Professional Documents
Culture Documents
Taon : Baitang 9
I.LAYUNIN
● Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok (AP9MAK-
IIIc-7)
I. LAYUNIN:
A. Nasusuri ang kaugnayan ng kita, pag-iimpok at pagkonsumo
B. Nabibigyang halaga ang gampanin ng pag-iimpok sa matalinong pagkonsumo
ng kita.
C. Nakapagbibigay ng paunang kaalaman sa matalinong pag-iimpok at matalinong
pagkonsumo ng kita.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo
B. Mga Kagamitan: AP 9 Module, manila paper, mga larawan, LCD
projector, BSP-DepEd-BDOF Financial Literacy Video “Save to Have a
Million: Junior Edition”, “Ganda ni Girlie”
C. Batayang Aklat: Araling Panlipunan 9 Module pahina 259-260
D. Sanggunian:
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng mga liban
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
a. Video Showing:
1
Papanuorin ng mga mag-aaral ang Financial Literacy Video na
napamagatang “Save to Have a Million: Junior Edition”. Magtatala ang
mga mag-aaral ng mga mahahalagang konsepto na nabanggit sa video na
may kaugnayan sa konsepto ng kita, pag-iimpok, at pagkonsumo.
2
Gabay na Tanong sa Bahagian:
a. Ano pa ang mga maaari mong
gawin upang hindi na
kailangang bumili ng pagkain
sa paaralan?
b. Maliban rito, ano pa ang mga
maaari mong gawin upang
matipid ang baon sa paaralan?
c. Anu-ano pa ang mga
pinagkakagastusan sa paaralan
o sa pangaraw-araw na buhay
na maaari mong tipirin?
d. Magbigay ng halimbawa ng
pamamaraan sa pagtitipid.
Gabay na Tanong:
a. Ano-ano pa ang maaari
mong mapagkuhaan ng
perang iipunin?
b. Tuwing nakakatanggap
ka ng pera bilang regalo,
pasasalamat o
gantimpala, ano ang
ginagawa mo rito?
Gabay na Tanong:
a. May karanasan ka na ba
na may magandang
naidulot ang iyong pag-
iipon? Ibahagi sa
pangkat.
b. Ano-ano pa ang maaaring
magandang maidulot ng
pag-iipon habang bata
pa?
3
2. Pagsusuri:
a. Bakit nasabi ng Game Show host na mas mainam na makapag-ipon sa
mas batang edad?
b. Ano-ano ang mga paraan upang magkaroon ng pera/kumita ang mga
kabataan?
c. Mainam ba na gastusin kaagad ng mga kabataan ang perang kanilang
nakuha? Bakit?
d. Saan mainam dalhin ang perang naiipon upang hindi mawala o
magastos?
e. Ano ang mga naging limitasyon sa pagkonsumo o paggastos ng isang
kabataang kumikita?
Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay maaaring maubos. Ang pera ay
ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay
kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan
nang husto at walang nasasayang.
Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang kita. Ang
kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap. Ang kita ay maaaring
gastusin sa pangangailangan at kagustuhan at iba pang bagay na kinukonsumo. Subalit
bukod sa paggastos ng pera, mayroon pang ibang bagay na maaaring gawin dito. Maaari
itong itabi o itago bilang savings o ipon.
Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba ang halaga nito? Ang pera na iyong naipon bilang
savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang
mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-
iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o borrower ay maaaring
gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset (pagmamay- ari) na may ekonomikong
halaga o gamitin ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga
institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o dibidendo.
4
Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at
maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Bukod dito, dahil sa pagtatago mo at
nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng kakulangan sa supply ng
salapi sa pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko o iba
pang financial intermediaries upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok.
Pamprosesong Tanong
Di Gaanong
Natatangi (5 Mahusay (4 Hindi Mahusay
Mga Kraytirya Mahusay (3
puntos) puntos) (2 puntos)
puntos)
1. Kaalaman at
pagkakaunawa sa paksa
2. Organisasyon/
Presentasyon
3. Kalidad ng
impormasyon o
ebidensiya
KABUUANG PUNTOS
5
4. Gawain 2 Paglalapat: Ipapanood sa klase ang BSP-DepEd-BDOF Financial Literacy
Video “Ganda ni Girlie”
Pamprosesong Tanong:
IV. PAGLALAGOM
Hatiin sa limang pangkat ang klase at atasang sagutan ang mga sumusunod na
tanong. Magtalaga ng isang lider at isang tagasulat sa bawat pangkat. Isulat ang
sagot sa Manila paper at ipaulat sa lider sa loob ng 2 hanggang 3 minuto lamang
sa harap ng klase. Gamiting batayan ang rubric sa ibaba bilang batayan sa
pagmamarka
● Unang Pangkat: Kailan ka dapat magsimulang mag-impok? Bakit?
● Ikalawang Pangkat: Saan maaaring manggaling ang salaping iipunin?
● Ikatlong Pangkat: Papaano mo maipapakita ang matalinong pamamahala sa
kita?
● Ikaapat na Pangkat: Papaano mo maipapakita ang matalinong pamamahala sa
naimpok na salapi?
● Ikalimang Pangkat: Papaano mo maipapakita ang matalinong pamamahala sa
pagkonsumo?
6
PANUNTUNAN SA PAGBIBIGAY NG MARKA SA PANGKATANG GAWAIN
5 4 3 2 1 NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman Nasagot ng Nasagot ng Nasagot ang Nasagot ang Nasagot ang
mahusay ang mahusay ang lahat ng halos lahat ng ilang
lkahat ng mga halos lahat ng katanungan katanungan katanungan
katanungan katanungan
Presentasyon Buong husay Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag
na ang mga ang ang halos ang iilang
naipaliwanag kasagutan ng kasagutan sa lahat ng kasagutan sa
ang mabuti klase kasagutan sa klase
kasagutan sa klase
klase
Kooperasyon Naipapamalas Naipapamalas Naipamalas Naipamalas May
ng buong halos lahat ng ang ang pagkanya-
miyembro ang miyembro ang pagkakaisa ng pagkakaisa ng kanya ang
pagkakaisa pagkakaisa mga iilang ilang mga
miyembro miyembro miyembro
Takdang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
Oras gawain ng gawain sa gawain ng gawain ngunit ang gawain
buong husay loob ng buong husay lumagpas ng
sa loob ng itinakdang ngunit higit sa 1
itinakdang oras lumagpas sa minuto sa
oras 1 minuto sa itinakdang
itinakdang oras
oras
Preparasyon Laging alisto Laging Nakahanda sa Kailangang Walang
at laging nakahanda pangkatang lumabas sa kahandaan
handa ang ang mga gawain klase dahil
mga kagamitan sa walang
kagamitan sa pangkatang handing
pangkatang gawain kagamitan
gawain
KABUUANG PUNTOS
V. PAGTATAYA
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at pagkonsumo?
7
PINAGMUMULAN NG KITA BAWAT BUWAN HALAGA
1. Suweldo
KABUUANG KITA
1. Pagkain
2. Koryente
3. Tubig
4. Matrikula/Baon sa paaralan
5. Upa sa bahay
KABUUANG GASTOS:
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa ginawa mong talahanayan, mas malaki ba ang kita ng iyong pamilya
kompara sa gastusin?
2. Kung mas malaki ang gastusin kaysa kita ng pamilya, paano ninyo ito
natutugunan?
3. Ano ang nararapat ninyong gawin upang hindi humantong sa mas malaking gastos
kompara sa kita?
4. Kung mas malaki naman ang kita kompara sa gastusin, may bahagi ba ng natirang
salapi na napupunta sa pag-iimpok? sa pamumuhunan? Idetalye ang sagot.