You are on page 1of 9

ANTIPOLO NATIONAL HIGH SCHOOL

SY: 2021 – 2022


th
4 GRADING PERIOD
ARALING PANLIPUNAN 9

SUMMATIVE TEST 1 (WEEK 1)


Pangalan:____________________________ Pangkat:_______________ Iskor:___________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at itiman ang letra ng tamang sagot sa bubble
sheet.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?


A. Hindi ganap na naipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Sa mga OFW lamang nakasalalay ang pag-unlad ng bansa.
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan din ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
D. Isang mabisang paraan sa pagsukat ng kaunlaran ng bansa ang pagtaas ng GNP.
2. Alin sa mga salaysay na ito ang pinakawasto tungkol sa pambansang kaunlaran?
A. Lahat ng mamamayang Pilipino ay may mga tungkuling dapat gampanan upang makamit ang
pambansang kaunlaran.
B. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa mga dayuhang bansa tulad ng US at China.
C. Tungkulin lamang ng pamahalaan ang pambansang kaunlarin.
D. Malabo nang makamit ng Pilipinas ang pambansang kaunlaran.
3. Alin sa mga sumusunod na salik ang HINDI maaring makatulong upang umangat ang ekonomiya
ng bansa?
A. Teknolohiya B. Karahasan C. Yamang-tao D. Likas na Yaman
4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang makatulong paunlarin ang ekonomiya?
A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
B. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
C. Maging mapagmasid sa mga nagyayari sa lipunan.
D. Lahat ng nabanggit
5. Isa sa tinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa ay ang paglaganap ng korapsyon sa
pamahalaan. Ano ang pinakamainam gawin upang labanan ang korapsyon?
A. Sikaping gawin kung ano ang tama at nararapat.
B. Hayaan ang pamahalaan na umusig sa mga tiwaling opisyal nito.
C. Idaan sa mga rally at protesta ang mga nagaganap na korapsiyon sa bansa.
D. Ipagsawalang kibo na lamang ang napapansing korapsyon sa paligid
6. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao.
A. Human Development Index (HDI) C. Balance of Payment (BOP)
B. Per Capita Income (PCI) D. Gross Domestic Product (GDP)
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI palatandaan ng Pag-unlad at Pagsulong ng bansa?
A. Makatwiran at dinamikong kaayusang panlipunan C. Karahasan at Kaguluhan
B. Kasaganaan at Kasarinlan D. Sapat na mga lingkurang panlipunan
8. Bakit mahalaga ang magkaroon ng makabagong teknolohiya sa mga pagawaan?
A. Mabawasan ang mga empleyado sa isang pagawaan.
B. Unti-unti nitong inaalis ang manual labor sa mga pagawaan.
C. Maaantala ang pagluluwas ng mga lokal na produkto sa ibang bansa.
D. Mapapataas nito ang produksyon ng mga manggagawa sa mga pagawaan.
9. Noong 2009, umabot sa $17.3 bilyon ang ipinadalang pera ng mga OFW sa bansa. Alin ang
maaring maging konlusyon dito?
A. Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
B. Malaki ang naitutulong ng mga OFW upang lumaki ang dollar reserve ng bansa.
C. Malaki ang naitutulong ng mga OFW upang tumatag ang halaga ng piso.
D. Lahat ng nabanggit
10. Ang mga sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiyang isang
bansa MALIBAN sa:
A. likas na yaman B. yamang-tao C. teknolohiya D. kalakalan

1|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9


11. Ano ang maaaring asahan sa kalagayan ng ekonomiya sa panahon ng pandemyang Covid-19?
A. Walang pagbabago
B. Bababa ang antas ng kita ng bansa
C. Tataas ang antas ng kita ng bansa
D. Lalong dadami mga gustong magtayo ng negosyo sa bansa.
12. Isa sa ginagamit na panukat ng kaunlaran ng isang bansa ay ang __________.
A. maraming likas na yaman C. mabilis na paglaki ng populasyon
B. dami ng imprastruktura D. paglaki ng GDP at GNP ng bansa
13. Alin sa mga sumusunod ang sinusukat ng Human Development Index (HDI)?
A. GDP, GNP, at gold reserves
B. dami ng likas na yaman, yamang-tao, at antas ng teknolohiya
C. kalusugan, edukasyon, at antas ng pamumuhay
. D. kapital, dami ng imprastruktura, at mababang antas ng kriminalidad
14. Ilang taon ang expected years of schooling na itinakda ng UNESCO bilang isa sa sukatan ng
HDI?
A. 16 B. 17 C. 18 D. 19
15. Sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa kasalukuyan, ano ang maaring
maging epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas?
A. Wala sapagkat malayo tayo sa kanila
B. Tatamlay ang ekonomiya dahil tataas ang presyo ng mga produktong inaangkat mula sa mga
bansang Russia at Ukraine
C. Mas magiging malaki ang dollar remittances ng mga OFW mula sa Russia at Ukraine
D. Sisigla ang ekonomiya ng bansa.`

Inihanda ni: Sinuri ni:

EVANGELINE M. LEDUNA ROMEO S. YUSAY JR.


Guro-AP 9 Head Teacher IV

2|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9


ANTIPOLO NATIONAL HIGH SCHOOL
SY: 2021 – 2022
th
4 GRADING PERIOD
ARALING PANLIPUNAN 9

SUMMATIVE TEST 2 (WEEK 2)

Pangalan:____________________________ Pangkat:_______________ Iskor:___________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at itiman ang letra ng tamang sagot sa bubble sheet.

1. May pag-unlad na maaaring maganap sa isang bansa kung:


A. Tutulong ang kanyang mamamayan
B. Hahayaan na lamang ang pamahalaan na gawin ang kanyang tungkulin
C. Gawin ang mga bagay para sa pansariling kapakanan
D. Aasa na lamang sa ayuda galing sa pamahalaaan
2. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa.
A. Marahil B. Tama C. Mali D. Hindi lahat ng mamamayan
3. Alin sa mga pahayag ang naaangkop sa akin bilang mag-aaral?
A. Bilang mag-aaral, ako ay wala pang gampanin sa pag-unlad sapagkat ako ay wala pa sa hustong
gulang
B. Wala pa akong maaaring magawa para sa kaunlaran
C. Hindi naman ako nagbabayad ng buwis kaya wala akong maiaambag sa pag-unlad
D. Maaari akong makilahok sa mga gawaing pangkaunlaran sa aking kapasidad bilang mag-aaral
4. Upang makatulong ang mga mamamayan sa pag-unlad ng bansa may mga gampanin na dapat nilang
isakatuparan. Maaaring maipakita ito sa:
A. Pagboto na politikong makapagbibigay ng pera kapag nangangampanya
B. Pagsunod sa mga batas
C. Pagbili ng mga imported na produkto
D. Pagtatrabaho sa abroad para makatulong sa pamilya
5. Kinukuha ng pamahalaan sa buwis ang pangtustos sa mga serbisyong panlipunan. Sino-sino ang mga
dapat magbayad ng buwis?
A. Ang mga mayayaman lamang
B. Ang mga sumusweldo ng malaki
C. Ang mga sumusweldo ng minimum wage
D. Ang lahat ng negosyo at mamamayang kumikita
6. Ang buwis ay nararapat na mailaan sa tamang gastusin ng pamahalaan gaya ng:
A. Edukasyon
B. Imprastruktura
C. Pagsugpo sa pandemya
D. Lahat ng nabanggit
7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagbibigay halaga sa mga produktong lokal MALIBAN sa:
A. Pagbili ng mga sapatos na gawang Marikina
B. Pagtangkilik sa branded bags na ibinebenta online
C. Pagsuporta sa mga kalakal ng mga magsusuman ng Antipolo
D. Pag-promote ng mga mga tourist spots sa Rizal upang makatulong sa lokal na turismo
8. Malaki ang maitutulong ng pagnenegosyo sa pagpapaunlad ng bansa dahil:
A. Nakapagbibigay ito ng trabaho sa mga mamamayan
B. Kumikita nang malaki ang mga negosyante
C. Naipagbibili nang mura ang mga produkto
D. Makapag-aangkat ang bansa ng maraming produktong banyaga upang maipagbili ng mga negosyante
9. Bakit itinuturing na mahalagang gampanin ang tamang pagboto?
A. Mahalagang makilatis nang mabuti ang mga kandidato upang maihalal natin yung mayayaman dahil
hindi na sila magnanakaw.
B. Maipakikita natin sa pamamagitan ng pagboto kung sino ang pinakasikat na partidong politikal
C. Nararapat na masuri natin na ang ihahalal na lider ay makapagsusulong ng kaunlaran ng bansa
D. Mahalaga na maihalal natin yung sikat na kandidato dahil siguradong mananalo ito at hindi
masasayang ang boto

3|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9


10. Ang mga kooperatiba ay nakapag-aambag ng malaki sa yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan nito?
A. Nakapagbibigay ito ng malaking tubo sa mga kasapi
B. Ang mga kasapi ng kooperatiba ay nabibigyan ng pagkakataon na makibahagi sa sa isang grupo na
may layuning makatulong sa isa’t isa.
C. Madaling yayaman ang mga kasapi ng kooperatiba
D. Malaki ang buwis na ibinabayad nito sa pamahalaan
11. Ang pag-iimpok sa bangko ay may nakatutulong sa kaunlaran sapagkat:
A. Naituturo nito sa tao ang pagtitipid.
B. Nakapagpapahiram ang mga bangko sa mga negosyong nangangailangan ng kapital.
C. Nagkakaroon ng karagdagang kita ang nag-iimpok sa bangko dahil sa tubo na ibinibigay sa deposito
D. Lahat ng nabanggit ay mga benepisyong nakukuha sa pag-iimpok.
12. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan ka makalalahok sa pamamahala ng bansa?
A. Irereport ko sa barangay ang kapitbahay kong pinaghihinalaang gumagamit ng bawal ng gamot.
B. Gagawin ko ang aking makakaya upang ako’y maging SK Chairman sa aming barangay
C. Hihikayatin ko ang aking mga kamag-aral na magpabakuna dahil isinusulong ito ng pamahalaan
upang magkaroon ng proteksyon laban sa Covid-19.
D. Ipauubaya ko na lang ang pamamahala ng bansa sa mga awtoridad.
13. Isa sa tinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa ay ang paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan. Ano
ang pinakamainam gawin upang labanan ang korapsyon?
A. Sikaping gawin kung ano ang tama at nararapat.
B. Hayaan ang pamahalaan na umusig sa mga tiwaling opisyal nito.
C. Idaan sa mga rally at protesta ang mga nagaganap na korapsiyon sa bansa.
D. Ipagsawalang kibo na lamang ang napapansing korapsyon sa paligid.
14. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, anong mga gampanin bilang
mamamayan ang makatutulong upang hindi maapektuhan ng lubha ang kaunlaran?
A. Tamang pagboto at pagnenegosyo
B. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino at pagsali sa kooperatiba
C. Pag-iimpok sa bangko at tamang pagboto
D. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa at pag-iimpok sa bangko
15. Sa nalalapit na pambansang halalan, anong gampanin bilang mamamayan ang pinakaangkop na
maisagawa ng isang mamamayan?
A. Pagbabayad ng buwis C. Pag-iimpok sa bangko
B. Pakikilahok sa pamaamhala ng bansa D. Tamang pagboto

Inihanda ni: Sinuri ni:

EVANGELINE M. LEDUNA ROMEO S. YUSAY JR.


Guro-AP 9 Head Teacher IV

4|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9


ANTIPOLO NATIONAL HIGH SCHOOL
SY: 2021 – 2022
th
4 GRADING PERIOD
ARALING PANLIPUNAN 9

SUMMATIVE TEST 3 (WEEK 3)


Pangalan:____________________________ Pangkat:_______________ Iskor:___________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at itiman ang letra ng tamang sagot sa bubble
sheet.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa sector ng agrikultura?


A. Pagmimina B. Panggugubat C. Pangingisda D. Panghahayupan
2. Ang ______ ay nauuri sa tatlo ang komersyal, municipal at aquaculture.
A. Pagmimina B. Panggugubat C. Pangingisda D. Panghahayupan
3. Ito ang Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National Statistic Office (NSO)
para sa taong 2012, 32% ng mga may trabaho ay nabibilang sa sector ng _________.
A. Industriya B. Agrikultura C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
4. Ito ay mahalagang pinangkukunan ng plywood, table, torso, at veneer. Pinagkakakitaan din ang rattan,
nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
A. Pagmimina b. Panggugubat C. Pangingisda D. Panghahayupan
5. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
A. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan
B. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa lahat ng paaralan at komunidad
C. Ipagmalaki at tangkilin ang produktong gawang Pilipino
D. Wala sa nabanggit
6. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at pagliit ng mga lupang sakahan, alin sa mga sector na ito ang
maari pang mapasukan ng ating mga magsasaka?
A. Industriya B. Agrikultura C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
7. Alin sa mga sumusunod na uri ng pangingisda ang gumagamit ng bangkang higit sa tatlong tonelada
ang kapasidad at ang sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng pamahalaang bayan?
A. Aquaculture B. Munisipal C. Komersyal D. Lahat ng nabanggit
8. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, sagong, pinya, kape,
manga, tabako, at abaka. Saan lugar ito madalas na kinokunsumo ng maraming mga Pilipino?
A. Ating bansa C. Sa loob at labas ng bansa
B. Ibang bansa D. Wala sa nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod na uri ng pangingisda ang tawag sa pag-aalaga ng mga isda mula sa iba’t ibang
uri ng tubig pangisdaan fresh (tabang), brackish (maalat-alat), at marine (maalat).
A. Aquaculture B. Munisipal C. Komersyal D. Lahat ng nabanggit
10. Ang sector ng agrikultura ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng _____________.
A. Manggagawa B. Ekonomiya C. Produksyon D. Komunidad
11. Ang mga sumusunod ay nakatulong ang sector ng agrikultura at sa pamumuhay ng tao sa komunidad,
maliban sa isa.
A. Nagbibigay ng trabaho C. Pinagmumulan ng pagkain
B. Nagpoproseso ng hilaw na materyales D. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa
12. Bakit sinasabing ang sector ng agrikultura ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya?
A. Dahil ang lahat ng sector ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon.
B. Dahil lahat ng sector ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang sariling pangangailangan.
C. Dahil ang lahat ng sector ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang kumakalam na sikmura
ng mamamayan sa isang bansa.
D. Dahil ang lahat ng sector ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang walang katapusang
kagustuhan ng mga mamamayan.
13. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura?
A. Maging mapagmasid sa mga nangyayari at tumulong sa suliranin ng komunidad.
B. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa lahat ng paaralan at komunidad.
C. Ipagmalaki at tangkilikin ang produktong gawang Pilipino.
D. Lahat ng nabanggit

5|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9


14. Ano ang naging dahilan ng madaling pagkasira ng produktong agricultural na ito ang isa sa mga
pangunahing suliraning kinakaharap sa sector ng agrikultura.
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm to market road).
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
15. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagsalo ng sector ng industriya sa mga manggagawa na iniwan
ng gawaing pang-agrikultura, maliban sa isa.
A. Mababang kita sa sector ng agrikultura
B. Paglisan sa lupang sakahan bunga ng matural na kalamidad
C. Nakikipagsapalaran sila sa kalunsuran o sa lokasyon na may sonang industriyal upang maging
manggagawa sa mga pabrika.
D. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

ELSIE E. CABANILLAS ROMEO S. YUSAY JR


Guro, AP 9 Head Teacher IV

6|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9


ANTIPOLO NATIONAL HIGH SCHOOL
SY: 2021 – 2022
th
4 GRADING PERIOD
ARALING PANLIPUNAN 9

SUMMATIVE TEST 4 (WEEK 4)

Pangalan:____________________________ Pangkat:_______________ Iskor:___________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at itiman ang letra ng tamang sagot sa bubble sheet.
1. Alin sa mga sumusunod na patakaran o programa pangkaunlaran sa sector ng agrikultura ang
nagpapadali sa pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan.
A. Pagtatayo ng mga daungan C. Fishery Research
B. Philippine Fisheries Code of 1998 D. CLASP
2. Ito ang ahensya na itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa
yamang pangisdaan ng Pilipinas?
A. Pagtatayo ng daungan C. Fishery Research
B. Philipinine Fisheries Code of 1998 D. CLASP
3. Alin sa mga sumusunod na ahensya na karaniwang nangangalaga sa mga yamang-dagat ng ating
bansa.
A. Community Livelihood Assistance Program
B. Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
C. National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
D. Fishery Research
4. Ito ay ang pananaliksik at pagtingin sa potensyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources
development.
A. Pagtatayo ng mga daungan C. Fishery Research
B. Philippine Fisheries Code of 1998 D. CLASP
5. Alin sa mga sumusunod ang iba pang tawag sa Department of Environment and Natural Resources
A. Kagawaran bf Kapaligiran at Likas ng Kaunlaran
B. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan
C. Kagawaran ng Kayamanan at Likas na Kapaligiran
D. Kagawaran ng Kayamanan at Likas sa Mamamayan
6. Alin sa mga sumusunod na program ana ang pangunahing layunin at maingatan at protektahan ang
kagubatan?
A. Community Livelihood Assistance Program
B. Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
C. National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
D. Fishery Research
7. Bakit mahalaga ang lupang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. Nabibigyang pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na Sistema ng pautang, mga
proyektong pang imprastruktura, redistribusyon ng lupa atbp.
B. Nagkakaroon ng sariling lupang sakahan ang mga magsasaka
C. Natutugunna ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sector ng agrikultura
D. Lahat ng nabanggit
8. Ito ay isang program ana tumutukoy sa pamamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng
kagubatan.
A. Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
B. Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
C. National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
D. Sustainable Forest Management Strategy
9. Anong programa ang patuloy na isinasagawa ang kanilang layunin upang maisakatuparan ang nais ng
pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka?
A. CLASP B. NIPAS C. CARP 2003 D. Code of 1998
10. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang maaari mong maging papel upang maging matagumpay
sector ng agrikultura?
A. Bilang isang mamamayang Pilipino ako ang mangunguna sa pag-iingat ng yamang ito sa
pamamagitan ng likas-kayang paggamit.
B. Bilang isang mamamayang Pilipino sisiguraduhin kung maingatan ito para sa susunod na salinlahi
C. Bilang isang mamamayang Pilipino ito ay aking responsibilidad at pananagutan.
D. Lahat ng nabanggit
7|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9
11. Ito ang maaaring maging prayoridad ng pamahalaan upang mapatatag ang isang sector.
A. Patakaran at programa C. Polisiya at mga programa
B. Programa at patakaran D. Responsibilidad at pananagutan
12. Alin sa mga sumusunod na gawain, ang maaring isulong upang matiyak ang kaayusan ng mga
magsasakang tumanggap ng mga lupain?
A. Programa B. Patakaran C. Polisiya D. Reporma sa lupa
13. Anong programa ang itinatag upang masiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aral?
A. Reporma sa Lupa
B. Polisiya at mga Programa
C. Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship Program
D. Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
14. Bilang isang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong komunidad na mapangalagaan ang
karagatan para sa mga nangingisda?
A. Ako ay makikilahok sa mga Gawain upang mapangalagaan ang karagatan / palaisdaan.
B. Ako ay tutulong sa local na pamahalaan na magbigay impormasyon sa tamang pangangalaga ng
karagatan / palaisdaan.
C. Ako ay isa sa mga mangangalaga sa palisdaan / karagatan
D. Lahat ng nabanggit.
15. Ayon kay Balitao at etal (2012, anong hakbang ang maaring isagawa upang masiguro ang kaligtasan
ng ating mga yaman mula sa kabundukan?
A. Pagbibigay Karapatan B. Pagiging Masipag C. Pagkakaisa D. Pagtutulungan

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

ELSIE E. CABANILLAS ROMEO S. YUSAY JR


Guro, AP 9 Head Teacher IV

8|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9


9|4th Quarter – SUMMATIV E TEST A P 9

You might also like