You are on page 1of 7

1

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9


Petsa : Pebrero 20, 2020
Araw : Huwebes

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral na may pitongput- limang
porsyento (75%) ng pagkatuto ay inaasahan na;
A. Nahihinuha ang konsepto at batas ng demand;
B. Naipapakita ang epekto ng bawat salik ng demand maliban sa
presyo;
C. Nakapamumungkahi ng matalinong pagpapasya sa pagtugon sa
mga pagbabago ng mga salik na nakaapekto sa demand;
D. Naiuugnay ang kahulugan nd demand sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Konsepto ng Demand
Sanggunian: EKONOMIKS 9, Araling Panlipunan (DepEd)
Kagamitan: Mga larawan, cartolina, pentel pen, pandikit, chalk

Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Aktibiti
Dito sa ating bansa, marami tayong mga okasyon o selebrasyon
na ipinagdiriwang. Katulad na lamang ng Bagong Taon, Pasko,
Araw ng mga Patay at Araw ng mga Puso. Bilang paggunita sa
mga mahahalagang pangyayari tulad ng aking nabanggit, ano
ang karaniwang ating binibili tuwing nalalapit ang bawat isang
selebrasyon?

Magaling! Ano naman ang napapansin ninyo sa mga produkto


sa palengke na naayon sa okasyong ipinagdiriwang?

Tama. Sa inyong palagay, anong konsepto sa ekonomiks ang


inilalarawan ng senaryo tulad nito?
2

Magaling! Bigyan ng tatlong palakpak si_________ .

C. Analisis
Matapos nating matukoy ang iyong inisyal na kaalaman tungkol
sa konsepto ng demand, ating pang mas palawakin ang inyong
kaalaman tungkol sa batas ng demand.

Ngayon ay tingnan at pagnilayan ninyo ang larawan na ito.

Batay sa larawan, ano ang ugnayan ng presyo ng mask sa


quantity demanded nito?

Tama. Ano ngayon ang iyong mahininuha sa Batas ng Demand?

Magaling! Tatlong palakpak nga para kay___________.

Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain kung saan


hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Mayroon lamang kayong
sampung (10) minuto upang gawin ang aktibiti na ito.

Ang unang pangkat ay tatalakayin ang dalawang konsepto kung


bakit magkasalungat ang ugnayan sa pagitan ng presyo at
quantity demanded sa tulong ng mga larawan.
3

Ang ikalawang pangkat ay ipapakita ang pamamaraaan sa


pagpapakita ng konsepto ng demand.

Demand Function

At ang huling pangkat ay tatalakayin ang mga salik na


nakakaapekto sa Demand sa masining na paraan.
Pipili lamang kayo ng isang lider na mag-uulat sa inyong
ginawa.
4

Base sa unang pangkat, ano ang substitution effect?

Tama. Mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili


ng produktong may mataas ang presyo dahil maghahanap sila
ng mas mura. Ano naman ang income effect?

Ating suriin ang ginawa ng pangalawang pangkat. Tama ba ang


kanilang ginawa?

Sa tulong ng ginawa ng ikalawang pangkat, ano ang demand


Schedule?

Mahusay! Tatlong palakpak para kay_____.


Ang talahanayan na kanilang pinagbasehan ay halimbawa ng
demand Schedule. Sa kabilang banda, ano naman and demand
curve?

Pagkatapos ng pagtatanghal ng panghuling pangkat.

May mga salik naman na nakakaapekto sa konsepto ng demand


maliban sa presyo,katulad na lamang ng kita, panlasa, presyo na
magkakaugnay na produkto,okasyon at inaasahan ng maga
mamimili sa hinaharap at dami ng mamimili.

D. Abstraksyon

Batay sa ating talakayan, mayroon pang ibang mga salik na


maaaring makapagbabago sa demand maliban sa presyo.
Papaano kaya tayo maging matalino sa pagtugon ng
pagbabagong dulot nito?
E. Aplikasyon

Pamamaraan:
1. Ipa-pangkat ko kayo muli sa dalawang grupo.
2. Bawat grupo ay pabubunutin ko ng nilikit na papel na may
paksang nakasulat na tungkol sa mga salik na nakaapekto sa
demand.
3. Aatasan ko silang mag-sip ng maikling komersyal
(mapasayaw,kanta, balak at iba pa na komportable nilang
gawin) ng isang produktong kanilang napili sa loob ng
sampung minuto na naaayon sa paksang nakuha.
5

4. Ang pangunahing layunin ng komersyal ay makumbinsi ang


guro na bumili ng produkto na kanilang ini- endorse.
5. Pagkatapos , ipapakita at ipapaliwanag ko sa kanila ang aking
Rubrik sa pagmamrka ng presentasyon sa bawat grupo. Ilang
sandali nito, magbibigay na ako ng signal na sila ay pwede ng
magsimulang magbigayan ng opinion.
RUBRIK SA PAGMAMARKA
     
PUN
    TOS
Maayos at
malinaw
ang
Iskrip pagkakas 5
unod-
sunod ng
ideya
May
koneksyo
n sa salik
Kaangku
na 10
pan
nakakaap
ekto sa
demand
6. Matapos ng kanilan
May pagbrainstorming , ang
katotohan bawat grupo ay bibigyan
Karakter 5
g ng limang (5) minuto
pagganap upang ipakita at ilahad
Nagpapak ang kanilang gawa.
Presenta ita ng
10
syon pagkamali
III. Pagtatayakhain
TOTAL   30
Panuto: Basahin ang mga pahayag at ilagay ang mga katawagan
at konseptong tinutukoy ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang
mga tamang letra sa patlang.
_____________1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at sebisyong gusto
at kayang bilhin ng
mga mamimili.
_____________2. Grapikong paglalarawan ng presyo at quantity
_____________3. Nagpapahayag na mas Malaki ang halaga ng kinikita
kapag mas mababa ang presyo.
6

_____________4. Nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa


pagitan ng presyo at quantity
demanded.
_____________5.Ipinapahayag na ang presyo lamang ang salik na
nakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang salik ay
hindi nagbabago.

B. Demand Up, Demand Down


Panuto: Isulat sa patlang ang UP kung tataas ang demand at DD
kung bababa ang demand.
_____________1. Paglaki ng kita
_____________2. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto
_____________3. Pagbaba ng presyong pamalit
_____________4.Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang preso sa
sususnod na araw.
_____________5. Pagkataas ng presyo ng produktong kaugnay nito.

IV. Takdang Aralin

1. Basahin at unawain ang price elasticity of demand.


Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan sa pahina 129-134
2. Ihanda ang sarili sa maikling pagsusulit tungkol sa paksang
demand.

Inihanda ni:
_________________
Mae C. Quilaton
Teacher 1

Sanggunian
7

https://www.slideshare.net/ALEXANDRAOchavillo/banghay-aralin-
tungkol-sa-konsepto-ng-demand
Araling Panlipunan (DepEd)

You might also like