You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 9

AP9-Qrt4- Week1

Pangalan: ___________________Grade & Section: ______Guro: ________________

ARALIN 1: KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN

Layunin I. MELC/ KASANAYAN


Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.

II. Inaasahan
Sa aralin na ito malalaman ng bawat mag - aaral ang konsepto at palatandaan ng pambansang
kaunlaran. Sa pagtalakay ng pambansang kaunlaran, mahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat
ng sektor ng ekonomiya upang ganap na matamo ang tunguhing ito.
Sa pagsiyasat ng pambansang kaunlaran, ang mga mag - aaral ay haharap sa mga tekstong
magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at
magbibigay sa iyo ng kaalaman at magagamit mo sa pang araw- araw na pamumuhay.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pag-aaral ng sariling pakahulugan sa pambansang
kaunlaran at pagsiyasat sa mga palatandaan nito. Inaasahan din ang pagkatukoy sa iba’t ibang
gampanin ng bawat mamamayan tungo sa sama-samang pagkilos at pagplano kung paano makapag-
aambag sa mithiing pag-unlad. Sa modyul na ito, gagabayan ang bawat mag – aaral upang
matutunan ang mga sumusunod:

1. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran.


2. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.
3. Natutukoy ang mga salik na makatutulong sa pambansang kaunlaran.

Gawain 1: Insta-Sagot
Pansinin ang mga larawan sa susunod na pahina. Suriing mabuti ang kalagayan ng bawat larawan.
Bigyan ng malikhaing pamagat ang bawat larawan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng iyong pansin? Bakit?
2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais mong maging kalagayan
ng iyong lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag.
PAGPAPAKILALA SA ARALIN:
Basahin ang teksto sa ibaba. Nais ko na ilaan mo ang lahat ng iyong oras at pag-iisip sa mga
paksang ating tatalakayin. Basahing mabuti at unawain ang mga panuto sa mga gawain upang
matamo natin ang ating layunin sa paksang ito. Isulat sa iyong kwaderno ang mahahalagang paksa
at iyong natutuhan sa aralin, ang pag-susulat ay nakakatulong upang lalong mabigyan ng diin ang
mga konsepto. Sagutin ang lahat ng mga Gawain sa abot ng iyong makakaya upang mas maunawaan
ang kahalagahan nito sa pagkatuto.
Sa talahanayan, ipinaliwanag ang kahulugan ng Pag-unlad at Pagsulong. Dapat na ituon ang
pansin sa iba’t ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing
sistema upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo
sa kondisyon na mas kasiya-siya.

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang


kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman
ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng
kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba
pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.

Sa larangan naman ng ekonomiya ng Pilipinas, tumaas sa 6.7% ang gross domestic product
(GDP) ng bansa noong 2018 na nangangahulugang isa ang Pilipinas sa may fastest growing economy
sa Asya. Ito ay bunga ng 8-Point Economic Agenda ng pamahalaan. Naging malaking tulong ang mga
pagpupulong ng pangulo kasama ang iba pang mga lider na magbibigay ng investment at trabaho
para sa libu-libong mga Pilipino. Target ng pamahalaan noon na tumaas pa sa 7% hanggang 8% ang
GDP sa sunod na tatlong taon. Ngunit sa kasulukuyang nararanasang pandaigdigang krisis dulot ng
pandemyang Covid-19 ay tila bumagal ang takbo ng ekonomiya ito man ay Pambansa o Pandaigidang
kaunlaran.
Paksa #2: Palatandaan ng Pag-unlad
Sa puntong ito ay natutuhan mo na ang pag - unlad ng isang bansa ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng maayos at mainam na pamumuhay ng mga mamamayan. Walang tiyak na
kahulugan ito subalit may mga tanda, tulad ng nabanggit sa unang bahagi, na maaari nating gamitin
upang masabi na maunlad ang isang bansa. Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang
pag-unlad? Maraming bansa sa kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo.
Maraming modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mga korporasyon ang
kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga
dayuhang mamumuhunan. Sa katunayan, sa kauna-unahang pagkakataon ay naiulat ng United
Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na noong 2012 ay mas malaki ang bilang
ng mga dayuhang mamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kompara sa mauunlad na
bansa.
Ano-ano ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong?
1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng
ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi
kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang
lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan
ng mga manggagawa nito.
3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang
bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas
maraming produkto at serbisyo.
4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas
episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami ang mga nalilikhang produkto
at serbisyo.
Sa kabuoan, masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong,
sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat
nito, ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per
capita at real GDP/ GNP. Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development
Index bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan
ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan,
edukasyon at antas ng pamumuhay. Ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao o Human
Development Index (HDI) ay isang talatuntunan o indeks na ginagamit upang sukatin o iranggo ang
mga bansa ayon sa antas ng kaunlarang panlipunan at ekonomiya ng isang bansa at karaniwang
nagpapahiwatig kung ang isang bansa ay maunlad, umuunlad, o kulang sa pag-unlad.
Ang HDI ay binubuo ng:
1. Indeks ng inaasahang panahon ng buhay
2. Indeks ng edukasyon
3. Indeks ng Sahod

Kahalagahan ng HDI. Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang
kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa,
hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Ang Human Development Report ay pinasimulan ni
Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin
ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang Human
Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit
ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-
adjusted HDI), kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at gender disparity (Gender Inequality
Index). Ang Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang
kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang Multidimensional Poverty
Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at
indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay samantalang ang Gender Development
Index ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae.

Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng


pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ang human development ay hindi
nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring
nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang
pagunlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga
tao.
Gawain 8: PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA
Sa tulong ng isang kamag- aral, ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad.
Gamitin ang Venn diagram sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad?
2. Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag.
3. Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong? Pagtibayin.

Gawain 14: AKO BILANG MAG- AARAL


Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong iyong natutuhan mula sa
binasang teksto.
1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, patuloy pa rin ang maling paggasta
ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang mag- aaral, paano ka makatutulong upang masugpo
ito?
2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa kahit
anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad
na mag-aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na pamamaraan?
3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagiging makabansa?
4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi natatapos sa pagboto ang
obligasyong ito. Kinakailangang makilahok ang bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang
isang mag- aaral, paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa pagpili ng mga pinuno at
pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan?

PAGNINILAY
Gawain 19: AWITIN MO AT GAGAWIN KO!
Maraming mamamayang Pilipino ay patuloy na umaasang matatamo ng bansa ang
hinahangad nitong kaunlaran. Patuloy tayong nangangarap na minsan ay makaahon ang karamihan
sa atin sa kahirapan at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ngunit bago ito mangyari,
kinakailangang magising tayo sa katotohanang may obligasyon o responsibilidad tayong dapat gawin.
Upang matamo ang pambansang kaunlaran, napakahalaga na magtulungan tayo at magbahagi ng
ating panahon at kakayahan tungo sa pag-abot nito.
Sa gawaing ito, susuriin mo ang isang awiting pinasikat ni Noel Cabangon. Inilahad sa awitin
ang mga simpleng pamamaran upang matawag tayong “Mabuting Pilipino”. Ang mga simpleng bagay
na ginagawa natin sa araw-araw ay maaaring makatulong sa unti-unti nating pag-abot sa
pinapangarap nating kaunlaran. Bawat isa sa atin, kahit ano pa man ang papel mo sa lipunan, ay
may magagawa upang maabot ang mithiing ito. Gawing gabay ang mga pamprosesong tanong sa gilid
ng mga kahon sa pag-unawa at pagninilay sa ating aralin.
Nasagot mo ba ang katanungan? Kumusta ang iyong kasagutan? Bilang panghuling gawain,
muli mong balikan ang mga sagot mo sa mga pamprosesong tanong sa awit. Pagkatapos, punan ang
inilaang patlang sa ibaba ng mga kaalamang iyong natutuhan mula sa ating aralin.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? Paano mo maiuugnay ito sa pagtatamo ng


kaunlaran? Ipaliwanag.
2. Kanino kayang mga tungkulin ang inilahad sa awitin? Ano ang implikasyon nito sa pambansang
kaunlaran?
3. Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang isang mabuting Pilipino? Pagtibayin.

You might also like