You are on page 1of 127

IKAAPAT NA MARKAHAN

405
Panimulang Pagtataya
(Ikaapat na Markahan)

Masaya ang magbasa. Dadalhin ka nito sa iba’t ibang lugar at panahon ngunit subu-kin mo muna
ang iyong dating kaalaman. Sagutin ang panimulang pagtataya upang maging gabay kung gaano na
kalawak ang iyong alam sa tatalakayin.

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang:
A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya
2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay:
A. Laong-laan B. Lola Basyang C. Basang Sisiw D. Pepeng Agimat
3. Ang “Noli Me Tangere” ay inialay sa:
A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan
4. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay:
A. Sa Aking mga Kabata C. Inang Wika
B. Ang Pag-ibig D. Ang Batang Gamugamo
5. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang “Noli Me Tangere ay:
A. Paciano Rizal B. Ferdinand Blumentrit C. Maximo Viola D. Valentin Ventura
6. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere ang:
A. The Roots B. Iliad at Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle
Tom’s Cabin
7. Ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me Tangere”
A. HIV B. Kanser C. Dengue D.
Tuberculosis
8. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol s mga Pilipino ay:
A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo
9. Ang nakatuluyan ni Jose Rizal ay:
A. Leonor Rivera B. Segunda Katigbak C. Josephine Bracken D. Maria Clara
B. Isulat ang titik Skung Sanhi at B kung bunga
b unga ang sumusunod.
10. ______ Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso.
11. _____ Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito.
12. _____ Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pag-alo ng
kanyang tiya.
13. _____ Naging ekskomulgado si Ibarra.
14. _____ Namundok si Tandang Pablo.

C. Pagsunod-
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A- A-E.
____15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kaniya.
____16. May dumating na telegram para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan-
heneral.
____17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos.
____18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kina Ibarra at Padre
Damaso .
____19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw.

D. Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag p ara sa blg. 20-
20 -30.

“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan!Kayong maka-mamalas sa kanya,


batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang nagbulid sa dilim ng gabi.”

20. Binibigyang-diin sa pahayag na binasa ang:


A. naghihingalo B. kaliwanagan C. mga bayani D. inaasahang kalayaan
21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:
A. kinabukasan ng bayan C. kaluwagan ng bayan

406
B. kalayaan ng bayan D. kuwentong-bayan
22. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay:
A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat
23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi ito ay tumutukoy sa:
A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda
24. Sa kabuuan ng pahayag ay may imaheng:
A. pambansa B. pang-esperitwal C. panlipunan D.
pangkalikasan
25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming:
A. maka-Diyos B. makabansa C. makatao D. makakalikasan
26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang:
A. matalino B. matatag C. mapagmahal D.
mamamayan
27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang:
A. bata B. kabataan C. matatanda D. mamamayan
28. Sa kabuuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang:
A. pagkaawa B. pagkalito C. pagkatakot D.
pagpapahalaga
29. Ano kaya ang pinakaangkop napamagat sa pahayag na binasa?
A. Huling Panawagan C. Tagubilin sa Kabataan
B. Paalam sa Inang Bayan D. Ang mga Nangabulid
30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa:
A. kabiguan B. kasawian C. kamatayan D. kadakilaan

Para sa blg. 31-


31- 35.

“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na
lihim.”

- Pilosopo Tasyo

31. Ang ideya o kaisipang lumulutang sa pahayag ay:


A. pampamahalaan B. pampamilya C. panlipunan D. pansimbahan
32. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?
A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot
33. Anong katotohanan ang nais bigyang-pansin sa pahayag?
A. kaingatan B. kainggitan C. kaligtasan D.
kataksilan
34. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa:
A. nagpapanggap B. nagpapasaya C. nagpapahanga D. nagmamayabang
35. Binigyang-diin sa pahayag na:
A. Ang tao ay di dapat magtiwala. C.Ang tao’y laging may kaaway.
B. Ang tao’y laging may pasalubong. D. Ang tao’y pinapakitaang-giliw.

Binabati kita! Natapos mo ang panimulang pagtataya.


Natitiyakkong madaragdagan pa ang iyong kaalaman
habang tinatalakay natin ang bawat aralin at ginagawa
ang bawat gawain.

407
UNANG LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1 (Aralin 1.1)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o
pagtatalo tungkol sa paksang “Dapat o di dapat
ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng
bansa.
Kompetensi: * Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
• pagtukoy sa layunin ng may-akda sa
pagsulat nito;
• pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong
isinulat ito; at
• pagpapatunay sa pag-iral ng mga
kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda.
(F9PN-
(F9PN- IVa-
IVa -b -56)
* Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa
panahong isinulat ang akda at ang epekto nito
matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan.
(F9PB-
(F9PB -IVa-
IVa-b -56)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Natutukoy ang mga layunin sa pagsulat ng akda.
Saykomotor: Nabibigyang-reaksyon ang kalagayang panlipunan na
binanggit sa akda.
Apektiv: Napahahalagahan ang naiambag ng akda sa panahong
nabanggit.
II. PAKSANG-
PAKSANG -ARALIN
A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me


Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG- TG, aklat sa Noli Me Tangere, manila paper, kartolina
PAMPAGKATUTO strips.

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na : 1. Mahilig ba kayong magbasa ng mga nobela?
2. Ano ang kalimitang paksa ng mga binabasa ninyo?
Aktiviti / Gawain 3. Bakit ninyo ito kinahiligan?

* Panimulang Gawain
A. Katangian Ko, Alamin Mo: Sino Ako?

Kilalanin kung sinong personalidad ang binanggit


ayon sa katangiang ibinigay sa bawat bilang.

408
____________1. Ako ang tinaguriang pambansang
bayani ng Pilipinas.
____________2. Ako ay ipinanganak noong Hunyo
19, 1861.
____________3. Pinatay ako sa Bagumbayan.
____________4. Asawa ko si Josephine Bracken.
____________5. Ako ang sumulat ng Noli Me
Tangere.
B. Kaalaman Mo, Ilahad Mo

Ibigay ang iyong nalalaman ukol sa mga salitang nasa


bilohaba.

Noli Me Tangere

Pamprosesong Tanong:
1. Sino si Jose Rizal at ano ang kaugnayan niya sa
nobelang “Noli Me Tangere”?
2. Bakit kaya niya isinulat ito? Ano ang kanyang
layunin?
3. Mahalaga bang malaman ng isang mambabasa
ang may-akda at panahon ng pagkasulat ng
akda? Bakit?
B. PAGLALAHAD * Pagpapayaman ng kaalaman sa pamamagitan ng
Abstraksyon pagpapabasa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me
(Pamamaraan sa Tangere.
Pagtalakay) Gabay na Tanong:
1. Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli
Me Tangere?
2. Bakit niya ito isinulat? Para kanino?
3. Ano-anong kalagayang panlipunan mayroon
sa panahong isinulat ito?
C. PAGSASANAY ( Pangkatang Gawain )
Mga Paglilinang na Gawain Pangkat 1 – Timeline sa Pagkasulat ng Akda
Pangkat 2 – Maikling Pagsasadula sa Kalagayang
Panlipunan sa Pagkasulat ng Akda
Pangkat 3 – Mock Interview sa Reaksyon ng
Pilipino sa Akda
D. PAGLALAPAT Kung ikaw ay naisilang sa panahong naisulat ang akda,
Aplikasyon anong aksyon ang gagawin mo para masolusyunan ang
sinasabing “kanser sa lipunan”? Gagawin mo rin ba
ang ginawa ni Jose P. Rizal? Bakit? Isulat ito sa
makikitang kahon sa sanayang-aklat.
E. PAGLALAHAT Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipakikita
Generalisasyon ang pagpapahalaga sa nobelang “Noli Me Tangere”?
Bumanggit ng mga konkretong halimbawa/sitwasyon.

409
IV. PAGTATAYA A. Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa
panahong isinulat ang nobelang “Noli Me Tagere”.
Isulat sa ikalawang hanay naman ang mga patunay
nito.

Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere

Kondisyong Panlipunan Patunay

B. Sagutin nang buong linaw ang mga tanong.


1. Paano ipinakita ni Dr. Jose P. Rizal ang pagmamahal
sa tinubuang lupa?
2. Naging epektibo kaya ang kanyang ginamit na
paraan sa pagkamit ng kanyang layunin? Patotohanan.
3. Sang-ayon ka ba na dapat pag-aralan ang nobelang
“Noli Me Tangere”? Bakit oo at bakit hindi?
V. TAKDANG-
TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ukol sa talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.

410
PAKSA: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

TUKLASIN

Mahalaga ang papel ng panitikan sa buhay ng tao. Sa mga naunang aralin, natutuhan mo na malaki
ang ginagampanang papel ng mga akdang pampanitikan sa buhay ng tao maging ito man ay pabula,
maikling kwento, alamat, tula, sanaysay at iba pa. Ngayon, sama-sama nating tuklasin at balikan ang
mga karanasan ng ating mga mga ninuno lalo na noong panahon ng Kastila.

Ikaw ay inaasahang makilahok sa iba’t ibang gawain na maghahanda sa iyo tungo sa pagtamo ng
iba’t ibang kasanayan. Handa ka na ba?

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Mahilig ba kayong magbasa ng mga nobela?


2. Ano ang kalimitang paksa ng mga binabasa ninyo?
3. Bakit ninyo ito kinahiligan?

GAWAIN 1: Katangian Ko, Alamin Mo: Sino Ako?

Kilalanin kung sinong personalidad ang binanggit ayon sa katangiang ibinigay sa bawat bilang.
____________1. Ako ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas.
____________2. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861.
____________3. Pinatay ako sa Bagumbayan.
____________4. Asawa ko si Josephine Bracken.
____________5. Ako ang sumulat ng Noli Me Tangere.

PAGSUSURI
GAWAIN 2:Kaalaman
2: Mo, Ilahad Mo

Ibigay ang iyong nalalaman ukol sa mga salitang nasa biluhaba.

Noli Me Tangere

411
Pamprosesong Tanong:

Sino si Jose Rizal at ano ang kaugnayan niya sa nobelang “Noli Me Tangere”?
Bakit kaya niya isinulat ito? Ano ang kanyang layunin?
Mahalaga bang malaman ng isang mambabasa ang may-akda at panahon ng pagkasulat ng akda? Bakit?

ALAM MO BA NA

Alam mo ba na ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong
1887, sa Europa? Hango sa Latin ang pamagat nito na sa Filipino ay "Huwag Mo Akong Salingin". Ki-
inuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinag-susuot
ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong ni-la. Mas madalas
itong tinatawag na Noli; at may salin sa Ingles na “Touch Me Not”.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere


Inilathala ito noong 26 taong gulang si Rizal. Makasaysayan ang aklat na ito at naging
instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang
paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang na-nanalig
sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kas-tila. Sinulat sa
wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sini-mulan niya ang
nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa
Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunu-lat, ang kaniyang
serbisyo bilang tagapayo at tagabasa. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't
pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral
Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli.Pagkatapos ng
usapan,napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa
sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa
Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris
at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela
noong 1885.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni
Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa ka-may ng mga
panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pag-mamalabis ng mga
Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Sa
simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na
nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasa-ma-samahin niyang upang maging
nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang
pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si
Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito
ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay
salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo
ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang
tao.

Halaw sa:
https://prezi.com/wqewkwltgend/kaligirang-kasaysayan-ng-noli-me-tangere/

412
Gabay
Gabay na Tanong

1. Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?


2. Bakit niya ito isinulat? Para kanino?
3. Ano-anong kalagayang panlipunan mayroon sa panahong isinulat ito?
4. Ano ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal upang isulat ang akda?
5. Sa tingin mo, bakit pinamagatan ang nobela na “Noli Me Tangere”?

PAGSASANAY
GAWAIN 3

Ipamalas ang iyong pag-unawa. Pag-usapan ng kapangkat ang gagawin.

Pangkat 1 – Timeline sa Pagkasulat ng Akda


Pangkat 2 – Maikling Pagsasadula sa Kalagayang Panlipunan sa Pagkasulat ng Akda
Pangkat 3 – Mock Interview sa Reaksyon ng Pilipino sa Akda

PAGSASANAY
GAWAIN 4: Aksyonan Mo

Kung ikaw ay naisilang sa panahong naisulat ang akda, anong aksyon ang gagawin mo
para masolusyunan ang sinasabing “kanser sa lipunan”? Gagawin mo rin ba ang ginawa ni
Jose P. Rizal? Bakit?

May Aksyon Ako

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
_____________________________________________

413
T ANDAAN

Ang “Noli Me Tangere”ay nobelang panlipunan na isinulat sa layuning magising ang damdamin
ng mamamayang Pilipino sa malubhang “kanser sa lipunan”. Ito’y su-masalamin sa mga pangyayari sa
lipunan sa panahon ng mga Kastila. Di naging ma-dali ang pagsasakatuparan sa pagsulat nito gaya ng
hirap at pagsasakripisyo ng ating mga ninuno makamit lamang ang kasarinlan.

PAGLALAPAT: Pahalagahan Mo

Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa nobelang “Noli Me
Tangere”? Magbanggit ng mga konkretong halimbawa/sitwasyon. Isulat ito sa loob ng speech balloon.

PAGTATAYA

A. Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang nobelang “Noli Me


Tagere”. Isulat sa ikalawang hanay naman ang mga patunay nito.

Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere


Kondisyong Panlipunan Patunay

B. Sagutin nang buong linaw ang mga tanong.


1. Paano ipinakita ni Dr. Jose P. Rizal ang pagmamahal sa tinubuang lupa?
2. Naging epektibo kaya ang kanyang paraang ginamit sa pagkamit ng kanyang layunin? Patotohanan.
3. Sang-ayon ka ba na dapat pag-aralan ang nobelang “Noli Me Tangere”? Bakit at bakit hindi?

414
TAKDANG ARALIN
Isaliksik Mo

Magsaliksik ukol sa talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.

Talambuhay ni Jose P. Rizal


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Mahusay! Nagawa mo. Tiyak magiging madali para sa iyo ang mga susunod na aralin at gawain.

415
UNANG LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 ( Aralin 1.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o
pagtatalo tungkol sa paksang “Dapat o di dapat
ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng
bansa.
Kompetensi: Naitatala ang mga nalikom na datos sa pananaliksik.
(F9PU-
(F9PU -IVa-
IVa-b -58)
Nalalagom ang mahahalagang impormasyong
nasaliksik para sa sariling pagpapakahulugan at gamit.
(F9EP-
(F9EP- IVa-
IVa-b - 21)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Natatalakay nang buong talino ang talambuhay ni Dr.
Jose P. Rizal.
Saykomotor: Nakalilikha ng isang Facebook account na naglalaman
ng mga impormasyon tungkol kay Dr. Jose Rizal.
Apektiv: Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagbabasa ng
nobelang Noli Me Tangere.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
( Ang May-akda ng Noli Me Tangere )
B. SANGGUNIAN * Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
* http://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-
rizal/
C.KAGAMITANG Aklat sa Noli Me Tangere, manila paper, internet.
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA (Balik-aral)
Pangmotibasyunal na 1. Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang Noli Me
tanong: Tangere?
2. Paano ito nakaimpluwensya sa isipan at damdamin
ng mga Pilipino?
Aktiviti / Gawain
Iugnay Mo

Uncle Tom’s Cabin = Noli MeTangere

* Pagpapaliwanag sa nais ipahiwatig ng nasa kahon.


B. PAGLALAHAD * Ipapanood ang 3 minutong documentary film
Abstraksyon tungkol sa buhay ni Jose Rizal.
(Pamamaraan sa
Pagtalakay) https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=
vmn&p=jose+rizal+short+video#id=4&vid=0b234674f
8b2afd4cda3c4b69c6562dd&action=view

416
* Paglalahad ng mga gawain ng bawat grupo at
inaasahang awtput
C. PAGSASANAY Mula sa napanood at datos na nasaliksik, gumawa ng
Mga Paglilinang na Gawain isang pag-uulat sa sumusunod:
Pangkat 1 – Kapanganakan, mga magulang at kapatid
ni Dr.
Jose Rizal
Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Jose Rizal
Pangkat 3 – Pag-aaral/pinasukan ni Dr. Jose Rizal
Pangkat 4 - Mga Akdang sinulat ni Jose Rizal
(Pagpuna at pagbibigay ng karagdagang impormasyon
ng guro)
D. PAGLALAPAT Gumawa ng isang Facebook account na nakapaloob
Aplikasyon ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan kay Dr.
Jose Rizal.
E. PAGLALAHAT Bakit mahalagang malaman natin ang background ng
Generalisasyon may-akda ng ating mga binabasa?

IV. PAGTATAYA Patunayan mong kilalang-kilala mo na ang may-akda


ng nobela. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon
tungkol sa kanya.
(bio-data form ni Dr. Jose Rizal)
V. TAKDANG-ARALIN Panoorin ang trailer ng pelikulang “Jose Rizal” na
pinagbidahan ni Cesar Montano. Maaari itong
mapanood sa :
https://www.youtube.com/watch?v=K-Y4tqxIBWk

417
PAKSA: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
( Ang May-
May- akda ng Noli Me Tangere )

TUKLASIN

Tinaguriang pambansang bayani si Dr. Jose P. Rizal. Alam mo ba kung bakit siya ang napili na
pambansang bayani ng Pilipinas?

Halika’t tuklasin at kilalanin pa natin ang sumulat ng nobelang “Noli Me Tangere”.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang Noli Me Tangere? Ano ang nag-udyok sa
kanya para gawin ito?
2. Paano ito nakaimpluwensya sa isipan at damdamin ng mga Pilipino?

GAWAIN 1: 1: Iugnay Mo
Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng nasa kahon.

Uncle Tom’s Cabin = Noli MeTangere

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagkakaugnay ang akdang “Uncle Tom’s Cabin” sa “Noli Me Tangere”?
2. Saan kaya magkakatulad ang mga akdang ito?
3. Sa tingin mo kaya, mahalaga ang naging bahagi nito sa paglaya nating mga Pilipino?

PAGSUSURI
GAWAIN 2:Panoorin
2: Mo

Panoorin ang 3 minutong documentary film


https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=vmn&p=jose+rizal+short+vid

418
eo#id=4&vid=0b234674f8b2afd4cda3c4b69c6562dd&action=view
eo#id=4&vid=0b234674f8b2afd4cda3c4b69c6562dd&action=viewbilang
d=4&vid=0b234674f8b2afd4cda3c4b69c6562dd&action=view paghahanda sa aralin.

Para sa karagdagang kaalaman sa buhay ni Jose P. Rizal, basahin ang nasa loob ng kahon.

ALAM MO BA NA

Alam mo ba na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose
Rizal? Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang
unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak
ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring
mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-
co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni
Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay
pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante,
sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal
noon sa bayan ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang
magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bisa ng Kautusan Tagapagpaganap na


pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang
nagbabanat ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng
kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit
kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa
pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Biñan at nag-aral sa ilalim ng
pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito
na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay
nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang
sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes
at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at
Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa
naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang
doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang
kursong ito noong 1884 at 1885.

419
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa
Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din
siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam
niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba
nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga bayang nabanggit
na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga
nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa
Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa
Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr.
Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika
noong 1891.

Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang
ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay
muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me
Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa


Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman
siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na
paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang
ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba.
Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya
nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y
hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at
litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam)
isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na


Luneta.

Halaw sa:

http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-talambuhay-ni-dr-jose-rizal

420
PAGSASANAY
GAWAIN 3:
3: Iulat Mo

Mula sa napanood at datos na nasaliksik, gumawa ng isang pag-uulat sa sumusunod:

Pangkat 1 – Kapanganakan, mga magulang at kapatid ni Dr. Jose Rizal


Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Jose Rizal
Pangkat 3 – Pag-aaral/pinasukan ni Dr. Jose Rizal
Pangkat 4 -- Mga Akdang sinulat ni Jose Rizal

PAGSASANAY
GAWAIN 4

Gumawa ng isang Facebook account na nakapaloob ang lahat


ng impormasyon na may kaugnayan kay Dr. Jose Rizal.

T ANDAAN

Si Jose P. Rizal ay lahing Intsik ngunit dahil sa diskriminasyon at kautusan ay binago ang kanilang
apilyedo. Bata pa lang ay nagpamalas na siya ng di matawarang galing at talino. Di naging madali ang
kanyang pagkamit sa kanyang mga pangarap ngunit di siya nagpadala sa mga hamon sa buhay. Sa bawat
bayang kanyang pinunta-han, sinikap niyang pag-aralan ang kasaysayan at wika nito. Marami siyang
alam na wika kung kaya’t tinawag siyang dalubwika.

Sa pagnanais na matulungan ang kanyang inang-bayan na makalaya mula sa mananakop na Kastila,


ibinuwis niya ang sariling buhay sa pagsulat ng iba’t ibang akda na gigising at pupukaw sa damdaming
makabayan ng mga Pilipino.

PAGLALAPAT:Pahalagahan
PAGLALAPAT: Mo

Bakit mahalagang malaman natin ang


background ng may-akda ng ating mga
binabasa?

421
Mahalagang malaman ang background ng may-akda ng ating mga binabasa dahil
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGTATAYA

Patunayan mong kilalang-kilala mo na ang may-akda ng nobela. Ibigay ang mga


hinihinging impormasyon tungkol sa kanya.

Pangalan:_________________________ Kasarian: ___________


Kapanganakan
Petsa: _______________ Lugar:________________________
Mga Magulang: ____________________________
____________________________
Mga Kapatid: _______________________,
__________________________
__________________________, __________________________
__________________________, __________________________
Edukasyon
Elementarya:_______________________________________
Sekondarya:________________________________________
Kolehiyo: __________________________________________
Kursong Natapos: _________________________________________
Asawa:______________________________
Mga Babaeng Naugnay: ___________________________________
__________________________, ___________________________
Paaralang Napasukan:______________________________________
Mga Akdang Nasulat:________________________________________
________________________________________
Sagisag-panulat: ____________________________________________
Lengguwaheng Alam: ________________________________________
Kamatayan
Petsa:_____________________ Dahilan:_______________________

422
TAKDANG ARALIN
Ihanda Mo

Ihandaang iyong sarili sa susunod na talakayan. Panoorin ang trailer ng pelikulang “Jose Rizal” na
pinagbidahan ni Cesar Montano. Maaari itong mapanood sa :
https://www.youtube.com/watch?v=K-
https://www.youtube.com/watch?v=K- Y4tqxIBWk.
Y4tqxIBWk

Ang galing mo! Nadagdagan mo pa ang dating kaalaman sa paksa.

423
UNANG LINGGO - SESYON 3 & 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 1.3 – 1.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o
pagtatalo tungkol sa paksang “Dapat o di dapat
ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng
bansa.
Kompetensi: Natutukoy ang mga kontekstwal na pahiwatig sa
pagbibigay-kahulugan. (F9PT-
(F9PT -IVa-
IVa-b -56)
Napatutunayang ang akda ay may pagkakatulad o
pagkakaiba sa ilang napanood na nobela.
(F9PD-
(F9PD- IVa-
IVa -b -55)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nabibigyang-pansin ang mahahalagang pangyayari sa
pelikulang napanood.
Saykomotor: Nakasusulat ng isang reaksyong-papel hinggil sa
napiling bahagi ng pelikula.
Apektiv: Naiuugnay sa kasalukuyang pangyayari ang mga
pangyayari mula sa napanood.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
(Panonood ng Pelikula)
B. SANGGUNIAN https://www.youtube.com/watch?v=XGngke4P0N8

C.KAGAMITANG Laptop, projector/TV, larawan na may kaugnayan sa


PAMPAGKATUTO lipunan noong panahon ng Kastila
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na Nais ba ninyong makita ang uri ng lipunang
tanong: kinamulatan ni Dr. Jose Rizal at kung ano ang klase ng
buhay mayroon ang ating mga ninuno sa panahon ng
mga Kastila?
Aktiviti / Gawain
* Pagpapaliwanag sa sariling hinuha ukol sa
ipinakitang larawan ng guro.

B. PAGLALAHAD * Bago panoorin ang pelikula, bibigyan ang mga mag-


Abstraksyon aaral ng mga gabay na tanong:
(Pamamaraan sa Ano ang iyong saloobin at realisasyon tungkol sa
Pagtalakay) kalagayan ng lipunan noong panahon ng Kastila?
Ano-anong mga kaisipan ang nabago o mas napagtibay
matapos mapanood ito?
Ano ang iyong napatunayan sa napanood mong
pelikula?
Ano ang ibinigay nitong hamon sa iyo bilang
kabataang Pilipino?

424
* Panonood nd pelikula.
C. PAGSASANAY Pagbanggit sa pagkakatulad at pagkakaiba ng
Mga Paglilinang na Gawain pelikulang napanood sa nobelang Noli Me
Tangere.(Venn Diagram)
D. PAGLALAPAT Pagsulat ng reaksyong-papel sa napiling bahagi o
Aplikasyon eksena mula sa pinanood na labis na nakaantig sa
damdamin.
E. PAGLALAHAT Dapat ba nating pahalagahan ang natatamasang
Generalisasyon kalayaan? Sa paanong paraan?
IV. PAGTATAYA Mag-isip ng kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan
na maiuugnay sa mga pangyayari noong panahon ng
mga Kastila. (Think, Pair, Share)
V. TAKDANG-ARALIN Gumupit ng larawan mula sa diyaryo na nagpapakita
sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa. Idikit ito sa
isang short bondpaper. Sa ibaba nito, isulat ang iyong
panig kung sang-ayon o tutol ka ba rito. Ilahad din ang
iyong rason at
mungkahi.

425
PAKSA: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
(Panonood ng Pelikula)

TUKLASIN

Sinasalamin ng mga palabas o pelikula ang mga pangyayari sa lipunan. Halika’t panoorin din natin
nang malaman ang mga kaganapan dito sa Pilipinas noong panahon ng Kastila.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Nais ba ninyong makita ang uri ng lipunang kinamulatan ni Dr. Jose Rizal at
kung ano ang klase ng buhay mayroon ang ating mga ninuno sa panahon ng mga
Kastila?
2. Ano-ano pa ang nais mong malaman tungkol sa panahon ng mga Kastila?
3. Paano kaya ito makatutulong sa iyo bilang kabataang Pilipino?

PAGSUSURI
Gawain 1: Suriin Mo

Suriin ang mga larawan. Isulat sa katapat na kahon ang alam mo tungkol dito.

1.

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

2.

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

426
ALAM MO BA NA

Alam mo ba naang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose
Rizal? Saklaw nito ang kanyang buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay litisin, hatulang barilin
sa Bagumbayan at mamatay sa kamay ng mga Kastila. Ipinapakita rin dito ang kanyang malawak na
imahinasyon: ang kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung saan
ipinapakita rito ang kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Kastila, gisingin ang
mundo sa pang-aabuso ng pamahalaan ng Espanya at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang
paraan imbis na sa madugong labanan.

BUOD

Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga


nobela. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naging daan para mabuhay ang puso ng mga
Pilipino upang maghimagsik at makamit ang inaasam na kalayaan ng Pilipinas laban sa pamahalaan ng
Espanya. Inilahad dito ang kanyang mithiin na kapayapaan para sa mga Pilipino Dahil sa mga
nobelang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pinuno ng
rebolusyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para umamin na si Rizal ay
may kinalaman sa nasabing rebelasyon.

Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Sa kulungan ay may isang alipin o
tagasilbi na nakakakuwentuhan niya ng kanyang buhay. Ginunita niya ang kanyang kabataan, kung
paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA (Gomez,
Burgos at Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo at ang kwento ng batang
gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina, ang
pagpapalit ng apelyidong Mercado sa Rizal, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni
Rizal sa problema sa mata ng kanyang ina.

Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang kanyang
panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging
abugado niya. Si Taviel ay isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala sa kanya. Pero sa
pagbabahagi ng buhay ni Rizal sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin si Rizal at
napagtanto na ito’y hindi lang isang inosente sa kaso kundi isang kahanga-hangang nilalang at dahil
doon ay nagdesisyon siya na ibibigay ang lahat para maipagtanggol ito sa paglilitis. Naikwento ni
Rizal dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan ay kumuha siya ng
kursong medisina, ang labis na diskriminasyon sa mga estudyanteng Pilipino roon, at ang pag-iibigan
nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan at kasintahan.

Naikuwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Dito ay nag-
aral siya ng medicina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na isang organisasyon na
naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino
katulad ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel
Hidalgo. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipapara-ting nila ang
kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1891 nang nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan nang maisipan
na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhi-kan ng La Solidaridad ay
pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhi-kain ng La Solidaridad ay dapat
pambansa.

Pagbalik sa Pilipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Ito’y isang pansibikong samahan ng
mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala niya si Andres
Bonifacio. Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na
kumakalaban sa Espanya ang La Liga Filipina. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang

427
ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni Rizal sa Pilipinas ay ipinahuli
na siya at ipinatapon sa isang malayong lugar, sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang-kanluran
ng Mindanao. Sa lugar na iyon ay nakilala niya ang pag-ibig ng kanyang buhay na si Josephine
Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak pero
namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng
manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle na siya
ay mamatay.

Umabot na sa pagpapalit sa bagong Gobernador-Heneral ng Pilipinas dahil na rin sa isyung naging


malapit si Gob. Heneral Blanco kay Rizal. Noong ika-26 ng Disyembre, 1896, ginanap ang araw ng
paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mang-uusig, pinagbibintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa, at
dahil din sa mga isinulat niya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at pamahalaang
Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan.

Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat patakbuhin
ang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga Pilipino ang nais
niya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon. Sa
katunayan, sa paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nagsulat ng mga bagay na may koneksyon sa
pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama
siya sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa nasabing balak na pag-aalsa. At sa huli, sa pahintulot
na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa
rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon.

Pero sa kabila ng pagtatanggol na ginawa ni Taviel kay Rizal, wala na siyang magagawa ukol sa
tadhanang nito. Ang paglilitis ay isa lang panloloko Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30 ng
Disyembre, 1896. Sa kinahinatnan ng kaso, si Taviel ay nasaktan at naiinis kung bakit siya ay naging
isang Kastila pa. Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Binigay niya ang
kanyang huling kahilingan sa ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling tula, ang Mi
Ultimo Adios (o Huling Pahimakas).

Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang huling
kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinayagan. Ang mga
Kastila ay gusto siyang barilin sa likod tulad ng isang traydor. Nang siya ay pinagbabaril na, naisipan
niyang humarap ng kaunti para sa pagbasak niya sa lupa ay nakaharap siya sa kalangitan. Sa
pagkakamatay ni Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang
kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, naideklarang Pambansang Bayani si
Dr. Jose P. Rizal.

Halaw sa:
http://tantrumscute.blogspot.com/2012/04/jose-rizal-movie-review.html

428
PAGSASANAY
GAWAIN 2: Panoorin Mo

Maaaring mapanood ang pelikula sa link na makikita:


https://www.youtube.com/watch?v=XGngke4P0N8&spfreload=10

Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong saloobin at realisasyon tungkol sa kalagayan ng lipunan noong panahon ng
Kastila?
2. Ano-anong mga kaisipan ang nabago o mas napagtibay matapos mapanood ito?
3. Ano ang iyong napatunayan sa napanood mong pelikula?
4. Ano ang ibinigay nitong hamon sa iyo bilang kabataang Pilipino?

PAGSASANAY
GAWAIN 3:Paghambingin
3: Mo

Paghambingin ang pelikulang napanood sa nobelang Noli Me Tangere gamit ang Venn
Diagram.

Nobela Pelikula

429
PAGSASANAY
GAWAIN 3:Reaksyonan
3: Mo
Sumulat ng reaksyong-papel sa napiling bahagi o eksena mula sa pinanood na pelikula na
labis na nakaantig sa damdamin.

_____________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
____________________________________

T ANDAAN

Ang Jose Rizal ay isang pelikulang Pilipino na dinirek ni Marilou Diaz-Abaya. Ang pelikula ay ang
opisyal na panlahok ng GMA Films noong 1998 para sa Metro Manila Film Festival. Ang pelikula ay
naglalarawan sa buhay ng pambansang bayani ng Pilipinas, na si José Rizal, na ginampanan ni Cesar
Montano.

430
PAGTATAYA

Pumili ng kapareha. Mag-isip ng kasalukuyang


nangyayari sa ating lipunan na maiuugnay sa mga pang-yayari
noong panahon ng mga Kastila.
Itala ito sa papel at ibahagi sa klase.

TAKDANG ARALIN
Maghanap Ka

Gumupit ng larawan mula sa diyaryo na nagpa-pakita sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa.


Idikit ito sa isang short bondpaper. Sa ibaba nito, isulat ang iyong panig kung sang-ayon o tutol ka ba
rito. Ilahad din ang iyong rason at mungkahi.

431
UNANG LINGGO - SESYON 5

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 5 (1.5)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o
pagtatalo tungkol sa paksang “Dapat o di dapat
ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng
bansa.
Kompetensi: Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa
ng akda sa sarili at sa nakararami.
(F9PS-
(F9PS- IVa-
IVa-b - 58)

Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa:


 paglalarawan
 paglalahad ng sariling pananaw
 pag-iisa-isa
 pagpapatunay
( F9WG-
F9WG- IVa-
IVa -b -57 )
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nakapaglalahad ng mga patunay at nakagagamit ng
mga angkop na salita sa pagpapahayag ng opinyon.
Saykomotor: Nakapagbabahagi ng sariling opinyon, reaksyon at
pananaw sa paksang pagtatalunan.
Apektiv: Nakapagpamalas ng paggalang sa opinyon ng iba.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA “Dapat o di-dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa
kapakanan ng bansa?”
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Pagsusuri ng mga larawan.


Pangmotibasyunal na
tanong: Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
Aktiviti / Gawain 2. Bakit kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan?
3. Paano ito maiiwasan?
B. PAGLALAHAD Pagtalakay nang pahapyaw sa debate at ang mga dapat
Abstraksyon isaalang-alang sa pakikipagdebate.
(Pamamaraan sa
Pagtalakay) Paglalahad ng rubric na gagamitin sa pagtataya.

C. PAGSASANAY Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa


Mga Paglilinang na Gawain sumusunod na isyu:

432
pagsusuot ng uniporme sa paaralan
walang dobleng supot sa mga biniling produkto
2x3x2 na gupit para sa mga lalaki
Pagtalakay sa klase ng sex education
Same-sex marriage
D. PAGLALAPAT Paglalahad ng rubric para sa debate.
Aplikasyon
Pagdedebate sa paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni
Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa”
E. PAGLALAHAT Bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na salita sa
pagpapahayag ng opinyon?
IV. PAGTATAYA Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba:

1. Ang debate ay _____________________________


___________________________________________.

Mabisa itong nagagawa sa pamamagitan ng


___________________________________________
___________________________________________.

2. Maituturing pinakamaimpluwensya ang Noli Me


Tangere dahil
________________________________________
________________ kaya ____________________.
V. TAKDANG-ARALIN Kilalanin ang mga tauhan ng Noli Me Tangere at
alamin ang papel na kanilang ginampanan sa nobela.

433
PAKSA: “Dapat o di-
di -dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa?
bansa?”

TUKLASIN

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pareho ng ideya ang lahat ng tao. Kung minsan, ang pagkakaiba ng
opinyon ng mga tao ang nagiging sanhi ng di pagkakasundo-sundo at pagtatalo.

Ngayon, tuklasin natin ang paraan ng pagpapahayag ng opinyon na di reresulta sa gulo. Gusto mo
bang malaman? Halika ka na’t ihanda ang iyong sarili sa bago na namang mga gawain.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Ano ang kalimitang sanhi ng pagsisigawan at kaguluhan?


2. Mayroon kayang paraan para maiwasan ito?
3. Ano-ano naman ang mga paraang ito?
4. Ikaw ba ay nakasaksi na ng isang pagtatalo o debate?
5. Ano ang napansin mo?

GAWAIN 1:
1:Pansinin Mo

Tingnang mabuti ang mga larawan. Suriin ang mga ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Pamprosesong
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
2. Naranasan mo na bang malagay sa parehong sitwasyon?
3. Bakit kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan?
4. Kanino ito madalas nangyayari? Bakit?
5. Paano ito maiiwasan? Magbigay ng mga halimbawa.

434
ALAM MO BA NA

Alam mo ba na ang debate o pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang
pananaw o opinyon sa isang paksa ? Masasabi rin natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat
kampo.

Naglalayon itong makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng


pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.Ayon kay Arrogante, ang pagtatalo ay isang
sining ng gantihan ng katwiran o makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol
sa isang kontrobersyal na paksa.

Kalimitang ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang mag-kasalungat na


panig tungkol sa isang pinagtatalunang paksa.

Kahalagahan ng Pagtatalo
• Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag- iisip.
• Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis napagsasalita.
• Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.
• Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama atmaling pagmamatuwid
• Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tuladng paggalang, pagtitimpi,o pagpipigil ng
sarili.
• Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap na nararapat
nakapasyahan.

Dapat Tandaan sa Pagtatalo


• Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o proposisyon na nakasaad sa isang positibong
pahayag.
• Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig.
• Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad sa isang
maayos na pagpapahayag.
• Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
• Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban.

Dapat Tandaan sa Pagtatanong


• Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.
• Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
• Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
• Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamanta-yan ng
pagtatanong ang isa sa kanila.
• Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.

Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal)


• Mahinahon at maliwanag nailahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban.
• Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
• Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban.
• Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa paksang
pinagtatalunan..
• Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alitun- tunin sa
pagtuligsa.
• Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at
katibayan.

435
Mga Tagapagsalita o Speaker
1. Beneficiallity – ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga
benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
2. Practicability – ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible ba o praktikal na
maisakatuparan ang hinihingi.
3. Necessity – ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng sitwas-yon bilang
kailangan at tunay na solusyon.
Uri ng mga Pagtatalo

 Debateng Oregon-
Oregon- Oxford
o Madalas gamiting paraan ng pagtatalo
o Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi
o May mga huradong susuri sa mga argument na may sapat na kaalaman sa paksa
 Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )
o Pagpapakilala ng bawat koponan( PagtukoysaMgatuntunin )
o Paglalahad ng proposisyon
o Pagbibigay ng katuturan
o Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
o Pagtatalo
 Debateng Oregon
o Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng kani-
kanilang panig
o Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan ng mga
matwid na panig ng katalo.
o Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin ang mga
matwid ng kani-kanilang panig.

PAGSUSURI
GAWAIN
GAWA IN 2:Panig
2: Mo, Ilahad Mo

Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod na isyu:

___________1. pagsusuot ng uniporme sa paaralan


___________2. walang dobleng supot sa mga biniling produkto
___________3. 2x3x2 na gupit para sa mga lalaking estudyante
___________4. pagtalakay sa klase ng sex education
___________5. same-sex marriage

Pamprosesong Tanong:
Naging madali ba ang pagpapili ng iyong magiging panig? Bakit?
Sa tingin mo ba ay makatutulong sa ating lipunan kung maririnig an gating panig at opinyon sa bawat
isyu? Paano?

PAGSASANAY
GAWAIN 3: Ipahayag Mo

Pagdebatehan ang paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa
kapakanan ng bansa”. (Maaaring hatiin ang klase sa tatlong grupo.)
Pangkat 1 - Debateng Oregon-Oxford
Pangkat 2 - Debateng Oregon
Pangkat 3 - Debateng Oxford

436
Ang iskor ng bawat pangkat ay naaayon sa pamantayang nasa ibaba.

Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangkat


Walang mainam May naipahayag Lubhang malinaw
Paksa/Kaisipan na kaisipang na 2 hanggang 3 at maayos ang
ipinahayag kaisipan ang kaisipang
tungkol sa paksa. nabanggit tungkol naipahayag. May 4
sa paksa. o higit pang
kaisipan ang
nabanggit tungkol
sa paksa.
Pangangatwiran Walang sapat na Walang gaanong May sapat na
katibayan ng iniharap na katibayang
pangangatwiran pangangatwiran iniharap sa
pangangatwiran.
Pagpapahayag/ Mahina at hindi Mahina ang Maayos na maayos
Pagsasalita maunawaan ang pagkakapahayag ang
sinasabi. ngunit may pang- pagkakapahayag
akit sa nakikinig na may pang-akit
ang boses o sa nakikinig ang
pagsasalita. boses o
pagsasalita.
Pagtuligsa Walang May isa o May 3 o sapat at
naipahayag dalawang malinaw malinaw na
tungkol sa sinabi na pahayag pahayag tungkol
ng kabilang panig. tungkol sa sa ipinahayag ng
ipinahayag ng kabilang panig.
kabilang panig.
Tiwala sa Sarili Hindi maayos ang May mahinang Lubusang
pagsasalita dahil pagpapahayag naipahayag nang
sa kaba kaya’t dahil naipabatid malinaw at
nabubulol. nang kaunti ang naipabatid ang
layunin ng panig. katanggap-tanggap
na layunin ng
panig.
Kabuuang Puntos

PAGTATAYA

Dugtungan Mo
Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

1. Ang debate ay ________________________________________________________________.


Mabisa itong nagagawa sa pamamagitan ng _____________________________________________.

2. Maituturing pinakamaimpluwensya ang Noli Me Tangere dahil ____________________________


________________ kaya ____________________________________________________________.

437
TAKDANG ARALIN
Isaliksik Mo

Kilalanin ang mga tauhan ng Noli Me Tangere at alamin ang papel na kanilang ginampanan sa nobela.

438
IKALAWANG LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1 (Aralin 2.1)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong
monologo tungkol sa napiling tauhan.
Kompetensi: Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang
pahayag ng bawat isa.

Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy


ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela.
I. LAYUNIN
Kaalaman : Naisasaayos ang mga larawan ayon sa pagkakilala sa
mga tauhan.
Saykomotor: Nakapagsasagawa ng isang paghahalintulad ng mga
tauhan ng nobela sa mga taong kilala o pamilyar.
Apektiv: Napahahalagahan ang mga karakter o papel na
ginampanan ng mga tauhan.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere

B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me


Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, larawan ng mga tauhan, cartolina
PAMPAGKATUTO strips

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na 1. Sino ang mga taong hinahangaan mo?
tanong: 2. Ano ang mga naging tatak nila sa iyo?
3. Gusto ninyo rin bang malaman ang mahahalagang
tauhan ng nobelang ating babasahin?

Aktiviti / Gawain * Ipaskil ang mga larawan ng mga tauhan sa pisara.


Hayaan ang mag-aaral na ayusin o ihanay ito. (Maaari
itong gawing pangkatan)
* Tumawag ng representante ng grupo na
magpapaliwanag sa ginawang paghahanay.
( Kinakailangan ang gabay ng guro sa bahaging ito.)
B. PAGLALAHAD *Gamit ang pareho pa ring mga larawan, iisa-isahing
Abstraksyon kilalanin ng mga mag-aaral ang mga ito sa
(Pamamaraan sa pamamagitan ng pagbanggit ng kanilang mahalagang
Pagtalakay) papel sa nobela at kaugnayan ng isa’t isa.

439
C. PAGSASANAY * Sino Ako, Kilalanin Mo
Mga Paglilinang na Gawain ___________1. Anak ako ni Kapitan Tiyago.
___________2. Mahilig akong magpanggap na
Oropea.
___________3. Ako ang kinatawan ng hari ng
Espanya.
___________4. Ako ay anak ni Don Rafael na nag-aral
sa
Europa.
___________5. Tinatawag nila akong baliw dahil sa
kakaiba
kong isipan at kilos.
___________6. Ina ako nina Crispin at Basilio.
___________7. Ako ang dating kura ng San Diego.
___________8. Nagpapanggap akong doctor.
___________9. Ako ang maybahay ng alperes.
___________10. Inalagaan ko si Maria Clara
D. PAGLALAPAT Sino ang maiisip mong katulad ng sumusunod na
Aplikasyon tauhan. Ibigay rin ang iyong dahilan kung bakit.
Tauhan Maitutulad Kay Dahilan
1. Ibarra
2. Padre
Damaso
3. Maria Clara
4. Victorina
5. Kapitan
Tiago
E. PAGLALAHAT 1. Mahalaga ba ang karakter na ginampanan ng mga
Generalisasyon tauhan sa nobela? Bakit?
2. Alin sa mga tauhan ang lubos mong naibigan? Bakit?
IV. PAGTATAYA Bumuo ng isang character web na nagpapakita ng
kaugnayan ng mga tauhan sa nobela.
V. TAKDANG-ARALIN Kilalanin pang mabuti ang mga tauhan sa
pamamagitan ng pagsasaliksik sa kanilang mga
katangian. Maghanda para talakayan sa susunod na
sesyon.

440
PAKSA: Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere

TUKLASIN

Bawat taong makasasalamuha natin ay may kani-kaniyang katangian. Dahil dito kinakailangang
kilalanin natin sila. Katulad ng nobelang ating babasahin, may mga tauhan din itong nararapat na ating
kilalanin isa-isa bago basahin ang akda nang sag anon ay madali na lang para sa atin ang pagtagpi-tagpi
ng mga pangyayari.Handa ka na ba?

GAWAIN 1: Idolo Ko, Ipapakilala Ko


Idikit ang larawan o isulat sa nakalaang hanay ang larawan ng mga taong hinahangaan at ang
ugaling naging tatak nila sa iyo.

Taong Hinahangaan Tatak at Dahilan

1. Sino ang mga taong hinahangaan mo?


2. Ano ang mga naging tatak nila sa iyo?
3. Gusto ninyo rin bang malaman ang mahahalagang tauhan ng nobelang ating babasahin?

PAGSUSURI
GAWAIN 2:Ihanay
2: Mo

Tingnan ang mga larawan. Ihanay ito ayon sa gusto ng inyong grupo at
maghanda ng isang maikling pagpapaliwanag.

Maria Clara Padre Damaso Donya Victorina

441
Elias Sisa Pilosopo Tasyo

ALAM MO BA NA

Alam mo ba namahalaga ang ginagampanan ng bawat tauhan sa nobela? Sila ay maaari ring
sumisimbolo ng mga tiyak na tao o pag-uugali sa lipunan.

MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE

Crisostomo
Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.

Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga
suliranin nito.

Kapitan Tiago - mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara

Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang
matagal na panahon sa San Diego.

Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego.

Pilosopo Tasyo -maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa - isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.

Basilo at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng


San Diego.

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego.

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang pananalita at


pag-uugali.

Donya Victorina - babaeng nagpapanggap na mestisang Kaslita kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.

Don Tiburcio de Espadaña-isang


Espadaña pilay at bungal na kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap
ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya

442
para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang

Ñol Juan - namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan

Lucas - taong madilaw na gumagawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra

PAGSASANAY
GAWAIN 3: Sino Ako, Kilalanin Mo

_________________1. Anak ako ni Kapitan Tiyago.


_________________2. Mahilig akong magpanggap na Oropea.
_________________3. Ako ang kinatawan ng hari ng Espanya.
_________________4. Ako ay anak ni Don Rafael na nag-aral sa Europa.
_________________5. Tinatawag nila akong baliw dahil sa kakaiba kong isipan at kilos.
_________________6. Ina ako nina Crispin at Basilio.
_________________7. Ako ang dating kura ng San Diego.
_________________8. Nagpapanggap akong doctor.
_________________9. Ako ang maybahay ng alperes.
________________10. Inalagaan ko si Maria Clara.

T ANDAAN

Mga Tauhan at Simbolismo sa Nobela

 Juan Crisostomo Ibarra – idealismo ng mga kabataang nakapag-aral


 Maria Clara – ideal na babae ni Rizal
 Sisa – larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa
 Pia Alba – sumisimbolo sa Pilipinas na walang tigil ang pagpapaalipin sa ibang bansa
 Kapitan Tiyago – papat na indio ng istruktura ng lipunang binuo ng mga Kastila sa Pilipinas
 Donya Victorina at Donya Consolacion – larawan ng mga indiong may kaisipang kolonyal
 Tiya Isabel – tiya ni Maria Clara na tumulong sa pagpapalaki sa kanya

443
PAGLALAPAT: Ihambing Mo
Sino ang maiisip mong katulad ng sumusunod na tauhan. Ibigay rin ang iyong dahilan kung bakit.

Tauhan Maitutulad Kay Dahilan


1. Ibarra
2. Padre Damaso
3. Maria Clara
4. Victorina
5. Kapitan Tiago

PAGTATAYA

Bumuo ng isang character web na nagpapakita ng kaugnayan ng mga tauhan sa nobela.

TAKDANG ARALIN
Isaliksik Mo

Kilalanin pang mabuti ang mga tauhan sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kanilang mga katangian.

444
IKALAWANG LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 ( Aralin 2.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong
monologo tungkol sa napiling tauhan.
Kompetensi: Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-
katangian.
(F9WG-
(F9WG- IVc-
IVc -59)

Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang


pahayag.
( F9PT-
F9PT -IVc-
IVc -57)

Nahuhulaan ang maaaring maging wakas ng buhay ng


bawat tauhan batay sa napanood na parade of
characters.
( F9PD-
F9PD- IVc-
IVc -56)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang
pahayag.
Saykomotor: Nakagagamit ng mga tamang pang-uri sa
paghahambing ng isang kaibigan sa tauhan sa nobela.
Apektiv: Naibabagay ang mga salitang naglalarawan sa
katangian ng tauhan.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA * Mahahalagang Tauhan ng Nobela


* Pang-uri
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, internet
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na
tanong:

Aktiviti / Gawain * Pagbibigay-kahulugan ng mga matatalinghagang


salita at paggamit nito sa pangungusap.
1. bukas-palad -
2. walang-turing –
3. walang-habas –
* Pagkilatis sa mga tauhan
B. PAGLALAHAD * Pagtalakay sa pang-uri bilang salitang naglalarawan.
Abstraksyon

445
(Pamamaraan sa Pagtalakay) * Pagpapanood ng parade ng mga tauhan.

C. PAGSASANAY Anong pang-uri ang maglalarawan sa sumusunod:


Mga Paglilinang na Gawain Hal. Maria Clara- mahihinhin o dalagang-Pilipina
1. Ibarra - __________________
2. Padre Damaso - ___________________
3. Donya Consolacion - ___________________
4. Sisa - ________________________
5. Padre Salvi - ___________________

D. PAGLALAPAT Sumulat ng paghahambing sa pagitan ng iyong matalik


Aplikasyon na kaibigan at ng isang tauhan sa nobela. Huwag
kalimutang gumamit ng mga tamang pang-uri sa
pagbibigay-katangian.
E. PAGLALAHAT Ano ang napagnilay-nilay ninyo ukol sa napag-usapan
Generalisasyon sa aralin?
IV. PAGTATAYA Base sa napanood na parade of characters, pumili ng
apat (4) na tauhan at bigyang-hinuha kung ano ang
maging wakas ng kanilang buhay.

Buhay ng Tauhan
Tauhan Sa Simula Maging Wakas

V. TAKDANG-ARALIN Pumili ng isang tauhan mula sa nobela at gumawa ng 2


minutong monologo tungkol sa kanya. Ihanda ang
sarili sa pagtatanghal nito sa susunod na pagkikita.

446
PAKSA: Mahahalagang Tauhan ng Nobela ( Pang-
Pang -uri)
uri )

TUKLASIN

Naisip mo ba kung anong mangyayari sa mundo kung walang liwanag at dilim o kung walang
kakulay-kulay ang paligid natin? Ano kaya ang mararamdaman mo? Halika’t bigyan pa natin ng kulay at
halaga ang mahahalagang bagay at tao.

GAWAIN 1: Ilarawan Mo

Isulat ang mga salitang mailalarawan mo sa mga larawang makikita sa ibaba.

1. 2.

a. _______________________ a.________________________
b. _______________________ b.________________________
c. _______________________ c.________________________

PAGSUSURI
Palawakin Mo

Bigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang salita at gamitin ito sa pangungusap.

1. bukas-palad – ___________________________________________________________________

Pangungusap: ______________________________________________________________________

2. walang-turing – __________________________________________________________________

Pangungusap: _______________________________________________________________________

3. walang-habas – ___________________________________________________________________

Pangungusap: _______________________________________________________________________

447
ALAM MO BA NA

Alam mo ba napang-uri ang tawag salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip? May tatlong
kaantasan ang pang-uri.

Kaantasan
Kaantasan ng Pang-
Pang -uri
1. Lantay - tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
• Nais kong makapaglakbay sa malayong lugar.
• Ang mabait na anak ay biyaya mula sa Maykapal.
2. Pahambing - nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng isang pangnga-
lan o panghalip. Ang pahambing na pang-uri ay may dalawang kalagayan: magkatulad
at di-magkatulad.
Halimbawa:
a. Magkatulad
• Kasinghusayniya
Kasinghusay ang kapatid pagdating sa pag-awit.
• Magkahusay lang ang Kathniel at Lizquen.
b. Di-magkatulad
• Si Mario ay di-
di-gasinongmatangkad kaysa kay Pablo.
3. Pasukdol - nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na katangian ng pangngalan o
panghalip.
Halimbawa:
• Siya ang pinakamatalino sa klase.
• Walang ibang hari ng sablay kundi si Anita lang.
• Ang banda nila ang pinakasikat sa buong bansa.

PAGSASANAY
GAWAIN 3:Panoorin
3: Mo

Panoorin ang parade of characters ng mga tauhan ng nobela mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=4NhCxx6XN7w at
maghanda para sa mga susunod na gawain.

448
PAGSASANAY
GAWAIN 4: Tauhan, Ilarawan Mo

Anong pang-uri ang maglalarawan sa sumusunod:


Hal. Maria Clara- mahihinhin o dalagang-Pilipina
1. Ibarra - __________________
2. Padre Damaso - ___________________
3. Donya Consolacion - ___________________
4. Sisa - ________________________
5. Padre Salvi - ___________________

PAGSASANAY
GAWAIN 4:Paghambingin Mo

Sumulat ng paghahambing sa pagitan ng iyong matalik na kaibigan at ng isang tauhan sa


nobela. Huwag kalimutang gumamit ng mga tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.

_____________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

449
PAGTATAYA

Hinaharap Nila, Hulaan Mo


Base sa napanood na parade of characters, pumili ng apat (4) na tauhan at bigyang-hinuha
kung ano ang magiging wakas ng kanilang buhay.

Buhay ng Tauhan
Tauhan Sa Simula Maging Wakas

TAKDANG ARALIN
Itanghal Mo

Pumili ng isang tauhan mula sa nobela at gumawa ng 2 minutong monologo tungkol sa kanya.
Ihanda ang sarili sa pagtatanghal nito.

450
IKALAWANG LINGGO - SESYON 3 & 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 2.3 – 2.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong monologo
tungkol sa napiling tauhan.
Kompetensi: * Naisusulat ang isang makahulugan at masining na monologo
tungkol sa isang piling tauhan. (F9PU-
(F9PU -IVc-
IVc -59)
59)
* Madamdaming nabibigkas ang nabuong monologo tungkol sa
isang tauhan. (F9PS-
(F9PS- IVc-
IVc -59)
59)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Naisaalang-alang at nakagagamit ng mga angkop na pang-uri sa
pagsulat ng isang monologo.
Saykomotor: Masining na nakapagtatanghal ng isang monologo ng napiling
tauhan.
Apektiv: Napahahalagahan ang pagbibigay ng wastong damdamin sa
pagbigkas ng monologo.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere

B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me Tangere ni


Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House, Inc., Metro Manila,
2002.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, iskrip ng monologo, rubrics
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na * Panonood ng isang video ng monologo.
tanong: Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa taong nagtatanghal ng
Aktiviti / Gawain monologo?
2. Saan nakasentro ang kanyang mga sinasabi?
3. Paano niya ipinarating ang kanyang mensahe?

B. PAGLALAHAD * Pagtalakay sa monologo


Abstraksyon
(Pamamaraan sa * Pagbibigay-alam sa inaasahang bunga pagkatapos ng
Pagtalakay) talakayan.

C. PAGSASANAY * Pagbasa nang may wastong tono’t damdamin sa mga pahayag


Mga Paglilinang na Gawain na makikita sa pisara. (pangkatan)

D. PAGLALAPAT * Pagbasa’t pagtatanghal ng iilang estudyante ng maikling linya


Aplikasyon ayon sa sitwasyong nabunot.

E. PAGLALAHAT * Ipalahad sa mag-aaral konseptong nabuo sa aralin sa paraang


dugtungan.
Natutuhan ko na ang mga tauhan sa Noli Me Tangere ay

451
________________________________________________
________________________________________________.
Ibig kong tularan si _____________________ dahil sa
________________________________________________
________________________________________________.

IV. PAGTATAYA * Madamdaming pagbigkas ng monologo.

* Pagbibigay-puna ng guro batay sa rubrics.


V. TAKDANG-ARALIN Basahin ninyo ang mga kabanata sa nobela na tumatalakay kay
Ibarra upang higit pa natin siyang makikilala.

452
PAKSA: Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere

TUKLASIN

Mahalagang maipahayag ng isang tao ang kanyang iniisip at nararamdaman. Kung minsan mahirap
kung kaya kinakailan pang gumamit ng iba para maipaabot ito. Hayaan mong gamitin ka nila. Masarap
ang pakiramdam ng makatulong. Handa ka na bangmaging instrument para sa kanila? Kaya halika na.

GAWAIN 1: Panoorin Mo
Panoorin ang isang videoclip ng pagmomonologo at sagutin ang mga kasunod na tanong. Ito ay mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=LEj9pmL79_Y

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa taong nagtatanghal ng monologo?
2. Saan nakasentro ang kanyang mga sinasabi?
3. Paano niya ipinarating ang kanyang mensahe?

ALAM MO BA NA

Alam mo ba naang monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi
ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig. Ang mga monologo
ay ginagamit sa iba't ibang medya gaya ng mga dula, pelikula, animasyon atbp.

PAGSUSURI
Basahin Mo

Ipamalas ang galing at kasiningan sa pagbasa. Basahin nang may tamang tono’t damdamin
ang mga sumusunod na pahayag.

1. Tumahimik ka. Di mo ba nakikita kung 2. Naku! Anak, anong nangyari sa’yo?


ano ang resulta ng ginawa mo? Ikaw ang Huwag kang pumikit. Di ka pwedeng
dapat sisihin. Ikaw! mawala sa akin. Huwag. Maawa ka.

3. Hmmp…anong magagawa
ko? Napag-utusan lang ako.
Anong magagawa ng isang
hamak na utusan ?
4. Sa tingin mo ba’y di ko alam. Nakatatawa 5. Mabuti naman at nakarating ka. Bu-ong
ka. Isa kang manloloko ngunit mas akala ko ay hindi mo pauun-lakan ang
napaniwala pa kita na di ko alam. aming imbitasyon. Halika’t nang makakain.

453
PAGSASANAY
GAWAIN 3:Artista
3: ka

Basahin at itanghal ang maikling linya ayon sa sitwasyong ipinabunot ng guro. Dapat
maipakita mo ang damdamin ng tauhan sa nabunot na pahayag.

PAGLALAPAT: Dugtungan Mo

Ilahad ang konseptong nabuo sa aralin. Dugtungan ang mga salita upang mabuo ang konsepto.

Natutuhan ko na ang mga tauhan sa Noli Me Tangere ay ______________________________


_____________________. Ibig kong tularan si _____________________ dahil sa_____________
__________________________________________________________________________.

T ANDAAN

Sa isangmonologo. ang tao ay nagsasalita o nagsasabi ng kanyang mga iniisip ng


siya lang isa. Siya lang ang nagsasalita at wala siyang kausap.

PAGTATAYA

Balikan ang iyong ginawang monologo. Ayusin ito at itanghal sa harap ng klase sa
oras na ibibigay ng guro. Dapat mo ring isaalang-alang ang mga pamantayan sa gagawing
pagtatanghal.

TAKDANG ARALIN
Buhay Niya, Alamin Mo

Basahin ang mga kabanata sa nobela na tumatalakay sa buhay ni Ibarra upang higit pa
natin siyang makikilala.

454
IKATLONG LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1 ( 3.1 )
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra
bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa
sinapit ng mga tauhan.

Kompetensi: Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na


mga pangyayari sa buhay ng tauhan.
(F9PN-
(F9PN- IVd-
IVd -58)

Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng


pormalidad ng gamit nito (level of formality).
( F9PT-
F9PT -IVd-
IVd -58 )
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nasisiyasat na mabuti ang mga salita ayon sa antas ng
pormalidad ng gamit nito.
Saykomotor: Nakapagpresenta ng isang Action Plan na may
malinaw na plano sa pagsagot sa suliraning binanggit.
Apektiv: Napagtitimbang na walang mabuting naidudulot ang
inggit sa tao.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mga Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari


sa Buhay ni Ibarra ( Kab. 1-5, 7, at 9-11)
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, kartolina strips,
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA  Pagpapabigay ng kahulugan sa acronym na


Pangmotibasyunal na I.N.G.G.I.T.
tanong:  Ipasagot ang tanong:
1. Ano ang nagagawa ng inggit sa tao?
Aktiviti / Gawain 2. Dapat ba itong ipagpatuloy o dapat nang itakwil?
Bakit?
B. PAGLALAHAD  Pagpapabasa ng buod ng mga kabanata.
Abstraksyon  Pagbabanggit sa mahahalagang pangyayari at
(Pamamaraan sa pagbibigay-reaksyon nito.
Pagtalakay)

C. PAGSASANAY  Pagpapangkat ng mga salita ayon sa pormalidad


Mga Paglilinang na Gawain ng gamit.
 Pag-unawa sa binasa sa pamamagitan ng pagsagot

455
sa mga tanong.
D. PAGLALAPAT  Pagpapatala ng mga tiyak na pangyayari na
Aplikasyon nagpapakita ng paglabag sa karapatang-pantao.
 Pagbibigay ng mga suhestiyon kung papaano ito
masolusyunan.
E. PAGLALAHAT 1. Ano ang masasabi mo sa lipunan noon ayon sa mga
Generalisasyon nabasang kabanata?
2. Paano maiwasan ang mainggit sa kapwa-tao?
IV. PAGTATAYA  Paggawa ng Action Plan para masolusyunan ang
mga problemang nabanggit sa mga kabanata.
 Pagbibigay-puna ng guro at ng mga mag-aaral.
V. TAKDANG-ARALIN  Basahin ang kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, 29-31.
 Gawan ng buod ang mahahalagang pangyayari sa
buhay ni Ibarra.
 Pangkat 1 – Pagdating ni Ibarra sa San Diego mula
sa Europa
 Pangkat 2 – Buhay Pag-ibig ni Ibarra
 Pangkat 3 – Pagbabanta sa Buhay ni Ibarra
 Gumupit ng dalawang (2) larawan na nagpapakita
ng pag-ibig o pagmamahal. Dalhin ito sa klase sa
susunod na pagkikita.

456
PAKSA: Mga Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Buhay ni Ibarra
( Kab. 1-
1- 5, 7, at 9-
9 -11)

TUKLASIN

Ang ugali ng tao ay mahalaga. Ito ay nagpapaiba sa kanya sa iba pang nilalang sa mundo. Sa ugali rin
kalimitan binabatay ang pagpili ng ating mga kaibigan. Ang mga taong di natin magustuhan ay
nilalayuan ngunit may mga tao ring sadyang mainggitin na kahit wala kang ginagawa sa kanila o
lumalayo ka na’y may negatibo pa rin silang masasabi. Tuklasin natin ang mga pag-uugali ng mga tauhan
sa nobela at kung paano ito hinarap ni Ibarra.

GAWAIN 1: Sariling-Kahulugan, Ibigay Mo


Bigyang- kahulugan ang acronym na I.N.G.G.I.T.

I
N
G
G
G
I
T

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng inggit?
_____________________________________________________________________
2. Ano ang nagagawa ng inggit sa tao?
_____________________________________________________________________
3. Dapat ba itong ipagpatuloy o dapat nang itakwil? Bakit?
_____________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay kinainggitan, ano ang gagawin mo?
_____________________________________________________________________
5. Paano maiiwasan ang inggit sa puso ng isang tao?
_____________________________________________________________________

457
ALAM MO BA NA

Alam mo ba nasi Crisostomo Ibarra ay nakapag-aral sa Europa? Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas


ay isang kagila-gilalas na katotohanan ang kanyang malaman. Narito ang buod ng mga kabanata na
may kaugnayan sa kanya.

Buod ng Kabanata 1-1 -11


Isang pagtitipon ang idinaos sa tahanan ni KapitanTiyago sa Daang Anloague sa Binundok.
Marami ang dumalo. Sa mga Kastila, naroon sina Padre Sibyla, Padre Damaso,Ginoong Laruja at ang
tinyente ng guardia-civil. Dahil sa kilala si KapitanTiyago sa pagiging bukas-palad, pati mga collado
ay dumalo rin sa handaan.

Sa handaan, kapansin-pansin ang pag-uumpukan ng mga lalaki at hiwalay naman ang umpukan ng
mga babae maliban kay Donya Victorina na humalo sa mga lalaki at pilit na ipinagmamayabang na
siya’y Europea. Ipinagmayabang din ni Padre Damaso na kahit ang Kapitan-heneral ay di makakapigil
sa isang kura kung nais nitong magpahukay ng patay at tinawag pang Indiyo ang mga Pilipino.
Nagkataasan pa ng boses sina Padre Damaso at ang tinyente ngunit talagang di nagpapatalo ang
prayle at hinamon pa ang tinyente.

Sa kabilang banda, dumating si Kapitan Tiyago na hawak sa kamay ang lalaking luksang-luksa.
Siya’y si Juan Crisostomo Magsalin Ibarra. Napatigagal ang tinyente at si Padre Damaso pagkakita sa
binata. Nilapitan kaagad ni Ibarra ang kura nang makilala at sinabing ang kura ng kanilang bayan at
kaibigan ng kanyang ama sabay lahad sa kamay ngunit mariin itong itinanggi ng pari at tinalikuran
sila.

Naiwan si Ibarra sa bulwagan. Dahil walang nagpakilala sa kanya, siya ang lumapit sa mga nag-
uumpukan at ipinakilala ang kanyang sarili gaya ng kaugalian sa Alemanya na natutuhan niya. Nang
nakahanda na ang hapunan, madaling dumulog ang mga kalalakihan ngunit kailangan pang pilitin ang
mga mga kababaihan. Samantala, kunwari naman nagkahiyaan pa sina Padre Sibyla at Padre Damaso
kung sino ang uupo sa kabisera na hindi naman binibitiwan ang upuan. Nang makaupo na ang lahat,
ipinahain na ang espesyal na putahe, ang tinolang manok, na ipinasadyang ipaluto ni Kapitan Tiyago
sa kaalamang iyon ang paborito ni Ibarra.

Nang ipamahagi ang tinola, ang napabigay kay Padre Damaso ay upo at leeg na walang balat at
maganit na pakpak ng manok habang ang kay Ibarra ay pawang lamang-loob lahat. Sa inis ng pari,
niligis niya ng kutsara ang upo, humigop ng kaunting sabaw at pabagsak na binitiwan sa pinggan ang
kutsara sabay tulak.

Sa hapag-kainan, naisalaysay ni Ibarra na pitong taon siyang nawala sa Pilipinas ngunit di niya ito
nakalimutan kahit pa tila kinalimutan na siya nito. Itinuri niyang pangalawang bayan ang Espanya at
na pinag-aralan niya ang kasaysayan at kaugalian ng lahat na kanyang napuntahang bansa. Dahil dito,
sinansala na naman siya ni Padre Damaso at sinabing sayang lang ang kanyang ginugol na salapi at
iyon lamang ang alam na kahit bata ay pwede malaman nang di umaalis sa bansa.

Naunang umalis si Ibarra ngunit nakasabay niya si Tinyente Guevarra. Ito ang nagsalaysay sa
kanya sa totoong dahilan ng kanyang ama, si Don Rafael. Di siya makapaniwala na nakulong ang
kanyang ama. Ito ay inakusahang erehe at pilibustero. Nakapatay ng isang artilyero dahil sa
pagtatanggol sa isang musmos. Dahil dito, naglabasan ang kaaway nang ito ay makulong. Ayon pa sa
tinyente, dahil sa kayamanan at karangalan nito ay marami itong lihim na kaaway na mga Kastila at
prayle.

Nang makarating sa Fonda de Lala, wala nang ibang laman ang kanyang isipin kundi ang sinapit
ng kanyang ama. Naisip niya na habang siya ang nagsasaya kasama ang naggagandahang dalaga sa

458
ibayong lupain ay naghirap naman sa loob ng kulungan ang kanyang ama. Siguro tinatawag pa nito
ang kanyang pangalan bago nalagutan ng hininga. Dahil sa masyadong abala ang kanyang isipan, di
niya napansin ang pagdating ng isang bituin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ito ay naging sentro ng
paghanga ng mga naroon maging sa kasalukuyang kura ng San Diego, si Padre Salvi, na di nakatulog
pag-uwi ng kumbento dahil sa nasaksihan.

Kinabukasan, pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t


magkasintahang Crisostomo at Maria Clara. Sa asotea, muli nilang binalikan ang masasayang alaala
bago sila nagkalayo. Ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sombrero ni Ibarra upang di
ito mainitan ay kinuha ng lalaki mula sa kalupi at ipinakita kay Maria Clara na dala-dala niya kahit
saan siya magpunta. Kinuha naman ni Maria Clara ang kaisa-isang liham ng lalaki mula sa kanyang
dibdib. Ito ang liham ng lalaki na namamaalam sa kanya bago ito pumunta ng Europa para mag-aral.
Nang makaalis na ang binata, inutusan ni Kapitan Tiyago ang anak na ipagtulos ng kandila para kina
San Roque at San Rafael, mga patron ng paglalakbay, para sa ligtas na paglalakbay ni Ibarra
patungong San Diego.

Uuwi si Ibarra sa San Diego upang dalawin ang puntod ng yumaong ama. Bisperas iyon ng Araw
ng mga Patay. Habang nasa daan, nasabi niyang wala pa ring pagbabago. Lubak-lubak pa rin ang
daanan, nilulumot pa rin ang mga pader, at nababansot na ang mga puno ng talisay. Nakita rin niya
ang magarang sasakyan ni Kapitan Tiyago na nakakunot pa ang noo habang ang mga Pilipino ay
nagtitiis sa paglalakad o sa napakabagal na kalesang hinihila ng kalabaw.Nagugunita tuloy niya ang
pangyayari noon na nahilo siya nang dumaan ang sinasakyan sa pabrika ng tabako, ang pagpipison ng
mga bilanggo na kulay asul ang damit at may numero at may nakatanod ding bastonero o mayor na
hahagupit sa kanila ng latigo sa sandaling titigil sa pagtatrabaho. Lahat ng iyon ang nag-udyok sa
kanya na sundin ang payo ng kanyang matandang guro na nagsabi sa kanya na ginto ang sinadya ng
mga banyaga sa ating bayan kaya pumaroon din siya sa kanilang bayan upang tumuklas ng ginto.
Pinaalalahanan dinsiya nito na hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

Samantala, pumunta si Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago upang sabihin dito na di siya
sang-ayon sa pag-iibigan at planong pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Galit siyang tumuloy sa
silid ng bahay. Pagkatapos nilang mag-usap, hinipan ni Kapitan Tiyago ang mga nakasinding kandila
para sa paglalalakbay ni Ibarra.

Dumating si Ibarra sa San Diego. Ang bayang ito ay nasa baybayin ng lawa at napaliligiran ng
malalawak na bukirin at palayan. Kung sa Binundok, pinakamayaman si Kapitan Tiyago, sa San Diego
naman ay ang pamilya ni Ibarra. Ayon sa kwento, dati itong isang masukal na gubat na nababalot ng
katangi-tanging alamat. May tao na ritong nakita noong nakabitin na patay na at umiilaw pa kung gabi
ang pinakaloob ng kagubatan. Hanggang sa dumating ang isang matandang Kastila na matatas
managalog. Siya ang bumili ng kagubatan at nilinang iyon. Bigla siyang nawala at di naglaon dumating
si Don Saturnino ang ama ni Don Rafael at sinabing siya ang anak ng matandang Kastila. Magkaiba ng
ugali ang dalawa. Masipag at walang kibo si Don Saturnino ngunit mapusok at malupit.

Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San
Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa
bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tiyago, at ilang namumuno sa pamahalaan.
Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan
ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tiyago
na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng
musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga
makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan
ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang
makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na
siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang
Pransiskano na mukhang masakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito

459
kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay
lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina,
si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng
dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar
ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Pamprosesong Tanong:
1. Sino si Ibarra?
2. Ano ang kaugnayan o relasyon ni Ibarra sa sumusunod na tauhan?

Maria Clara

Don Rafael

Padre Damaso

Kapitan Tiyago

3. Paano ipinakita ni Ibarra na nasasabik siyang makabalik sa Pilipinas?


4. Bakit di tinanggap ni Padre Damaso ang kamay ni Ibarra?
5. Ano ang nangyari kay Don Rafael ayon sa salaysay ni Tinyente Guevarra?
6. Makatarungan bang ikulong si Don Rafael dahil lamang sa di ito nangungumpisal? Ipaliwanag
ang sagot.
7. Bakit nasabi ni Ibarra na wala pa ring pagbabago sa Pilipinas mula nang siya’y umalis?
8. Ano ang sinisimbolo ng nakita ni Ibarrang puno ng talisay na nabansot?
9. Ano-anong mga kultura at paniniwala ang masasalamin mula sa mga binasang kabanata?
10. Ipaliwanag “Ginto ang ipinunta nila rito, pumunta ka rin sa kanila at tumuklas ng ginto”.
11. Naging madali ba para kay Ibarra na tanggapin ang pagkamatay ng ama? Bakit?
12. Paano ipinakita ni Ibarra na siya ay mapagtimpi?
13. Bakit itinanggi ni Padre Damaso na kaibigan niya ang ama ni Ibarra? Ano ang ipinahiwatig nito?
14. Anong klaseng mangingibig si Ibarra?
15. Gusto mo ba ang klase ng pagsusuyuan nila noon?
16. Sino ang mga makapangyarihan sa bayan ng San Diego? Paano kaya nila nakuha ang kanilang
kapangyarihan? Nangyayari pa rin ba ito sa kasalukuyan?

460
PAGSUSURI
Gawain 2: Itala Mo
Ilista ang mga pangyayari mula sa nabasang mga kabanata na nagpapakita ng paglabag ng
karapatang-pantao.

PAGSASANAY
GAWAIN 3:May
3: Solusyon

Bumanggit ng mga posibleng solusyon sa mga nilabag na karapatang-pantao sa naunang


gawain. Paano ito maiwasan o di kaya’y makontrol?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

461
PAGSASANAY
GAWAIN 4: Gawain 4: Nakaraa’y Balikan Mo

Bumuo ng isang talata na naglalahad sa iyong napagtanto sa uri ng lipunan noon ayon sa
mga nabasa at kung papaano maiiwasan ang pagkainggit sa kapwa-tao.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

PAGTATAYA
Subukin Mo

Bumuo ng isang Action Plan para masolusyunan ang mga problema o isyu sa lipunan.

TAKDANG ARALIN
Magbasa Pa

1. Basahin ang kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, 29-31. Gawan ng buod ang mahahalagang
pangyayari sa buhay ni Ibarra.

Pangkat 1 – Pagdating ni Ibarra sa San Diego mula sa Europa


Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Ibarra
Pangkat 3 – Pagbabanta sa buhay ni Ibarra

2. Gumupit ng 2 larawan na nagpapakita ng pag-ibig o pagmamahal. Dalhin ito sa klase sa


susunod na pagkikita.

462
IKATLONG LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 ( Aralin 3.2 )
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra
bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa
sinapit ng mga tauhan.

Kompetensi: Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng


pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa
bayan.
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nasusuri ang mga simbolismo na ginamit sa mga
binasang kabanata.

Saykomotor: Nakalilikha ng photo collage sa mga paraan ng


pagpapakita ng pagmamahal sa magulang, kasintahan,
kapwa, at bayan.

Apektiv: Napayayaman ang mga kaugaliang Pilipino na litaw sa


mga binasang kabanata.

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa
Mga Buhay ni Ibarra ( Kab. 12, 19, 20, 22, 24,26, 29,
30 at 31)

B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me


Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, kartolina strips, mga ginupit na
PAMPAGKATUTO larawan, glue

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na  Pagtatanong
tanong: 1. Ano ang sinisimbolo ng hugis-puso?
2. Paano ito naiuugnay sa pag-big?
3. Bakit nauuso ang mga hugot lines ngayon?

Aktiviti / Gawain  Pagpapabigay ng ilang “hugot lines” ng mga mag-


aaral.

B. PAGLALAHAD
Abstraksyon  Pag-uulat ng grupo sa itinakdang kabanata.
(Pamamaraan sa  Pagtatalakay sa mahahalagang pangyayari sa
Pagtalakay) kabanata at mga kaugaliang Pilipino na

463
masasalamin dito.
 Pagtalakay sa denotasyon at konotasyon.
C. PAGSASANAY  Pagbibigay ng konotasyon at denotasyon na
Mga Paglilinang na Gawain kahulugan ng mga salita:
buwaya
anino
kampana
umaga
takipsilim
 Pag-uugnay sa salita sa taong maaaring tinutukoy
nito.
D. PAGLALAPAT  Paggawa ng photo collage na nagpapakita ng iba’t
Aplikasyon ibang uri ng pag-ibig mula sa mga larawang
ginupit sa mga diyaryo at magasin.
Pangkat 1 – Pag-ibig sa Magulang
Pangkat 2 – Pag-ibig sa Kasintahan
Pangkat 3 – Pag-ibig sa Kapwa
Pangkat 4 – Pag-ibig sa Bayan
(Ang pagpapangkat ay maaaring ayon sa larawang
nadala o nagupit ng mag-aaral.)
E. PAGLALAHAT Paano napapakilos ng pag-ibig ang isang tao?
Generalisasyon
IV. PAGTATAYA  Pagpapaliwanag ng grupo sa photo collage na
nabuo.
 Pagbibigay-puna at pagtataya sa output ng bawat
grupo
V. TAKDANG-ARALIN  Basahin ang Kabanata 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60,
at 62.
 Alamin kung paano nanganib ang buhay at
nagbago ang pag-uugali ni Ibarra at kung sino-sino
ang nagbabalak nang masama sa kanya.

464
PAKSA: Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Mga Buhay ni Ibarra
( Kab. 12, 19, 20, 22, 24,26, 29, 30 at 31)

TUKLASIN

Masarap ang magmahal at lalo na ang mahalin ka. Iba-iba man ang naging karanasan ng mga taong
umibig, pinipili pa rin nating sumugal sa pag-ibig kaysa umiwas dito.

GAWAIN 1: Iugnay Mo

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang sinisimbolo ng hugis-puso?
2. Paano ito naiuugnay sa pag-big?
3. Bakit nauuso ang mga hugot lines ngayon?

PAGSUSURI
Gawain 2: Hugot Ko, Pakinggan Mo

Basahin nang puno ng damdamin ang mga hugot lines sa ibaba. Pagkatapos, magbigay din
ng sarili mong halimbawa.

465
ALAM MO BA NA

Alam mo ba naang buhay ni Ibarra ay makukuhanan natin ng aral sa iba’t ibang uri ng
pagmamahal? Di lamang niya ipinakita kung anong klaseng kasintahan siya kay Maria Clara ngunit
ipinamalas din niya ang pagmamahal sa bayan, sa kapwa, sa Diyos at maging sa sarili. Alamin mula sa
mga sumusunod na kabanata kung papaano mahalin ang sarili na hindi ka hahantong sa pagiging
makasarili.

Buod ng Kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, at 29-


29-31

Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa isang malawak na palayan at nababakuran


ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan.
Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-
araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa
paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong
ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang
pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang
kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang
bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang
itong naililibing mula nang mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba
kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga
Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang
nila na itapon ito sa lawa.

Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang
matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang
katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak na adelpa at sampaga. Nasalubong nina
Ibarra ang sepulturero at tinanong nila dito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng
sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan
ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang
matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap
at nang makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng
paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama.
Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso.

Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon

466
ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. Isinalaysay ng
butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa
kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo
noong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San
Diego tungkol sa edukasyon. Isa na rito ang kawalan ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-
aaral, ang kawalan ng silid-aralan na akma upang makapag-aral nang walang balakid ang mga bata,
ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol
sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at
ng mga taong may katungkulan.

Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tiyaga ng guro na ituro sa kanyang mga
estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din
itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng
kumbento, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang
naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedisiplina at
pagtuturo. Ang pakikialam ng pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang
magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang
bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya nang hindi na si Padre Damaso ang kura
sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang
mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa
ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro,
nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat
ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni
Tinyente Mayor.

Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng
mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro.
Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat
ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa
pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping
kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa
pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang
pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi.
Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo
na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang
malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo.
Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya-siya ang
pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang
Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapat ay wala na ring paputok at ang mga
gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga-San Diego. Ang sentro rin ng pagtatanghal ay dapat
mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat
sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon,
tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.

Araw ng pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi roon para sa
pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya sa lahat ng mga
tao roon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi.
Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.
Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi
ni Maria Clara na huwag nang isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa
paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang
nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang
mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre Salvi sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng
kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya
ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.

467
Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos
ang pagkain at nagpunta na sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang
karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya
nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga
binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na
sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian
ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre
Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin
ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang
pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre
Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga
bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si
Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra
sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na
pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at
pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria
Clara at Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya,
malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura
na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad ang
kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman ang mga
gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre
Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at
sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang
imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang kagubatan ngunit wala silang
nakitang Elias.

Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng


Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong
palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minanaat antigong kagamitan. Ang hapag-
kainan naman ng mga mayayaman ay punong-punong mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin,
panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing
ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng
bahay ay malinis at makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya
rin ang pagpapaputok ng kwitis, pagtugtog ng kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang
plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin
ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para
sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa kasayahan ang mga
mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa.
Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay
iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.
Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang
tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na
tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang
itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa
pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-
aaral. Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging
kaaway.

Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin
ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising
ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang
pinakamainam na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan
at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo,
sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na
ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na
hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit wala siyang lakas ng loob

468
upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan.
Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya
mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habang siya ay may sakit. Sinumulan
ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay
ipinapakita ang pagkakaiba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay
mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago, na inaabangan naman nila
Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at
iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang
paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysasa komedya sapagkat ang misa
ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyernonaman sa komedya. Hindi naman
sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na
magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng
kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni
Padre Damaso.Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa
kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling
magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos
makapag-mayabang.

Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon
sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na
santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan
na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa
wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga
sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga
ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng
Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tiyago. Sina Maria at Ibarra
naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na rin sa
wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si
Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na
walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa
si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso
na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy
pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim
naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat
at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang
nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.

http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/noli-
http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/noli-me-
me -tangere-
tangere-buod-
buod-ng-
ng -bawat-
bawat -
kabanata.html

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit di nagawa ng sepulturero ang ipinag-utos ni Padre Garrote sa bangkay ni Don Rafael?
2. Ayon sa kanya, bakit mas mabuti pang malibing sa ilalim ng lawa kaysa ilibing sa libingan ng
mga Intsik? Ano ang masasalamin natin sa lipunan noon?
3. Sino ang napagbuntunan ng galit ni Ibarra sa natuklasan niya? Isalaysay ang pangyayari at
bigyang-reaksyon.
4. Ano-ano ang napag-alaman ni Ibarra sa mga naging karanasan at suliranin ng guro sa pagtuturo?
5. Sa tingin mo ba’y problema pa rin ito ng mga guro ngayon? Bakit?
6. Sa halip na maghiganti sa mga taong lumampastangan sa kanyang ama, ano ang naging balak
gawin ni Ibarra? Bakit kaya?

469
7. Sino ang masusunod noon sa mga gawaing panlipunan at panrelihiyon tulad ng pista?
Makatarungan kaya ito?
8. Ilarawan si Padre Salvi. Ano-ano ang kanyang mga katangian?
9. Ilarawan si Padre Damaso bilang alagad ng Diyos. Tama ba ang kanyang inugali sa pulpito?
Bakit?
10. Itala ang lahat na pagpapahalaga at kulturang Pilipino na masasalamin sa mga kabanatang
tinalakay.

Kulturang Pilipino Pagpapahalagang Pilipino

T ANDAAN

Di lahat ng mga salita o pahayag ay nagtataglay ng iisa o literal na kahulugan. Sa pagpapakahulugan,


dapat isaisip ang denotasyon at konotasyong kahulugan kung alin ba sa dalawa ang tinutukoy ng
nagsasalita.

Denotasyon
• ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo;
• literal o totoong kahulugan ng isang salita
Konotasyon
• ito ay pansariling pagpapakahulugan ng isa o grupo ng mga tao sa isang salita
• ang kahulugan sa konotasyon ay iba sa totoong kahulugan

PAGSASANAY
GAWAIN 3:Kahulugan,
3: Ibigay Mo

Ang mga salita ay maaaring nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan. Kung minsan
literal kung minsan naman ay pansarili o patalinghaga. Subukin mo ngayong ibigay ang
konotasyon at denotasyon ng mga larawang makikita sa ibaba.

470
Denotasyon Konotasyon
1.

___________________ _________________

2.

___________________ _________________
3.

___________________ _________________
4.

___________________ _________________
5.

__________________ _________________

471
Paano napapakilos ng pag-ibig ang tao?

PAGSASANAY
Gawain 4: Pag-
Pag -isipan Mo

PAGLALAPAT

Gumawa ng photo collage na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng pag-


ibig mula sa mga larawang ginupit sa mga diyaryo at magasin.

Pangkat 1 – Pag-ibig sa Magulang


Pangkat 2 – Pag-ibig sa Kasintahan
Pangkat 3 – Pag-ibig sa Kapwa
Pangkat 4 – Pag-ibig sa Bayan

PAGTATAYA

 Pagpapaliwanag ng grupo sa photo collage na nabuo.


 Pagbibigay-puna at pagtataya sa output ng bawat grupo

TAKDANG ARALIN

 Basahin ang Kabanata 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60, at 62.
 Alamin kung paano nanganib ang buhay at nagbago ang pag-uugali ni Ibarra at kung
sino-sino ang nagbabalak nang masama sa kanya.

472
IKATLONG LINGGO - SESYON 3 – 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 3.3 – 3.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra
bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa
sinapit ng mga tauhan.
Kompetensi: Nahahambing ang kalagayan ng lipunan noon at
ngayon batay sa sariling karanasan at sa napapanood
sa telebisyon at/ o pelikula. (F9PD-
(F9PD-IVd-
IVd-57)

Nailalarawan ang mga pagbabagong nagaganap sa


sarili matapos mabasa ang akda. (F9PS-
(F9PS- IVd-
IVd- 60)

Naitatala ang mga impormasyong nakuha sa


isinagawang panayam sa mga taong may lubos na
kaalaman sa aralin.
(F9EP-
(F9EP- IVd-
IVd -22)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nakapagbabahagi ng mga ideya batay sa paksa.

Saykomotor: Nakapagsasagawa ng isang panayam tungkol mga


binanggit na pangyayari sa aralin.

Apektiv: Napapahalagahan ang pagpapanatili ng kahinahunan


sa sarili sa gitna ng magulong sitwasyon.

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa
Mga Buhay ni Ibarra (Kab. 32, 34-36, 49, 54-55, 58,
60, at 62)

B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me


Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, cartolina strips, mga ginupit na
PAMPAGKATUTO larawan, glue

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Paglalahad ng pangganyak na tanong


Pangmotibasyunal na 1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbabago ng ugali ng
tanong: tao?
2. Dapat ba natin siyang husgahan at sisihinsa
pagbaba-gong ito? Bakit?
Aktiviti / Gawain
Pagbanggit ng mga tauhan sa mga napanood na
teleserye o pelikula na nagbago ang mga pag-uugali

473
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Paglilinang ng Talasalitaan
(Pamamaraan sa Dugtungang Pagsasalaysay sa naging buhay ni Ibarra
Pagtalakay) mula nang dumating sa Pilipinas.

C. PAGSASANAY Paghambingin ang katwiran nina Ibarra at Elias.


Mga Paglilinang na Gawain Kaninong katwiran ang higit na matimbang? Bakit?
D. PAGLALAPAT Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa
Aplikasyon kasunod na gawain.

https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ
https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s
E. PAGLALAHAT Ang pakikipanayam o pangangalugad ng isang
Generalisasyon impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng
impormasyon o kabatiran nang harap-harapan.
Kung nais nating makuha ang kinakailangan
nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa
kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na
kaalaman sa nais nating mabatid.

Gabay sa Pagsasagawa ng Pakikipanayam


1. Humingi ng kaukulang pahintulot sa tiyak na
taong nais kapanayamin.
2. Dumating ng mas maaga sa itinakdang oras na
panayam .
3. Tiyakin dala ang mga kinakailangan
kagamitan sa paglulunsad ng panayam.
4. Agad na pasalamatan ang kinakapanayam
dahil sa pag sang ayon lalo na sa oras at
panahong inilaan para sa gawing ito.
5. Magpakilala nang may paggalang.
6. Tumingin sa kinakapanayam at magpakita ng
tiwala sa sarili.
7. Limitahan ang mga katanungan at iwasan ang
mga personal na tanong.
8. Tapusin ang panayam sa itinakdang oras.
9. Magalang na magpasalamat.
IV. PAGTATAYA Bakit mahalagang panatilihin ang kahinahunan lalong-
lalo na sa magulong sitwasyon?
V. TAKDANG-ARALIN Sarili, Ihanda Mo

Panoorin ang videoclip ng isang eksena sa korte na


mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk

474
PAKSA: Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Mga Buhay ni Ibarra (Kab. 32, 34
34-- 36,
49, 54-
54-55, 58, 60, at 62)

TUKLASIN

Karapatan ng tao kahit pa ng isang nasasakdal na idepensa ang kanyang sarili sa harap ng hukuman.
Kaugnay nito, marami na ring pagkakataon na kung saan nalalagay tayo sa sitwasyon na
napagkamalan,napagbintangan o di kaya’y di nauunawaan ng iba ang ating ginagawa. Bago pa man ito
mangyari ay paghandaan mo na sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

GAWAIN 1: Nagbago Ka, Nagbago Siya

Mag-isip ng mga tauhan sa mga napanood mong pelikula o teleserye na nagbago ang ugali at
sabihin kung ano-ano ang mga dahilan ng pagbabagong iyon.
Tauhan/Karakter Pagbabago Dahilan

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbabago ng ugali ng tao?
2. Dapat ba natin siyang husgahan at sisihin sa pagbabagong ito? Bakit?
3. Papaano kaya natin sila matutulungan para makabalik sa dating pag-uugali(mabuti)?

ALAM MO BA NA

Alam mo ba nanagkaroon ng sakuna sa araw ng paghugos ng unang bato sa paaralang itatayo


ni Ibarra? Ang paaralang kanyang naisip na itayo para tulungan ang kanyang minamahal na bayan at
iangat ang katayuan ng mga kababayan.Basahin ang mga kabanata na nagpapakita na may mga taong
may masasamang tangka sa kanyang buhay.

Kabanata 32, 34-36,49, 54-55, 58, 60, 62

Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng
panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong
paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung

475
paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat
na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Sinimulan ni Padre
Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba
pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.
Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak
naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng
importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon.
Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang makiisa sa pagsaksi ay
humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang
lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking
bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan
ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.

Huling dumating sa pananghalian sa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Damaso at lahat ay


bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan nang ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre
Damaso ang patotsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan
ngunit lalong nag-umalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang.
Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kaya’t nang inungkat ang nangyari sa kanyang ama,
bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra, dinaluhong niya ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan
naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.
Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa buong bayan ng
San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkatayon sa kanila, hindi mangyayari
ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Ka-pitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa
ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi makakapagpigil kung ang ama ang
lalapastanganin. Ang mga matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari
sapagkat baka sila ay mapupunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang
pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na
matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak.
Ganunpaman, wala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang
mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindikatulad ng taumbayan na watak-watak kung
kayat mananalo ang mga pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag nang Pilibustero ng mga prayle si
Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga mahihirap.

Nagdesisyon ang mga prayle na paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang ma-
exkomunikado ang binata. Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan
Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay
patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat ito’y
ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga.
Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa at magbigay ng malaking limos upang mapawalang
bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang
magkatipan.

Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon
ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay
nag-utos naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na
limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa
impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong
naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si
Padre Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong
nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi parang
damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng Kapitan ang
Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang

476
desisyon lamang ng mga pari. Labis ang paghanga ng kapitan-heneral kay Ibarra ngngmakausap ito.
Inalok pa niya itong sumama pabalik sa Europa.

Kinagabihan,pinuntahan ni Elias si Ibarra at sinabi kaagad na siya ang sugo ng mga


sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na
hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani
Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na
pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang
pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang
kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na
nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.

Nagtaka si Ibarra. Hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala
satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng
masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang
gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang
kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinusuri
ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan nglunas. Binigyang
diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi sa bayan ang pagbabago sa mga palakad ng
mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang
na loob na dapat tanawin ang bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik
noon laban sa mga pandarahas ng mga may kapangyarihan.

Sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa lumitaw na kapwa nila mahal angbayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay
Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang
pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

Orasyon. Pahangos na nagtungo ang kura sa bahay ng alperes. Sinabi ng pari na nanganganib
ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing
iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi
sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na
paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na
nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal
upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob.

Sa kabilang dako, isa namang lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni
Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad namang
itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang
nakatakdang paglusob at batay sa kanyang narinig sii Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok
sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na
maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Mula sa mga kasulatan, nalaman ni Elias nasi
Don Pedro Eibarramendia aynuno ni Ibarra. Natuklasan ng piloto na ang lahing lumikha ng
matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin
iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan nang biglang siyang matauhan.
Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na
pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra at itinuloy ang pagsunog sa mga mahahalagang papeles at
dokumento.

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya
ang kaibigan si Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad-lakad si Padre Salvi sa

477
loob ng bulwagan. Hindi mapakali si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan sa pagdating ni Ibarra.
Kasalukuyang kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalis na ang "multong" si
PadreSalvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang
paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari
samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang
lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot.
Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod-
sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng
haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putukan, sigawan at
pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain sa kumedor ay biglangpumasok ang mga tulisan. Si
Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan.

Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na
nasugatan ng malubha sa padre Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa
pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Hindi nagkausap sina Ibarra at Maria,
basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ang binate. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka
bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa
kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.

Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda
ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas,
salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang
rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang
kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang
baril at binuksan ang pinto. Dinakip siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.

Sa kabilang dako, gulong-gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para
siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno,
si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang
duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdamin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang
bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo.
Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka
umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril.
Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita
niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot.
Nag-ipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban. Biglang
nagkaroon ng malalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga
kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal ang pamilya ng mga bilanggo.Nang ilabas ang
mga bilanggo upang dalhin sa pangulong-bayan, lahat sila’y may gapos matangi kay Ibarra. Ang bagay
na ito ay lalong ikinagalit ng mga kaanak ng mga bilanggo kay Ibarra. Kahit pilit siyang nagpalagay ng
gapos, hindi nabawasan ang galit ng mga ito. Sinigawan, isinumpa at inulan si Ibarra ng mga bato at
buhangin. Isa mang kaibigan ay wala siyang nakita.Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama nang
husto ang mawalan ng inang-bayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan at magandang kinabukasan.

Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling panahon gaya ng napagkasunduan nina
KapitanTiyago at Donya Victorina. Iba-iba ang naririnig ni Maria Clara hinggil sa kanya at kay Ibarra
na labis na nakasakit ng kanyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas siya sa asotea at
tumanaw sa ilog. Ilang sandal pa, isang Bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago.
Isa sa dalawang lulan nito ay umakyat sa kinaroroonan ng dalaga, si Ibarra.Nakatakas siya sa tulong ni
Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang

478
kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao
nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang
namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra
lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Pagkaraan, lumundag muli ito sa
pader at sumakay sa bangka.

Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan na ang


pagtakas ng binate. Pumasok si Elias upang akalaing taga- Pena-francia siya. Pinahiga niya si Ibarra sa
Bangka habang tinutugis sila.Ibinalita sa pahayagan ang pagkalunod ng bangkang sinakyan ni Ibarra,
ang nagbibigay sa kanya ng pagnanais na makibaka, maghintay at magtiwala. Sa gitna ng
pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni Padre Damaso ang dahilan ng pag-ayaw niya kay Ibarra.
Para sa dalaga, ngayong wala na ang binata, ang tanging nalalabi sa kanya ay ang kumbento o ang
kamatayan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang inilagay sa uka ng batumbuhay? Paano ito magiging makabuluhan sa darating na
panahon?
2. Ano ang nagtulak sa taong madilaw para pagtangkaan ang buhay ni Ibarra? Makatarungan ba
ang kanyang ginawa? Bakit?
3. Anong kalagayan ang nagpalubha sa galit ni Ibarra kay Padre Damaso?
4. Makatwiran ba ang parusang iginawad kay Ibarra?
5. Sa kasalukuyan, sinlawak pa rin ba ang impluwensya ng mga pari o ministro ng sa kay Padre
Damaso? Patunayan.
6. Kailan nagiging banyaga sa sariling bayan ang isang Pilipino? Ano ang epekto nito sa
indibidwal? Sa kanyang bayan?
7. Kung ikaw si Elias, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawang pagtulong kay Ibarra matapos
mong malaman na nuno nito ang dahilan ng kasawian ng inyong angkan? Bakit?
8. Anumang panganib sa buhay ni Ibarra ay naroroon si Elias. Ano sa palagay mo ang dahilan at
hindi maiwan-iwanan ni Elias si Ibarra?
9. Bakit nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi nang gabi ng kaguluhan?
10. Kung inibig ni Ibarra, maililigtas ba niya ang kanyang sarili sa gulo? Paano?
11. Bakit tumindi ang poot ng mga tao kay Ibarra? Paano nila ipinadama ang kanilang galit?
12. Ayon kay Tinyente Guevarra, paano sana nakaligtas sa pagkapiit si Ibarra?
13. Nang malamang patay na si Ibarra, bakit ayaw nang magpakasal ni Maria Clara kay Linares?

PAGSUSURI
Gawain 2: Pagtimbangin Mo

Paghambingin ang katwiran nina Ibarra at Elias.


Kaninong katwiran ang higit na matimbang? Bakit?

479
T ANDAAN

Ang pakikipanayam o pangangalugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng


impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating
kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa
nais nating mabatid.

Gabay sa Pagsasagawa ng Pakikipanayam


1. Humingi ng kaukulang pahintulot sa tiyak na taong nais kapanayamin.
2. Dumating ng mas maaga sa itinakdang oras na panayam .
3. Tiyakin dala ang mga kinakailangan kagamitan sa paglulunsad ng panayam.
4. Agad na pasalamatan ang kinakapanayam dahil sa pag sang ayon lalo na sa oras at panahong
inilaan para sa gawing ito.
5. Magpakilala nang may paggalang.
6. Tumingin sa kinakapanayam at magpakita ng tiwala sa sarili.
7. Limitahan ang mga katanungan at iwasan ang mga personal na tanong.
8. Tapusin ang panayam sa itinakdang oras.
9. Magalang na magpasalamat.

PAGSASANAY
GAWAIN 3:Panoorin
3: Mo

Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa kasunod na gawain.

https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ
https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s

PAGSASANAY
GAWAIN 4:Kung Ikaw Ako

Anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon? Isulat sa ibaba nito.

1.

Ipinagkasundo kang ipakasal sa anak ng kaibigan ng iyong mga magulang. Di mo


iyon gusto dahil nais mong makalabas muna ng bansa at may napupusuan ka na. Ano ang
gagawin mo?

2. _____________________________________________________________________
Ikaw ang napagbintangan na nagpasimuno ng gulo sa klase. Ano ang gagawin
_____________________________________________________________________
mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

480
PAGLALAPAT
Pakikipanayam, Planuhin Na

Pumili ng taong kakapanayamin sa sumusunod na paksa.


Pangkat 1: Mga Bagay na Inilalagay sa Paghugos ng Unang Bato
Pangkat 2: Pagpapatawad sa mga Taong Nagkasala
Pangkat 3: Mga Dahilan ng Pagpataw ng Ekskomunyon
Pangkat 4: Pangingi-alam ng mga Magulang sa Desisyon ng mga Anak

PAGTATAYA
Pahalagahan Mo

Bakit mahalagang panatilihin ang kahinahunan lalong-lalo na sa magulong sitwasyon?

TAKDANG ARALIN
Sarili, Ihanda Mo

Panoorin ang videoclip ng isang eksena sa korte na mula sa:


https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk

481
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon :1 (Aralin 4.1)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias
Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa
kasalukuyan na may pagkakatulad sa nagging desisyon
ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang
Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na
pamantayan: a) masining, b) orihinal, c)
makatotohanan, d) kaangkupan ng mga pahayag, e)
presentasyon
Kompetensi: Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay –
pahiwatig sa kahulugan (F9PT-IVe-f-59)
Nasusuri kung ang pahayag ay nagbibigay ng opinyon
o nagpapahayag ng damdamin (F9PS-IVe-61)
I LAYUNIN Nabibigyan ng kasingkahulugan ay iilang salita na
Kaalaman : nagtataglay ng malalim na kahulugan sa aralin;
Saykomotor: Nakapagbibigay ng ideya na may kaugnayan sa mga
pangyayari sa aralin;at
Apektiv: Nakapagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa mga
pahayag.
II PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag
Kabanata 65 Ang Pagkapahamak
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila
Paper, Panulat, Audio Tape o Radio
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Kayo ba ay may mga lihim?


Pangmotibasyunal na tanong: Naniniwala ba kayo na walang lihim na hindi
nabubunyag?
Sa mga lihim na ito’y nakapagdudulot ba ng kabutihan
o kapahamakan?
Aktiviti / Gawain
Pangkatang pagpapagawa ng isang showbiz balita.
Pipili lamang ang guro ng iilang grupo na magbabahagi
ng kanilang nagawa.
B. PAGLALAHAD Pangkatang Pag – uulat :
Abstraksyon Pangkat 1 – Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Pangkat 2 – Kabanata 65 Ang Pagkapahamak
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa
ginawang ulat ng mga mag – aaral)
C. PAGSASANAY Pagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa pahayag na
Mga Paglilinang na Gawain hango sa mga kabanatang tinalakay.

482
Mga Pahayag:
• Hindi maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan.
• Sapilitang pinasok ng guwardiya civil ang bahay ni
Ibarra.
D. PAGLALAPAT Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na
Aplikasyon may kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling Dula -
dulaan”

Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng


kanilang anak.
Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na
may taning na ang kanyang buhay.
Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi
ipinaalam sa mga anak.
E. PAGLALAHAT Sa inyong palagay ang mga lihim na pilit ninyong
itinatago ay nakapagbibigay ba ng katahimikan sa
inyong sarili?Bakit?
IV PAGTATAYA Magsulat ng isang sanaysay na may temang “Walang
Lihim na Hindi Nabubunyag”
V TAKDANG-ARALIN Paunang basahin ang mga sumusunod na kabanata sa
nobelang Noli Me Tangere.
*Kabanata 45
*Kabanata 49
*Kabanata 61

483
PAKSA: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Tauhan (B. Elias)

TUKLASIN

Makikita kay Elias ang ilang paniniwala at katangian ni Rizal – ang pagiging tapat at mapagmahal na
kaibigan, mapagmahal sa bayan at paniniwalang ang bayan ay pinakamahalaga higit sa lahat ng bagay.
Likas sa tao ang kabutihan subalit kapag pinagmalupitan at pinagkaitan ng katarungan, natututong
maghimagsik at lumaban.

Mga Kabanatang May Kauganayan sa mga Pangyayari sa Buhay ni Elias

Kabanata XXIII (Ang Pangingisda)


Kabanata XXV (Si Elias at si Salome–tagong kabanata ng akda)
Kabanata XLV (Ang Mga Nagrerebelde)
Kabanata XLIX (Tinig ng Pinag - uusig)
Kabanata LII (Ang mga Tao sa Libingan)
Kabanata LIV (Ang Lihim Na Nabunyag)
Kabanata LV (Ang Pagkapahamak)
Kabanata LXI (Habulan sa lawa)
Kabanata LXIII (Noche Buena)

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Elias

Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa


kasalukuyan na may pagkakatulad sa nagging desisyon ni Elias
na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa
pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a)
masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga
pahayag, e) presentasyon

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Kayo ba ay may mga lihim?


2. Naniniwala ba kayo na walang lihim na hindi nabubunyag?
3. Sa mga lihim na ito’y nakapagdudulot ba ng kabutihan o kapahamakan?

GAWAIN 1

Pangkatang pagpapagawa ng isang showbiz balita. Pipili lamang ang guro ng iilang grupo na
magbabahagi ng kanilang nagawa.

484
PAGSUSURI
Gawain
Gawain 2. Iulat mo

Pangkatang Pag – uulat : Papangkatin ng guro ang klase para sa pag – uulat.

Pangkat 1 – Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag


Pangkat 2 – Kabanata 65 Ang Pagkapahamak
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral)

ALAM MO BA NA

Kabanata 64: Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita.
Kung kalian nagising ang nagugulping na isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka
naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay Binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat
ng araw sa kanyang bayan.

PAGSASANAY
GAWAIN 3:

Pagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa pahayag na hango sa mga kabanatang


tinalakay.

Mga Pahayag:
 Hindi maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan.
 Sapilitang pinasok ng guwardiya civil ang bahay ni Ibarra.

PAGLALAPAT

Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling
Dula - dulaan”

Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang anak.


Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may taning na ang kanyang buhay.
Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam sa mga anak.

T ANDAAN

Hindi nakapagdudulot ng maganda kung ang indibidwal ay may dinadalang lihim na


nakapagpabagabag sa sarili dahil may kasabihan tayo na walang lihim na hindi nabubunyag.

485
PAGTATAYA

Magsulat ng isang sanaysay na may temang “Walang Lihim na Hindi Nabubunyag”

TAKDANG ARALIN
Basahin Mo

Paunang basahin ang mga sumusunod na kabanata sa nobelang Noli Me Tangere.

*Kabanata 45 – Ang mga Nagrebelde


*Kabanata 49 – Tinig ng Pinag-uusig
*Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa.

486
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 (Aralin 4.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang
pangyayari sa buhay ni Elias
Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa
kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na
pagtubos sa buhay ng isang kaibigan.
Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na
pamantayan: a) masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d)
kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon

Kompetensi: Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa


pamamagitan ng pag – uugnay sa ilang pangyayari sa
kasulukuyan. (F9PN-
(F9PN-IVe-
IVe- f - 59)
Batay sa naririnig/nababasa sa multimedia, nailalahad ang mga
hinaing ng mga piling tauhan na siya ring hinaing ng
mamamayan sa asalukuyan. (F9PD-
(F9PD-IVe
IV e- f-58)
I LAYUNIN
Kaalaman : Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias
na maiuugnay sa iilang pangyayari sa kasalukuyan;
Saykomotor: Nakapapaskil ng napiling larawan sa Timeline ng Facebook page
na gawa ng guro;at
Apektiv: Nakapagtatamo ng kasiyahan sa pagtulong ng mga
nangangailangan.

II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayari sa buhay ni Elias:


Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde
Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig
Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me Tangere ni Dr.
Jose Rizal. Vibal Publishing House, Inc., Metro Manila, 2002.

C.KAGAMITANG Larawan, Kompyuter, Magasin, Pahayagan/Diyaryo


PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Bubuo ang guro ng circle group sa klase (nasa guro na kung
Pangmotibasyunal na tanong: ilang miyembro bawat pangkat). Magpakita ang guro ng mga
larawan na nagpapakita ng kasawiang nararanasan ng mga tao.
Aktiviti / Gawain Bigyan ang mag – aaral ng pagkakataong pag – usapan ang nasa
larawan. Maaaring gawing gabay ang mga tanong:

487
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Bakit nangyayari ang ganoong kasawian sa isang tao?
3. Ilarawan ang damdaming namayani sa iyo habang
tinitingnan mo ang larawan?
Pagkatapos, magtatalaga ang guro ng isang tagapagsalita sa
pangkat na magbabahagi ng kanilang pinag – usapan. Maaaring
magpalitan ng puna o feedback ang gurosa mga naging sagot ng
mga mag – aaral.
B. PAGLALAHAD Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa
Abstraksyon buhay ni Elias na maiuugnay sa iilang pangyayari sa
(Pamamaraan sa Pagtalakay) kasalukuyan.
Pangkat 1 Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde
Pangkat 2 Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig
Pangkat 3 Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa
(Maaaring magbigay ng feedback sa ginawang ulat ng mag -
aaral)
C. PAGSASANAY Ipasasagot ng guro sa bawat pangkat ang mahahalagang tanong
Mga Paglilinang na Gawain sa aralin gamit ang 3-2-1 strategy. Sa unang tanong, 3 sagot,
ikalawa 2 sagot, ikatlong tanong 1 sagot. Ipasulat s mga mag –
aaral ang mga sagot sa kartolina at ipapaskil ito. Hayaan ng guro
na nakapaskil ito hanggang sa matapos ang aralin.

Mga Tanong:
1. Bakit natututong lumaban o maghimagsik ang tao?
2. Paano ipinakita ni Elias ang pagmamahal sa isang
kaibigan?
3. Sino ang sinisimbolo ni Elias?
D. PAGLALAPAT Papangkatin ang klase sa lima. Pipili ang bawat grupo ng isang
Aplikasyon larawan na pwedeng maiuugnay sa buhay ni Elias na ilalagay sa
timeline ng facebook page na gawa ng guro. Ang larawang
nailagay sa timeline ay bibigyan ng pagpapaliwanag.

488
E. PAGLALAHAT Bilang isang mag – aaral, ano ang pakiramdam na nakatulong ka
sa iyong kapwa? Ang pagtulong ba ay bukas sa iyong kalooban?
IV PAGTATAYA Pumili ng isang kaibigan na maituturing na pinakamatalik.
Maglahad ng iilang sitwasyong sa tingin mo ay may
naitulong/naiambag sa iyong buhay.
V TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga Kulturang Pilipino.

489
PAKSA: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Tauhan (B. Elias)

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Elias

Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa


kasalukuyan na may pagkakatulad sa nagging desisyon ni Elias
na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa
pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a)
masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga
pahayag, e) presentasyon

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?


2. Bakit nangyayari ang ganoong kasawian sa isang tao?
3. Ilarawan ang damdaming namayani sa iyo habang tinitingnan mo ang larawan?

GAWAIN 1

Bubuo ang guro ng circle group sa klase (nasa guro na kung ilang miyembro bawat pangkat).
Magpakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng kasawiang nararanasan ng mga tao. Bigyan ang
mag – aaral ng pagkakataong pag – usapan ang nasa larawan. Maaaring gawing gabay ang mga tanong:

Pagkatapos, magtatalaga ang guro ng isang tagapagsalita sa pangkat na magbabahagi ng kanilang pinag –
usapan. Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang gurosa mga naging sagot ng mga mag – aaral.

490
PAGSUSURI
Gawain 2. Iulat mo

Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias na maiuugnay sa iilang
pangyayari sa kasalukuyan.

Pangkat 1 Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde


Pangkat 2 Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig
Pangkat 3 Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa

(Maaaring magbigay ng feedback sa ginawang ulat ng mag - aaral)

ALAM MO BA NA

Kabanata 45: Nagsadya sa kabundukan si Elias upang makipagkita kay Kapitan Pablo, isa sa mga pinag
– uusig ng pamahalaan. Ibig ni Elias na iwan na ng matanda ang pamumundok, sumama sa kanya sa
Hilaga at magsama silang parang mag – ama. Sinabi niya sa kapitan na may kaibigan siyang mayaman
at kaibigan ng Kapitan – Heneral, si Ibarra. Sinabi niyang makatutulong ang binate sa pagpaparating
sa Madrid ng kanilang mga kairingan.

Kabanata 49: Habang namamangka sa lawa, inilahad ni Elias kay Ibarra ang mga karaingan ng mga
pinag-uusig. Sinabi ni Ibarra na hindi kailangan ang pagbabago, na ang mga guardia civil ay kailangan
ng pamahalaan at ang kasiraan ng korporasyon ng mga prayle ay isang masamang kahilingan.

Kabanata 61: Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan
na ang pagtakas ng binate. Pumasok si Elias sa Ilog Beata upang akalaing taga-Penafrancia siya. Nang
makarating sila sa lawa, nabanaagan ni Elias ang palwa kaya pinahiga niya sa bangkasi Ibarra at
tinakpan ng bayong. Binago ni Elias ang bangka ngunit may sumulpot na isa pang palwa. Ipiniit ni
Elias ang Bangka patungong pulo ng Talim. Dalawa na ang tumutugis sa kanila.

PAGSASANAY
PAGSASA NAY
GAWAIN 3:

Ipasasagot ng guro sa bawat pangkat ang mahahalagang tanong sa aralin gamit ang 3-2-1 strategy.
Sa unang tanong, 3 sagot, ikalawa 2 sagot, ikatlong tanong 1 sagot. Ipasulat sa mga mag – aaral ang mga
sagot sa kartolina at ipapaskil ito. Hayaan ng guro na nakapaskil ito hanggang sa matapos ang aralin.

MgaTanong:

1. Bakit natututong lumaban o maghimagsik ang tao?


2. Paano ipinakita ni Elias ang pagmamahal sa isang kaibigan?
3. Sino ang sinisimbolo ni Elias?

491
PAGLALAPAT

Papangkatin ang klase sa lima. Pipili ang bawat grupo ng


isang larawan na pwedeng maiuugnay sa buhay ni Elias na ilalagay
sa timeline ng facebook page na gawa ng guro. Ang larawang
nailagay sa timeline ay bibigyan ng pagpapaliwanag.

T ANDAAN

Ang Kahalagahan ng Mabubuting Kaibigan

Ang mga kaibigan ay may malakas na impluwensya sa ating pagkilos, lalo na sa ating kabataan.
“Malaki ang magiging impluwensya nila sa inyong pag-iisip at pagkilos, at maging sa kahihinatnan
ng inyong pagkatao.” At kapag mabubuting kaibigan ang pinili ninyo, “malaking kalakasan at
pagpapala sila sa inyo. … Tutulungan nila kayong maging mas mabuting tao at gagawing mas madali
para sa inyo na ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.”Ang pagkakaroon ng mga kaibigan batay sa
alituntuning ito ay tutulong sa kabataan na bumuo ng mga pakikipag-ugnayan na magtatagal at
pakikihalubilo na higit pa sa pagiging “mga kaibigan” sa mga social networking site. Bilang
magulang matutulungan mo ang iyong mga anak na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging
mabuting kaibigan at pagpili ng mga kaibigan na hihikayat sa kanilang ipamuhay ang ebanghelyo.
Ang sumusunod na mga mungkahi ay maaaring makatulong.
https://www.lds.org/liahona/2013/04/the-importance-of-good-friends?lang=tgl

PAGTATAYA

Pumili ng isang kaibigan na maituturing na pinakamatalik. Maglahad ng iilang sitwasyong


sa tingin mo ay may naitulong/naiambag sa iyong buhay.

492
TAKDANG ARALIN
Saliksikin Mo

Magsaliksik ng mga Kulturang Pilipino.

493
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 3 - 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 4.3 – 4.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang
pangyayari sa buhay ni Elias
Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa
kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na
pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa
pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a)
masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga
pahayag, e) presentasyon

Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanatang


nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano.
(F9PB-
(F9PB -IVe-
IVe- f-59)
59)
Nakikibahagi sa pagsulat at pagtatanghal ng pagsasadula ng ilang
isyung binanggit sa akda na makatotohanan pa rin sa
kasalukuyan.
(F9PU-
(F9PU -IVe-
IVe- f-61)
I LAYUNIN
Kaalaman : Natutukoy ang mga Kulturang Pilipino;
Saykomotor: Naisasadula ang nagawang komik istrip ng mga mahahalagang
pangyayari tungkol sa Kulturang Pilipino;at
Apektiv: Napapanatili ang mga Kulturang Pilipino.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Kabanata 23 – Ang Pangingisda


Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino
Kabanata 63 – Noche Buena
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me Tangere ni Dr.
Jose Rizal. Vibal Publishing House, Inc., Metro Manila, 2002.

C.KAGAMITANG Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat,


PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Ano – ano ang mga Kulturang Pilipino?


Pangmotibasyunal na tanong: 2. Sa tingin ninyo ang mga kulturang inyong nabanggit ay
napahahalagahan pa rin ba sa kasalukuyan?
Aktiviti / Gawain 3. Paano mo mapahahalagahan ang mga Kulturang Pilipino?

Papangkatin ang klase sa lima. Gamit ang Picture Perfect ay


ipapakita ng bawat pangkat ang iilang Kulturang Pilipino na
ibibigay ng guro.

494
B. PAGLALAHAD Pangkatang pag – uulat .
Abstraksyon Pangkat 4 Kabanata 23 – Ang Pangingisda
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Pangkat 5 Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino
Pangkat 6 Kabanata 63 – Noche Buena
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng
mga mag - aaral)

C. PAGSASANAY Ipapaliwanag sa mag – aaral ang kulturang Pilipinong inilahad sa


Mga Paglilinang na Gawain aralin at ang kalagayan nito sa kasalukuyan. Gamit ang Triple
Entry Journal.

Mga Kulturang Saang Kabanata Kalagayan ng mga


Pilipino na ito Makikita Kulturang ito sa
inilahad sa Aralin Kasalukuyan

D. PAGLALAPAT Pagpapasadula sa nagawang Komik Istrip ng mga mahahalagang


Aplikasyon pangyayari tungkol sa Kulturang Pilipino.

495
Malaya ang guro sa pagpapangkat ng klase at pagbubuo ng
rubrik na pagbabasehan sa pagsasadula.
E. PAGLALAHAT Bilang isang Pilipino, buong puso mo ba na niyakap ang
kulturang pamana ng nakaraan? Paano mo ito pahahalagahan
para sa kasalukuyan maging sa hinaharap?
IV PAGTATAYA Ipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa
kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na
pagtubos sa buhay ng isang kaibigan.

Ang pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na


pamantayan:
 Masining
 Orihinal
 Makatotohanan
 Kaangkupan ng mga pahayag
 Presentasyon
(Maaaring bumuo ng sariling rubrik ang guro sa pagtataya)
V TAKDANG-ARALIN Paunang basahin ang mga kabanata na may kaugnayan sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara.
Mga Kabanata:
VI-(Si Kapitan Tiyago)
VII-(Suyuan sa Asotea)
XXII-(Liwanag at Dilim)
XXIV-(Sa Gubat)
XXVII-(Dapithapon)
XXVIII-(Mga Sulat)
XXXVI-(Mga Suliranin)
XXXVII-(Ang Kapitan Heneral)
XXXVIII-(Ang Prusisyon)
XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana)
XLIV-(Ang Pangungumpisal)
XLVIII-(Mga Talinghaga)
LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

496
PAKSA: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Tauhan (B. Elias)

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Elias

Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa


kasalukuyan na may pagkakatulad sa nagging desisyon ni Elias
na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa
pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a)
masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga
pahayag, e) presentasyon

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Ano – ano ang mga Kulturang Pilipino?


2. Sa tingin ninyo ang mga kulturang inyong nabanggit ay napahahalagahan pa rin
ba sa kasalukuyan?
3. Paano mo mapahahalagahan ang mga Kulturang Pilipino?

GAWAIN 1

Papangkatin ang klase sa lima. Gamit ang Picture Perfect ay ipapakita ng bawat pangkat ang
iilang Kulturang Pilipino na ibibigay ng guro.

497
PAGSUSURI
Iulat mo

Pangkatang pag – uulat . Papangkatin ng guro ang klase para sa pag – uulat.

Pangkat 4 Kabanata 23 – Ang Pangingisda


Pangkat 5 Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino
Pangkat 6 Kabanata 63 – Noche Buena
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral

ALAM MO BA NA

Kabanata 23: Masayang nagkita-kita ang mga dalaga’t binate sa pistang pambukid ni Ibarra. Sumakay
sila sa dalawang malaking bangkang magkakabit. Nagtungo sila sa unang baklad upang kumuha ng
mga isdang kanilang lulutuin. Gayon na lamang ang pagtataka nila nang walang isdaang baklad.

Kabanata 62: Ang balitang nalunod si Ibarra’y tuluyang pumaram sa pagnanais ni Maria Clara na
makibaka, maghintay at magtiwala. Sa pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni Padre Damaso ang
dahilan ng pag –ayaw niya kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na ang binate, ang tanging
nalalabi sa kanya ay ang kumbento o ang kamatayan.

Kabanata 63:Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita.
Kung kailan nagising ang nagugulping na isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka
naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay Binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat
ng araw sa kanyang bayan.

PAGSASANAY
GAWAIN 3:

Ipapaliwanag sa mag – aaral ang kulturang Pilipinong inilahad sa aralin at ang


kalagayan nito sa kasalukuyan. Gamit ang Triple Entry Journal.

Mga Kulturang Saang Kabanata ito Kalagayan ng mga


Pilipino na inilahad Makikita Kulturang ito sa
sa Aralin Kasalukuyan

PAGLALAPAT

Pagpapasadula sa nagawang Komik Istrip ng mga mahahalagang pangyayari tungkol sa Kulturang


Pilipino.

498
Malaya ang guro sa pagpapangkat ng klase at pagbubuo ng rubrik na pagbabasehan sa pagsasadula.

T ANDAAN

Ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwala kaugaliang natutuhan ng tao mula sa
kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang
humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo.

Maraming paraan upang mapagyaman at mapalaganap ang kulturang Pilipino. Ngunit ang unang
hakbang ay matutunan mong mahalin ito at huwag ikahiya sa iba. Matutong ibahagi sa iyong kapwa
ang iyong kultura.

PAGTATAYA

Ipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa


naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan.

Ang pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan:

 Masining
 Orihinal
 Makatotohanan
 Kaangkupan ng mga pahayag
 Presentasyon

(Maaaring bumuo ng sariling rubrik ang guro sa pagtataya)

499
TAKDANG
TAKDANG ARALIN
Basahin Mo

Paunang basahin ang mga kabanata na may kaugnayan sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

Mga Kabanata:

VI-(Si Kapitan Tiyago)


VII-(Suyuan sa Asotea)
XXII-(Liwanag at Dilim)
XXIV-(Sa Gubat)
XXVII-(Dapithapon)
XXVIII-(Mga Sulat)
XXXVI-(Mga Suliranin)
XXXVII-(Ang Kapitan Heneral)
XXXVIII-(Ang Prusisyon)
XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana)
XLIV-(Ang Pangungumpisal)
XLVIII-(Mga Talinghaga)
LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

500
IKALIMANG LINGGO
LING GO - SESYON 1 - 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1-2 (Aralin 5.1 – 5.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling
kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng
katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan
Kompetensi: Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa pag – ibig.
(F9B-
(F9B -IV-
IV -j -61)
Naipahahayag kung paano nakatulong ang karanasan
ng mga tauhan upang mapabuti ang sariling ugali,
pagpapahalaga at buong katauhan. (F9PS-IVi-j-63)
Naibabahagi ang sariling damdamin sa naging
kapalaran ng tauhan sa akda at ang pag – unawa sa
damdamin ng tauhan batay sa napakinggang talakayan
(F9PN-
(F9PN- IVi-
IVi-j-61)
I LAYUNIN Nakapagbubuo nang mabisang pananaw tungkol sa
Kaalaman : pag – ibig.
Saykomotor: Naihahambing at naibabahagi ang mga ideya sa
kababaihan sa nakaraan at sa kasalukuyan.
Apektiv: Napahahalagahan ang mga pangyayaring nagpapakita
ng pagpapahalagang Pilipino
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng (C. Maria


Clara)
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila
Paper, Panulat, Larawan
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pag – ibig?


Pangmotibasyunal na tanong: Naranasan mo na bang umibig?
Gaano makapangyarihan ang pag – ibig?
Aktiviti / Gawain

Papangkatin ng guro ang klase, depende na sa guro


kung ilang pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng isang
hugot lines na ukol sa pag – ibig. Pagkatapos ay
ibabahagi ito sa klase.

501
B. PAGLALAHAD Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang
Abstraksyon pangyayari sa buhay ng tauhan(C. Maria Clara)
(Pamamaraan sa Pagtalakay) maaring gumamit ng estratehiyang Story Ladder.
Depende na sa guro kung paano niya hahatiin ang
kabanata sa pag – uulat.
VI-(Si Kapitan Tiyago)
VII-(Suyuan sa Asotea)
XXII-(Liwanag at Dilim)
XXIV-(Sa Gubat)
XXVII-(Dapithapon)
XXVIII-(Mga Sulat)
XXXVI-(Mga Suliranin)
XXXVII-(Ang Kapitan Heneral)
XXXVIII-(Ang Prusisyon)
XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana)
XLIV-(Ang Pangungumpisal)
XLVIII-(Mga Talinghaga)
LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa
ginawang ulat ng mga mag - aaral)

Story Ladder

C. PAGSASANAY Paghambingin ang babae Noon at Ngayon


Mga Paglilinang na Gawain Ibigay ang kani – kanilang mga katangian
Sino sa kanila ang nais mong tularan?

502
Noon Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na


magpalitan ng kanilang mga hinuha.
D. PAGLALAPAT Ipauulat ang natapos na gawain at ito’y bibigyan ng
Aplikasyon feedback, (Maaaring guro o mag - aaral)

E. PAGLALAHAT 1. Paano mo maipapakita ang tunay na pagmamahal


sa taong itinatangi?
2. Bakit sinisimbolo ni Maria Clara ang mga
katangian ng isang tunay na Pilipina gayong sa
nobela siya ay inilarawan bilang isang mahinang
babae?
IV PAGTATAYA Pagpapaliwanag:
Anong pagpapahalagang Pilipino na nakapaloob sa
araling ito?

V TAKDANG-ARALIN Muling pag – aralan ng masinsinan ang mga


pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

503
PAKSA: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Tauhan (C. Maria Clara)

TUKLASIN

Si Maria Clarang mabining kumilos, mapagmahal sa kasintahan at magulang. Bagamat nagpakita ng


kahinaan sa larangan ng pag – ibig nangangahulugan lamang na mas pinili niya ang sariling kabiguan
kaysa sariling kaligayahan mapasaya lamang ang mga magulang. Marahil ito’y taglay din ng mga Pilipina
sa kasalukuyan.

Mga Kabanatang May Kauganayan sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara

Kabanata VI (Si Kapitan Tiyago)


Kabanata VII (Suyuan sa Asotea)
Kabanata XXII (Liwanag at Dilim)
Kabanata XXIV (Sa Gubat)
Kabanata XXVII (Dapit Hapon)
Kabanata XXVIII (Mga Sulat)
Kabanata XXXVI (Mga Suliranin)
Kabanata XXXVII (Ang Kapitan Heneral)
Kabanata XXXVIII (Ang Prusisyon)
Kabanata XLII (Ang Mag – asawang De Espadana)
Kabanata XLIV (Ang Pangungumpisal)
Kabanata XLVIII (Mga Talinghaga)
Kabanata LX (Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Maria Clara

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling kuwentong


dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang
Maria Clara sa kasalukuyan

MOTIBASYUNAL NA TANONG

4. Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pag – ibig?


5. Naranasan mo na bang umibig?
6. Gaano makapangyarihan ang pag – ibig?

504
GAWAIN 1

Papangkatin ng guro ang klase, depende na sa guro kung ilang pangkat. Bawat pangkat ay
bubuo ng isang hugot lines na ukol sa pag – ibig. Pagkatapos ay ibabahagi ito sa klase.

PAGSUSURI
GAWAIN 2: Iulat mo

Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng


tauhan(C. Maria Clara) maaring gumamit ng estratehiyang Story Ladder. Depende na sa
guro kung paano niya hahatiin ang kabanata sa pag – uulat.

Mga Kabanatang May Kauganayan sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara.

Kabanata VI (Si Kapitan Tiyago)


Kabanata VII (Suyuan sa Asotea)
Kabanata XXII (Liwanag at Dilim)
Kabanata XXIV (Sa Gubat)
Kabanata XXVII (Dapit Hapon)
Kabanata XXVIII (Mga Sulat)
Kabanata XXXVI (Mga Suliranin)
Kabanata XXXVII (Ang Kapitan Heneral)
Kabanata XXXVIII (Ang Prusisyon)
Kabanata XLII (Ang Mag – asawang De Espadana)
Kabanata XLIV (Ang Pangungumpisal)
Kabanata XLVIII (Mga Talinghaga)
Kabanata LX (Ang Pagpapakasal ni Maria Clara

Story Ladder

505
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral)

ALAM MO BA NA

Kabanata 6: Kung si Don Rafael ang pinakamayaman sa San Diego, si Kapitan Tiyago naman ang sa
Binundok. Kasundo siya ng Diyos, ng pamahalaan at ng mga tao.

Kabanata 7: Pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t


magkasintahang Crisostomo at Maria Clara. Nanatili silang tapat at di nakalilimot sa isa’t isa.

Kabanata 22: Nagkaroon ng anas-anasan sa mga pagbabagong nakikita kay Padre Salvi. Bumalik
naman si Ibarra sa bahay nina Maria Clara pagkaraan ng ikatlong araw at ibinalita nito na matutupad
sa kinabukasan ang ipinangako niyang pistang pambukid.

Kabanata 24: Idinaos ang pistang pambukid ni Ibarra. Dumating ang kura habang naglalakad sa batis
sina Maria Clara. Nakinig siya sa pinag – uusapan ng mga dalaga. Nang makita ang kura at alperes, ang
pag-uusap nila’y nauwi sa pagtatalo. Habang naglalaro ng ahedres sina Kapitan Basilio at Ibarra, isang
telegram ang tinanggap ni Ibarra.

Kabanata 27: Inanyayahang mamasyal ng mga kaibigang dalaga si Maria Clara. Kasama nila sina
Ibarra at Tiya Isabel. Sa liwasan, naawa si Maria Clara sa ketongin. Inilagay niya sa bakol nito ang
relikaryong kabibigay pa lamang ng kanyang ama.

Kabanata 28: Ang pagdaraos ng kapistahan ng San Diego ay inilathala ng isang kilalang pahayagan sa
Maynila. Isang liham ang ipinadala ni Kapitan Manuel Aristorenas kay Luis Chiquito. Samantala,
tumanggap naman ng liham si Ibarra mula kay Maria Clara.

Kabanata 36: Nilapatan ng excomunion si Ibarra dahil sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Pati
si Kapitan Tiyago ay magiging excomulgado kung di niya sisirain ang kasunduan ng kasal nina Maria
Clara at Ibarra. Ni hindi na maaaring kausapin ng binate si Maria Clara.

Kabanata 37: Magaan ang loob ng Kapitan-Heneral kina Maria Clara at Ibarra. Nagpasalamat ang
Kapitan-Heneral kay Maria Clara dahil sa pagkakapigil nito kay Ibarra sa tangkang pagpatay kay
Padre Damaso. Hinangaan naman ng Kapitan-Heneral si Ibarra. Ang mga pahayag ng binate na
nagpapahiwatig ng katalinuhan, pagkamakabayan, pagkamapagpakumbaba. Ngunit hinayang na
hinayang ang Kapitan-Heneral kay Ibarra.

Kabanata 38: Sa prusisyon, kapansin-pansin ang diskriminasyon ng mga prayle. Ang mga paborito
nilang santo ay magara ang kasuotan at ang gayak ng karo ay naiilawang mabuti. Sumama sa
prusisyon ang matataas na pinuno at kilalang mamamayan. Ang iba ay nag-abang sa bintana ng
kanilang bahay. Ngunit nasaan si Dona Consolacion?

Kabanata 42: Tumuloy kina Kapitan Tiyago ang mag-asawang De Espadana upang gamutin si Maria
Clara. Kasama nila si Linares, ang binatang pamangkin ni Don Tiburcio.

Kabanata 44: Lahat ay ginawa ng mga nagmamahal kay Maria Clara upang siya ay gumaling.
Ipinadoktor, ipinagmisa, ipinagtulos ng kandila at higit sa lahat, ipinagkumpisal at hinatdan ng
viatico. Kay Elias nabalitaan ni Ibarra na nagkasakit si Maria Clara nang minsang dumalaw ang piloto
upang ipaalam ang pagtungo niya sa Batangan.

Kabanata 48: Dumating kinabukasan si Ibarra kina Kapitan Tiyago upang ibalita na siya’y di na
excomulgado. May dala siyang sulat ng arsobispo para sa kura. Nadatnan niyang si Maria Clara na

506
nakaupo sa balkonahe habang namimitas ng mga rosas at sampaga si Linares. Namula si Maria Clara
at namutla si Linares nang makita nila si Ibarra. Nang siya’y umalis, ang puso ni Ibarra’y ginugutay ng
pag-aalinlangan.

Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling panahon gaya ng
napagkasunduan nina Kapitan Tiyago at Dona Victorina. Iba-iba ang naririnig ni Maria Clara hinggil
sa kanya at kay Ibarra na labis nakasakit sa kanyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas
siya sa asotea at tumanaw sa ilog. Ilang sandali pa, isang bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni
Kapitan Tiyago. Isa sa dalawang lulan nito ang umakyat sa kinaroroonan ng dalaga.

PAGSASANAY
GAWAIN 3:Paghambingin
3: ang babae Noon at Ngayon

Ibigay ang kani – kanilang mga katangian


Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha.

Noon Ngayon

PAGLALAPAT
Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling
Dula - dulaan”

Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang anak.


Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may taning na ang kanyang buhay.
Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam sa mga anak.

T ANDAAN

Ang pag – ibig ay sadyang makapangyarihan sapagkat hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Kayang pasukin ang butas ng karayom para sa itinatangi. Nagging simbolo si Maria Clara bilang
dalagang Pilipina sapagkat taglay niya ang mga katangian ng isang Pilipina ang pagiging
mahinhin,mapagkumbaba,marespeto at mapagmahal na tao.

507
PAGTATAYA
Pagpapaliwanag:

Anong pagpapahalagang Pilipino na nakapaloob sa araling ito?

TAKDANG ARALIN
Busisiin Mo

Muling pag – aralan nang masinsinan ang mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

508
IKALIMANG LINGGO - SESYON 3 - 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 5.3 – 5.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling
kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng
katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan
Kompetensi: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa (F9PT-IVi-
j-60)
Nagagamit ang mga kasanayang komunikatibo sa lahat
ng mga gawain sa klase. (F9WG-IVi-j-63)
Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka –
video clip. (F9PD-IVi-j-60)
Naitatanghal ang dulang panteatro na pumapaksa sa
ilang napapanahong isyung panlipunan. (F9PU-IVi-j-
63)
I LAYUNIN Nabibigyan ng kahulugan ang mga salita at nagagamit
Kaalaman : sa pangungusap;
Saykomotor: Nakabubuo ng isang tula na may kaugnayan sa isyung
panliligaw noon o ngayon; at
Apektiv: Naipagpapatuloy ang kawilihan sa napanood na video
clip hinggil sa kaibahan ng panliligaw noon at ngayon.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng (C. Maria


Clara)
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila
Paper, Panulat, Larawan o Video Player, TV
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Naranasan niyo na bang manligaw o ligawan?


Pangmotibasyunal na tanong: 2. Anong klaseng panliligaw ang iyong naranasan?
3. Anong mas maganda ang panliligaw noon o
Aktiviti / Gawain ngayon?

 Pipili ang guro ng iilang mag – aaral na


magsasabuhay tungkol sa panliligaw noon at
ngayon.
B. PAGLALAHAD Pagpapanood ng isang video clip.
Abstraksyon
(Pamamaraan sa Pagtalakay) https://www.youtube.com/watch?v=ehhu6-wN1RU
 Pagkatapos ay iuugnay ito sa mga pangyayari sa
buhay ni Maria Clara.
Mga Gabay na tanong:

509
1. Ano ang kaugnayan ng video sa mga pangyayari sa
buhay ni Maria Clara?
2. May malaki ba na kaibahan ang suyuan noon at
ngayon?
3. May malaki bang papel ang magulang sa
sitawsyong ipinapakita sa video?
4. Ano ang nais ipahiwatig ng Video Clip para sa
mga manonood?

 Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang


gurosa mga naging sagot ng mga mag – aaral.

Teoryang Dekonstruksyon
Isang paraan ng pag – aanalisa ng akda. Batay ito sa
ideyang walang permanenteng kahulugan ang akda
dahil ang wika ay di matatag at nagbabago. Dahil dito,
higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may – akda
sa pagtiyak ng kahulugan ng akda.

APAT NA KOMPONENT
KOMPONENT O SANGKAP NG
KASANAYANG KOMUNIKATIBO
Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang
isang tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta it sa
kanyang puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap
gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi mo
naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang
matiyak na naipaabot mo ang iyong mensahe at
kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap?
Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa
paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na
nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng
bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na
komponent ng kasanayang komunikatibo ayon kina
Michael Canale at Merril Swain.
• Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-
kakayahan sa nagsasalita upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang angkop na mga
tuntuning pang-gramatika. Mahalagang batid niya
ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit
ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita,
pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at
maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang
komponent na ito ay nagsasaad kung anu-anong
mga salita ang angkop at kung kaila sila nagagamit
nang tama gamitin sa pagsasalita o sa
pakikipagusap.

“Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting


pagkakamali at di na nagkakaintindihan.”
• Sosyo-
Sosyo- Lingguwistik - ang komponent na
nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang
magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at

510
sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan
ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit
ang salitang angkop para sa hinihinging
pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng
isang taong mahusay lang magsalita kompara sa
isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas,
ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring
magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na
puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig
na siya'y walang galang, mayabang , o naiiba. Sa
pakikipag-usap, importanteng malaman natin
kung anong mga wika ang ginagamit, ng iyong
kausap, hindi kung ano lang ang kanyang
naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyo-
lingguwistik na diskorsal kung anong salita ang
angkop sa isang partikular na lugar.
• Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-
kakayahang magamit ang wikang binibigkas at
wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang
paraan upang maipabatid ang mensahe at
maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito
binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita,
pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang
mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng
paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang
mga salita, parirala, at pangugusap ay
mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay upang
makabuo ng maayos na usapan , sanaysay,
talumpati, e-mail at artikulo.
• Strategic - ang komponent na nagbibigay-
kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na
mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw
ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga
hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa
komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita
na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang
binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga
hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng
kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang
maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga
katutubong nagsasalita ng isang wika ay
gumagamit din ng strategic kapag minsang
nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo
na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang
tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino na
madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o
pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung
nasaan ang isang lugar. Isinasaalang-alang sa
strategic na diskorsal kung paano malalaman kung
hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng
kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang
gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o

511
gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito
kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang
hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang
iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa
isang bagay.
Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang
sa pakikipagusap sa isang tao upang kayo ay mas
magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay
malaki rin tulong upang magkaunawaan parin kayo ng
iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa wikang
kanyang ginagamit.

C. PAGSASANAY Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa kahon at


Mga Paglilinang na Gawain gamitin ang mga ito sa pangungusap.
Mga Salita Pangungusap

Pag - uulayaw

Asotea

Pag – iisang
dibdib

D. PAGLALAPAT Papangkatin ang klase at depende na sa guro kung


Aplikasyon ilang pangkat at magpapagawa ng isang tula hinggil sa
panliligaw maging ito man ay sa noon o ngayon.
Pagkatapos ay ibahagi sa klase.
E. PAGLALAHAT Gaano kahalaga ang panliligaw?

IV PAGTATAYA Dalawahan na Gawain


Ipasulat ang maikling kuwentong dekonstruksyon
tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang Maria
Clara sa kasalukuyan.
Pamantayan:
5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman
2- May Pag-unlad
1- Pasimula
V TAKDANG-ARALIN Paunang basahin ang mga kabanatang ang mga
pangyayari ay may kaugnayan sa buhay ni Sisa.
Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.

512
PAKSA: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Tauhan (C. Maria Clara)

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Maria Clara

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling kuwentong


dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang
Maria Clara sa kasalukuyan

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Naranasan niyo na bang manligaw o ligawan?


2. Anong klaseng panliligaw ang iyong naranasan?
3. Anong mas maganda ang panliligaw noon o ngayon?

GAWAIN 1

 Pipili ang guro ng iilang mag – aaral na magsasabuhay tungkol sa panliligaw noon at ngayon.

PAGSUSURI
Gawain 2. Panoorin mo
Pagpapanood ng isang video clip.

https://www.youtube.com/watch?v=ehhu6-wN1RU
 Pagkatapos ay iuugnay ito sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

Mga Gabay na tanong:


1. Ano ang kaugnayan ng video sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara?
2. May malaki ba na kaibahan ang suyuan noon at ngayon?
3. May malaki bang papel ang magulang sa sitawsyong ipinapakita sa video?
4. Ano ang nais ipahiwatig ng Video Clip para sa mga manonood?
(Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang guro sa mga naging sagot ng mga mag – aaral.)

513
ALAM MO BA NA

Teoryang Dekonstruksyon
Dekonstru ksyon
Isang paraan ng pag – aanalisa ng akda. Batay ito sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang
akda dahil ang wika ay di matatag at nagbabago. Dahil dito, higit na mahalaga ang mambabasa kaysa
sa may – akda sa pagtiyak ng kahulugan ng akda.

APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO


Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta
it sa kanyang puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit
hindi mo naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang iyong
mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap?

Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular
na nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na
komponent ng kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at Merril Swain.

Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong


makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang
tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap,
tamang pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay
nagsasaad kung anu-anong mga salita ang angkop at kung kaila sila nagagamit nang tama gamitin sa
pagsasalita o sa pakikipagusap.

“Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan.”

• Sosyo-
Sosyo- Lingguwistik - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang
magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan
ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging
pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara
sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay
maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa
tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang , o naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng
malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit, ng iyong kausap, hindi kung ano lang
ang kanyang naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyo-lingguwistik na diskorsal kung
anong salita ang angkop sa isang partikular na lugar.
• Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at
wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at
maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang
salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na
kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at
pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na
usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo
• Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na
mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang
mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-
aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang

514
paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng
mukha upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng
isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang
bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala rito
ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay
kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal
kung paano malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap mo o kung
hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o gagawin mo
upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang hindi
mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa
isang bagay.
Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa pakikipagusap sa isang tao
upang kayo ay mas magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki rin
tulong upang magkaunawaan parin kayo ng iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa
wikang kanyang ginagamit.

PAGSASANAY

Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa kahon at gamitin ang mga ito sa pangungusap.

Mga Salita Pangungusap

Pag - uulayaw

Asotea

Pag – iisang dibdib

PAGLALAPAT

Papangkatin ang klase at depende na sa guro kung ilang pangkat at magpapagawa ng isang tula
hinggil sa panliligaw maging ito man ay sa noon o ngayon. Pagkatapos ay ibahagi sa klase.

T ANDAAN

Sadyang napakahalaga ang panliligaw sa larangan ng pag-ibig dahil dito mo makikita kung anong
klaseng pag-uugali ang taong magiging kabiyak sa iyong buhay. Makikita sa panliligaw ang
pagrerespeto ng lalaki sa babae at lalong-lalo na sa magulang ng nililigawan.

515
PAGTATAYA
Dalawahan na Gawain

Ipasulat ang maikling kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng


isang Maria Clara sa kasalukuyan.

Pamantayan:
5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman
2- May Pag-unlad
1- Pasimula

TAKDANG ARALIN
Basahin Mo

Paunang basahin ang mga kabanatang ang mga pangyayari ay may kaugnayan sa buhay ni Sisa.Kabanata
15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.

516
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 1 - 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1-2 (Aralin 6.1 – 6.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario
Building tungkol kay Sisa sa makabagong panahon.
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay
sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan.
(F9PT-IVg-h-60)
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
aralin gaya ng pamamalakad ng pamahalaan,
paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapwa, kayamanan
at kahirapan at iba pa. (F9PB-IVg-h-60)
Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa narinig
na naging kapalaran ng tauhan sa nobela at ng isang
kakilalang may karanasang katulad ng nangyari sa
tauhan. (F9PN-IVg-h-60)
I LAYUNIN Nabibigyan ng kahulugan ang mga salita batay sa
Kaalaman : kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan;
Saykomotor: Nakabubuo ng isang tanaga na naglalaman ng mga
katangian o gawain ng isang butihing ina ;at
Apektiv: Napahahalagahan ang papel ng isang babae lalong –
lalo na ang ina sa lipunan.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng tauhan (Sisa)


B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila
Paper, Panulat, Larawan
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Importante ba ang inyong magulang sa inyong


Pangmotibasyunal na tanong: buhay?
2. Gaano ninyo kamahal ang inyong ina?
Aktiviti / Gawain 3. Kaya ba ninyong ipagtanggol kung sakaling may
umaapi sa kanila?

Pipili ng iilang mag – aaral ang guro na bubuo sa pira –


pirasong papel ng larawan ng isang ina at ama.
Paunahan ito sa pagbuo sa pamamagitan ng pagdidikit
nito sa pisara.
B. PAGLALAHAD Pangkatang pag – uulat sa mga pangyayari sa buhay ni
Abstraksyon Sisa sa paraang Story Frame
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Sisa:
Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa

517
ginawang ulat ng mga mag - aaral)
Mga Gabay na Tanong:
1. Ilarawan si Sisa. Anong uri siya ng ina? Asawa?
Bigyan ng halimbawa ang sagot.
2. Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa piling
ng asawa? Bakit?
3. Anong mensahe ang ibig ipaabot ni Rizal sa
kababaihang Pilipina sa pamamagitan ng katauhan
ni Sisa?
4. Sa kasalukuyan, ano ang kalagayan ng mga ginang
sa lipunan at sa sariling tahanan?
5. Sa ngayon, may tinatawag nang Feminist
Movement. Layunin ng samahang ito ang
pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga
kababaihan at kalalakihan. Sa kalagayan ni Sisa,
ano kayang karapatan ang nilalabag ng kanyang
asawa sa kanya?
C. PAGSASANAY Subukin ang Pagka – unawa
Mga Paglilinang na Gawain Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga
salitang italisado sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Anuman ang kanyang Maibigay


gawin, pilit na gumigiit
sa kanyang isipan ang
mapait na karanasan. Sumisiksik
2. Dahil sa pagkahayok ng
bata, naubos niya ang
pagkain para sa Katakawan
kanilang hapunan.
3. Dahil sa kanyang
pagsusugal, unti – unti Labis na kagutuman
niyang nalustay ang
kayamanang minana
niya. Masama
4. Nabisto ng kanyang
mga kaibigan ang
makahayop na ugali ng Nagasta
taong iyon.
5. Nang wala na silang
maitustos sa pag – aaral Naubos
ng anak, pinagtrabaho
nila ito.
D. PAGLALAPAT Pangkatang pagbabatuan ng tanaga. Bibigyan lamang
Aplikasyon ng 30 segundo ang bawat grupo para makabuo ng
tanaga na magiging panlaban sa ibang grupo.

518
Halimbawa:

E. PAGLALAHAT Hanggang saan maaaring humantong ang pagmamahal


ng isang magulang sa kanyang anak o ng isang anak sa
kanyang magulang?
IV PAGTATAYA Tatayain ang mga nagawang tanaga ng bawat grupo
ayon sa sumusunod na pamantayan.
Pamantayan Bahagdan
Kahusayan sa Pagtatanaga 35%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanaga 35%
Kabuuang Marka 100%
Marka:
Napakahusay – 100-91%
Mahusay – 90-81%
Mahusay-husay – 80-75%
Nagsisimula – 74%-pababa
V TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga sitwasyon sa kasalukuyan na may
kaugnayan sa isang ina.

519
PAKSA: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Tauhan (Sisa)

TUKLASIN

Makikilala rito si Sisa bilang ulirang ina at asawa. Hangga’t may mga Ina at asawang patuloy na
nagmamahal sa kanilang pamilya nang walang hinihinging kapalit, walang kondisyon, mananatiling may
Sisa sa modernong panahon. Mababatid din ditto ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa.

Mga kabanatang may kaugnayan sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa.

Kabanata XV (Ang mga Sakristan)


Kabanata XVI (Si Sisa)
Kabanata XVII (Si Basilio)
Kabanata XVIII (Nagdurusang mga Kaluluwa)
Kabanata XXI (Kasaysayan ng Isang Ina)
Kabanata XXXIX (Dona Consolacion)
Kabanata LXIII (Noche Buena)
Kabanata LXVII (Ang Dalawang Senyora)

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Sisa

Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario Building tungkol


kay Sisa sa makabagong panahon.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Importante ba ang inyong magulang sa inyong buhay?


2. Gaano ninyo kamahal ang inyong ina?
3. Kaya ba ninyong ipagtanggol kung sakaling may umaapi sa kanila?

GAWAIN 1

 Pipili ng iilang mag – aaral ang guro na bubuo sa pira – pirasong papel ng larawan ng isang ina at
ama. Paunahan ito sa pagbuo sa pamamagitan ng pagdidikit nito sa pisara.

PAGSUSURI
Gawain 2. Iulat mo

Pangkatang pag – uulat sa mga pangyayari sa buhay ni Sisa sa paraang Story Frame

Mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Sisa:

Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.


(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag - aaral)

520
Mga Gabay na Tanong:

1. Ilarawan si Sisa. Anong uri siya ng ina? Asawa? Bigyan ng halimbawa ang sagot.
2. Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa piling ng asawa? Bakit?
3. Anong mensahe ang ibig ipaabot ni Rizal sa kababaihang Pilipina sa pamamagitan ng katauhan
ni Sisa?
4. Sa kasalukuyan, ano ang kalagayan ng mga ginang sa lipunan at sa sariling tahanan?
5. Sa ngayon, may tinatawag nang Feminist Movement. Layunin ng samahang ito ang
pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa kalagayan ni Sisa, ano
kayang karapatan ang nilalabag ng kanyang asawa sa kanya?

ALAM MO BA NA

Kabanata 15: Ang magkapatid na sacristan ay sina Crispin at Basilio. Si Crispin, ang maliit, ay
pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan kaya ayaw pauwiin hangga’t hindi ito
inililitaw. Si Basilio, ang malaki’y minultahan dahil sa pagputol-putol na pagtugtog ng batingaw kaya
di makauuwi kundi sa ikasampu ng gabi.

Kabanata 16: Mababakas pa rin sa mukha ni Sisa ang kanyang kagandahan noong kabataan niya. Isa
siyang mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio subalit walang swerte sa lalaking kanyang
napangasawa.

Kabanata 17: Si Basilio’y isang mapagmahal na anak at kapatid. Nang gabing iyon, ipinagtapat niya sa
ina na ayaw na niyang magsakristan. Inilahad niya sa ina ang mga balak niya para sa kanilang mag-ina
na hindi kasama ang ama.

Kabanata 18: Nagtungo si Sisa sa kumbeto upang makausap ang kura at Makita ang anak na si Crispin.
Subalit may sakit ang kura at wala roon ang anak. Ayon sa isang utusan, si Crispin ay nagtanan din
pagkatapos nitong magnakaw sa kumbeto.

Kabanata 21: Sa labis na paghihirap ng loob at masidhing pag – aalala sa mga anak, ang isipan ni Sisa’y
lubhang naligalig. Kinabukasan, nakita na lamang siyang pagala-gala, ngumingiti, umaawit at
kinakausap ang lahat ng nilalang ng kalikasan. Ang kaawang-awang si Sisa ay nabaliw.

Kabanata 39: Lahat ay nagsaya sa kapistahan ni San Diego maliban kay Dona Consolacion.
Pinagbawalan siya ng alperes na lumabas dahil sa nakahihiya niyang anyo at pag-uugali. Ang
napagbuntunan ng Dona ng galit ay si Sisa na noon ay nakakulong sa bahay ng alperes.
Kabanata 63: :Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita.
Kung kalian nagising ang nagugulping na isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka
naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay Binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat
ng araw sa kanyang bayan.

Kabanata 47: Nag-away sina Dona Victorina at Dona Consolacion. Sa pag-aaway ng dalawang senora,
nadamay sina Don Tiburcio, Linares at ang alperes. Ibig ng “doktora” na hamunin ng kanyang esposo
o ni Linares ng barilan o sable ang alperes. Kung hindi susunod si Linares, ibubunyag ng Dona kung
sino talaga ang binate. Noon naman natuklasan ni Maria Clara na siya pala’y ipinagkasundo kay
Linares.

521
PAGSASANAY
GAWAIN 3

Subukin ang Pagka – unawa

Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga Mga Salita salitang italisado sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Anuman ang kanyang gawin, pilit na gumigiit sa kanyang Maibigay


isipan ang mapait na karanasan.
2. Dahil sa pagkahayok ng bata, naubos niya ang pagkain para sa Sumisiksik
kanilang hapunan.
3. Dahil sa kanyang pagsusugal, unti – unti niyang nalustay ang Katakawan
kayamanang minana niya.
4. Nabisto ng kanyang mga kaibigan ang makahayop na ugali ng Labis na kagutuman
taong iyon.
Masama
5. Nang wala na silang maitustos sa pag – aaral ng anak,
pinagtrabaho nila ito.
Nagasta

Naubos

PAGLALAPAT

Pangkatang pagbabatuan ng tanaga. Bibigyan lamang ng 30 segundo ang bawat grupo para makabuo
ng tanaga na magiging panlaban sa ibang grupo.

Halimbawa:

522
T ANDAAN

ANG PAGMAMAHAL NG MAGULANG AY HINDI MASUSUKLIAN KAILANMAN.

Maraming ibig sabihin ang pag-ibig. Marami rin ang uri nito at isa sa pinakadakilang pag-ibig ay ang
pag-ibig ng isang ina sa anak. Ang ina sa pagdarasal, ang mga dalangin niya ay napakamakapangyarian.
Bakit? Dahil ang panalangin niya ay may kahalong pagmamakaawa na dinggin ito ng Panginoon lalo na
kung nasa matinding pagsubok ang kanyang anak. Hindi niya inuuna ipanalangin ang kanyang
kaligtasan bagkus pinagninilayan muna ang dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa
lahat ng oras.

PAGTATAYA

Tatayain ang mga nagawang tanaga ng bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan.
Pamantayan Bahagdan
Kahusayan sa Pagtatanaga 35%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanaga 35%
Kabuuang Marka 100%

Marka:
Napakahusay – 100-91%
Mahusay – 90-81%
Mahusay-husay – 80-75%
Nagsisimula – 74%-pababa

TAKDANG ARALIN
Isaliksik Mo

Magsaliksik ng mga sitwasyon sa kasalukuyan na may kaugnayan sa isang ina.

523
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 3 - 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 6.3 – 6.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario
Building tungkol kay Sisa sa makabagong panahon.
Kompetensi: Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa:
pagpapaliwanag,paghahambing, pagbibigay ng
opinyon. (F9WG-
(F9WG -IVg-
IVg -h -62)
Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at
sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang
pantelebisyon o pampelikula. (F9PD-
(F9PD- IVg-
IVg -h -59)
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa
tungkulin ng ina at ng anak. (F9PS-
(F9PS- IVg-
IVg -h -62)
Naitatanghal ang scenario building tungkol kay Sisa sa
makabagong panahon. (F9PU-
(F9PU -IVg-
IVg -h -62)
Nasasaliksik ang mga pagkukunan ng impormasyon
upang mapagtibay ang paninindigan at makabuo ng
matibay na kongklusyon at rekomendasyon.
(F9EP-
(F9EP- IVe-
IVe -f -25)
I LAYUNIN Naihahambing ang isang ina noon at ngayon base sa
Kaalaman : naoobserbahan, nakita o napanood;
Saykomotor: Nakapagpepresenta ng mga eksenang kakikitaan ng
isang Sisa sa kasalukuyan;at
Nasusukat ang kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot
sa pangwakas na pagtataya.
Apektiv: Naiaangkop ang pagbibigay ng opinyon hinggil sa
tungkulin ng isang ina sa pamilya lalong – lalo na
kanyang anak.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng tauhan (Sisa)


B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal Publishing House,
Inc., Metro Manila, 2002.
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila
Paper, Panulat, Larawan
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Nagagampanan ba ng magulang o ng ina ang


Pangmotibasyunal na tanong: tungkulin sa inyo bilang anak?
2. Sa tingin ninyo sapat na ba ang pag – alaga nila sa
inyo o pag – alaga ninyo sa kanila?
3. Paano ninyo sinuklian ang pag – alagang ibinigay
Aktiviti / Gawain ng inyong ina?
 Pipili lamang ng mga mag – aaral na silang
magmamannequin challenge ng eksenang ibibgay
ng guro sa kanila. Bibigyan lamang ng 1 minuto

524
para sa paghahanda.
Mga eksena:
1. Pag – aalaga sa inang may karamdaman.
2. Pag – aaruga ng ina sa mga anak.
3. Ina noon at sa kasalukuyan.
B. PAGLALAHAD Pagpaparinig ng iilang movie trailer na may
Abstraksyon kaugnayan ng isang ina maging noon o sa
(Pamamaraan sa Pagtalakay) kasalukuyan.
https://www.youtube.com/watch?v=qF1pOscxB1k
https://www.youtube.com/watch?v=L9luOBLGFbo

Mga Gabay na Tanong:


1. Gaano ka epektibo ang pagganap ng mga tauhan
para maipakita ang sitwasyon na kawiwilihan?
2. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga
eksenang napanoood sa movie trailer?
3. Paano napupukaw ang damdamin ng bawat isa sa
sitawasyong binigyang buhay?
4. Ipinahihiwatig ba sa mga eksenang ipinakita ang
kahalagahan ng magulang/ina ng bawat isa?
5. Sa mga eksena, ano ang inyong naikintal sa puso’t
isipan?

C. PAGSASANAY 1. Paghambingin ang ina Noon at Ngayon


Mga Paglilinang na Gawain 2. Ibigay ang kani – kanilang mga katangian
3. Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Noon Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na


magpalitan ng kanilang mga hinuha.
D. PAGLALAPAT  Pangkatang pagpepresenta ng scenario building
Aplikasyon hingil sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan na may
kaugnayan sa katangian ng isang magulang o ina.
 Depende na sa guro kung ilang pangkat ang
bubuuin at ilang minute ang ibibigay para sa
gawain.
 Tatayain ang mga naipresenta na scenario
building ng bawat grupo ayon sa sumusunod na
pamantayan.

525
Pamantayan
Orihinal,
Makatotohanan,
Kaangkupan ng mga pahayag,
Presentasyon,
Napapanahaon.

(Maaaring bumuo ng rubrik ang guro para sa


pagtataya.)
E. PAGLALAHAT Napagtagumpayan ba ng inyong mga magulang lalong-
lalo na ang inyong Ina ang kanilang mga tungkulin?
Ikaw napagtagumpayan mo rin ba ang iyong tungkulin
bilang isang anak?
IV PAGTATAYA Pagpapasagot sa Pangwakas na Pagtataya

V TAKDANG-ARALIN Balik aralan ang mga natalakay para sa paghahanda sa


ikaapat na markahang pagsusulit.

526
PAKSA: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Tauhan (Sisa)

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Sisa

Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario Building tungkol


kay Sisa sa makabagong panahon.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Nagagampanan ba ng magulang o ng ina ang tungkulin sa inyo bilang anak?


2. Sa tingin ninyo sapat na ba ang pag – alaga nila sa inyo o pag – alaga ninyo sa
kanila?
3. Paano ninyo sinuklian ang pag – alagang ibinigay ng inyong ina?

GAWAIN 1

Pipili lamang ng mga mag – aaral na silang magmamannequin challenge ng eksenang ibibgay ng guro sa
kanila. Bibigyan lamang ng 1 minuto para sa paghahanda.

Halimbawa:

Mga eksena:
1. Pag – aalaga sa inang may karamdaman.
2. Pag – aaruga ng ina sa mga anak.
3. Ina noon at sa kasalukuyan.

527
ALAM MO BA NA

Pakinggan Mo

Pagpaparinig ng iilang movie trailer na may kaugnayan ng isang ina maging noon o sa kasalukuyan.

https://www.youtube.com/watch?v=qF1pOscxB1k
https://www.youtube.com/watch?v=L9luOBLGFbo

Mga Gabay na Tanong:


1. Gaano ka epektibo ang pagganap ng mga tauhan para maipakita ang sitwasyon na kawiwilihan?
2. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga eksenang napanoood sa movie trailer?
3. Paano napupukaw ang damdamin ng bawat isa sa sitawasyong binigyang buhay?
4. Ipinahihiwatig ba sa mga eksenang ipinakita ang kahalagahan ng magulang/ina ng bawat isa?
5. Sa mga eksena, ano ang inyong naikintal sa puso’t isipan?

PAGSASANAY

1. Paghambingin ang ina Noon at Ngayon


2. Ibigay ang kani – kanilang mga katangian
3. Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Noon Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha.

PAGLALAPAT
Pangkatang pagpepresenta ng scenario building hingil sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan na may
kaugnayan sa katangian ng isang magulang o ina.

Depende na sa guro kung ilang pangkat ang bubuuin at ilang minute ang ibibigay para sa gawain.
Tatayain ang mga naipresentang scenario building ng bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan.
Pamantayan
Orihinal,
Makatotohanan,
Kaangkupan ng mga pahayag,
Presentasyon,
Napapanahaon.

(Maaaring bumuo ng rubrik ang guro para sa pagtataya.)

528
T ANDAAN

PAGTATAYA

Pangwakas na Pagtataya
(Ikaapat na Markahan)

Alam kong nasiyahan ka sa paglakbay sa ikaapat na markahan.Sagutin ang pangwakas na pagtataya


upang maging gabay kung gaano na kalawak ang iyong natutuhan sa talakayan.

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang:
A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya
1. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay:
A. Laong-laan B. Lola Basyang C. Basang Sisiw D. Pepeng Agimat
2. Ang “Noli Me Tangere” ay inialay sa:
A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan
3. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay:
A. Sa Aking mga Kabata C. Inang Wika
B. Ang Pag-ibig D. Ang Batang Gamugamo
4. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang “Noli Me Tangere ay:
A. Paciano Rizal B. Ferdinand Blumentrit C. Maximo Viola D. Valentin Ventura
5. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere ang:
A. The Roots B. Iliad at Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle
Tom’s Cabin

529
6. Ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me Tangere”
A. HIV B. Kanser C. Dengue D.
Tuberculosis
7. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol s mga Pilipino ay:
A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo
8. Ang nakatuluyan ni Jose Rizal ay:
A. Leonor Rivera B. Segunda Katigbak C. Josephine Bracken D. Maria Clara
9. Isulat ang titik S kung Sanhi at B kung bunga ang sumusunod.
10. ______ Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso.
11. _____ Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito.
12. _____ Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pag-alo ng kanyang tiya.
13. _____ Naging ekskomulgado si Ibarra.
14. _____ Namundok si Tandang Pablo.

C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A-E.


____15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kaniya.
____16. May dumating na telegram para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan-
heneral.
____17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos.
____18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kina Ibarra at Padre
Damaso .
____19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw.

D. Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag.

Para sa blg. 20-30.


“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong maka-
mamalas sa kanya, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang nagbulid sa dilim ng gabi.”

20. 20. Binibigyang-diin sa pahayag na binasa ang:


A. naghihingalo B. kaliwanagan C. mga bayani D. inaasahang kalayaan
21. 21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:
A. kinabukasan ng bayan C. kaluwagan ng bayan
B. kalayaan ng bayan D. kuwentong-bayan
22. 22.Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay:
A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat
23. 23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi ito ay tumutukoy sa:
A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda
24. 24. Sa kabuuan ng pahayag ay may imaheng:
A. pambansa B. pang-esperitwal C. panlipunan D. pangkalikasan
25. 25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming:
A. maka-Diyos B. makabansa C. makatao D. makakalikasan
26. 26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang:
A. matalino B. matatag C. mapagmahal D. mamamayan
27. 27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang:
A. bata B. kabataan C. matatanda D. mamamayan
28. 28. Sa kabuuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang:
A. pagkaawa B. pagkalito C. pagkatakot D. pagpapahalaga
29. 29. Ano kaya ang pinakaangkop napamagat sa pahayag na binasa?
A. Huling Panawagan C. Tagubilin sa Kabataan
B. Paalam sa Inang Bayan D. Ang mga Nangabulid

530
30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa:
A. kabiguan B. kasawian C. kamatayan D. kadakilaan

Para sa blg. 31-35.


“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-
ingata’t kaaway na lihim.”
- Pilosopo Tasyo

31. Ang ideya o kaisipang lumulutang sa pahayag ay:


A. pampamahalaan B. pampamilya C. panlipu

32. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?


A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot
33. Anong katotohanan ang nais bigyang-pansin sa pahayag?
A. kaingatan B. kainggitan C. kaligtasan D. kataksilan
34. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa:
A. nagpapanggap B. nagpapasaya C. nagpapahanga D. nagmamayabang

35. Binigyang-diin sa pahayag na:


A. Ang tao ay di dapat magtiwala. C.Ang tao’y laging may kaaway.
B. Ang tao’y laging may pasalubong. D. Ang tao’y pinapakitaang-giliw.

Binabati kita! Natapos mo ang pangwakas na


pagtataya. Natitiyak kong nadaragdagan pa ang
iyong kaalaman.

TAKDANG ARALIN
Balik Aralan Mo

Balik - aralan ang mga natalakay para sa paghahanda na ikaapat na markahang pagsusulit.

531

You might also like