You are on page 1of 10

DEPARTMENT OF EDUCATION I REGION IV – A CALABARZON I CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL


Congressional South Avenue, Burol – 1, City of Dasmariñas, Cavite

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9


Petsa: Disyembre 5, 2018

I. LAYUNIN
A. Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng kita, pag -iimpok at pagkonsumo;
B. Naipapakita sa pamamagitan ng pagtatanghal ang ugnayan ng kita, pag – iimpok
at pagkonsumo; at
C. Napapahalagahan ang pag – iimpok at pamumuhunan sa pagsulong ng
ekonomiya ng bansa.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Aralin 3: Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag – iimpok at
Pagkonsumo
 Kita, Pag – iimpok at Pagkonsumo
 Kalayaan sa Kahirapan
 Kahalagahan ng Pag – iimpok
B. Sanggunian:
Ekonomiks – Araling Panlipunan – Modyul para sa mga Mag – aaral,
pahina 259 -263
Ekonomiks – Kayamanan – Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan,
pahina 233-236
C. Kagamitan:
Laptop, Power point Presentation, visual aids
D. Learning Competencies:
1. Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag – iimpok.
(AP9MAK-IIIc-6)
2. Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag – iimpok.
(AP9MAK-IIIc-7)

III. PAMAMARAAN (Constructivism Approach – Activity Based – 3A’s)


A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral
1. Panalangin Ang mag – aaral ay pupunta sa
unahan upang manalangin.

2. Pagbati
Magandang Hapon Grade 9 – Mabuhay! Kami ang mag – aaral ng
E. Aguinaldo! EKONOMIKS! E. Aguinaldo.

Class Yes

Class, class Yes, yes

Handa na ba ang E. Aguinaldo?


Ang mga mag – aaral ay
magsasagawa ng Yes Clap.
Magaling!

3. Pagtala ng Liban

May liban bas a inyong klase Ibabalita ng bawat pangkat kung may
ngayong araw? liban o wala.

4. Balitaan

Dumako na tayo sa Balitang Ang mag – aaral ay magbibigay ng


Aguinaldo! napapanahong balita.

Ngayon, sino ang maaaring Isa o dalawa sa mag – aaral ang


makapagbigay ng reaksyon, magbibigay ng reaksyon patungkol sa
patungko sa balita na binigay ng ibinalita ng kaklase.
kaklase?

5. Balik – Aral
Tungkol saan ang ating pinag – Mga Paraan sa Pagsukat ng
aralan noong nakaraan? Pambansang Kita.

Kaugnay ng natapos na aralin


kayo ay hahatiin ko sa
dalawang pangkat. Ang bawat
pangkat ay magkakaroon ng
dalawang kinatawan na pupunta
sa unahan. Unang dalawang
pares ang maglalaban,
magpapaunahan na makapag
tap sa lamesa kapag nalaman
ang sagot. May ibibigay ako sa
inyo na mga salita. Itong mga
salitang ito ay batay sa ating
naging paksa noong nakaraang
araw. Ngayon, tutukuyin ninyo
kung ito ba ay kabilang sa
Expenditure Approach,
Industrial Origin Approach at
Income Approach.

1. Di – tuwirang buwis Income Approach.

2. Gastusing Personal Expenditure Approach.

3. Agriculture, Fishery at Industrial Origin Approach.


Forestry

Tungkol nga saan muli ang mga Ito po yung mga pamamaraan sa
salitang natukoy ng mga kaklase pagsukat ng GNI.
ninyo?

At bakit nga ba ulit mahalaga na Mahalaga po ito, dahil dito natin


nasusukat natin economic makikita o malalaman ang isang
performance ng ating bansa? paglago ng ekonomiya. Dito din po
natin nakikita kung ang ating bansa
ay patuloy na umuunlad o hindi.

Napakahusay naman talaga, kitang Ang mga mag – aaral ay bibigyan ng


kita na kayo nga ay may natutunan sa dalawang bagsak ang kaklase.
ating napag – aralan noong nakaraang
araw. Bigyan ng dalawang bagsak ang
kaklase.

6. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng
mga alkansya sa klase.

1. Anu – ano ang mga bagay Alkansyang baboy, alkansyang


na nakikita nyo sa lamesa? bamboo at passbook po.

2. Sino – sino sa inyo ang may Ang mga mag – aaral ay magtataas
karanasan na gumamit ng ng kamay at ibabahagi ng mga mag –
mga bagay na ito? aaral ang kanilang karanasan.

Bakit kayo nag impok? Para po mabili ko ang aking mga


sariling luho na walang hinihingi na
pera sa aking mga magulang. At para
din po, pag nangailangan may
magagamit po.

Sino naman ang hindi nakaranas mag Ako po. Kasi po minsan kulang yung
ipon? Bakit? baon na ibinibigay sa akin ng
magulang ko. Kasya lamang po sa
mga gastusin sa school.

B. Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral
Kaugnay ng inyong mga
magagandang karanasan ay ang
paksang ating pag – aaralan ay
tungkol sa Ugnayan ng Kita, Pag –
iimpok at Pagkonsumo.

Meron akong tatlong larawan dito at


tatlong salita nan aka jumble, tukuyin
ninyo kung ano ipinapakita sa
larawan.

Ano ang ipinapakita ng larawan?


Mga businessman po na may pera sa
gitna.

Ano kaya ang ipinapahiwatig nito? Sa palagay ko po ay etong mga


businessman na ito ay may kita o
kumikita.
Magaling! Kunin natin ang salitang
Kita.

Sa inyong sariling ideya o depinisyon Ito po yung makukuha ko sa pinagbili


ano ba ang kahulugan ng kita? kong produkto o ito po yung
makukuha kapag nagtrabaho.

Salamat! Magaling! Klase ang kita ay


hindi lang nakukuha sa ipinagbili na
produkto kasama na rin dyan ang
serbisyo.

Dumako tayo sa pangalawang


larawan.

Ano ang ipinapakita sa larawan? Pag – iimpok para sa


pangangailangan para sa hinaharap.

Magaling! Ang ipinpakita ng larawan Ang pag – iimpok ay paghahanda


ay patungkol sa pag – iimpok. Sa para sa pangangailangan para sa
inyong sariling depinisyon o ideya ano hinaharap.
ang pag – iimpok?

Magaling! May iba pa ba kayong Ang pag – iimpok din po ay ito po


depinisyon? yung kapag may natira kang pera o
kita sa iyong kinita maaari pong itago
o ipunin.

Ano ang ipinapakita sa huling Bumibili po ng mga produkto o


larawan? pagkain.

Sa salitang bumibili, ano pinaka salita Pagkonsumo po.


nun?

Mahusay! Sa inyong sariling ideya, Ang pagkonsumo po ay ito yung mga


ano ang kahulugan ng pagkonsumo? bagay o pagkain na binibili natin dahil
ito ay ating pangangailangan at
kagustuhan.
Magaling!

Mahalaga na maintindihan ninyo ang


kaugnay ng mga konseptong binigyan
natin ng kahulugan at gayundin
naipaliwanag ninyo ang kahalagahan
nito sa takbo ng ating ekonomiya.

ACT

Upang higit pang paunlarin ang Ang lider ng bawat pangkat ay lalapit
inyong kaalaman, may ibibigay ako na at kukunin ang pangkatang gawain.
pangkatang gawain. Bawat lider ay
kuhanin sakin ang inyong
pangakatang gawain.

Maaari bang basahin ng bawat Babasahin ng bawat pangkat ang


pangkat ang gawain na naka-atas sa gawain na naka – atas sa kanila.
inyo?

Pangkat I
Gawain: Talk show
Bumuo ng isang talk show na
naglalahad sa ugnayan ng kita,
pagkonsumo at pag-iimpok. Ipakita
ang papel na ginagampanan ng mga
financial intermediaries tulad ng banko
sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Gabay na tanong: Ano ang papel na


ginagampanan ng financial
intermediaries katulad ng banko?

Pangkat II
Gawain: Role Play
Magsagawa ng dula dulaan para sa
Gawain 4: Mag Kuwentuhan Tayo.
Gabay na tanong: Ano ang
magandang katangian ni Jonas?

Pangkat III
Gawain: Newscasting
Magsagawa ng newscasting tungkol
sa Gawain 5: Babalik ka rin. Bigyang
diin ang 2 diagram ng gawain.

Gabay na tanong: Paano


nagkakaugnay ang kita, pagkonsumo
at pag-iimpok?

Pangkat IV
Gawain: Jingle
Bumuo ng isang jingle na
naglalarawan ng ugnayan ng kita, pag
– iimpok at pagkonsumo. Bigyang diin
ang kahalagahan ng Kita, Pag – iimpok
at Pagkonsumo.

Gabay na tanong: Ano ang


kahalagahan ng pag – iimpok at
pamumuhunan sa pag – unlad ng
ekonomiya ng isang bansa?
Kasama ng inyong mga task card ang
mga rubrik na pagbabatayan sa
pagbuo ng presentasyon.

Bibigyan ang bawat pangkat ng 3- 5


minuto sa paghahanda at 2 – 3
minuto para sa presentasyon.

Pagkatapos ng bawat paglalahad ng


mga pangkat, magbabahagi ang mga
nakatakdang pangkat ng kanilang
natutunan at paghuhusga sa
presentasyon.

Sa pangakat I ay ang Pangkat IV, sa


Pangkat II ay ang Pangkat III, sa
Pangkat III ay ang Pangkat II at sa
Pangkat IV ay ang Pangkat I.

May tanong ba kayo klase tungkol sa Wala na po.


gawain?

Dahil wala na, maaari na kayong Ang mga mag – aaral ay maghahanda
pumunta sa inyong pangkat. para sa pangkatang gawain.

Dahil tapos na ang oras ng Ang mga mag – aaral ay


paghahanda, maaari na kayong magsisibalikan na sa upuan.
bumalik sa inyong mga upuan.

Handa na ba klase? Yes Clap.

Upang malinang ang inyong


kaalaman sa ugnayan ng kita, pag –
iimpok at pagkonsumo dumako na
tayo sa presentasyon ng bawat
pangkat.

Presentasyon ng Pangkat I. Ang Pangkat I ay maglalahad ng


kanilang presentasyon.

Batay sa presentasyon ng Pangkat I, Ang papel po nito ay kapag meron


Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries’ mas
Financial Intermediaries? nagagamit ng mga mamamayan ang
pera hindi lamang po dun sa nag –
iimpok dahil dito po ay maaari na
maka utang para sa may ipang gamit
sa pamumuhunan ng ibang tao.
Pangkat IV maaari ng maglahad para Ang Pangkat IV ay magbibigay ng
sa presentasyon ng Pangkat I kanilang palakpak para sa Pangkat I.
Ilalahad din nila ang kanilang
natutunan.

Pangkat II maaari nang pumunta sa Ang Pangkat II ay maglalahad ng


unahan para sa presentasyon. kanilang presentasyon.

Batay sa kwento, paano nabago ang Nabago po ang kanyang buhay o


kalagayan ni Jonas? kalagayan dahil siya po ay nag impok
sa banko at nag invest ng pera. Sa
pag iinvest niya po ay lumago ang
kanyang pera kaya nakalaya po siya
sa kahirapan.

Pangkat III maaari ng maglahad para Ang Pangkat III ay magbibigay ng


sa presentasyon ng Pangkat II kanilang palakpak para sa Pangkat II.
Ilalahad din nila ang kanilang
natutunan.

Pangkat III maaari ng pumunta sa Ang Pangkat III ay maglalahad ng


unahan para sa presentasyon. kanilang presentasyon.

Paano nagkakaiba ang dalawang Sa unang daloy po ng ekonomiya


diyagram ng daloy ng ekonomiya? nakatuon lamang po ito sa kita at
pagkonsumo ng sambahayan at
bahay – kalakal at sa ikalawang daloy
naman po kabilang na dito ang pag –
iimpok.

Pangkat II maaari ng maglahad para Ang Pangkat II ay magbibigay ng


sa presentasyon ng Pangkat III kanilang palakpak para sa Pangkat III.
Ilalahad din nila ang kanilang
natutunan.

Pangkat IV maaari ng pumunta sa Ang Pangkat IV ay maglalahad ng


unahan para sa pesentasyon. kanilang presentasyon.

Ano ang kaugnayan ng pag – iimpok Ang pag iimpok ay ang pagtatabi ng
sa pamumuhunan? pera sa pagbubudget upang sa
pagdating ng panahon ay
maymadudukot o maipupuhunan sa
negosyo at ang pamumuhunan ay
naglalayon na kumita upang
makapagimpok at magkaroon ng
seguridad sa kinabukasan.

ANALYZE
C. Pagsusuri
Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral

1. Paano nagkakaugnay ang kita, Magkakaugnay ang tatlong konsepto


pag – iimpok at pagkonsumo? dahil sa isang kita ng isang tao
madami po siyang pwedeng gawin
dito. Maaari nya pong iimpok ang
bahagi ng kanyang kita at ang iba
pang kita niya ay gamitin sa
pagkonsumo ng kanyang
pangangailangan at kagustuhan.
2. Ano ang resulta ng ugnayan ng
kita, pag – iimpok at Ang nagiging resulta po ng ugnayang
pagkonsumo? ito ay napupunan po natin ang mga
walang hanggang pangangailangan
natin sa buhay at pati na rin po
nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng
ating bansa.
3. Bakit mahalaga ang pag –
iimpok at pamumuhunan sa Mahalaga ang pag iimpok dahil
ating bansa? masasalamin dito ang magandang
pamumuhay ng bawat mamayan na
hindi lamang may madudukot sa oras
ng pangangailangan kundi may
oportunidad na makapagpasimula ng
isang negosyo na makakapagbigay
trabaho sa mamayan at mapapasigla
ang kalakalan ng isang bansa.

D. Paghahalaw
Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral
1. Paglalahat
Ano ang papel na Ang ugnayan ng kita, pag – iimpok at
ginagampanan ng ugnayan ng pagkonsumo ay hindi lamang
kita, pag – iimpok at magbibigay diin para sa
pagkonsumo sa ekonomiya ng kapikanabangan ng indibidwal na
ating bansa? pangangailangan at kagustuhan kundi
para na rin sa pagsulong ng ating
ekonomiya.

2. Pagpapahalaga
Ayon sa datos ang Mahalaga po ito dahil habang
pamumuhunan sa Cavite ay naninibago ang taon, ang kita o
tumaas. Ano ang kahalagahan pamumuhunan ng lungsod ay
ng ganitong pagbabago sa tumataas. Makikita po dito ang
ekonomiya ng Cavite? malaking pagbabago o pag – unlad
ng lungsod ng Cavite.
APPLY
E. Paglalapat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral
Magpapakita ang guro ng larawan
sa mga mag – aaral.

Tungkol saan ang advertisement? Ang advertisement ay tungkol sa


pagkakaroon ng sale kasabay sa
panahon ng Kapaskuhan.

Kung kayo ay nakatanggap ng 13th Kapag natanggap ko na po yung


month pay na ibinibigay sa mga 13th month pay, syempre po dahil
manggagawa, paano niyo malaki ang sahod nun magkakaroon
matalinong gagamitin ang inyong po ako ng matalinong
pera sa kabila ng mga ganitong pagdedesisyon, yung bahagi po
impluwensiya? nung kita ko iimpok ko po. At yung
natira naman po dahil sale at
kapaskuhan mamimili po ako para
may magamit sa pasko habang
mura pa ang bilihin.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Punan ang mga patlang ng nawawalang titik upang mabuo ang
koseptong inilalarawan sa bawat bilang.

___________1. Si MJ ay bumili ng 1 kilong isda sa palengke. Ano ang tawag sa ginawa


ni Mj?
P_ G _ _ _ S _ _ O
___________2. Ito ang ginagamit sa pagbibili sa mga bagay na kinakailangan upang
mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
I_V_ _ _ M _ _ T
___________3. Ito ay tumutukoy sa kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi
ginastos para sa pangangailangan.
P_ G - _ _ M _ O _
___________4. Dito maaaring ilagak ang perang hindi ginastos sa pagkonsumo o
pangangailangan.
F_ N _ _ C_ _ _ I _ T _ _ M_ _ _ R _ _ S
___________5. Si Holy ay nakatanggap ng kapalit ng serbisyo na kanyang ibinigay.Ano
ang tawag dito?
K_T_
V. TAKDANG ARALIN
Isagawa ang Gawain 6: Be A Wise Saver sa isang colored paper. Gawing
malikhain ang pagsagot ng gawain.
1. Papaano nagkakaugnay ang kita, pag – iimpok, at pagkonsumo?
Sanggunian: pahina 268-269

Inihanda at ipinakitang turo ni:

Maria Alpha Gracia C. Almendral


BSE41

Ipinasuri kay:

Gng. Rochel Angelie M. Belamide


Grade 9 – Guro sa Ekonomiks

Ipinagtibay ni:

Eden R. Dayuon, Ed.D.


Head VI, AP Department

You might also like