You are on page 1of 42

Aralin 1

Kahulugan ng Ekonomiks
Panimula
• Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao
mula sa pinakasimple hanggang sa
pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano
at alin ang higit na mahalaga sa marami niyang
pamimilian.
• Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong
kaayusan na nag-uugnay sa bawat isa. Ang
buhay ay tila isang malaking palaisipan.
• Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang
ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay?
Gawain 1: Handa Ka na Ba?
• Isang araw ng Sabado, umalis ang iyong
mga magulang at naiwan kayo ng iyong
bunsong kapatid sa bahay. Matapos
mahimbing na makatulog ang iyong kapatid,
ikaw ay naglaba at nagsaing. Matapos ang
mga gawain naisipan mong maligo.
Katatapos mo lang maligo nang biglang
mangyari ng sabay-sabay ang mga
sumusunod:
• Biglang umulan ng malakas at nakasampay
sa likod-bahay ang mga damit na iyong
nilabhan.
• Naamoy mo na nasusunog ang sinaing.
• Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone.
• Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na
kapatid.
Ano ang iyong uunahin?
Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4
ang pinakahuli.

Kapatid na Umiiyak Damit na Nakasampay sa Labas

Nasusunog na Sinaing
Nagriring na Cellphone
Pamprosesong Tanong

• Maaari mo bang gawin ang mga


sumusunod nang sabay-sabay?

• Ano ang batayan sa iyong


pagpilili sa kung anong
gawain ang uunahin?
Gawain 2: Paggawa ng
Matalinong Desisyon
Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung
ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong
desisyon at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya.

Desisyon
Option A Option B Dahilan
Isulat kung A o B

Pagpapatuloy ng pag- Pagtatrabaho pagkatapos


aaral sa kolehiyo ng high school

Paglalakad papunta Pagsakay ng tricycle


sa paaralan papunta sa paaralan

Paglalaro ng Mobile
Legends Pagpasok sa klase

Pagbababad sa
Internet Pamamasyal sa parke

Paggawa ng Tiktok
Videos Paggawa ng takdang-aralin
Pamprosesong Tanong

• Bakit kailangang isaalang-alang


ang mga pagpipilian sa
paggawa ng desisyon?
• Ano ang naging batayan mo
sa iyong ginawang desisyon?
Naging makatuwiran ka ba sa
iyong pasya?
Araw-araw, ang tao
ay laging
nahaharap sa
sitwasyong
kailangan niyang
pumili.

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot


ng LUBOS na pakinabang.
Ang mabuting pasya ay
magdudulot sa tao ng
kasiyahan (satisfaction).

Ang di-mabuting pasya


ay magdudulot sa tao ng
dusa (suffering).

Ninanais ng tao ang maging masaya


at iniiwasan ang pagdurusa.
Kahulugan ng Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang mga kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na
paraan.
• Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at
matalinong pagpapasya sa mga suliranin
(economist’s perspective).
• Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng
tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
• Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
Gawain 3: Picture Analysis
Pag-aralan ang comic strip sa ibaba at sagutin
ang mga pamprosesong tanong ukol dito.

Pinagkunan:
Pugad Baboy by Pol Medina Jr.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=147861036784901&set=gm.3182660
805118929&type=3&theater&ifg=1
Pamprosesong Tanong
• Bakit kaya natatagalan si Debbie
sa pagpapasya kung ano ang
kanyang bibilhin?
• Bakit mahalaga na pag-isipang
mabuti kung ano ang bibilhin?
• Anong kaisipan batay sa kahulugan
ng ekonomiks ang inilalarawan ng
comic strip?
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

• Bahagi na ng buhay ng tao ang


pagkakaroon ng mga choices.
Sa pagproseso ng pagpili hindi
maiiwasan ang trade-off. Ang
trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay
kapalit ng ibang bagay.
Mahalaga ito sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring
masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na
pasya. Halimbawa, mag-aaral
ka ba o maglalaro?
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

• Sa ginagawang
pagsasakriprisyo ay may
opportunity cost. Ang
opportunity cost ay tumutukoy
sa halaga ng bagay o ng best
alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
Ang opportunity cost ng
paglalaro sa naunang
halimbawa ay ang halaga ng
pag-aral na ipinagpalibang
gawin.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

• Ang incentives ay tumutukoy sa bagay o


karanasan na nagiging pagganyak upang tagkilikin
ang isang kalakal o paglilingkod. Tulad ng pag-
aalok ng mas mura at magandang serbisyo at
pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat
pagkonsumo ng produkto o serbisyo.
• Ang marginal thinking ay ang pagsasaalang-alang
sa karagdagang pakinabang sa pagpili ng isang
kalakal o serbisyo. Ang ibig sabihin nito ay dapat
suriin ng isang indibidwal ang karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha mula sa gagawing desisyon.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
• Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentives, at marginal
thinking ay makatutulong sa matalinong
pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat
isa sa pagbuo ng desisyon
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may
hangganan.
• Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang
kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay
nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
Dibisyon ng Ekonomiks
• Maykroekonomiks (Microeconomics) ay tungkol
sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal
na yunit – sambahayan, bahay-kalakal at industriya.
Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay
napakahalaga sa pag-unawa ng ekonomiya.
• Makroekonomiks (Macroeconmics) ay
tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang
bansa. Sinusuri nito ang pambansang ekonomiya
pati na ang pangkahalatang antas ng presyo at
pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.
Ano ang KAKAPUSAN ?
• Ang kakapusan (scarcity) ay ang hindi
kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang
mapunan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao.

Dahilan ng Kakapusan
• Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-
yaman.
• Non-renewability ng ilang pinagkukunang-
yaman.
• Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
Uri ng Kakapusan ayon sa kalagayan

• Pisikal na Kalagayan
• Tumutukoy sa aktwal na kawalan ng yaman
na tutugon sa mga pangangailangan ng tao.
• Dahilan ito ng limitadong pinagkukunang yaman.
• Pangkaisipan na Kalagayan
• Tumutukoy sa pagpigil ng tao na tugunan ang
pangangailangan kahit may kakayanan siya
na tugunan nito.
• Dahilan nito ang walang katapusan
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Pagkakaiba ng Kakapusan
at Kakulangan
Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa
Kagustuhan?

Pangangailangan Kagustuhan

• Mga bagay na lubhang • Mga bagay na ginusto


mahalaga upang ang lamang ng tao at maari
tao ay mabuhay itong mabuhay kahit wala
ito.
• Kung ipagkakait ito, • Ang pagnanais na tugunan
magdudulot ito ng sakit ito ay bunga lamang ng
o kamatayan. layaw ng tao.
Ekonomiks bilang Isang
Agham Panlipunan
• Ang agham panlipunan ay isang sangay ng
kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga
pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-
ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran.
• Isang displina ng agham panlipunan ang
ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang
pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Saklaw at
Hakbang Kahalagahan Halimbawa
Paliwanag
Paglalahad • Paglilinaw at • Pagpokus • Ano ang
ng pagtatakda ng ng ugnayan ng
Suliranin katanungan nais pananalisik presyo ng
na sagutin. sa isang bilihin at dami
tiyak na ng bibilhin ng
suliranin mga
mamimili?
Pagbuo ng • Pagbuo ng • Pagsubok • Maaring kapag
Hypothesis pangunahing sa ugnayan mataas ang
paniniwala na ng mga bilihin, kaunti
sasagot sa piling ang bibilhin ng
katanungan. elemento mga mamimili.
(variables)
ng pag-
aaral.
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Saklaw at
Hakbang Kahalagahan Halimbawa
Paliwanag
Pagsubok • Pagkalap ng •
Pagbuo ng • Pagpunta sa
at impormasyon na mataas na pamilihan at
Pagpapa- mag-uugnay sa kalidad ng pakikipanaya
tunay sa elemento kaalaman. m sa mga
Hypothesis (variables) mula mamimili
sa pagsasaliksik tungkol sa
o obserbasyon. hypothesis.
• Pagtatala at • Pagsusuri sa
pagsasa-ayos ng relasyon ng
mga nakalap na presyo at dami
impormasyon. ng binibili.
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Saklaw at
Hakbang Kahalagahan Halimbawa
Paliwanag
Pagbibigay • Pormal na • Pagpapa- • May epekto
ng pagtatakda ng totoo o ang presyo ng
Conclusion ugnayan ng mga pagtanggi kalakal sa dami
pinag-aaralang (accept or na nais bilhin
elemento at reject) ng ng mga
pagpapaliwanag. hypothesis. mamimili.
Paglalapat • Pagsasagawa ng • Matutu- • Pagbebenta sa
natutunan sa gunan ang mas murang
totoong buhay. kagustuhan halaga upang
at mahikayat ang
panganga- mas maraming
ilangan. mamimili.
Kakapusan bilang
suliraning panlipunan
• Nag-iiba ang pag-uugali ng tao
kapag hindi niya nakakamit ang
kanyang mga pangangailangan.
• Ang pag-uugali ng tao ay nagiging
hindi katanggap-tanggap.
Natututo siyang magdamot,
mandaya, magnakaw at
manlinlang sa kapwa.
• Nagiging bunga ng kakapusan
ang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin (inflation) na nagiging
dahilan naman ng kaguluhan at
pagdurusa ng mga tao sa lipunan.
Bilang Pagtatapos…..
• Ang pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang tao.
Isaisip:

• Ang ekonomiks ay isang sangay ng


Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang-
yaman
• Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagiging
limitado ng mga pinagkukunang yaman.
• Makakatulong sa matalinong pagpapasya
ang mga konsepto ng ekonomiks gaya ng
opportunity cost at trade-off.
Isaisip:

• Dahil sa kakapusan, kailangan ng tao ang


wastong pagpili sa mga bagay na nais
niyang gawin o mga produktong nais
niyang bilhin. Mahirap ang pagpili kung
parehong may positibong pakinabang ang
mga pagpipilian. Hindi kayang makuha ng
tao ang lahat ng kanyang
pangangailangan. Dahil dito, hindi
maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay
ang pagpili o ang pagsasakripisyo ng
isang bagay kapalit ng ibang bagay.
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY
AND ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid
ID number ng magulang o guardian.

PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga para sa


mga kabataan ang pag-
aaral ng ekonomiks?
References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan
– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department
of Education
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at
Pag-unlad, Vibal Publishing House
• Francisco V.J. (2015), Ekonomiks, The Library
Publishing House, Inc.
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang
Markahan-Modyul 1: Ang Kahulugan ng Ekonomiks,
(Unpublished) DepEd Division of Bacoor City
References:
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020) retrieved
March 20, 2020 from https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary_Tabbed.pdf
• Eko and Miya characters used with permission from the National
Economic Development Authority (NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series
• ERNESTO TABIOS (2020), Bakit Kailangang Pumili (Trade Off), retrieved
June 25, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=4Sy8V58aGfc&t=185s
• Mendoza R. (2016), Ano ang Kahulugan ng Ekonomiks: Ang mga
Pangunahing Detalye na Kailangang Malaman Ukol sa Kung ano ang Ibig
Sabihin ng Ekonomiks, retrieved June 14, 2020 from
https://ekonomiks.info/kahulugan-ng-ekonomiks/
• Ser Ian’s Class (2019), MELC-Based Week 1-2 Kakapusan at
Kakulangan: Kahulugan at Pagkakaiba (Araling Panlipunan 9), retrieved
June 14, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=xxvtTaC8Jgw

You might also like