You are on page 1of 16

1

PAG-UNLAD
AT
PAGSULONG
2
PAG-UNLAD
▪ Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na
antas ng pamumuhay.
▪ Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng kalagayan ng mga
tao sa lipunan.
▪ Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong
proseso. At ang pagsulong ay bunga ng prosesong ito.
▪ Samakatuwid, ang pagsulong ay produkto ng pag-
unlad. (Fajardo)
3
PAGSULONG
▪ Ito ay nakikita at nasusukat. (Fajardo)
▪ Bunga ng isang proseso na nagpapakita
ng pagbabago mula sa nagdaang
panahon.
▪ Ito ay nagpapakita ng pagtaas ng kalidad
at dami ng teknolohiya at istraktura sa
bansa. 4
May dalawang magkaibang konsepto ng
pag-unlad: ang TRADISYONAL na
pananaw at MAKABAGONG pananaw
ukol dito.
5
TRADISYUNAL

Nakapokus sa makaluma
tradisyunal na pamamaraan at
aspeto ng pag-un lad

6
MAKABAGO

Upang magkaroon ng pag-


unlad, dapat itong kumatawan sa
malawakang pagbabago ng buong
sistema ng lipunan.

7
Amartya Sen
Kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran
ay matatamo lamang kung “mapauunlad
ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa
sa yaman ng ekonomiya nito”.

8
Ang pag-unlad ay matatamo sa isang pangkat
ng magkakaugnay na kalayaan:

1. Kalayaan sa lipunan at pakikipagrelasyon


2. Kalayaan sa mga pagkakataon o oportunidad.
3. Kalayaan sa pangangalaga ng pamahalaan sa
kanyang mamamayan upang maiahon sa
kahirapan
9
Ang kawalan ng kalayaan ay magdudulot ng
KAHIRAPAN

Ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang sa


pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao
Dignidad, Edukasyon, Seguridad

10
PALATANDAAN NG
PAMBANSANG PAG-UNLAD
1.Kasaganaan sa pamumuhay ng mamamayan
2. Kalayaan ng isang mamamayan na gawin ang kanyang
karapatan
3. Kaayusan ng lipunan at katahimikan mula sa kriminalidad at
terorismo
4. Sapat na serbisyong panlipunan para sa lahat ng mamamayan
5. Katarungan sa Lipunan
6. Maraming mag-aaral at nagtatapos ng pag-aaral
7. Mataas na bilang ng mga nagtatrabaho 11
Bilang isang
mamamayan ng
bansa,
nararamdaman mo
ba na may pag-
unlad sa Pilipinas?

12
Antas ng Pag-unlad ng mga bansa
DEVELOPED DEVELOPING LEAST DEVELOPED
Mababang antas ng
Maunlad na ekonomiya Mababang kita
pamumuhay
Matatag na Mabilis na paglaki ng Mababang antas ng
pamahalaan populasyon edukasyon
Mataas na standard of
Mababang produksiyon Mahinang ekonomiya
living
Mababa ang antas ng Mataaas ang
Matinding Kahirapan
katiwalian korapsiyon
Natutugunan ang lahat Hindi metatag ang Kasalukuyang may
ng pangangailangan sistemang political kaguluhan
Maraming walang Mahinang sistemang
Modernong kagamitan
trabaho pampulitika
Pagsukat ng antas ng pag-unlad
Gross National Product- ito ang kabuuang kita ng bansa na
nagmumula sa lahat ng mga produkto at serbisyo na nilikha ng
mamamayan sa loob at labas ng bansa.
Per Capita Income- ito ang kita na tatanggapin ng bawat tao kung
hahati-hatiin ang pambansang kita nang pantay pantay sa dami
ng populasyon.
Human Development Index- ito ay tumutukoy sa pangkalahatang
sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: haba ng buhay at
kalusugan ng tao, edukasyon at kita. 14
Ano ang mai-aambag ng
mga mamamayan upang
magkaroon ng pambansang
pag-unlad?
15
1. Edukasyon
2. Kalusugan
3. Pagiging Mabuting mamamayan
4. Pakikipagtulungan sa sektor na
kanyang kinabibilangan
16

You might also like