong Iniimport
1.Produktong agrikultural gaya ng niyog 1. Mga traktora na ginagamit sa
at saging. pagsasaka gaya ng traktora na ginagamit
2. Mga ignition wiring set na ginagamit sa sa pag-aani at pag-aararo.
mga sasakyan. 2. Mga eroplano at barko na ginagamit sa
3.Mga yamang mineral gaya ng copper, transportasyon.
gold at nickel. 3. Mga produktong petrolyo gaya ng
langis.

1. Paghambingin ang mga produktong iniexport at iniimport ng ating bansa.

2. Dapat ba na ipagpatuloy ng Pilipinas ang pakikipagkalalan sa ibang bansa?


Pangatwiranan ang iyong kasagutan.

3. Bilang isang mag-aaral, ano ang mga paghahanda na isasagawa mo upang ikaw
ay makapag-ambag at upang magkaroon ng balanseng kalakalan sa bansa?

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Tandaan ang mahahalagang konsepto

➢ Napadadali ang anumang gawain kung may pagkakaisa at pagtutulungan sa ating lungsod,
komunidad na kinabibilangan, at sa ating pamilya.

➢ Madalas mong nababasa ang isang popular na kasabihan “No Man is an Island” na
nangangahulugan na walang sinuman ang maaring mabuhay sa mundo ng mag-isa lamang.

➢ Ang kalakalang panlabas ay ang pamamaraan ng isang bansa na mapunan ang kanilang
limitasyon sa pagtugon sa pangangailangan.

➢ Ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ay nararapat na ikunsidera ang mga batayan gaya ng
Absolute advantage at Comparative Advantage upang higit na mapalago at mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa.

➢ Ang samahang pandaigdig gaya ng WTO, APEC at ASEAN ay nagbibigay ng oportunidad sa


isang bansa na makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa mundo gaya ng
edukasyon, komunikasyon transportasyon, teknolohiya at industriyalisasyon.

➢ Ang Balance of payment ay sumusukat sa performance ng kalakalang panlabas ng isang


bansa, sa pamamagitan nito ay masasabi na may Balance of Trade, Trade Surplus at Trade
Deficit.

➢ Ang patakaran o programang pang-ekonomiya sa kalakalang panlabas ng Pilipinas ay


nagtutulak sa bansa na maging handa sa pakikipagkumpetensiya at nagtataguyod ng
pakikiisa sa ibang bansa na palakasin ang kanilang ugnayan na makatutulong sa
kani-kanilang ekonomiya.

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa

Mahusay! Upang masukat ang iyong natutuhan sa modyul na ito. Maari mo nang buoin ang
repleksyon mo sa ibaba.

Ang aking repleksiyon sa aralin na ito…

Bilang isang mag-aaral, may magagawa ako upang labanan ang pandemyang (CoVid-19)
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
May tungkulin din ako sa bayan ng Marikina na
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Nasusuri ko ang kahalagahan ng pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Gagamitin ko ang aking mga natutunan sa
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Binabati kita! May sapat ka nang kaalaman at pag-unawa sa ating paksa tungkol sa
Kalakalang Panlabas. Upang masukat ang iyong natutunan sa mga natapos na aralin. Sagutan mo ang
gawain sa ibaba.

Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot.


1. Bakit patuloy pa rin ang Pilipinas sa pakikilahok sa kalakalang panlabas kahit na may
trade deficit pa ito?
a. Ang bansa ay naghahangad na patuloy na matugunan ang pangangailangan ng
bansa.
b. Ang bansa ay may kakulangan sa teknolohiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.
c. Ang bansa ay may lubos na kalamangan sa mga pinagkukunang yaman.
d. Ang bansa ay may less comparative advantage sa paglikha ng mga capital goods
2. Ano ang pangunahing layunin ng liberalisasyon sa sektor ng Pagbabangko?
a. Palawakin ang pamumuhunan sa bansa.
b. Palakasin ang kompetisyon ng nasa sektor ng pagbabangko.
c. Pataasin ang produksyon, kita sa loob ng bansa.
d. Pagtatamo sa hangarin na maging ganap na industriyalisadong bansa.
3. Alin sa mga sumusunod na epekto ng kalakalan panlabas ang masasabing
pinakamaganda para sa kabuoan ng bansa?
a. Pagdami ng uri ng produkto/serbisyo sa bansa.
b. Pag-angat ng kakayahan ng mga manggagawa sa paglikha ng produkto.
c. Pinagtitibay ng kalakalang panlabas ang relasyon/ugnayan ng mga bansa.
d. Paglawak ng pamilihan ng mga bansa na nakikilahok sa kalakalang panlabas.
4. Ang promosyon ng mga produkto ng Pilipinas ay isinasagawa sa pamamagitan ng
anong istratehiya?
a. Investment Promotion c. Trade Exhibit
b. Cultural Promotion d. Trade Negotiation
5. Bakit itinataguyod ni Adam Smith na gumawa ng mga produkto o serbisyo na may
absolute advantage ang isang bansa?
a. Magagamit ng episyente ang pinagkukunang yaman ng bansa.
b. Maiiwasan ang paghina ng kalakalang panlabas ng isang bansa.
c. Mahihikayat ang mga lumilikha ng produkto o serbisyo na magkaroon ng
espesyalisasyon.
d. Matitiyak na ang kalakalang panlabas ng isang bansa ay higit na lalaki ang kita
nito.

15
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Suriin at sagutan mo ang pangwakas na gawain, upang lalong maunawaan ang ating
paksang aralin. Maaring balikan ang bahagi ng Suriin upang makuha ang tamang sagot.

Gawaing: Isip-isip
Punan ng Tamang sagot ang Tsart sa ibaba.
Layunin ng Pagkatatag ng Mga Samahang Pangunahing Tulong na
Samahan Pang-Ekonomiko naidudulot sa Ekonomiya ng
Pilipinas

16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa mag-aaral. DepEd, 2015 P.449-447

Disyunaryo ”Webster” at Marikina “English/Tagalog Dictionary”

Online Materials: Retrieved from


1. https://www.investopedia.com/ask/answers/033115/what-difference-between-comparative-
advantage-and-absolute-advantage.asp#:~:text=Absolu
2. https://www.youtube.com/watch?v=HneRNVtahYw&t=695s
3. https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statistics-april-201
4. https://openknowledge.worldbank.org/bitstream/handle/10986/5970/9780195205633_ch05.
pdf?sequence=7&isAllowed=y
5. https://www.bsp.gov.ph/Regulations/Banking%20Laws/RA7721.pdf
6. https://www.dti.gov.ph/overseas/
7. https://www.google.com/search?q=kalakalang+panlabas+ng+pilipinas&sxsrf=ALeKk03t4OYAOFw3XqqK
EWXAJJHEr2XMNw:1614691561022&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwihk6rn2pHvAhVBBK
YKHYLkAeUQ_AUoAXoECAMQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=vKVv1r8wGRl0WM&imgdii=l1
8. https://www.google.com/search?q=association+of+southeast+asian+nations&sxsrf=ALeKk0160Nwpdlp
TkpHlOMZOktYS9v6shA:1615129004595&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=gIgVblY_m7ZZbM%252Cp_r
2mkP2RtdVQM%252C%252Fm%252F0qnfv&vet=1&usg=AI4_-
kTqa_MS6O99KuR8AQK2Xy2Pfw_smg&sa=X&ved=2ahUKEwjW5Na0uJ7vAhVF-
2EKHZmwDfYQ_B16BAhLEAE#imgrc=gIgVblY_m7ZZbM
9. https://www.google.com/search?q=asia+pacific+economic+cooperation+(apec)&tbm=isch&ved=2ahUK
EwjSnre5uJ7vAhUHBpQKHdr5B2UQ2-cCegQIABAA&oq=asia+pacific+eco&gs_lc
10. https://www.google.com/search?q=world+trade+organization&tbm=isch&ved=2ahUKEwjopL_eup7vAh
UCSZQKHfQaDY0Q2-
cCegQIABAA&oq=world+trade&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBDMgUIABCxAzICCAA
11. https://portalexport.wordpress.com/tag/philippines/
12. https://www.google.com/search?q=kalakalan&oq=kalakal&aqs=chrome.3.69i57j69i59j0i433l2j0l2j69i61
j69i60.206814j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8
13. https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalakalan
14. https://brainly.ph/question/309814

17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi sa Pagwawasto

Ang ibang bahagi ng aralin ay 5.C


ipoproseso ng guro
4.C

3.C

2.C

1.A

TAYAHIN

5.-G
4.☺
3.☺
2.☺
1. -C
II
5.B
4.B
3.D
2.D
1.B
I
Subukin

18
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Melda C. Balgua
Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Amelia Maesa
Tagaguhit ng kober: Gwendelene J. Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

19
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like