You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

University of Rizal System


Pililla, Rizal

COLLEGE OF EDUCATION

Malamasusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan


I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahan na.

Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa ibat ibang sistemang pang ekonomiya


bilang sagot sa kakapusan AP9MKE-Ig-14

Task Analyze:
a. Nalalaman ang konsepto ng alokasyon.
b. Natutukoy ang kaugnayan nang alokasyon sa kakapusan, pangangailangan
at kagustuhan at iba pang sistemang pang ekonomiya.
c. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang
pangangailangan.

II. Paksang Aralin:


Kwarter o unit: Unang kwarter
Paksa : Alokasyon at ibat ibang Sistemang Pang Ekonomiya
Sanggunian : Batayang Aklat sa Araling PanlipunanEkonomiks para sa mga mag
aaral p:50-56
Mga kagamitan : Visual aids, Powerpoint presentation
Pamamaraan:
Lapit: Patuklas
Pamamaraan: Deductive
Teknik: Talakayan at Pangkatan
III.Panimula/ Rotinaryong Gawain

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL

Pagbati :
Magandang hapon class. Magandang hapon din po ma’am Biaňo
Panalangin :
Magsitayo ang lahat para sa ating Magsitayo po tayo para sa ating
panalangin sa araw na ito na panalangin.
pangungunahan ni Aliza.
Pag uulat nang liban:
Archie maaari mo bang iulat kung sino ang Ikinalulugod ko pong iulat na walang
lumiban sa araw na ito. lumiban sa araw na ito.
1.Pagbabalik aral:
Ating balikan angating nakaraang aralin
patungkol sa araling pangangailangan at
kagustuhan.

Ok James ano ang pangangailangan?


Magaling ang pangangailangan ay ang
pangunahing kailangan ng isang tao upang Ang pangangailangan po ay….
mabuhay.

Ano naman ang kagustuhan Lyka ?


Mahusay ang kagustuhan ay ang mga luho
lamang nang mga tao sa kanilang buhay. Ang kagustuhan po ay…
Batid kong lubos na ninyong naunawaan
angating nakaraang talakayan ngayon ay
dadako na tayo sa panibagong aralin
ngunit bago iyon meron akong inihandang
activity na inyong sasagutan.
Handa na ba kau…

2.Pangganyak
Opo ma’am

Ano ang napapansin ninyo sa unang


larawan? Ara .
Ok namamahagi.
Sa unang larawan po ay namamahagi po
Sa pangalawang larawan ano ang yung isang tao nang tulong sa mga tao.
napansin ninyo?
Sa pangalawang larawan po ay isang
Ok mahusay isang pamilihan. pamilihan.

Sa ikatlong larawan ano ang napansin


ninyo?
Sa ikatlo po ay isang pie graph po.
Ok ito ay isang pie graph.

Sa ikaapat na larawan ano ang napansin


ninyo?
Ang nasa ikaapat na larawan po ay isang
Ok magaling .. puzzle.

Sa apat na lawan ano kaya ang salitang


mabubuo sa ibaba?

Jean ano ang salitang mabubuo sa ibaba?

Magaling ang salitang nabuo ay ang Ano po ma’am alokasyon


alokasyon.

Bago natin umpisahan angating aralin sa


araw na ito ay bibigyan ko muna kayo nang
maikling gawain .
Ang gawaing ito ay tatawagin nating
entrance at exit slip.

Punan ng matapat na sagotang dalawang


kahon sa ilalim ng entrance slip. Ang exit
slip ay sasagutan lamang pagkatapos ng
aralin.

ENTRANCE SLIP EXIT SLIP

Ang alam ko
tungkol sa
alokasyon
Ang
ay….
natutunan ko
tungkol sa
alokasyon
Ang palagay ay………..
ko tungkol sa
alokasyon
ay…

B. paglalahad ng Aralin:

alokasyon- ay isang mekanismo ng


pinagkukunang-yaman upang lutasin ang
suliranin ng lipunan ukol sa kakapusan.

Kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan,


pangangailangan at kagustuhan
Itinuturing na pangunahing suliraning
pangkabuhayan ang kakapusan. Sa
katunayan , pinag aaralan ang ekonomiks
dahil may kakapusan ang karamihan sa
mga pinagkukunang-yaman.

Bakit nga ba nag kakaroon nag kakapusan


ang mga tao? Loyd
Ano po ma’am….
Ok magaling
Sabi nga ni John Watson Howe ‘’ there
isn’t enough to go around ‘’. Ito ang
kasabihang sumasalamin sa suliranin ng
kakapusan . ito rin ay naglalahad ng
katotohanang limitado ang mga
pinagkukunang yaman kung kayat
kailangang gumawa ng tamang desisyon
kung paano gagamitin nang mahusay ang
mga ito at upang matugunan ang
nagtutunggaliang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

Ang mekanismo ng pamamahagi ng


pinagkukunang yaman, produkto, at
serbisyo ay tinatawag na alokasyon .ang
alokasyon ay isang paraan upang maayos
na maipamahagi at magamit ang lahat ng
pinagkukunang yaman ng bansa. Ito rin ay
paraan upang ang lipunan ay makaagapay
sa suliraning dulot ng kakapusan.

Mahalaga ba ang naidudulot nang


alokasyon class.
Opo ma’am
Ok bkt mahalaga ang naidudulot nang
alokasyon Jean?
Kase po ma’am….
Ok mahusay…
Mahalaga ang naidudulot nang alokasyon
sapagkat sa pamamagitan nito maayos na
naipapamahigi ang mga likas na yaman.

Kailangan isaalang alang ang pag gamit at


paglinang ng lahat ng pinagkukunang
yaman ng bansa upang makamit ng tao
ang pinakamataas na antas ng kasiyahan
at kapakinabangan mula rito. Nararapat
itong bigyang pansin dahil sa katotohanang
may kakapusan ang mga pinagkukunang
yaman. Ang pananagutang paggamit nito
ang titiyak na may magagamit pang
pinagkukunang yaman ang susunod na
heherasyon
.
Paano natin mapangangalagaan ang ating
mga pinagkukunang yaman? Lyka
Ano po ma’am mapangangalagaan po
Ok mahusay.. natin ito sa pamamagitan nang…
Mapangangalagaan natin ang ating likas
na yaman kung ang lahat nang tao ay mag
kakaroon pagmamahal sa ating kalikasan.

Upang matiyak na efficient at maayos ng


mga pinagkukunang yaman , dapat itong
sumagot sa apat na pangunahing
katanungang pang ekonomiya.

1. Ano-anong produkto at serbisyo ang


gagawin.

Sa inyong palagay ano –anong produkto at


serbisyo ang gagawin. Ann
Ano po ma’am ang mga gagawing
Ok mahusay.. produkto at serbisyo po na gagawin ay
Hindi makagagawa ang lipunan ng nakasalalay sa kailangan po nang tao.
produktong kailangan ng tao ayon sa dami
at uri na gusto ng lahat. Bahagi ito ng
suliranin ng kakapusan. Ang desisyon kung
anong produkto at serbisyo ang gagawen
ay nakasalalay sa pangangailanagn ng tao.

2. Paano gagawin ang naturang


produkto at serbisyo?

Paano nga ba nagagawa ang mga


produkto? Lee
Nagagawa po ang mga produkto sa
Ok magaling bigyan natin siya nang limang pamamagitan nang mga teknolohiya.
palakpak.

Kung paanosinasakataparan ang pagbuo


ng produkto at serbisyo ay nakasalalay
kung anong input ang gagamitin. Marami
ring mga paraan na maaaring gamitin kung
papaano isasakatuparan ang produktyon.
Maaaring gumamit nang teknolohiya o
tradisyyonal na paraan ng pagagawa
upang makabuo ng output.
3. Para kanino gagawin ang mga
produkto at serbisyo?

Para kanino nga ba ang gagawing


produkto at serbisyo? Hanna
Ano po ma’am para po sa mga taong
Ok mahusay.. nangangailangan.
Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto
o serbisyo ang nagsisilbing matibasyon sa
pagpapatuloy ng produksyon. Ang
makikinabang sa produksyon o serbisyo ay
kung sino ang nangangailangan at may
kakayahan makamit ito. Maaaring nasa
loob ng bansa ang gagamit ng gagawing
produkto at serbisyo.

4. Gaano karami ang gagawing


produkto at serbisyo?

Gaano nga ba karami ang gagawing


produkto at serbisyo? Jam
Siguro po maam yung sapat lang po sa
Ok magaling… pangangailangan nang tao.
Kailangan malaman ang laki ng
pangangailangan ng ekonomiya upang
makapagdesisyon kung gaano karami ang
gagawing produkto at serbisyo. Ang
potensyal na makabuo ng produksyon at
serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input.

Alokasyon sa ibat ibang sistemang


Pang -Ekonomiya

Ang sistemang pang ekonomiya


Ay tumutukoy sa isang institusyonal na
kaayusan at paraan maisaayos ang paraan
ng produksyo, pagmamay-ari, at paglinang
ng pinagkukunang-yaman at pamamahala
ng gawaing pang –ekonomiko ng isang
lipunan.

Tradisyonal na Ekonomiya

Ang unang anyo ng sistemang pang


ekonomiya ay ang tradisyonal na
ekonomiya. Ang kasagutan sa
pangunahing katanungan pang ekonomiko
ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.

Ang isa sa halimbawa nang tradisyonal na


ekonomiya ay ang pagsasaka.

Ano pa ang ibang halimbawa nito maaari


ka bang magbigay. Nichole
Ok magaling.. Ano po ma’am…

Pakibasa ang sumunod James…

Market economy
Sa market economy ang kasagutan sa
pangunahing katanungan pang ekonomiko
ay ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan. Sa ganitong sistema,
ang bawat kalahok – konsyumer at
produser ay kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makakuha
ng malaking kapakinabangan.

Ang mga nasalakas paggawa ay maaaring


makapamili ng kanilang nais na
papasukang trabaho. Ang pangunahing
katanungan pang ekonomiya ay sinasagot
ng puwersa ng pamimili.

Presyo ang pangunahing nagtatakda kung


gaano karami ang bibilihin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang
malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser.

Ano naman ang command economy?


Joshua
Ok mahusay..
Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay
nasa ilalim ng komprehensibong control at
regulasyon ng pamahalaan. Ang
pagkontrol ay alinsunod sa isang planong
nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensya .(central planning
agencies)

Sa inyong palagay paano kung walang


kukontrol sa ating economiya ano ang
magiging epekto nito sa ating bansa? Siguro po maam ….

Ok mahusay…
Maaaring magkagulo ang economiya
sapagkat wala silang sinusunod na
regulasyon.

Ano naman ang mixed economy? Erica


pakibasa.

Mixed economy

Ang mixed economy ay isang sistema na


kinapapalooban ng element ng market
economy at command economy.

Walang maitutring na isang kahulugan ang


mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng
magkaugnay na katangian ng dalawang
sisteman tulad nang malayang pakikilahok
sa mga gawaing pang kabuhayaan na
pinahihintulutan nang pamahalaan at
pagkontrol ng pamahalaan sa ilang
gawaing pangkabuhayan.

C.Paglalahat:
Upang lubos kong malaman kung
naunawaan na ninyo ang ating tinalakay sa
araw na ito meron akong inihandang ilang
katanungan.
Ang alokasyon po ay ang ….
Ano ang alokasyon? Nyla
Ok magaling ..

Anu- ano naman ang apat na katanungang Ang apat nakatanungang pang ekonomiya
pang ekonomiya. Jessa ay ang….

Mahusay…

Anu-ano naman ang ibat-ibang sistemang Tradisyonal na ekonomiya.


pang ekonomiya magbigay nang isa.
Grace Command economy po
Ano pa Archie.. Mixed economy po
Ano pa Michael.. Market economy po.
At ang huli Alex ..

Ok mahusay batid kong lubos na ninyong


naunawaan an gating tinalakay ngayon.

D.Paglalapat:
Pangkatang gawain hahatiin ko kayo sa tatlong grupo sa loob nang sampung minuto
kailangan ay natapos na ninyo ang inyong gawain.
Pangkat I. Punan ang kahon sa kaliwa ng apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya batay sa mga ibinigay na halimbawa sa kanang bahagi nito.

Palay, mais , kotse, o computer


Tradisyonal na paraan o paggamit ng
teknolohiya
Mamamayan sa loob o labas ng bansa
500 kilong bigas o 200 metrong tela
Pangkat II. Ibigay ang ibat ibang katangian nang Sistemang Pang- Ekonomiya.

Sistemang pang-ekonomiya Katangian


Tradisyonal na Ekonomiya
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Pangkat III. Gumuhit nang poster na nagpapakita nang ibat-ibang sistemang pang
ekonomiya.
E: Pagtataya :
I.Panuto : Basahin at unawain ang bawat katanungan bilugan ang titik nang tamang
sagot.
1. ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay
tinatawag na.
a. Produksyon b. Pagkonsumo
c. Alokasyon d. Pangangailangan
2. Ito ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko na nakabatay sa tradisyon,
kultura, at paniniwala.
a. Market Economy b. Tradisyonal na Ekonomiya
c. Mixed Economy d. Command Economy
3. Ito ay ang ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema,
ang bawat kalahok- konsyumer at prodyuser, ay kumikilos ay kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes at kapakinabangan.
a. Command Economy b. Mixed Economy
c. Tradisyonal na Ekonomiya d. Market Economy
4. Ito ang ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan.
a. Command Economy b. Market Economy
c. Mixed Economy d. Tradisyonal na Ekonomiya
5. Ito ang sistemang na kinapapalooban ng element ng market economy at command
economy.
a. Market Economy b. Tradisyonal na Ekonomiya
c. Mixed Economy d. Command Economy
6. Sino ang nagsabi nang kasabihang ‘’There isn’t enough to go around’’. Na
saumasalamin sa suliranin ng kakapusan?
a. John Watson Howe b. John Dowe
c. John Lock d. John Lee
II. Pag iisa:
1. Anu ano ang apat na pangunahing katanungang Pang - Ekonomiko?
Sagot :
1. C
2. B
3. D
4. A
5. C
6. A
7. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
8. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
9. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
10. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
F. Pagtatapos:
Bilang pagtatapos ,Lagi nating tatandaan na tungkulin nating pangalagaan ang ating
pinagkukunang yaman sapagkat tayo rin ang lubos na maaapektuhan kapag ito ay
nawala o nasira.
IV. Takdang Aralin:
1. Ano ang pagkonsumo?
2. Anu –ano ang mga salik nang pagkonsumo?
3. Anu – ano ang pamantayan sa pamimili?
Inihanda ni:

Rosalie D.G Biaño


BSE Social Studies

You might also like