You are on page 1of 3

DETAILED Paaralan BONIFACIO NATIONAL HIGH SCHOOL BAITANG 9

LESSON
LOG Guro CHRRY PIE P. BATOMALAQUE ASIGNATURA EKONOMIKS
SEKSYON TUGAS/YAKAL MARKAHAN UNANG MARKAHAN

ARAW LUNES/MIYERKULES
PETSA Hulyo 29, 2019 /Hulyo 31, 2019
ORAS 7:40 – 8:40/ 1:00 – 2:00
SEKSYON TUGAS / YAKAL
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay


naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pang-araw-araw na pamumuhay.

C. Mga Kasanayan sa Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili
Pagkatuto AP9MKE-Ig-17

D. Tiyak na Layunin 1. Nasusuri isa-isa ang pamantayan sa Pamimili


2. Napapahalagahan ang pagiging Wais sa araw-araw na pamumuhay.

II. PAKSANG ARALIN Pagkonsumo: Mga Pamantayan sa Matalinong Pamimili

III. SANGGUNIAN

1. Mga Pahina sa Kagamitang Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral


Pang-mag-aaral
2. Mga pahina sa Teksbuk Pahina 62 - 68
3. Karagdagang kagamitan mula www.slideshare.com
sa portal ng Learning Process Pagtanaw at Pag-unawa (Ekonomiks) Gabay sa Pagtuturo Diwa Texbook_pahina 22 - 23
IV. PAMAMARAAN

A.
1. Balik-aral sa nakaraang 1. Magbigay ng mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
aralin at /o pagsisimula ng 2. Paano ang Demonstration Effect nakakaapekto sa ating pagkonsumo?
bagong aralin 3. Paano ba ang mga inaasahan ay nakakaapekto sa pagkonsumo?
4. Halimbawa ng mga inaasahan.

2. Pagaganyak Pamprosesong Tanong:


1. Klass kung kayo ay bibili ng damit ano ang una ninyo tinitingnan?
2. Maituturing ba ikaw ay matalinong mamimili kung nakabili ka ng marami sa murang halaga?

3. Presentasyon ng Aralin Ngayong araw na ito ang ating paksang tatalakayin ay natin ay tungkol sa mga pamantayan ng Pamimili.

B. PAGTATALAKAY Bahagi na ng Buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa
pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba dahil mayroon nito
ang iyong kaklase? Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan nating isaalang-alang ang
value for money.

Mga Pamantayan sa Pamimili

1. MAPANURI
 Ano ba ang sinusuri sa isang produkto at serbisyo na inaalok sa pamilihan?
 Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, expiration date, nutrition factcs at iba pa.
Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon
nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.

2. MAY ALTERNATIBONG O PAMALIT


 May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari
ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon
ay marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatugon din sa pangangailangang tinutugunan ng
produktong dating binibili
 Magbigay na halimbawa ng mga produkto na puwedeng pamalit sa mga nakasanyang bilhin?
 Paggamit ng brown sugar kung walang mabiling white sugar.
 Pagbili ng ibang brand ng hotdog gaya ng CDO brand kung walang stocks ng nakasanayang
Purefoods Hotdog.

3. HINDI MAGPAPADAYA
 Ano ang gagawin mo para hindi ka madaya sa pagbili ng mga produkto at serbisyo na inaalok sa pamilihan?
 Hindi nagpapadala sa matatamis na salita ng mga nagtitinda sa merkado o sa ano mang uri ng
pamilihan.
 Dapat alerto, handa at mapagmasid sa mga maling gawain.
 Para hindi madaya dapat binibilang ang sukli bago tayo umalis sa ating painagbilahan.
 Dapat tinitingan ang paggamit sa timbangan para hindi madaya.

4. MAKATWIRAN
 Paano ba maging isang makatwiran sa pamimili ng produkto at serbisyo sa pamilihan?
 Sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad. Isinasaisip din ang
kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang
pangangailangan ditto.
 Kailan natin masasabing na ang isang konsyumer ay makatwiran sa pamimilii?
 Makatwiran ang isang konsyumer sa pamimili kung inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara
sa kanyang mga luho.

5. SUMUSUNOD SA BADYET
 Ano kaya ang mangyayari kung ang isang konsyumer ay hindi sumusunod sa badyet?
 Maaaaring magkulang ang kanyang pangangailangan sa pangaraw-araw?

Ang matalinong konsyumer ay tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi
nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak ma magiging sapat ang
kaniyang salapi sa kaniyang pangangailangan.

6. HINDI NAGPAPANIC-BUYING
 Kailan ba nagpapanic buying ang isang konsyumer?
 Kapag may kakulangan ng supply sa pamilihan.
 Kapag may napapabalitang shortage sa supply ng produkto ay agad ba tayong maniniwala?
 Kung may napapabalitang kakulangan ng supply ay dapat i-verify kung totoo ito para maiwasan
ang maling impormasyon. Baka ang artispisyal na kakulangan ay bunga ng pagtatago ng mga
produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo sa hinaharap.

7. HINDI NAGPAPADALA SA ANUNSIYO


 Paano nakakaimpluwensiya ang mga anunsiyo sa telebisyon at social media sa pamimili?
 Nakakahatak sila ng mga konsyumer na bumili ng mga produkto ipinapalabas sa commercial sa TV
at social media.
 Kung ikaw ay matalinong mamimili magpapadala ka ba sa mga patalastas sa TV at Social Media?
 Hindi, dapat ang tinitingnan ay ang kalidad ng produkto at serbisyo ang inaalok. Hindi ang paraan
ng pag-aanunsiyo na ginagamit.

PAGLALAHAT
1. Ano-ano ang mga Pamantayan sa Pamimili?
2. Ano tinitinginan sa isang mapanuring mamimili?
3. Upang hindi madaya sa pagpili ng produkto, ano dapat gawin?
4. Dapat bang maniwala tayo agad sa mga commercial sa Telebisyon?
5. Ano ang dapat gawin para hindi tayo magkulang sa badyet?

PAGPAPAHALAGA
Sa araw-araw na pamumuhay dapat maging WAIS tayo sa pagdesisyon gaano man ito kaliit o kalaki. Hastag “IWAS SAWI
SA TAONG WAIS”

C. PAGTATAYA
V. TAKDANG-ARALIN PANGKATANG GAWAIN
Panuto:
1. Pumili ng isang pamantayan sa pamimili.
2. Gumawa ng maiking presentasyon tungkol sa napiling paksa maaaring Role Play, Kanta, Tula o Rap ang gagawing
presentasyon.
3. Ang napiling paksa ay itatanghal sa susunod na klase.

Binigyang Pansin ni: Ramon A. Villa


BNHS HEAD TEACHER I

Inihanda ni: CHRRY PIE P. BATOMALAQUE


BNHS TEACHER I

You might also like