You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
14th Corner St. Rizal Ave., East Tapinac, Olongapo City, Zambales

Learning Plan 2
Week 3-4
Paksa SUPPLY: KONSEPTO AT MGA SALIK

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa


Pangnilalaman (Content pangunahing kaalaman sa ugnayan ng
Standard) pwersa ng demand at suplay, at sa
sistema ng pamilihan bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon ng sambahayan
at bahay-kalakal tungo sa pambansang
kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay kritikal na
(Performance Standard) nakapagsusuri sa mga pangunahing
kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
demand at suplay, at sistema ng
pamilihan bilang batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-
kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa MELC: Natatalakay ang konsepto at salik
Pagkatuto (Learning na nakaaapekto sa suplay sa pang araw-
Competency) araw na pamumuhay

II. NILALAMAN

A. Paksang-aralin: SUPPLY: KONSEPTO AT MGA SALIK

B. Sanggunian:

PRIMARYANG SANGGUNIAN:
• EKONOMIKS 9 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
IBA PANG SANGGUNIAN:
• Chua, Joannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)
Ikalawang Edisyon. DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et al. (2004). Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad. Vibal Publishing House Inc.
• Mateo, Grace Estela C. et. al. (2012). Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon
• Nolasco, Liberty I. et al. Ekonomiks: Mga Konsepto, Aplikasyon at
Isyu, VPHI
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
14th Corner St. Rizal Ave., East Tapinac, Olongapo City, Zambales

III. PAMAMARAAN
A. ALAMIN (Activate Prior Knowledge)

A.1. I PRODUCER’S TALK


Panuto: Suriin ang usapan ng dalawang prodyuser.
Producer 1: Ang presyo ng semento ay tumaas sa nakalipas na tatlong
buwan at mukhang magpapatuloy pa ang pagtaas nito sa susunod na
taon. Sa palagay mo ba dapat ba tayong magdagdag ng produksiyon?
Producer 2: Sa palagay ko, iyan ang pinakamatalinong desisyon! Sapat
pa naman ang ating mga salik ng produksiyon kung magtataas tayo ng
output.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Tungkol saan ang paksang pinag-uusapan ng dalawang
prodyuser?
2. Batay sa usapan, ano ang reaksiyon ng isang prodyuser
kapag tumaas ang presyo?
3. Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng
mga produkto sa pagdagdag ng produksiyon?

A.2. DECODE THEM ALL


Panuto: I-decode ang mga sumusunod.
1. 14 5 7 15 19 25 1 14 20 5
2. 16 18 15 4 25 21 19 5 18
3. 19 21 16 12 1 25
A B C D E F G H I J
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
K L M N O P Q R S T
11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
U V W X Y Z
21 22 23 24 25 26

PAMPROSESONG TANONG:
1. Anu-ano ang nabuong konsepto pagkatapos ng decoding?
2. Ano ang kaugnayan ng mga konseptong ito?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
14th Corner St. Rizal Ave., East Tapinac, Olongapo City, Zambales

B. TUKLASIN (Acquire New Knowledge)

PAGTALAKAY SA KONSEPTO

1. Ano ang supply?


2. Anu-ano ang tatlong paraan sa pagkuha ng supply?
3. Ano ang ipinahihiwatig ng batas ng supply?
4. Ano ang ibig sabihin ng ceteris paribus?
5. Maliban sa presyo ano pa ang ibang salik na maaaring makaapekto sa
supply?

C. ISABUHAY (Application)

Sagutin ang katanungan:

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, anong negosyo ang nais


mong itayo? Anong produkto o serbisyo ang iyong ipakikilala sa
mga mamimili?

D. TAYAHIN (Assessment)

I. PAGTUKOY. Tukuyin kung anong konsepto ang hinahanap.

1. Ito ay ang dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser


sa iba’t ibang presyo.
2. Ito ay tumutukoy sa talahanayan na nagpapakita ng dami ng produkto na
handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
3. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng di tuwirang relasyon ng presyo at
dami ng ipinagbibiling produkto.
4. Ito ay nagsasaad na kapag mataas ang presyo ng isang kalakal ay mataas
din ang suplay nito.
5. Nangangahulugan na lahat ng ibang salik maliban sa presyo ay hindi
nagbago
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
14th Corner St. Rizal Ave., East Tapinac, Olongapo City, Zambales

II. WHAT DO YOU THINK?. Suriin ang bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung
ano ang iyong desisyon.
1. Mayroon kang sari-sari store at marami kang nakatabing delata na nabili mo
lamang nang mura. Makalipas ang ilang araw, tumaas ang presyo nito. Ano
ang gagawin mo?
2. Tumataas ang gastos sa produksiyon dulot ng pagtaas ng halaga ng mga
materyales. Hindi ka makapagtaas ng presyo sapagkat marami ang hindi na
bumili sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
3. Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan dito ang banta ng
kalamidad at krisis sa kabuhayan at sa ekonomiya. Paano mo mapatatatag ang
iyong negosyo?

Inihanda ni: Binigyang-pansin:

CARL PATRICK S. TADEO NITA V. MAGO, Ed. D.


Teacher II, Araling Panlipunan SSHT VI, Araling Panlipunan

Inaprubahan:

SOLEDAD E. POZON, Ed. D.


Principal IV

You might also like