You are on page 1of 29

Asian Development Foundation College

Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Instructor(s) / Author(s): Marites A. Cayas

Module Learning Outcome(s):


1. Naipapamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks
at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa
paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo, makatarungan, at
makataong mamamayan ng bansa at daigdig.

Method(s) of Assessment: Altenative Response, Open-Ended Questions, Essay Writing and Monthly
Assessment

Assessment Criteria: Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Student / Parent / Guardian guide notes:

Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangarin nitong mabigyan ka ng makabuluhang pagkakataon sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahaging dapat mong maunawaan.

Paunang Pagtataya Dito mababatid kung mayroon kang paunang kaalaman


tungkol sa aralin ng modyul.
Mga Aralin o kaalaman Sa bahaging ito ipakikilala ang araling tatalakayin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang mga
konseptong inilahad.
Mga Gawain at Kasanayan Naglalaman ito ng mga gawain at pagsasanay na
makatutulong sa iyong pag-unawa sa paksa.
Karagdagang Gawain Naglalaman ng gawaing maipakikita mo ang kaalaman o
kasanayang natutunan mo sa aralin na maaari mong
magamit sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Panghuling Pagtataya Dito masusukat ang iyong pagkatuto sa mga paksang
nasa modyul na ito.

Mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito.

1. Ingatan ang modyul na ito.


2. Unahing sagutin ang paunang pagtataya bago dumako sa ibang gawaing nasa modyul.
3. Basahing mabuti ang nilalaman, mga konsepto at panutong nakalahad sa loob ng modyul.
4. Maging matapat sa pagsasagawa o pagsagot sa mga gawain at pagsasanay.
5. Tiyaking nasagutan lahat ang mga gawain at pagsasanay na nasa modyul.
6. Pakibalik ang modyul kung tapos nang naisagawa ang lahat ng pagsasanay at iba pang Gawain.

Nilalaman ng Modyul 1:

YUNIT I Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks: Batayan ng Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang


Yaman tungo sa Pagkamit ng Kaunlaran
Aralin 1: Kahulugan ng Ekonomiks
Aralin 2: Pagpipili at Pagdedesisyon
Aralin 3: Mga Kilalang Ekonomista at Kanilang Kontribusyon
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
PAUNANG PAGTATAYA (MODULE PRE-TEST)
Bago talakayin ang mga aralin, alamin muna ang iyong kaalaman sa paksa. Basahin at unawaing mabuti ang
mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Lahat ng tao, mahirap o mayaman, bata o matanda ay itinuturing na mamimili sapagkat…
a. lahat ay may pera
b. lahat ay may pangangailangan
c. lahat ay kumukunsumo ng mga produkto at serbisyo
d. lahat ay may karapatan at pananagutan sa pamilihan

2. Ang mga likas na yaman ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Hinihikayat ang mga
mamamayan na linangin at pangalagaan ang mga ito. Ano ang maitutulong mo upangmapangalagaan
ang mga likas na yaman ng bansa?
a. magtatanim ng mga halaman
b. sasali sa fun run para sa kalikasan
c. sasapi sa mga organisasyong pangkalikasan
d. aktibong makikilahok sa mga proyekto para sa kalikasan

3. Ang salitang pinagmulan ng katawagang ekonomiks ay…


a. ekonomos
b. oikonomos
c. oikonomics
d. aikonomos

4. Ang ekonomiks ay nag-uugnay sa iba’t ibang agham ng pag-aaral kaya malawak ang saklaw ng pag-
aaral nito. Anong agham ng pag-aaral ang kinabibilangan ng ekonomiks?
a. physical sciences
b. social sciences
c. abstract sciences
d. natural sciences

5. Ang pangangailangan ng tao ay walang katapusan dahil…


a. iba- iba ang kailangan ng tao
b. marami ang salaping pambili
c. patuloy na dumarami ang tao
d. nagbabago ang pangangailangan ng tao

6. Ang pagdaragdag ng anak ay pinag-iisipan at pinagpapasiyahan ng mag-asawa kung kaya ito ay


inilalarawan bilang…
a. utility
b. consumer behavior
c. opportunity cost
d. responsibilidad ng mag-asawa

7. Ang kakapusan ay pangunahing suliranin sa ekonomiks. Kaya ang mga tao ay kailangang magdesisyon
at pumili ng kanilang gagawin at bibilhing produkto. Anong konsepto sa ekonomiks ang binibigyang
pansin?
a. opportunity cost
b. pagkonsumo
c. production function
d. trade off
Asian Development Foundation College
Tacloban City

8. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng iba’t ibang programa at proyekto upang mapaunlad ang ang
pamumuhay ng mga mamamayan at bansa.Alin sa mga ito ang programang tinutukoy?
a. programang pang-agraryo
b. programang pangkalikasan
c. programang sa pagbubuwis
d. programang pang-ekonomiya

9. Ang pagpili at pagdedesisyon ay bahagi ng buhay ng tao. Ito ay ginagawa upang matugunan ang ating
mga pangangailangan kahit limitado ang mga pinagkukunang yaman. Ito ang sentro ng suliranin ng…
a. Kartel c. kakulangan
b. Kakapusan d. diminishing returns

10. Kapag mas pinili ng pamahalaan na gamitin ang ilang ektarya ng lupain upang pagtayuan ng mga tulay
at kalsada, ang nasabing likas na yaman ay hindi na magagamitna taniman ng mga produktong
agrikultural. Ang ganitong sitwasyon ay naglalarawan ng konsepto ng
a. diminishing returns c. opportunity cost
b. production cost d. fiscal policy

11. Ang ekonomiks ay pinag-aaralan ng mga mga mag-aaral sapagkat…


a. bahagi ng kurikulum
b. gusto nilang maging ekonomista
c. kailangan nila sa buhay
d. ibig nilang maunawaan ang mga pangyayari sa buong bans

12. Alin ang higit na naglalarawan ng agham ng ekonomiks?


a. limitadong yaman at limitadong pangangailangan
b. masaganang yaman at limitadong pangangailangan
c. limitadong yaman at walang katapusang pangangailangan
d. masaganang yaman at walang katapusang pangangailangan

13. Ang Ekonomiks ay isang agham ng pag-aaral, sa anong agham ito nabibilang?
a. pisikal b. natural c. abstract d. panlipunan

14. Ang Ekonomiks ay isang agham ng pag-aaral na sumasaklaw sa ating pang-araw-araw na buhay. Ito
ay mahalagang maituro sa mga mag-aaral sapagkat mauunawaan nila ang kaisipan ng agham na
ito. Alin ang higit na naglalarawan sa agham ng Ekonomiks?
a. limitadong pangangailangan at masaganang yaman
b. limitadong pangangailangan at limitadong yaman
c. walang katapusang pangangailangan at limitadong yaman
d. walang katapusang pangangailangan at masaganang yaman

15. Maraming likas na yaman ang unti-unting nauubos kaya kailangang kumilos ang mga tao upang
mapangalagaan at gamitin ng matalino ang mga yaman ng kalikasan, ito ay tinatawag na
a. reforestation b. conservation c. deforestation d. production
Asian Development Foundation College
Tacloban City

B. Pagmasdan ang karikatura. Ano ang kaisipan na ipinahihiwatig nito? Sumulat ng 5 mahahalagang kaisipan
na nakapaloob sa karikatura.

1. ______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

4. ______________________________________________________________

5. ______________________________________________________________
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Topic: Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham


Lesson No.: 1
Learning Outcome(s):
1. Natutukoy kung ano ang ekonomiks;
2. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at
kasapi ng pamilya at lipunan;
3. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan

Method(s) of Assessment: Word Identification, Multiple choice, Open-Ended Questions, Essay Writing, Word
Formation

Assessment Criteria: Pagsulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay.

Key Concept(s):

Ekonimiks
Microeconomics
Macroeconomics
Siyentipikong Pamamaraan

Key Terms:
Trade-off- bagay na ipinagpaliban o binawasan para matamo o magawa ang ibang bagay
Agham Panlipunan- isang sangay ng pag-aaral ukol sa kilos at gawi ng tao sa lipunan
Teorya- grupo ng ideya na nagpapaliwag kung bakit may ganito o ganoong pangyayari
Laissez-faire-nagsasaad na ang pamahalaan ay hindi dapat makialam sa pagpapatakbo ng negosyo ng
pribadong tao
Siyentipikong Pamamaraan- isang paikot na Gawain ng pagsusuri ng mga suliranin
Haypotesis- pansamantalang kasagutan sa inilahad na suliranin

ARALIN BLG.: 1
Kahulugan ng Ekonomiks

Kasaysayan ng Ekonomiks
Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa oiko, salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pamamahala at
nomos na nangangahulugang tahanan. Ang pagsasagawa ng maraming gawaing pantahanan ang nagbigay-daan
sa paglaganap ng mga gawaing pangkabuhayan na siyang pangunahing konsepto ng ekonomiks.
Ang ekonomiks ay bantog noon bilang political economy na siyang pinakasentro ng pag-aaral ng mga
pilosoper. Ngunit noong panahong iyon ay hindi malinaw ang kaisipan na tumatalakay sa ekonomiks, higit na
nakatuon ang pag-aaral sa pampulitikang kalagayan. Sa pagsibol ng iba't ibang siyensya, nabigyan ng pansin
ang kaisipan na may kinalaman sa pangkabuhayang gawain.
Noong 17-18 siglo lamang nabigyan ng kaukulang atensyon ang pag-aaral ng ekonomiks. Naglitawan
ang iba't ibang teorya, pagsasaliksik, ideya at mga pananaw na nauukol sa mga gawain ng tao sa lipunan.

Sa iba't ibang kaisipan ng mga ekonomista, masasabi na hindi madaling bigyan ng kahulugan ang
ekonomiks. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na mayroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos
at pagsisikap ng mga tao at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay. Kailangang piliin ng mga tao o ng
pamahalaan kung saan gagamitin ang limitadong likas-yaman. Mula sa kahulugan ng ekonomiks, nabatid natin
na ang bawat tao ay gumagawa ng paraan upang makabahagi sa limitadong yaman ng bansa. Ito ay ipinakikita
Asian Development Foundation College
Tacloban City

sa pagpili at pagdedesisyon ng tao sa buhay. Gayundin sa pagsasagawa ng mga gawain ng mga tao araw-araw
sa lipunan at bansa upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Lahat ng tao ay patuloy na
nagsisikap upang magkaroon ng sapat na ikabubuhay at o higit na mas magandang buhay.
May tinatawag na economic goods kung saan ang lahat ng bagay ay may halaga o presyo tulad ng
pagkain, damit at bahay. Bago makamit ang mga bagay na ito, kailangan ng tao ng salapi. Bunga ng walang
katapusang pangangailangan ng tao, kaya nagkakaroon ng kakapusan sa mga economic goods. Ang free goods
naman ay mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad tulad ng init ng araw at hangin. Lahat ng tao ay
nakikinabang sa mga na bagay na ito. Kaya mahalaga ang bawat kilos at galaw ng tao sa ekonomiks dahil ito
ang magtatakda ng gawaing pangkabuhayan ng bansa.

Ang Ekonomiks - ay isang agham panlipunan na naglalayong pag-aralan ang mga kilos at pagsisiskap
ng tao at paraan ng paggamit ng mga limitadong yaman upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan.

ASPEKTO NG EKONOMIKS

 Agham panlipunan
 Pagsisikap ng tao
 Limitadong yaman
 Walang katapusang pangangailangan

Ang ekonomiks ay bahagi ng ating pang araw-araw na gawain sa buhay. Malawak ang sakop nito sa
ating buhay at sa ekonomiya. Bawat galaw ng mga ito ay maiuugnay sa ekonomiks.

Pag-aaral ng Ekonomiks
Bilang mag-aaral, maitatanong mo ba kung bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks? Ano ang
kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay mo? Ano ba ang matututunan mo sa ekonomiks?
Sa pag-aaral ng ekonomiks, matututuhan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan, at
konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay
at magkaroon ng ikabubuhay, maging ang mga galaw ng pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya.
Isa sa mga mahahalagang katangian na matutuhan ng mga tao, lalo ng mga kabataan ay ang paggawa ng
rasyonal na pagdedesisyon sa buhay. Kailangang malinang sa mga mag-aaral ang paggawa ng matalinong
desisyon sapagkat hindi sa lahat ng oras ay umaasa sila sa kanilang magulang ukol sa pagdedesisyon sa isang
bagay. Maraming bagay ang dapat pagdesisyunan ng mga mag-aaral sa kanilang buhay, tulad ng mga
sumusunod:

1. Pagpili ng kurso sa kolehiyo 5. Pagbili ng mga damit at pagkain

2. Paggastos ng allowance 6. Pagpili ng magiging kaibigan

3. Pagsapi sa mga organisasyon 7. Pagpili ng papasuking trabaho

4. Pagsama sa pamamasyal ng mga barkada


Asian Development Foundation College
Tacloban City

Sa tulong ng ekonomiks, mauunawaan na ang bawat desisyon mo ay maaari rin makaapekto sa


ekonomiya ng bansa.
Bukod dito, mapahalagahan mo rin ang pagtupad at pagganap mo sa iyong tungkulin bilang
mamamayan. Ang pagbabayad ng tamang buwis, pagtangkilik sa sariling produkto, pagsunod sa mga batas ng
itinakda ng pamahalaan at pagsuporta sa mga programa at proyektong pangkalikasan, pangkabuhayan, at
panlipunan ng pamahalaan at mga non-governmental organizations (NGOs), pagboto pag may eleksyon, at
pagiging vigilante at alerto sa maling gawain ng mga namumuno sa ating bansa ay ilang halimbawa ng
nabanggit. Bilang miyembro ng pamilya, mahalaga rin ang mga desisyon na iyong gagawin sa ikauunlad at
ikagaganda ng samahan ng buong pamilya tulad ng pagbili ng mga bagay na mas kailangan ng pamilya,
maghahanapbuhay upang makatulong sa pamilya, pagtitipid ng mga gastusin para kuryente at ilaw, at iba pa.
Ang pamahalaan ay gumagawa rin ng desisyon na mahalaga sa paglutas ng mga suliraning pang
ekonomiya, tulad ng pagtaas sa supply ng bigas, pagkontrol sa presyo ng langis, pagkakaloob ng tulong
pinansyal sa mahihirap, pagpataw ng parusa sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan, paghuli sa mga
tao na sangkot sa mga illegal na gawain at iba pa.
Higit sa lahat, ang pag-aaral ng ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan upang maging
mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan upang higit na maunawaan kung paano
ang mga pangyayari sa ekonomiya, tulad ng pagtaas ng buwis at presyo ng langis, pagdaragdag ng sahod sa
mga manggagawa, pagtatrabaho ng mga manggagawa sa ibang bansa, paghina ng piso laban sa dolyar at iba
pang isyu ay nakaaapekto sa ating buhay.
Ang mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan, at pangmoralidad ay nalilinang sa pag-aaral ng
ekonomiks. Nagkakaroon ng lubos na pang-unawa ang mga mag-aaral sa kaganapan sa lipunan. Isang
halimbawa ay ang pagsasagawa ng mga kilos protesta bunga ng iba't ibang isyu. Nagiging mulat ang mga mag-
aaral kung bakit nagaganap ang isang bagay. Ang paglinang ng mga nasabing kaisipan ay makatutulong sa
paghubog sa wastong asal, gawi at kilos ng tao sa lipunan. Ang ekonomiks ay hindi lamang sumasalamin sa
pagkilos ng tao sa lipunan ngunit sinusuri rin nito ang ibinubunga ng mga kilos na iyon sa buong ekonomiya sa
napakaraming suliranin na pinag-uusapan at nararanasan ng bansa. Bawat tao, mahirap o mayaman ay may
kanya-kanyang reaksyon, opinyon, at saloobin ukol sa isang suliranin sapagkat bawat isa ay apektado ng
anumang suliranin sa ekonomiya.
Higit na maging matalino ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga desisyon sa kanilang buhay bunga
ng mga bagay na kanilang natutuhan sa pag-aaral ng ekonomiks.
Nabatid natin kung gaano kahalaga at kalawak ang epekto ng ekonomiks sa ating buhay. Kaya lubhang
kailangang ituro sa mga mag-aaral ang ekonomiks upang ang mga kabataan ay maging aktibo sa pakikilahok sa
mga programang pang-ekonomiya ng
pamahalaan.

BAKIT DAPAT PAG-ARALAN ANG EKONOMIKS


 Maunawaan ang mga dahilan ng pagnanais ng tao na mabuhay.
 Malinang ang paggawa ng desisyon.
 Malaman ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa iyong tungkulin bilang mamamayan.
 Matutunan ng mga tao lalo na ng mga kabataan ang pagdedisisyon sa buhay.
Nauunawaan ang mga pangyayari na naganap at magaganap na nakakaimpluwensiya sa ating
pamumuhay at ng buong bansa.

Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham


Ang ekonomiks ay isang agham Panlipunan kung saan sentral na pinag-aaralan ang mga kilos, gawi, at
lahat ng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at ang pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na
nakaaapekto sa pamumuhay ng tao at lipunan.
Sa pag-aaral ng ekonomiks isinasagawa ang siyentipikong pamamaraan (scientific process) upang suriin
ang mga suliranin at kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya.
Ang pagtukoy sa suliranin ang magbibigay ng gabay at direksiyon sa gawaing pagsusuri ng isang
mananaliksik ng ekonomiks. Kasunod na pamamaraan ay ang pagbibigay ng hypothesis. Ito ang
Asian Development Foundation College
Tacloban City

pansamantalang kasagutan o paliwanag sa natukoy na mga suliraning pang-ekonomiya, tulad ng polusyon,


trapiko, presyo ng langis, korupsyon, climate change at iba pa.
Ang pangangalap ng mga impormasyon at datos na may kaugnayan sa suliranin ang sumusunod na
hakbang na gagawin. Makakukuha ng mahahalagang impormasyon at datos sa mga ahensya na may kaugnayan
sa suliraning tinukoy. Sa Internet, may mga nakatalang ulat ukol sa suliranin at maging sa pakikipanayam sa
mga tao.
Ang mga impormasyon at datos ay sinuri sa pamamagitan ng pageeksperimento, at paggamit ng graph,
tsart at statistics upang maging mabisa at makatotohanan ang pagsagot sa suliranin.
Ang panghuling gawain ay ang pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon batay sa resulta ng
pagsusuri ng mga datos at pagsasaliksik. Sa puntong ito, ang angkop na kasagutan sa suliranin ay tinutukoy.
Dito malalaman kung ang hypothesis ay tugmang kasagutan sa suliraning natukoy. Ang rekomendasyon ay
pagbibigay ng mga paraan upang maging mabisa ang paglutas sa suliraning tinutukoy.
Ang pagsasagawa ng siyentipikong pamamaraan ay patuloy na gawain, sapagkat napakaraming suliranin
ang kinakaharap ng ating lipunan.
Ang siyentipikong pag-aaral ay isang paikot na paraan na pinagmumulan ng mga kaalaman at teoryang
ginagamit sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Ito ay isinasagawa upang makatulong sa lipunan sa pagtuklas ng
mga paraang magpapabuti ng antas ng kabuhayan.

Ang ekonomiks, gaya rin ng ibang sangay ng agham panlipunan ay gumagamit ng siyentipikong
pamamaraan sa pag-aaral ng lipunan. Mahalaga ang siyentipikong pamamaraan sa ekonomiks lalung-lalo na sa
paggawa ng mga desisyon. Ang mga desisyon at solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan ay dapat na
nakabatay sa mga datos o impormasyon at di sa opinyon at haka-haka o tsismis lamang. Kinakailangan din ang
pagkalap ng tunay na sitwasyon at pagpapahalaga ng mga mamamayan at di batay ang desisyon sa ilang
makapangyarihang grupo lamang. Ang pansariling opinyon ay mahalaga ngunit di sapat upang makabuo ng
desisyon. Kayat mahalaga ang sistematikong pamamaraan.

Ayon kay Tullao (1990), ang siyentipikong pamamaraan ay isang sistematiko at paikot na paraan sa
pagsagot ng isang problema na binubuo ng limang baytang.

Ang unang hakbang ay ang paglalahad ng problema na dapat sagutin. Ang problema ay maaaring
tumugon sa kakulangan sa kaalaman o sa pagpapaunlad ng isang pamamaraang ginagamit sa kasalukuyan.

Ang ikalawang hakbang ay ang pagbibigay ng haypotesis o isang hakahaka o panukalang kasagutan sa
problemang sinusuri at pinag-aaralan. Batay ito sa mga obserbasyon ng isang mananaliksik o sa mga naunang
pag-aaral o sa mga tinatanggap na teorya. Upang mapatunayan o matanggap ang haypotesis,

Ang ikatlong hakbang ay nararapat na magkaroon ng isang imbestigasyon o paghahanap at paghahagilap


ng mga datos o impormasyon na makatutulong sa pagpapatunay ng haypotesis. Maaaring mag-eksperimento, o
kaya’y magsagawa ng pagtatanong, pananaliksik, at iba pang paraan upang makuha ang mga impormasyong
kailangan.

Ang ikaapat na hakbang ay ang pagsusuri sa mga nalikom na datos at impormasyon. Isinasaayos ang
mga ito upang lumitaw o ihalaw ang kasagutan o kongklusyon sa problema. Batay sa pagsusuri ng mga
isinaayos na datos at impormasyon, maaaring tanggapin o tanggihan ng imbestigador o mananaliksik ang
haypotesis bilang kasagutan sa problemang inilahad. Kung ang haypotesis ay hind tama, babalik na naman ang
imbestigador sa unang hakbang at gagawa ng panibagong haypotesis na iimbestigahan.

Ang ikalimang hakbang ay ang paglalahad na ng kongklusiyon at rekomendasyon.

Ang siyentipikong pag-aaral ay isang paikot na paraan na pinagmumulan ng mga kaalaman at


teoryang ginagamit sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Ito ay isinasagawa upang makatulong sa lipunan sa
pagtuklas ng mga paraang magpapabuti ng antas ng kabuhayan.
Asian Development Foundation College
Tacloban City

KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA IBA PANG MGA AGHAM

EKONOMIKS

Agham Panlipunan Natural Science

Sosyolohiya Abstract Science Biyolohiya

Kasaysayan Kemistri
Matematika
Agham Pampolitika Pisika

Etika

A. EKONOMIKS AT AGHAM PANLIPUNAN

- Pinag-aaralan nito ang mga kilos at pagsisikap ng tao upang matugunan ang mga pangangailangan at
mapaunlad ang ekonomiya.

1. Sosyolohiya – pag-aaral ito ng pinagmulan at istruktura ng ating lipunan.

2. Agham Pampolitika – pag-aaral ng mga balangkas o istruktura ng pamahalaan, mga


tungkulin,responsibilidad at mga batas.

3. Kasaysayan – ang mga pangyayaring naganap noong panahon ay may kaugnayan sa


kasalukuyang panahon.

4. Etika – ito ay may kinalaman sa moralidad at paggawa ng tama o mali sa buhay.

B. EKONOMIKS AT NATURAL SCIENCE

Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating kapaligiran ang matututunan sa iba’t-ibang sangay
ng pag-aaral ng natural science.

1. Pisika – pag-aaral ng mga bagay at enerhiya. Paggamit ng teknolohiya upang paunlarin ang
ekonomiya.

2. Kemistri – may kinalaman sa pag-aaral ng iba’t-ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng isang


bagay.

3. Biyolohiya – pag-aaral sa mga bagay na may buhay tulad ng halaman, hayop at iba pa.
Asian Development Foundation College
Tacloban City

C. EKONOMIKS AT MATEMATIKA
- saklaw nito ang teorya ng mga numero,tsart, grap at matematikal pormula o
mathematical equation.

Teorya – ito ay naglalahad kung bakit may ganito o ganoong bagay o pangyayari

References, Additional materials, and Links: Siglo: Ekonomiks; Kayamanan: Ekonomiks


Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Activity/ies for Lesson No.: 1
GAWAIN 1 (ACTIVITY 1)

Marami at iba-iba ang pananaw tungkol sa kahulugan ng ekonomiks. Basahin mo ang bawat isa at itsek mo
kung alin para sa iyo ang pinaka-angkop na kahulugan.

___ 1. Pag-aaral ng pagtitipid at pagbabadyet sa paglikha at alokasyon ng mga produkto at


serbisyo upang hindi kapusin sa mga pangangailangan ang pamilya, ang mga bahay-kalakal, ang buong
bansa at maging ang buong daigdig.

___ 2. Pamumuhunan sa negosyo at pagpapalago ng kita at tubo ng negosyo, o pangngapitalista.

___ 3. Pagtugon sa tatlong pangunahing tanong na: ano ang mga produkto at serbisyong ipoprodyus, paano
ipopprodyus ang mga ito, at para kanino ang ipoprodyus na mga produkto at serbisyo.

___ 4. Pagdedesisyon ng isang indibidwal kung paano gagamitin ang salapi sa pagbili ng pinakamahusay na
produkto sa pinakamurang halaga; at pagdedesisyon ng mga bahay- kalakal o mga negosyante kung
paano makabubuo ng pinakamahusay at de-kalidad na produkto o serbisyo sa paraang pinakamatipid.

___ 5. Pag-aaral ng pananalapi, pagbabangko, at paggamit ng kapital o puhunan upang palaguin ang
kayamanan ng mga at establisimyento sa lipunan.

___ 6. Pakikipagkalakalan sa loob at labas ng bansa upang mapunuan ang mga kakulangan sa pangangailangan
at hilig-pantao sa bansa.
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Exercises for Lesson No.: 1
PAGSASANAY 1 (EXERCISES 1)

A. Basahin at unawin ang mga nakalahad sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Ekonomiks ay isang agham ng pag-aaral sa anong agham ito nabibilang?


a. pisikal b. natural c. abstract d. panlipunan

2. Ang Ekonomiks ay isang agham ng pag-aaral sa sumasaklaw sa ating pang-araw-araw na buhay. Ito ay
mahalagang maituro sa mga mag-aaral sapagkat mauunawaan nila ang kaisipan ng agham na ito. Alina ng
higit na naglalarawan sa agham ng Ekonomiks?

a. limitadong pangangailangan at masaganang yaman


b. limitadong pangangailangan at limitadong yaman
c. walang katapusang pangangailangan at limitadong yaman
d. walang katapusang pangangailangan at masaganang yaman

3. Ang salitang pinagmulan ng katawagang ekonomiks ay…

a. ekonomos b. oikonomos c. oikonomics d. aikonomos

4. Ang ekonomiks ay pinag-aaralan ng mga mga mag-aaral sapagkat…

a. bahagi ng kurikulum
b. gusto nilang maging ekonomista
c. kailangan nila sa buhay
d. ibig nilang maunawaan ang mga pangyayari sa buong bansa

5. Alin ang higit na naglalarawan ng agham ng ekonomiks?

a. limitadong yaman at limitadong pangangailangan


b. masaganang yaman at limitadong pangangailangan
c. limitadong yaman at walang katapusang pangangailangan
d. masaganang yaman at walang katapusang pangangailangan

B. Ipaliwanag
Bakit malaki ang kaugnayan ng ekonomiks sa pang araw-araw na buhay ng tao?
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Quiz for Lesson No.: 1
PAGTATAYA 1 (QUIZ 1)

A. Tukuyin ang mga terminolohiya na nasa loob ng kahon sa hanay B na inilalarawan sa hanay A. Isulat ang
titik lamang.

A B

a. M T K T M A
__1. Ito ay pag-aaral sa mga bagay na may buhay A A I E A
man o wala
__2. Ito ay pag-aaral ng estruktura ng ating lipunan b. I K T A E

__3. Ito ang pansamantalang kasagutan o paliwanag


sa natukoy na mga suliraning pang-ekonomiya c. P A S O O L
I P I Y O
__4. Ito ang pagbibigay ng mga paraan upang maging
mabisa ang paglutas sa suliraning pinag-aaralan
d. R K M T E
__5. Ito ang pag-aaral ng mga balangkas o I S I
estruktura, tungkulin at responsibilidad ng
pamahalaan e. P K A I S I
__6. Ito ay pag-aaral ukol sa iba't ibang kemikal na
kailangan sa paglikha ng isang bagay
f. Y P O S E
__7. Ito ay pag-aaral ukol sa mga bagay at enerhiya H I H T S
na ginagamit sa produksiyon
g. H B I O Y
__8. Ito ay pag-aaral sa moralidad at paggawa ng L O A Y I
tama at mali ng tao
h. E A P O R
__9. Ito ay pag-aaral ukol sa tsart, graph, at numero
H G A I Y
o datos

__ 10. Ito ay pag-aaral sa katangiang pisikal ng isang i. L O M A A


lugar K H A I A
P P I G

j. N R E E S A
N K O D Y
O M

KARAGDAGANG GAWAIN:

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.


Asian Development Foundation College
Tacloban City

Topic: Pagpipili at Pagdedesisyon


Lesson No.: 2
Learning Outcome(s):
1. Natutukoy kung ano ang pagpipili at pagdedesisyon sa ekonomiks;
2. Nailalapat ang kahulugan ng pagpipili at pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
Mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan;
3. Natataya ang kahalagahan ng pagpili at pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya
at ng lipunan

Method(s) of Assessment: Word Identification, Multiple choice, Open-Ended Questions, Essay Writing, Word
Formation

Assessment Criteria: Paggawa ng collage

Key Concept(s):

Pagpili
Pagdedesisyon

Key Terms:
Trade-off- bagay na ipinagpaliban o binawasan para matamo o magawa ang ibang bagay
Agham Panlipunan- isang sangay ng pag-aaral ukol sa kilos at gawi ng tao sa lipunan
Microeconomics – sangay ng ekonomiks na sumusuri sa kilos at gawi ng maliliit na yunit ng ekonomiya
tulad ng mamimili, prodyuser, at pamilihan na kumakatawan sa mga konsepto ng
demand, supply, at pagnenegosyo ng mga indibidwal na tauhan sa iba't ibang
estruktura ng pamilihan.
Macroeconomics – sangay ng ekonomiks na sumusuri sa ekonomiya sa kabuuan nito. Saklaw nito ang
pag-aaral sa pambansang antas ng pag-eempleyo, galaw ng presyo, at mga polisiya o
patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.

ARALIN BLG.: 2

Pagpipili at Pagdedesisyon

Ang pagpipili at pagdedesisyon ay magkaugnay. Sa sandaling ang isang tao ay nakapili ng isang bagay
na bibilhin o gagawin, iyon ay tanda na siya ay gumawa na ng pagdedesisyon.
Ang paggawa ng pagpili at pasya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan
dahil sa limitadong pinagkukunang yaman ay tinatawag na Individual Choice.
Sa anumang pagpili na gagawin ng isang indibidwal, kailangang isaalang-alang niya ang halaga at
pakinabang na makukuha sa ginagawang pagpili.
Samantalang ang Social Choice ay ang pagpapasyang ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng lipunan. Ito ay isang pagpapasya ng pamahalaan kung saan gagamitin ang kita ng bansa
upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang lahat ng pagpipili at pagdedesisyon na ginagawa ng indibidwal at pamahalaan ay itinuturing na
economic choice at economic decision. Ang economic choice ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba't ibang
gamit ng limitadong pinagkukunang-yaman. Ang pagpili ng pagkain na kakainin, mga damit naisusuot, bahay
na titirhan at ng iba pang bagay na kailangan ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan sa buhay ay
bahagi ng kanyang economic choice at economic decision.

Opportunity Cost at Benefit


Ang ating ginagawang pagpipili at pagdedesisyon ukol sa mga bagay na ating gustong makamit ay may
katumbas na opportunity cost at benefit. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa isinakripisyong halaga ng isang
Asian Development Foundation College
Tacloban City

bagay upang bigyang daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito. Ito ang bunga ng pagpili ng
isang bagay buhat sa karamihan. Isang halimbawa, pinili mong gumawa ng takdang aralin kaysa maglaro ng
computer games o gumimik kasama ang barkada. Hindi mo magagawa ng sabay-sabay ang mga nasabing bagay
kaya kailangan mong mamili. Mula sa halimbawa, ang iyong opportunity cost ay ang maglaro ng computer
games o paggimik kasama ng inyong barkada. Isa pang mahalagang bagay ay ang pagdedesisyon. Kung paano
gagastusin ang halagang P400.00 upang makabili ng cell phone card at makakain ng tuna sandwich.
Ipagpalagay na ang tuna sandwich ay nagkakahalaga ng 50.00 at ang cell phone prepaid card ay nagkakahalaga
ng P100.00. Maaaring ibili ng walong tuna sandwich o apat na prepaid card ang P400.00 Ngunit sa pagnanais
na makamit ang parehong produkto kailangang gumawa ng desisyon kung magkano ang ilalaan sa pagbili ng
tuna sandwich at cell phone prepaid card. Kapag isinakripisyo ang pagbili ng isang bagay upang makabili ng
ibang produkto ay nagaganap ang tinatawag na trade-off. Ang trade-off ay pagpapaliban ng pagbili ng isang
bagay upang makamit ang ibang bagay. Ito ay may kaugnayan sa opportunity cost. Sa bawat pagpapaliban ng
paggamit ng isang bagay ay may natatamong benepisyo. Ang benepisyo ay may kinalaman sa pakinabang na
nakukuha mula sa ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng tao.
Sa bawat pagpili ay may opportunity cost at benepisyo na matatamo ang tao. At anuman ang maging
resulta ng ginawang pagpili at pagdedesisyon ng tao ay mayroong epekto sa buhay at ekonomiya. Kaya
mahalagang pag-isipang mabuti ang gagawing desisyon at pagpili.

Konsepto ng Ekonomiks
Ang salitang ekonomiya ay galing sa salitang Griyego na oiko at nomos na nangangahulugang
“pamamahala” at “tahanan” o "tagapamahala ng sambahayan.” Hindi man tuwiran ang paghahambing, hindi rin
maikakailang maraming pagkakahalintulad ang pamamahala ng sambahayan sa pamamahala ng ekonomiya.
Maraming desisyong isinasagawa ang isang sambahayan tulad ng kung sinong miyembro nito ang gagawa ng
isang partikular na gawain tulad ng paglilinis, pagluluto, paglalaba, pagbili ng pagkain, pag-aalaga sa mga
batang miyembro, at marami pang iba. Dapat hatiin ng sambahayan ang mga gawaing ito batay sa taglay nitong
yaman at kakayahan o abilidad ng miyembrong maisagawa ang trabaho nang maayos.
Tulad ng sambahayan, ang lipunan ay nahaharap din sa mga pagpapasyang makaaapekto hindi lamang
sa kaunti, ngunit sa mas maraming indibidwal. Alam ng lipunan at ekonomiya na ang lahat ng makapagdudulot
ng pangangailangan nito ay may limitasyon o hangganan kung kaya naman ang gagawin nitong pagpapasya
kung alin ang uunahin, sino ang uunahin, at paano ito isasagawa ay dapat na alinsunod sa masistemang
pamamaraan. Ito ang pangunahing gampanin ng ekonomiks.

Sangay ng Ekonomiks
Ang pag-aaral upang suriin ang ekonomiya ay maaaring tingnan sa ganitong paghahambing. Maaari
mong suriin ang mga hayop at halaman sa kagubatan bilang mga nilalang na matatagpuan dito sa anggulo ng
kanilang kakanyahan. Sa isang banda, maaari mo rin silang suriin sa aspekto ng kanilang kilos at galaw bilang
mga bahagi lamang ng buong gubat.

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nahahati sa dalawang sangay:

1. Microeconomics – sangay ng ekonomiks na sumusuri sa kilos at gawi ng maliliit na yunit ng ekonomiya


tulad ng mamimili, prodyuser, at pamilihan na kumakatawan sa mga konsepto ng
demand, supply, at pagnenegosyo ng mga indibidwal na tauhan sa iba't ibang
estruktura ng pamilihan.
2. Macroeconomics – sangay ng ekonomiks na sumusuri sa ekonomiya sa kabuuan nito. Saklaw nito ang
pag-aaral sa pambansang antas ng pag-eempleyo, galaw ng presyo, at mga polisiya o
patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.

References, Additional materials, and Links: Siglo: Ekonomiks; Kayamanan: Ekonomiks


Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Activity/ies for Lesson No.: 2
GAWAIN 2 (ACTIVITY 2)

Hanapin sa loob ng puzzle ang mga terminong nakalahad sa ibaba. Bilugan ang terminong nahanap.

TRADE OFF PAMAHALAAN ECONOMIC CHOICE PAGPILI


SOCIAL CHOICE OPPORTUNITY COST INDIVIDUAL CHOICE BENEFIT

E M C H T O O I L I P G A P A
C O N S U M P T O U S L L Y O
O P P O R T U N I T Y C O S T
N E L I S A R A N I D E M L I
O A M A M A R A B L U E D I F
M D W A Y N E I D E N N F I E
I N V E S T M E N E N E I N N
C S T O N I N O P O O R E D E
C H R I S T I A N G R F G I B
H E L L O W H O R O V A F V J
O S O C I A L C H O I C E I A
I M P E R I A L C H I T O D M
C A P A M A H A L A A N X U E
E V E R L A S T I N G G R A S
D A N I C A X E C I O H C L Y
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Exercises for Lesson No.: 2
PAGSASANAY 2 (EXERCISES 2)

A. Tukuyin ang terminolohiyang inilalarawan.

________________1. Isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang higit na makabuluhang
paggagamitan nito.
________________2. Pagpili at pasya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan.
________________3. Ito ay may kinalaman sa pakinabang na natatamo mula sa ginawang pagpili.
________________4. Sangay ng ekonomiks na sumusuri sa ekonomiya sa kabuuan nito.
________________5. Sangay ng ekonomiks na sumusuri sa kilos at gawi ng maliliit na yunit ng ekonomiya
tulad ng mamimili, prodyuser, at pamilihan na kumakatawan sa mga konsepto ng
demand, supply, at pagnenegosyo ng mga indibidwal na tauhan sa iba't ibang
estruktura ng pamilihan.

B. Ipaliwanag
“Bilang isang estudyante, paano mo maipakikita ang paggawa ng matalinong desisyon sa buhay”?
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Quiz for Lesson No.: 2
PAGTATAYA 2 (QUIZ 2)

A. Tukuyin kung ano ang inilalarawan. Isulat ang sagot sa patlang bago sa bilang.
________________1. Pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.
________________2. Ito ang nagpapasya kung saan gagamitin ang kita ng bansa upang matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan.
________________3. Ito ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba't ibang gamit ng limitadong
pinagkukunang yaman.
________________4. Isang gawain ng tao at pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan.
________________5. Pagpapasyang ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng
lipunan.
________________6. Isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang higit na makabuluhang
paggagamitan nito.
________________7. Pagpili at pasya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan.
________________8. Ito ay may kinalaman sa pakinabang na natatamo mula sa ginawang pagpili.
________________9. Sangay ng ekonomiks na sumusuri sa ekonomiya sa kabuuan nito.
________________10. Sangay ng ekonomiks na sumusuri sa kilos at gawi ng maliliit na yunit ng ekonomiya
tulad ng mamimili, prodyuser, at pamilihan na kumakatawan sa mga konsepto ng
demand, supply, at pagnenegosyo ng mga indibidwal na tauhan sa iba't ibang
estruktura ng pamilihan.
Asian Development Foundation College
Tacloban City

ARALIN BLG.: 3
Mga Kilalang Ekonomista at Kanilang Kontribusyon

1. Pangkat ng mga Physiocrats


- naniniwala sa kahalagahan ng kalikasan o mga klase ng yaman ng bansa ( Rule of Nature ) sa
pag-unlad ng ekonomiya.

 -ayon sa kanila, kailangang ayusin ng tao ang paggamit ng mga likas na yaman upang lubusang
matamo ang kapakinabangan sa mga ito.

FRANCOIS QUESNAY
 -Namuno sa mga Physiocrats
-Naglahad ng aklat na Tableau Economique

2. Pangkat ng mga Merkantilista


 -Ang pangkat na naniniwala sa kapangyarihan ng mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak
upang mapaunlad at maisulong ang ekonomiya ng bansa.

 -Ayon sa kanila ang pagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang magiging daan sa pagyaman
ng bansa.
3. Pangkat ng mga Classicists
-Sila ang mga ekomonista na nagmula sa mga Classical School

A. Adam Smith
- siya ang namuno sa mga Classicists
- Ama ng Makabagong Ekonomiks
- nagpahayag ng doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy – na nagsasaad na hindi dapat
pakialaman ng pamahalaan ang tao sa pagpapaunlad ng mga industriya bagkus ay bigyang pansin
nito ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng bansa.
- may- akda ng aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”
kung saan mababasa ang doktrinang Laissez Faire.
- pagkakaroon ng espesyalisasyon ng isang lugar ay binigyan din niya ng halaga.

B. David Ricardo
 -May pananaw ukol sa epekto ng likas na yaman tulad ng lupa.
 -Naglahad ng “Batas ng Lumiliit na Pakinabang o Law of Diminishing Marginal Returns”

C. Thomas Robert Malthus


 -Naglahad ng kaisipan ukol sa epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.
 -Siya ang naglahad ng Malthusian Theory na naisulat sa aklat na “ Essay on the Principle of
 Population”
-Ayon kay Malthus ang populasyon ay mabilis lumaki o doble ang laki (geometric ratio) kaysa sa
suplay ng pagkain (arithmetic ratio).

4. Pangkat Neoclassicists
- Mga ekonomistang ang batas ng suplay(supply) at pangangailangan (demand) ang sandigan.

A. John Maynard Keynes


-Ayon sa kanya ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang
mapanatili ang ekwilibriyo sa ekonomiya.
-Ayon sa kanya kailangang isaayos ang demand, suplay at presyo sa pamilihan.
Asian Development Foundation College
Tacloban City

B. Karl Marx
 -Kinilalang Ama ng Komunismo
 -Siya ay naniniwala na ang pag-iral ng kapitalismo ang pangunahing dahilan kung bakit
 maraming tao lalo na ang mga proletariat ang naghihirap.

Ang sumusunod ay ilan pa sa mga kinikilalang ekonomista sa kanilang panahon. Ang kanilang pag-aral
ay hindi lamang nakatulong sa ekonomiya ng bansang kanilang pinanggalingan kundi pati na rin sa buong
mundo Pinayabong nila ang agham ng ekonomiks at ang kanilang kontribusyon ay kapupulutan pa rin ng
pagpapaliwanag sa mga kasalukuyang pangyayaring ekonomikal. (Tandaan: ang mga konseptong babanggitin
ay sadyang hindi na isinalin sa Filipino. Ang ilan kundi man lahat, ay maipaliliwanag sa mga susunod na
aralin.)
1. Adam Smith (1722–1790) - pilosopong galing sa Scotland na unang tinawag bilang
political economist. Ilan sa kanyang mga konsepto ang how rational self interest in a
free-market economy leads to economic well-being. Nakilala rin ang kanyang mga
akdang The Theory of Moral Sentiments (1739) at ang The Wealth of Nations (1770)
na inilimbag bilang serye ng mga librong may limang volume.

2. John Maynard Keynes (1883–1946) - tinaguriang Ama ng Macraeconomics; isang ekonomistang British na
nagsaliksik upang maipaliwanag ang sanhi at solusyon sa depresyong pang-ekonomikal na naranasan ng mundo
noong 1930. Ang kanyang mga pag-aaral ang naglatag sa pundasyon ng pagsilang ng tinatawag na Keynesian
economics. Ilan sa kanyang mga konsepto ay ang liquidity preference, fiscal multiplier, deficit spending, at
aggregate demand-aggregate supply model.

3. David Ricardo (1772–1823) – isang ekonomistang British na nanguna bilang classical economist kasama ng
isa pang ekonomista na siJames Mill. Ang kanyang pinakamahalagang kontribusyon sa ekonomiks ay ang
tinatawag na theory of comparative advantage.

4. Milton Friedman (1912–2006) – isang Amerikanong ekonomista at estadistiko; pinarangalan siya ng Nobel
Memorial Prize in Economic Sciences noong 1976. Ilan sa mga tanyag niyang mga konsepto ay ang
monetarism, price theory, permanent income hypothesis, floating Exchange rates, applied macroeconomics, at
ang Friedman test.

5. Karl Marx (1818–1883) – isang pilosopo at sosyolohistang Aleman na may mahalagang kontribusyon din
sa ekonomiks dahil sa kanyang pagpapahalaga sa uring manggagawa; ang kanyang akdang Das Kapital ay
nagsasaad ng kanyang hindi pagkagusto sa kapitalismo at pagkiling sa paglawak ng simulaing komunismo.

6. David Hume (1711-1776) – tulad ni Smith, isa rin siyang pilosopo at ekonomistang Scott; tinutukan niya ang
kahalagahan ng panlabas na pakikipagkalakalan na maaaring maging tulay sa pag-unlad ng ekonomiya.

7. Irving Fisher (1867–1947) – isang Amerikanong ekonomista na nakilala sa kanyang mga konseptong
tinawag na Fisher equation at Fisher separation theorem. Ang kanyang quantity theory of money ang naging
batayan ng konsepto ng monetarismo ni Friedman. Ilan pa sa kanyang mga kontribusyon ay ang mga teoryang
tulad ng the equation of exchange, price index, Phillips curve, at monetary illusion.

8. Thomas Robert Malthus (1766-1834) – isang demograpo at political economist na naging kontrobersiyal
dahil sa kanyang mga nabuong pagpapalagay tungkol sa pagsusuri ng epekto ng mabilis na paglaki ng
populasyon. Ang pag-aaral na ito ay nakilala bilang Malthusian growth model.
Asian Development Foundation College
Tacloban City

9. Ludwig von Mises (1881–1973) – isang ekonomistang Austrian na nakilala sa konseptong tinawag niyang
praxeology. Ilan sa kanyang mga akda ay ang The Theory of Money and Credit, Socialism: An Economic and
Sociological Analysis, Human Action, at The Theory and History. Ang kanyang mga teorya sa business cycles
ang naging pundasyon na pinaunlad ni Friedrich Hayek, na kanyang estudyante.

10. Friedrich Havek (1809.1992) - ekonomistang Austrian na umayon sa liberalismong klasikal at


kapitalismong nakasanlig sa malayang pamilihan. Tumanggap siya ng Nobel Memorial Prize in Economic
Sciences noong 1974 kasama ng isa pang ekonomistang galing sa Sweden na si Gunnar Myrdal. Ang the
Hebbion theory, economic calculation problem. price signal, spontaneous order, catallaxy, at dispersed
knowledge ay ilan sa kanvang mga kilalang konsepto.

11. Jean-Baptiste Say (1767-1832) - isang ekonomistang Pranses na nakilala sa kanyang teorya na Say's law na
nagsasaad na ang supply ang lumilikha ng demand, taliwas sa ibang teorya na demand muna bago supply. Ang
kanyang akda na pinamagatang Treatise on Political Economy ay nagtataglay rin ng kanyang suporta sa
kompetisyon sa malayang pamilihan.

12. Joan Robinson (1903-1983) – isang babaeng ekonomistang British; Sinusugan niya ang neo-klasikal na
pananaw at naging tagasuporta rin ng post-Keynesian economics. Ang kanyang kontribusyon sa agham ay
tinawag na Cambridge growth theory at Amoroso-Robinson relation.

13. James Tobin (1918–2002) – isang Amerikanong miyembro ng Keynesian School of Thought, nakilala siya
sa kanyang tinawag na Tobit Model. Ilan sa kanyang mga naging kontribusyon ay ang mga konsepto ng modern
portfolio theory, Tobin's q, Tobin tax, at the Mundell-Tobin effect.

14. Amartya Sen (1933–kasalukuyan) – nagmula sa bansang India, nakilala siya sa kanyang human
development theory na kombinasyon ng mga konseptong ecological economics, sustainable development,
welfare economics, at feminist economics. Pinarangalan siya ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences
noong 1998 at napabilang sa 100 most influential persons ng Time Magazine noong 2010.

15. Paul Krugman (1953-kasalukuyan) – Amerikanong ekonomista na nakilala sa kanyang pagtutok sa


international economics. llan sa kanyang mga naging pag-aaral ay tungkol sa international trade theory, new
trade theory, at new economic geography na naging batayan sa tinanggap niyang Nobel Memorial Prize in
Economic Sciences noong 2008. Bilang kolumnista ng The New York Times, patuloy pa rin siya sa paglilimbag
ng mga artikulo na tumatalakay sa ekonomiya lalo na sa United States.
Asian Development Foundation College
Tacloban City
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Ebolusyon ng mga Gawaing Pang-ekonomikal


Sa ating modernong panahon kung saan naglalakihan ang mga pananim, pabrika at mga kompanyang
lumilikha at pinatatakbo ng kompyuter, mahirap isipin na matatapos ang isang araw nang hindi gumagamit ng
gadget, internet, mga bilihing nagdaan sa modernong pagmamanupaktura, o mga sasakyang nakapagdadala sa
atin sa isang lugar sa pinakamaikling panahon (masikip man ang trapik). Ito ay ilan lamang sa mga bagay na
kung tutuusin ay natiis na wala ng henerasyong nauna sa atin.

Paano nga ba tayo umabot sa panahong ito? Nauuri sa tatlong yugto ng pangkabuhayan ang gawaing
industriyal.

1. Yugtong Pre-Industriyal - ito ang panahon bago naganap ang industryalisasyon kung saan ang ekonomiya
ay hindi pa gumagamit ng makina Sa yugtong ito, karamihan ng gawaing pangkabuhayan ay nabibilang pa sa
tinatawag na subsistence level, kung saan ang paglikha ng mga kailangan ay ginagawa ng isang pamilya para sa
pamilya lamang. Saklaw nito ang sinaunang pamamaraang agrikultural kabilang ang pangangaso at
pangangalap, pagpapastol o pagpapaamo ng hayop, at pagtatanim. Dumating man sila sa puntong gumagawa na
sila ng sobra sa kailangan ng pamilya, ang labis na produksiyon ay sa mismong pamayanan lamang nila
ipinagbibili o ginagamit na pamalit para naman sa ibang produktong hindi nila kayang likhain. Ang paglikha ay
hindi gumagamit ng makinarya at nabibilang sa kategoryang industriyang pantahanan lamang, Bago pa man
gumamit ng salapi ang tao,natuto na silang makipagpalitan ng produkto sa produkto na kung tawagin ay
sistemang barter.

2. Yugtong Industriyal- bunga ng Rebolusyong Industriyal na naganap noong ika 18 hanggang ika-19 na siglo
sa Europa at Amerika, ang mga pamayanang rural ay unti-unting nagpanibagong anyo. Ang dating mga
gawaing agrikultural ay unti-unting umusad tungo sa mga gawain pagmamanuraktura. Bunsod nito, nagsimula
ang galaw urbanisasyon habang naiiwan ang mga pook rural na nanatiling nakayakap sa sinaunang
pamamaraan. Bunsod nito, napagtanto ng ilang magsasaka. mangingisda, at mangangaso na mas mainan ang
kanilang kita kung Sila ay mamamasukan na lamang sa mga pabrika na matatagpuan sa mga lungsod. Kasunod
nito, nagsimulang mandayuhan ang mga tao sa mga lungsod. Mahalagang maunawaan na kapag gumalaw ang
tao mula sa isang lugar tungo sa isa pa, kasabay niyang gumagalaw rin ang salapi. Kung iisipin, naging negatibo
ang pagbabagong ito sa mga pook rural, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Yaong mga magsasaka at
mangingisda na naiwan sa kanilang pamayanan ang siyang nagsuplay ng mga pagkaing kailangan ng lungsod.
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Habang umuusad ang mga lungsod sa pamamagitan ng industriyalisasyon, umuusad din ang mga pook rural sa
pamamagitan ng komersiyalisasyon.

3. Yugtong Post-industriyal - marami ang nagsasabing ang panahon natin ngayon ay nasa ganitong yugto na.
Ito ang panahon kung saan ang ekonomiya ay hindi na gaanong umaasa sa pagmamanupaktura o heavy
industries, kundi sa pagdudulot na ng serbisyo o paglilingkod. Ang industriya ng paglilingkod ay tumutukoy sa
produksiyong nagbibigay ng serbisyo sa tao nang hindi gumagamit ng pamamamang pampabrika. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang pagbabangko, pagtatayo ng negosyong kainan, call center; paninilbihan sa kabahayan, at
iba pa. Ang produksiyon sa ganitong yugto ay tinatawag na ihtangible, o mga produktong napakikinabangan
nang hindi nahahawakan o madaling mabilang.

References, Additional materials, and Links: Siglo: Ekonomiks, Rex Book Store; Kayamanan: Ekonomiks, Rex
Book Store
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Activity/ies for Lesson No.: 3
ACTIVITY 3 (GAWAIN 3)
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Exercises for Lesson No.: 3
PAGSASANAY 3 (EXERCISES 3)

A. Kilalanin ang mga personalidad na tinutukoy ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________1. Sumulat ng "Das Kapital"


_______________2. Ama ng Makabagong Ekonomiks
_______________3. Nagpaliwanag ng Law of Comparative Advantage
_______________4. Nagpahayag ng Malthusian Theory
_______________5. Father of Modern Employment Theory
_______________6. Naniniwala sa kahalagahan ng kalikasan o mga klase ng yaman ng bansa (Rule
of Nature) sa pag-unlad ng ekonomiya.
_______________7. Nagpaliwanag ng Tableau Economique
_______________8. Naglahad ng kaisipan tungkol sa pagkakaroon ng espisyalisasyon
_______________9. Naniniwala sa pagkakaroon ng pagkakapantay ng tao sa lipunan
_______________10. Ang pangkat na naniniwala sa kapangyarihan ng mahahalagang metal tulad ng ginto at
pilak upang mapaunlad at maisulong ang ekonomiya ng bansa.

B. Ipaliwanag
Bakit malaki ang kaugnayan ng ekonomiks sa pang araw-araw na buhay ng tao?
Asian Development Foundation College
Tacloban City

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1
Quiz for Lesson No.: 3
PAGTATAYA 3 (QUIZ 3)

A. Tukuyin ang mga terminolohiya na nasa loob ng kahon sa hanay B na inilalarawan sa hanay A. Isulat ang
titik lamang.
A B

a. David Hume
__1. Naglahad ng Tableau Economique

__2. Sila ay naniniwala na mahalaga ang kalikasan sa b. Milton Friedman


pag-unlad ng isang bansa.

__3. Ayon sa kanila mahalaga ang mga metal sa c. Adam Smith


pagsulong ng ekonomiya

__4. Ito ang panahon bago maganap ang


industriyalisasyon d. Neoclassicists

__5. Naglahad ng Law of Diminishing Marginal


Returns e. Laissez Faire
__6. Ito ay nagsasaad na hindi dapat pakialaman ng
pamahalaan ang tao sa papaunlad ng industriya
__7. Batas ng suplay at pangangailangan ang kanilang f. David Ricardo
sandigan
__8. Tinawag siyang Political Economist
g. Pre-industriyal
__9. Siya ay isang Amerikanong ekonomista at
estadistiko
__ 10. Tinutukan ng ekonomistang ito ang
h. Merkantilista
kahalagahan ng panlabas na pakikipagkalakalan na
maaaring maging tulay sa pag-unald ng ekonomiya

i. Physiocrats

j. Francois Quesnay
Asian Development Foundation College
Tacloban City

KARAGDAGANG GAWAIN:

Gumawa ng 5 personality card ukol sa mga philosophers na naging daan ng paglaganap ng kaisipan ng
ekonomiks. Ilagay sa isang short bond paper.

Program Title: Grade 9


Course / Subject Title: Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Module No.: 1

PANGHULING PAGTATAYA (MODULE POST TEST)


A. Pagtambalin ang mga konseptong nasa hanay A at B. Titik lang ang gamiting kasagutan.

A B

_____ 1. Kaugnay ng ekonomiks na ginagamitan a. Biyolohiya


ng mga numero at pormula
_____ 2. Saklaw nito ang tungkol sa panamin at mga hayop b. Sosyolohiya
_____ 3. Moralidad ng tao ang sinasaklaw nito. c Matematika
_____ 4. Dito nakahanay ang mga makinarya na tutulong d. Maykro-ekonomiks
sa produksyon
_____ 5. Nakatuon dito ang pag-aaral ng mga balangkas e. Reyna ng Agham Panlipunan
o istruktura ng pamahalaan at batas.
_____ 6. Uri ng mga kemikal na ginagamit ay nasa agham na ito. F. Pisika
_____ 7. Gawaing pangkabuhayan noon ay may epekto sa g. Agham Panlipunan
pamumuhay ngayon. h. Sining
_____ 8. Tumutukoy sa pag-aaral ng mga maliliit na yunit o i. Agham Pampulitika
bahagi ng ating ekonomiya j. Sosyolohikal
_____ 9. Pag-aaplay ito ng natutunan sa agham ng ekonomiks k. Makro-ekonomiks
_____ 10. Tumutukoy sa kabuuang gawi o pangkalahatang l. Kasaysayan
dimensiyon ng ating ekonomiya m. Etika
n. Kemistri

B. Unawaing mabuti. Bilugan ang titik ng konseptong HINDI kabilang sa pangkat.


11. Mga nakatulong para makilala ang ekonomiks
a. teorya b. pananaliksik c. pananaw d. larawan
12. Sinasaklaw ito ng lipunan, maliban sa
a. panggawi b. pangkabuhayan c. pampulitika d. pangmoral
13. Mga saklaw ng Natural Science
a. Pisika b. Etika c. Biyolohiya d. Kemistri
Asian Development Foundation College
Tacloban City

14. Lahat ay nasa pangkat ng Agham Panlipunan maliban sa


a. Matematika b. Sosyolohikal c. Kasaysayan d. Etika
15. Mga ekonomistang napabilang sa pangkat ng mga classicist at neo-classicist maliban kay
a. Adam Smith b. David Ricardo c. Francois Quesnay d. John Maynard Keynes
16. Lahat ay agham panlipunan maliban sa
a. agham pampulitika b. Biyolohiya c. Ekonomiks d. Sosyolohiya

17. Hindi ito pinag-aaralan sa matematika


a. datos b. equations c. graps d. periodic table
18. Mga hakbang sa siyentipikong pamamaraan maliban sa
a. pagbibigay ng haypotesis c. pagsasaliksik ng suliranin
b. paglalahad ng konklusyon d. pangangalap ng mga datos
19. Mga higit na binibigyang pansin sa pag-aaral ng pisika
a. imbensyon b. inobasyon c. presyo d. teknolohiya
20. Mga karaniwang ginagawa sa mga nakalap na datos ukol sa suliranin
a. inaayos b. kinikilatis c. minememorya d. sinusuri

You might also like