You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao City
Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
F. Torres St., Davao City
Tel Nos. (082) 300-8895, (082) 227 -9102

Malamasusing banghay Aralin ng Araling Panlipunan 9 Ekonomiks

Online Class Observation


November 25, 2020

Most Essential Learning Competency:

 Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya (AP9MKE-Ig14)

I. Layunin
Sa loob ng isang oras 90 % ng mga mag-aaral na nasa ika siyam na baitang seksyon Narra ay
inaasahang:

 natutukoy ang mga uri ng sistemang pang-ekonomiya;


 naipaliliwanag ang mga katangian ng iba’t ibang sistemang pangekonomiya; at
 nailalahad ang sariling pananaw ukol sa sistemang pang-ekonomiya.

II. Nilalaman
Paksa: Mga Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Sanggunian: Modyul 3 (Division Made ADM)
Kagamitan: Personal Computer, Audio System, Power Point Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagdalo
 Paalala
 Pagbabalik Aral (Brainstorming)
Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?

 Pangganyak:

Pamprosesong Tanong :

1. Ano ang nais ipahiwatig ng


larawan?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao City
Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
F. Torres St., Davao City
Tel Nos. (082) 300-8895, (082) 227 -9102

B. Paglinang ng Gawain

B.1. Paglalahad ng Paksa (Pangkatang Gawain)

Panuto:

1. May mga mag-aaral na bibgyan ng mga Gawain o paksa at ilalahad ito sa klase.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 3-5 minuto upang ibahagi sa klase ang kanilang
output.

Babasahin

MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasaklaw sa mga istruktura, institusyon, at mekanismo na batayan sa


pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksiyon upang sagutin ang mga pangunahing katanungang
pangekonomiya. Para masolusyonan ang mga suliraning pang-ekonomiya tulad ng kakapusan at kakulangan,
mahalaga sa isang bansa na ipatupad ang alokasyon na bubuo ng sistemang pang-ekonomiya na tutugon sa
mga suliraning ito. Walang perpektong sistema na angkop sa isang bansa, kaya ito ay maaring baguhin ayon sa
pangangailangan ng kanilang ekonomiya.

Mga Uri at Katangian ng Sistemang Pang-ekonomiya

May iba’t ibang uri ng ekonomiya ayon sa sistema na ginagamit. Ang mga sistemang ito ay may iba’t ibang
paraan sa pagsagot ng mga suliraning pangekonomiya. Ang mga sistemang ito ay ang tradisyonal na
ekonomiya, market na ekonomiya, command na ekonomiya, at ang pinaghalong ekonomiya.

1. Tradisyonal na Ekonomiya (Traditional Economy)

Ang ganitong uri ng ekonomiya ay sinasagot ang mga suliraning pangekonomiya sa pamamagitan ng mga
tradisyon, paniniwala, kagawian, at patakaran ng lipunan. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi
mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan
tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Ito ang pinakapayak na anyo ng pamumuhay.

Sa sitemang ito ang lipunan ang nagdedesisyon sa mga produkto at serbisyo na gagawin at ipamamahagi batay
sa kanilang tradisyon at kinagawian. Walang tiyak na batas o patakarang ipinatutupad sa pamamahagi ng
produksyon. Nangangahulugan ang pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya ay naiimpluwensiyahan ng
kanilang paniniwala at kaugalian.

Ang tradisyunal na ekonomiya ay may kalakasan at kahinaan. Ang kalakasan nito ay naiprepreserba ang kultura
ng isang lahi dahil ginagamit nila ang mga tradisyon na nakuha nila mula sa mga karanasan ng mga ninuno
upang gabayan ang pang-araw-araw na buhay at mga desisiyon sa ekonomiya. Samantala ang kahinaan naman
nito ay mahina sa mga pagbabago sa kalikasan, lalo na ang panahon dahil ang tradisyunal na ekonomiya ay
limitado ang paglago ng populasyon. Kapag ang ani o pangangaso ay mahirap, ang mga tao ay mamamatay sa
gutom.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao City
Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
F. Torres St., Davao City
Tel Nos. (082) 300-8895, (082) 227 -9102

Sa kasalukuyan ay maihahalintulad mo ang online barter na sikat sa social media sa tradisyunal na ekonomiya.
Dahil ang katangian ng online barter na pagpapalitan ng mga produkto ay tumutugma sa katangian ng
tradisyunal na ekonomiya. Sa online barter na ito, malayang nakakapagpalitan ng mga kagamitan at pagkain ang
mga tao na hindi gumagamit ng pera.

2. Market na Ekonomiya (Market Economy)

Sa sistemang ito, ang pagdedesisyon sa pagsagot sa mga suliraning ano, paano, at para kanino ang gagawin at
isinasagawa ng indibidwal at pribadong sektor. Ang market o pamilihan ay nagpapakita ng organisadong
transaksyon ng mamimili at nagbibili. Ang produksyon at distribusyon ng mga kalakal at serbisyong
pangkabuhayan ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng
malayang pagtatakda ng halaga. Isang halimbawa ng sistemang ito ay ang Kapitalismo.

Ang kapitalismo ang pangunahing sistemang pang-ekonomiya sa Europe at United States mula 1800. Ang
kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang pagmamay-ari ng yaman at produksiyon ay nasa kamay
ng mga indibidwal at pribadong sektor. Ang pribadong pagmamay-ari at layuning tumubo ay laganap sa
sistemang ito. Ang sinumang indibidwal ay may kalayaan na magnegosyo na hindi labag sa batas, magmay-ari
ng kahit gaano karaming yaman o kapital, magtakda ng presyo at lumikha at bumili ng ninanais ng produkto.

Ang pagkakaroon ng kalayaang pang-ekonomiya sa sistemang ito ay nagdulot ng pagkakataon sa mga


mamamayan na makapili ng hanapbuhay at negosyo na gusto nila na makatutulong sa ekonomiya. Halimbawa
ng mga bansang napabilang sa market economy ay ang Mexico, United States, at Canada. Sa mga bansang ito
paggawa at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng mgalayang pamilihan
ngunit mayroong ganap at takdang halaga.

Ang kalakasan ng market economy ay nagbibigay ito ng maraming oportunidad sa trabaho dahil sa
pagpapatayo ng iba’t ibang negosyo ng mga kapitalista. Samantala ang kahinaan naman nito ay
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao City
Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
F. Torres St., Davao City
Tel Nos. (082) 300-8895, (082) 227 -9102

pagsasamantala sa mga manggagawa dahil mas nakatuon ang mga kapitalista sa kita kaysa sa kapakanan ng
kanilang mga manggagawa.

3. Pinag-uutos na Ekonomiya (Command Economy)

Sa Command Economy, ang estado ang may responsibilidad sa pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya.
Nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa. Ang
pagpapasiya ukol sa mga gawaing pang-ekonomiya ay isinasagawa ng estado at inaasahan na ang mga
mamamayan ay susunod sa mga desisyon. Ang komunismo at pasismo ay kabilang sa ganitong uri ng
ekonomiya.

Ang komunismo ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang nagmamay-ari at kumukontrol
sa yaman ng bansa at sa produksiyon. Ang pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya ay naaayon sa planong
pangkabuhayan ng pamahalaan na isinasagawa ng isang central planning board. Ang lahat ng tao ay gagawa at
kikilos batay sa kanilang kaalaman at kakayahan at sila ay babayaran ayon sa kanilang pangangailangan.
Walang pribadong pagmamay-ari ng mga industriya.

Ang pasismo naman ay isang sistemang pang-ekonomiya at politikal na sinimulan ni Benito Mussolini sa Italy
noong 1922. Itinatag niya ang partidong pasista. Ipinakilala naman ni Adolf Hitler ang pasismo sa Germany. Ang
mga yaman at industriya ay kontrolado at pagmamay-ari ng estado na pinamumunuan ng isang diktador. Sa
ilalim ng sistemang ito, ang diktador ang nagdedesisyon sa lahat ng mga gawain ng estado: politikal, sosyal, at
ekonomikal. Ang pag-aangkat ng mga produkto, pagwewelga, at pagtatag ng unyon ng mga manggagawa ay
mahigpit na ipinagbabawal ng estado. Ang produksiyon ay naaayon sa pangangailangan ng ekonomiya. Ang
bawat indibidwal ay walang karapatang magreklamo at sumuway sa itinadhanang batas ng estado.

Sa kasalukuyan, ang North Korea ay maihahalintulad sa command economy dahil sa uri ng pamumuno ng lider
nito. Ito ay pinamumunuan ng isang diktador na kung saan ang lahat ng pang-ekonomikong desisyon ay
nanggagaling sa kanya at sinusunod ito ng kayang mga nasasakupan.

Ang kalakasan ng command economy ay napapanatili nito organisado ang bansa at napapasunod ang mga tao
sa anumang desisyon na makabubuti sa bansa. Samantala ang kahinaan naman nito ay napipilitan ang mga
negosyante na sumunod sa utos o pag bago ng presyo ng bilihin sa pamilihan dahil kontrolado ito ng
pamahalaan.

4. Pinaghalong Ekonomiya (Mixed Economy)

Isang sistemang pang-ekonomiya na masasabing pinaghalo dahil sa pag-iral ng command at market na


ekonomiya. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistemang malayang pamilihan at
sentralisadong pagpaplanong pang-ekonomiya ng pamahalaan. Sa ilalim ng pinaghalong ekonomiya o mixed
economy ay binabalanse ang pagkontrol at kalayaan ng pamahalaan at maging ng mamamayan. Karamihan sa
mga makabagong ekonomiya ngayon ay ipinapatupad ang gampanin ng pamahalaan at pribadong indibidwal o
sektor. Binibigyan ng proteksiyon ng pamahalaan ang pribadong pagmamay-ari ng tao kaalinsabay ng
pakikialam sa kaganapan sa pamilihan upang matiyak na ang layuning pang-ekonomiya ay matatamo.

Halimbawa ng bansang napabilang sa mixed economy ay ang United States dahil kahit ang paggawa ay
pagmamay-ari ng pribadong sektor ngunit ang gobyerno ang tumutukoy kung anong imprastraktura ang itatayo
at ang pamahalaan ay gumagawa ng mga batas na nakatuon sa paghihigpit at tamang regulasyon sa pribadong
industriya. Ang kalaksan naman ng mixed economy ay napapanatili ang maayos na daloy sa kaganapang pang-
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao City
Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
F. Torres St., Davao City
Tel Nos. (082) 300-8895, (082) 227 -9102

ekonomiya dahil sa ugnayan ng pamahalaan at ng pribadong sektor. Samantala ang kahinaan naman nito ay
ang pagpataw ng malalaking buwis sa mga pribadong sektor na namumuhunan.

Ang mga sistemang pang-ekonomiyang nabanggit na natalakay mo ay mayroong iba’t ibang katangiang na
maaaring maging kahinaan at kalakasan ng mga ito. Bukod sa mga katangian, ang mga sistemang ito ay
maraming pagkakaiba lalo na sa pagsagot sa pangunahing pang-ekonomikong katanungan. Pansinin moa ng
Tsart sa ibaba.

B.2. Abstraksyon

1. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya?

C. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat

b. Paglalapat

Gaano kahalaga ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahala at pagpapalago sa


ekonomiya ng isang bansa? Gumamit ng mga artikulo, pananaliksik, at iba pang
sanggunian upang mas mapagtibay mo ang iyong sagot.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao City
Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
F. Torres St., Davao City
Tel Nos. (082) 300-8895, (082) 227 -9102

IV. Ebalwasyon:

Sagutin ng mga mag-aaral ang tayahin sa modyul

Online Quiz: https://bit.ly/ap9tayahinM3

V. Takdang Aralin

Gawin ng mga mag-aaral ang karagdagang gawain sa modyul

Inihanda ni: Observed by:

EDWARD B. LATONIO AIMEE D. CHUA


Teacher III Master Teacher 1

Noted by:

JED I. BETE
Department Head
Araling Panlipunan

You might also like