You are on page 1of 35

LORD’S VINE ACADEMY, INC.

ARALING PANLIPUNAN
UNANG MARKAHAN
Week 1-4

NAME:
TEACHER: MS. LORRENHET B. MANUEL

1
Aralin Kahulugan ng Ekonomiks
1 sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay
Week 1

Gawain 1: Handa Ka Na Ba?


Panuto: Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng sabay-sabay ang
sumusunod na mga pangyayari. Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang
1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli. Isulat sa sagutang papel ang inyong
sagot.

Biglang umulan at nakasampay sa likod-bahay ang iyong mga nilabhan

Naamoy mo ang nasusunog na sinaing.

Narinig mo na nag-ring ang iyong cellphone

Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid

Gawain 2: Sandaling Isipin


Batay sa naunang mga sitwasyon, sagutin ang sumususunod na mga
katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Maari mo bang gawin ang mga sumusunod ng sabay-sabay? Pangatwiran ang


sagot.

Sagot:

2. Ano ang batayan sa iyong pagpili sa kung anong gagawin ang uunahin?

Sagot:

2
Gawain 3: Think, Pair, Share!

Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon
at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya.

Option A Option B Desisyon Dahilan


1.Pagpapatuloy ng Pagtatrabaho
pag-aaral sa kolehiyo pagkatapos ng high
school
2.Paglalakad papuntasa Pagsakay ng jeep o
paaralan tricycle papunta sa
paaralan
3.Paglalaro ng Pagpasok sa klase
basketball
4.Pagtulong sa Pamamasyal kasama
gawaing bahay ang barkada
5.Paggawa ng takdang Paglaro ng mobile
aralin legend

3
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng


desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging
makatuwiran ka ba sa iyong mga pasya? Bakit?

Gawain 4: Baitang Ng Pag-Unlad


Isulat sa iyong sagutang papel ang pauna mong kaalaman kung ano ang
kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral, kasapi ng pamilya, at lipunan.

Ano ang kahulugan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

INITIAL NA KAALAMAN

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa


kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay,
ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong
maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng ekonomiks.

4
Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/
kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.
Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa
mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon
ka ng mahahalagang ideya tungkol sa ekonomiks. Inaasahang magagabayan
ka ng mga inihandang babasahin at Gawain upang masagot mo kung ano ang
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Halika at umpisahan na ang
masayang pagbabasa at pang-unawa sa paksa.

KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego
na oikonomia na nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay
nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala (Brown, 2010).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997).
Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng
mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at
nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring
nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig,
tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng
iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-
anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan
sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga
pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong
pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan
ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang
likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng
makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang
dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan
batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang
sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.

5
KAKAPUSAN

Ano ang Paano Gaano


Para kanino?
gagawin? gagawin? karami?

Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-


araw na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi
ng bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.

MAHALAGANG KONSEPTO SA EKONOMIKS


Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa pagproseso
ng pagpili mula sa mga choice, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang
pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang
trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian
sa pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost
ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng paglalaro
sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang gawin.
Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o
serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin
maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na
iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura
at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat
pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari ding mailarawan ang incentives sa kung
magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na
marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang
ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging
ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa
gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at
mataas na grado, ay masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng desisyon
ang isang tao.
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at
marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging
rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.

6
Trade-Off Marginal
Opportunity Incentives
Thinking
Cost

Matalinong Pagdedesisyon

Pamprosesong Tanong
1. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto ng trade-
off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
2. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong ginawa ng
tao?

Gawain 5. Mind Mapping


Isaayos ang ginulong pigura ng mind map. Isulat sa text box ng mind map ang
mga konseptong nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo
ang arrows at lines.
Mga Konsepto
Walang katapusang Kakapusan sa
pangangailangan at EKONOMIKS pinagkukunang-
kagustuhan ng tao yaman
Mind Map na Batayang Katotohanan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

7
Isaisip

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

➢ Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na natutungkol sa paggamit at


alokasyon o pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan
upang makalikha ng pinakamahusay at de-kalidad ng mga produkto at
serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan at hilig ng tao sa
paraang pinakamatipid at pinakamabisa.
➢ Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng ekonomiks ay kung paano tutugunan ang
mga suliranin at pangangailangan ng mga tao sa lipunan kayat ito’y
nabibilang sa agham panlipunan. Sinusuri at tinatalakay sa agham na ito
ang mga suliraning pangkabuhayan lalung-lalo na iyong may kinalaman sa
pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at ng buong bansa.
➢ Sa pag-aaral ng ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at suliranin ng
kakapusan at paparaming pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon,
alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga gawaing pamproduksyon at
pangkalahatang kaunlaran.
➢ Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang
pagpapasya at pagpili ang tao.

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral


ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahulugan ng ekonomiks. Kinakailangan
ang mas malalim na pagtatalakay sa kahalagahan ng ekonomiks upang maihanda
ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong natutuhan.

Gawain 6: Pagsulat ng Repleksiyon


Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa iyong mga natutuhan at
reyalisasyon sa kahulugan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang
kasapi ng pamilya at lipunan.

8
RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLIKSYON

Nangangaila-
Dimensyon Napakahusay Mahusay Katamtaman ngan ng
20 puntos 15puntos 10 puntos Pagpapabuti
5 puntos

Buod ng aralin, Maliwanag at Maliwanag Hindi Hindi


paksa, o gawain kumpleto ang subalit may gaanong maliwanag at
pagbuod ng kulang sa maliwanag at marami ang
araling detalye sa kulang sa kulang sa
tinalakay. paksa detalye mga detalye

Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang Dalawa Isa lamang sa


pagkakasulat pamantayan ay sa mga lamang sa mga
matatagpuan pamantayan mga pamantayan
-Maayos ang Sa kabuuang ang pamantayan ang
pagkakasunod- repliksyon. matatagpuan ang matatagpuan
sunod ng mga sa kabuuan matatagpuan sa kabuuang
ideya ng repliksyon sa kabuuang repliksyon
repliksyon
-Hindi paligoy-
ligoy ang
pagkakasulat
-Angkop ang mga
salitang ginagamit

-Malinis ang
pagkakasulat

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang


ibig sabihin ay:
a. Pamamahala ng negosyo
b. Pakikipagkalakalan
c. Pamamahala ng tahanan
d. Pagtitipid

9
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan
b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao
d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi
kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?

4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman


tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng
kakapusan sa mga ito dahil:
a. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
c. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibinebenta sa pamilihan
d. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng
bansa

5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa
ng desisyon ay:
a. Dinadalihang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya

6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral


ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay
ng lapat o angkop na kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang
may hawak ng puhunan.

7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham


panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at
makapaglingkod sa ibang bansa.

10
8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan.
Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng
kaalaman sa ekonomiks?

a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa


kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa
hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga


pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?

a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan


ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at
mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang
mga patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay
mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na
masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang
patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang
panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.

10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?

a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning


pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa
kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
Gawain 7: Iguhit Mo!
Tingnan mo ang iyong paligid sa inyong bahay, iguhit ang bagay na sa tingin
mo ay tila walang katapusan na pangangailangan mo at ng iyong pamilya.

Gawain 7: Iguhit Mo!


Tingnan mo ang iyong paligid sa inyong bahay, iguhit ang bagay na sa tingin
mo ay tila walang katapusan na pangangailangan mo at ng iyong pamilya.

11
Sagot:

Gawain 2: Pagbuo ng Katha!


Bumuo ng maikling katha, kanta, tula o sanaysay na naglalarawan sa
kahulugan at konsepto ng ekonomiks.

Sagot:

RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka

Napakalinaw ang Lubhang malinaw


Pagkakabuo ang pagkakabuo Hindi malinaw ang
Kriterya (15pts) (10pts) pagkakabuo (5pts)

Nilalaman
Mensahe
Pagkakabuo

12
Aralin Kahalagahan ng Ekonomiks
2 sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay
Week
2-3

Balikan Natin

Gawain 1: Isip – Isip!


Panuto: Suriin ang larawan. Ibigay ang kahalagahan ng mga bagay na ipinakita sa
larawan.

Source: https://tinyurl.com/ty8zjccv

Source: https://tinyurl.com/w33ubws

Source: https://tinyurl.com/yyzd4dpc

Source: https://tinyurl.com/2may5ucb

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kahalagahan ng mga bagay na ipinakita sa larawan?
2. Nakaranas ka na ba ng kahalintulad na sitwasyon? Ipaliwanag.
3. Paano ka gumagawa ng desisyon sa isang sitwasyon na kailangan mong pumili?

13
Tuklasin
Gawain 2: Which is which
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon
at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya. Ilagay sa buong
sagutang papel ang iyong sagot.

Option A Option B Desisyon Dahilan


1. Paglalakad papunta Pagsakay ng jeep o tricycle
sa paaralan papunta sa paaralan
2. Paggawa ng gawaing Pagpasok sa klase
bahay
3. Pananaliksik sa Pamamasyal sa parke
aklatan
4. Panonood ng K-drama Paggawa ng takdang-aralin

Pamprosesong Tanong
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka
ba sa iyong pasya?

Suriin

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Sa parteng ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na
ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong
kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng karagdagang
mahahalagang ideya sa Ekonomiks. Inaasahang magagabayan ka ng mga
inihandang babasahin at gawain upang masagot mo kung ano ang kahalagahan ng
Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa


mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong
nito sa iyo bilang mag-aaral at maging sa mga kasapi ng pamilya at lipunan.
Maaari mo ring magamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa pag-unawa sa mga
desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal

14
thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang
bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon,
nagaganap ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ito
ay tinatawag na trade off. Ang trade-off ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito
ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost
ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon. Subalit minsan, kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi
pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo
na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Ang incentives ay tumutukoy
sa pakinabang na makukuha o matatanggap mo kung pipiliin mo ang isang bagay.
Ang marginal thinking naman ay ang pagsuri ng isang indibidwal sa
karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta,
at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang
kaalaman sa alokasyon at pamamahala.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang naidudulot ng Ekonomiks?
2. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang Ekonomiks at ano ang kaugnayan
nito sa paggawa ng desisyon?

Pagyamanin

Gawain 3: Flow Chart


Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks batay sa gampanin
ng isang tao. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bilang Mag-aaral Bilang Miyembro Bilang


ng Pamilya Mamamayan ng
Lipunan

15
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
1. Magagamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa
mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
2. Mapapayabong mo ang iyong pag-aaral sa pagtugon sa pangangailangan at
kagustuhan na maari mong magamit sa kaalaman mo sa alokasyon at
pamamahala.
3. Ang kaalaman mo sa Ekonomiks ay makatutulong sa pagbuo ng matalinong
desisyon.
4. Magagamit mo ang kaalaman sa Ekonomiks upang maunawaan ang mga
mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
5. Sa paggawa ng matalinong desisyon, mahalagang isaalang-alang at suriin ang
trade-off, opportunity cost, incentive at marginal thinking ng mga pamimilian o
choices.
6. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ang incentives ay
tumutukoy sa pakinabang na makukuha o matatanggap mo kung pipiliin mo ang
isang bagay. Ang marginal thinking naman ay ang pagsuri ng isang indibidwal sa
karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula
sa gagawing desisyon.
7. Mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks dahil ang mga kaalamang matutunan mo
rito ay makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.

1. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng


mabuti upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong
mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong
pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off

16
2. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang Ekonomiks?
A. magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap
B. makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya
C. makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na
magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa
hinaharap
D. magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon
ng mga bagay-bagay sa araw-araw
3. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng Ekonomiks?
A. nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika
B. nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping
pang- ekonomiya
C. nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo
D. naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-
iimpok
4. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at
mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto
ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
5. Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng
pandemya sa COVID-19. Bilang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong
pamilya sa pagharap ng krisis sa ekonomiya?
A. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
B. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang
pangunahing pangangailangan.
C. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin
sa pera.
D. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman
responsibilidad ang paghahanapbuhay sa kasalukuyan.
6. Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng
kakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
A. hindi tamang paggamit ng likas na yaman
B. masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-
yaman
C. mapaminsalang kalamidad na nararanasan
D. walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit
limitado ang pinagkukunang-yaman
8. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang
paglala ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na
pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyonal na paraan o
paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
A. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
D. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

17
9. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa
isang bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie
ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
10. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa
paaralan dahil nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksiyon. Ang
sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off

Karagdagang Gawain
Gawain 5: Interview Portion
Panuto: Gumawa ng interview sa mga angkop na tao sa iyong pamamahay batay sa
kanilang gampanin. Itanong mo sa kanila kung paano nakatulong ang
kaalaman nila sa Ekonomiks sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Alamin kung madalas ba nilang ginagamit ang konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentive at marginal thinking sa paggawa ng desisyon.
Taong Tatanungin Mga Sagot
Ama (bilang isang
mamamayan sa
lipunan)
Ina (bilang isang
miyembro ng
pamilya)
Kapatid (bilang
isang mag-aaral

RUBRIK sa Pagmamarka
KRITERYA 4 pts 3 pts 2 pts 1 pts
Kaalaman sa Ang Ang mga Hindi lahat ng Ang
Paksa pangunahing pangunahing pangunahing pangunahing
kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay
nailahad at nailahad nailahad hindi nailahad at
naibigay ang subalit hindi natalakay.
kahalagahan. wasto ang ilan.
Organisasyon Organisado Organisado Hindi Hindi organisado
ang mga paksa ang paksa masyadong ang paksa at
at maayos ang subalit hindi organisado presentasyon
presentasyon. maayos ang ang paksa at
presentasyon. presentasyon

18
Aralin Iba’t ibang Sistemang Pang-
3 Ekonomiya

Week 4

Balikan
Gawain 1: Ibigay Muna!
Panuto: Kompletuhin ang konsepto o ideya na nasa ibaba sa pamamagitan ng
pagsulat o pagbigay ng sariling pagkaunawa sa ito. Gawin sa sagutang
papel.
Para sa akin ang alokasyon ay

Ang dahilan ng kakapusan ay

Kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin ng mahusay


ang pinagkukunang-yaman ng bansa upang

19
Tuklasin
Gawain 2: Sistema Ikamo?
Panuto: Piliin sa hanay ng mga salita ang angkop na kataga sa bawat larawan.
Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?
2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang entrance at exit slip upang


inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa alokasyon.

20
Gawain 3: Entrance at Exit Slip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

EXIT SLIP

Ang natutuhan ko sa alokasyon ay…

ENTRANCE SLIP

Ang alam ko tungkol sa alokasyon ay…

Ang palagay ko tungkol sa alokasyon ay…

Suriin

ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na
kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko
ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang

21
lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano epesyenteng magagamit ang
mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang
matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga
produkto at serbisyo. Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na
pangunahing katanungan.

1. Ano-anong produkto
at serbisyo ang
gagawin?

4. Gaano karami ang Pangunahing 2. Papaano gagawin


gagawinng produkto Katanungang Pang- ang naturang
at serbisyo? ekonomiya produkto at serbisyo?

3. Para kanino gagawin


ang mga produkto at
serbisyo?

Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa
daigdig:

Traditional Economy
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Traditional Economy.
Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa
tradisyon, kultura at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi
mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa
pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang
suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil
ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng
matatanda sapagkat sa Traditional Economy, bagama’t walang tiyak na batas ukol
sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang
anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong
Sistema, ang bawat kalahok-konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa

22
lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho.
Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng
pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng
kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, pangangasiwa ng mga
gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay
may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling
sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at
prodyuser sa loob ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng
proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas
na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga
pribadong indibidwal.

Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong
nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
Katunayan ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-ekonomiya ay
sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga
gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng kapital. Samantala, madaling
nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng
pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa lupang sakahan
ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong
nagmumula rito.
Ang patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union.
Sa kasalukuyan, nanatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya sa Cuba at
North Korea.

Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng
market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang
mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang
sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na
pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang
sistemang nabuo at may katangian na bunga ng pagsasanib o kumbinasyon ng
command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan
subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping
nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari
ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon,
imprastraktura at mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay

23
nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadog pagpapasya ang mga kompanya
at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi nanganghulugang ganap na awtonomiya
para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng
pamahalaan.

Gawain 4: Sagutin Mo!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang tatlo hanggang
limang pangungusap.
1. Ano ang pagkakaiba ng Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na tinutukoy
sa binasang teksto?
Sagot:

2. Sa iyong palagay, aling sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa bansa


natin?
Sagot:

.
3. Batay sa binasang teksto, paano nakaagapay ang lipunan sa mga suliranin
ng kakapusan sa pamamagitan ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya?
Sagot:

24
Gawain 5: Dialogue Box
Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.

25
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa usapan ng mga tauhan, anong sistemang pang-ekonomiya ang
umiiral sa Pilipinas?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-
ekonomiya na pairalin sa ating bansa, anong Sistema ang iyong pipiliin?
Bakit?
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
1. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan
sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang
mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
2. Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang
matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon
ng mga produkto at serbisyo.
3. Sa Traditional Economy, ang anumang produkto na kanilang malilikha ay
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino pa ang
dapat gumamit.
4. Sa market economy, ang kalahok-konsyumer at prodyuser, ay kumikilos
alisunod sa pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
5. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng
mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at
serbisyo ng mga prodyuser.
6. Sa command economy, nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan ang planong nauukol sa pagsulong ng ekonomiya.
7. Halimbawa ng mga bansang gumagamit ng command economy ay ang
North Korea at Cuba.
8. Ang mixed economy ay may katangian na bunga ng pagsanib o
kombinasyon ng command at market economy.
9. Sa sistemang pang-ekonomiya na mixed economy ay nagpapahintulot sa
mga pribadong pagpapasya ng pribadong kompanya at indibidwal ngunit
karamihan pa rin sa mga desisyong pang-ekonomiya ay ginagabayan ng
pamahalaan.

Gawain 6: Tanong at Sagot


Panuto: Punan ang talaan sa kaliwa kung saang sistemang pang-ekonomiya ito
nabibilang sa mga halimbawang ibinigay sa ikalawang hanay.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA HALIMBAWA

Pangingisda pagtatanim,
paghahayupan

Protection of labor rights, existence of


economic planning

Imprastraktura na pagmamay-ari ng
pamahalaan

Maliliit na negosyante, ang mga


nagmamay-ari ay iyong pribadong
sector.

26
Gawain 7: Data Retrieval Chart
Panuto: Magsaliksik ukol sa mga bansang sumasailalim sa mga sistemang pang-
ekonomiya na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlong bansa at
isulat sa kabilang patlang.
Sistemang Pang-ekonomiya Mga Bansa
1.Traditional Economy

2.Command Economy

3.Mixed Economy

4.Market Economy

Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.
1. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.

a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.


b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit
ang mga layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang
pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.

2. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung


ikaw ay kabilang sa market economy.

a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa


pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang
hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa
rin sa ilang mga gawain.

3. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong


kontrol at regulasyon ng:

a. Konsyumer
b. Pamahalaan
c. Pamilihan
d. Prodyuser

27
4. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng
mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo
ng mga prodyuser.

a. Likas-yaman
b. Pamahalaan
c. Presyo
d. Prodyuser

5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?

a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.


b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano
episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
6. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-
ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa
katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng
pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng
pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon,
kultura at paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng
pamilihan at pamahalan.
7. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng
pinagkukunang-yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at
kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng
mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating
bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan
na umiiral.

8. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong


katangian na nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang
dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?

a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at


regulasyon ng pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa
kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
28
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring
manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol
sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-
ari ng estado.

9. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang


pang-ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.

a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy

10.Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang,


“There isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe?

a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito


sasapat sa pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay
hahantong sa kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga
pinagkukunang-yaman.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong
daigdig.

Gawain 8: Repleksiyon
Panuto: Ngayon ay maari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong
natutuhan sa aralin. Isulat sa isang buong papel.

29
Gawain 9: Entrance at Exit Slip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

ENTRANCE SLIP

Ang alam ko tungkol sa alokasyon ay…

Ang palagay ko tungkol sa alokasyon ay…

EXIT SLIP

Ang natutuhan ko sa alokasyon ay…

30
31
32
33
1

You might also like