You are on page 1of 5

College of Teacher Education

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


Lipa City Batangas

Pangalan: Trisha Mae Calingasan Markahan : Unang Markahan


Baitang : 9 Linggo:
Petsa: April 19, 2020
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay.
B. Pamantayang Pagganap
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay.
C. Kompetensiya
1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
(Code: AP9MKE-Ia-1)
D. Layunin:
1. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
2. Nabibigyang-halaga ang
mga aral na naibigay ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa pamamagitan ng paggawa ng repleksyon at action plan
upang maiwasan ang Ikatlong Digmaang Pandaidig
3. Nakakabuo ng isang timeline tungkol sa mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at aktibong
nakikilahok sa mga gawain

II. Nilalaman
A. Paksa: Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Sanggunian: Balitao et al., 1600, Ekonomiks, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
C. Kagamitan: Makabagong Teknolohiya, Mga Larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Paunang Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? ____
a. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaiimpluwensiya sa
kanyang pagdedesisyon
c. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap
d. Ito ay pag-aaral ng tao
2. Ang produksyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng
pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa: ____
a. paglinang ng likas na yaman
b. paggamit ng mga produkto at serbisyo
c. pamamahagi ng pinagkukunang yaman
d.paglikha ng mga produkto at serbisyo
3. Paano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around” na nagmula
kay John Watson Howe? ____

a. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa


pangangailangan ng tao
b. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig
c. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay
hahantong sa kakapusan.
d. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga
pinagkukunang-yaman
4. Ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay
nakasalalay sa kamay ng: ____
a. pamilihan c. pamahalaan
b. konsyumer d. produsyer
5. Kung uunahin ang pangangailangan kayssa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring
maganap maliban sa: ____
a. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
b. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
c. magiging maayos ang pagkakabadyet
d. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
3. Pagganyak o Motibasyon
Panonoorin ng mga mag-aaral ang isang maikling video tungkol sa
digmaan.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong napanood?
2. Ano sa tingin mo ang dahilan ng kaganapang iyon?
3. Ano ang epekto nito sa mga mamamayan?

B. Paglinang ng Aralin
1. Aktibiti
GROUFIE
Panuto: Ipagpalagay na mayroon kang Php 50 at may pagkakataon kang bumili ng iba’t
ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin?
2. Analisis
a.Ano anong mga pagkain ang iyong bibilhin?
b.Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng pagkain?
c.Bakit mahalagang isaalang-alang ang matalinong pagdedesisyon sa
pagkonsumo?

3. Abstraksyon
Sa iyong pagkakaunawa tungkol sa Ekonomiks, punan ang organizational chart na
magpapakita ng kahulugan ng mga konsepto ng Ekonomiks.

EKONOMIKS

Gabay na Tanong:
1. Ano ang Ekonomiks?
2. Ano ano ang mga konsepto ng Ekonomiks?
3. Ano ang epekto ng Ekonomiks sa pang araw-araw nating pamumuhay?
4. Aplikasyon
MALAYANG SAGUTAN
Panuto: Gumawa ng maiksing sanaysay gamit ang mga sumusunod na katanungan:
Gabay na Tanong:
1. Bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan, gaano kahalaga para sa
iyo ang matutunan ang Ekonomiks?
2. Paano mo maiuugnay sa iyong pang-araw araw na pamumuhay ang iyong
mga natutunan tungkol sa Ekonomiks?

C. Paglalahat
Panuto: Punan ang kahon ng mga natutunan tungkol sa konsepto at kahulugan ng
Ekonomiks.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng Ekonomiks?
2. Bakit dapat matutunan ng isang mag-aaral ang Ekonomiks?
3. Ano ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon? Ipaliwanag.

D. Pahuling Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Halaga ng produkto at serbisyo. ____
a. Kita c. Panlasa
b. Suplay d. Presyo
2. Dami ng produktong handing ipagbili. ____
a. Okasyon c. Suplay
b. Espekulasyon d. Panlasa
3. Dami o bilang ng kalakal na handang bilhin ng mga tao. ____
a.Presyo c. Suplay
b.Demand d. Kita
Panuto: Tukuyin kung ang isinasaad ay Tama at Mali
4. Ang Ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman. ____
5. Ang Ekonomiks ay hango sa Griyegong salitang “oikonamis”- katumbas ng wikang Ingles na
household. ____

Sagot:
1. D
2. C
3. C
4. Tama
5. Mali
E. Takdang Aralin
Magsaliksik kung ano ang dahilan ng kakapusan at kalabisan sa Ekonomiks. Gamit ang sariling
salita, ipaliwanag kung paano ito malulutas.

Inihanda ni:
Trisha Mae Calingasan
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
Ren Care
Gurong Tagapagsanay

You might also like