You are on page 1of 7

Masusing Banghay – Aralin Sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 9

Petsa: Abril 1-5 (Lunes)


Oras: Isang Oras

I. Layunin:
Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
b. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.
c. Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Mailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pangaraw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
(AP9MKE-Ia-1)
2. Matataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pangaraw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. (AP9MKE-Ia-2)

II. Nilalaman:
a. Paksang Aralin: “Kahulugan ng Ekonomiks”
b. Sanggunian:
Balitao, Bernard R., et.al. (2015). Ekonomiks 9: araling panlipunan –
modyul para sa mag-aaral. Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group,
Inc.
c. Balangkas Aralin:
 Kahulugan ng Ekonomiks
 Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks
 Kahalagahan ng Ekonomik

d. Kagamitan:
a. Chalk o Marker
b. Manila paper
c. Naimprentang larawan
d. Powerpoint
III. Pamamaraan:
a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsuri ng pagdalo (attendance)

b. Pagbabalik-tanaw sa Nakaraang Pagkikita


“Magandang araw sa lahat! Kamusta ang araw ninyo?
Naaalala niyo pa ba ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo? Ano ang
tinalakay natin sa nakaraang tagpo?” Sa araw na ito magkakaroon tayo ng
talakayan. Handa na bang makinig?
c. Pagganyak
Tayo na sa Canteen Ano ang mga produktong handa mong bilhin sa natitira
mong ₱30? Paano mo pamamahalaan ang ₱30? Gaano karami ang bibilhin mo?

Ngayon, bibigyan ko kayo ng ₱30. Pumili kayo ng mga bagay na sa tingin ninyo’y
makatutulong sa inyong pangaraw-araw na pamumuhay.

Pamprosesong Tanong (Process Questions):


1. Alin ang inyong mga pinili?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang inyong pinili?
3. Anu-ano ang naging batayan ninyo sa pagpili ng produkto?

d. Panlinang na Gawain/Proseso
a. Paglalahad
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay “Kahulugan ng Ekonomiks”.
b. Pamantayan
Bago tayo magsimula, ano ang gagawin ng mabuting mag-aaral habang
nagtatalakay ang guro?
Ang “Ekonomiks” ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang
Griyego na oikonomia and oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na
pamamahala. (Viloria, 2000)

Trade-Off- Ang trade off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit
ng ibang bagay. Mahalaga ang trade off sapagkat sa pamamagitan nito ay
maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
Opportunity Cost- May pagsasakripisyo pag may opportunity cost. Ito ay
tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon. Ang mga bagay o oportunidad na pinapakawalan o
ipinapalit sa iyong pag gawa o pagpili ng desisyon
Incentives- Ang dahilan kung bakit nagbabago ang desisyon. Maaring
mailarawan ang incentives sa pagbibigay ng karagdagang allowance ng mga
magulang kapalit ng mas nataas na marka na oagsisikapang makamit ng mag
aaral
Marginal Thinking- kung saan sinusuri ng indibidwal ang karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing
desisyon.
c. Pangkatang Gawain
Gabay sa aktibidad:
1. Pangkating ang klase sa walong grupo.
2. Maglaan lamang ng limang minuto sa gawaing ito.
3. Gumawa ng dula na nagpapakita ng ekonomiks sa pang-arawaraw na
pamumuhay batay sa binigay na larawan. Pagisipan ang sumusunod na
sitwasyon:
Mag-aaral Pamilihan

Pamahalaan Hanap-Trabaho

Pamilya Pagnenegosyo
Transportasyon Bakasyon

Pag-uulat
Pagkatapos ng limang minuto, gawaing pagtatanghal naman ang susunod.

d. Pamprosesong tanong
1. Ano ang kahulugan ng
ekonomiks?
2. Ano ang ibig sabihin ng
ekonomiks sa salitang
Griyego?
3. Ano ang kahulugan ng tradeoff?
4. Ano ang kahulugan ng
opportunity cost?
5. Ano ang kahulugan ng incentives?
6. Ano ang kahulugan ng marginal thinking?
D. Pag-unawa
a. Paglalahat
1. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto
ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
2. Sa inyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong
ginawa ng tao?
b. Pagpapahalaga
1. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ano ang
kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon? Ipaliwanag.
IV.Ebalwasyon
JUMBLED LETTERS
Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle box upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa mga gabay na tanong. Kung maisasaayos mo nang tama ang mga
letra sa puzzle ay may mabubuo kang salita sa unang kolum nito.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ito ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
TRADE-OFF
2. Ito ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
EKONOMIKS
3. Ito ay alok na nagbibigay ng karagdagang pakinabang kapalit ng bawat
pagpapasyang gagawin.
INCENTIVES
4. Ito ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.
OPPORTUNITY COST
5. Ito ay ang pagsusuri ng indibidwal sa mga bagay na may karagdagang
halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha sa gagawing
desisyon.
MARGINAL THINKING
V. Takdang Aralin
GUMAWA NG MAIKLING SANAYSAY Sagutan ang tanong at humanda sa pag-
uulat sa susunod na pagkikita: “Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?”
Inihanda ni:

Scy-Anne T. Verceles
AP Teacher Applicant

You might also like