You are on page 1of 17

KAHULUGAN NG EKONOMIKS

• Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na mayroong


layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at pagsisikap ng mga
tao at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong
pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.
Kailangan piliin ng mga tao o ng pamahalaan kung saan
gagamitin ang limitadong likas na yaman.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

May tinatawag na economic goods kung saan ang lahat ng


bagay ay may halaga at presyo tulad ng pagkain, damit at
bahay. Bago makamit ang mga bagay na ito kailangan ng tao ng
salapi bunga ng walang kataposang pangangailangan ng tao,
kaya nagkakaroon ng kakapusan sa economic goods.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Ang free goods naman ay mga bagay na nakakamit ng tao nang


walang bayad tulad ng init ng arawat hangin. Lahat ng tao ay
nakikinabang dito kaya mahalaga ang bawat kilos at galaw ng
tao sa ekonomiks dahil ito ang magtatakda ng gawaing
pangkabuhayan ng bansa.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Sa pag-aaral ng ekonomiks, matututuhan ng bawat indibidwal


ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan at konsepto na
nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy
na kumikilos upang maghanap-buhay at magkaroon ng
ikabubuhay, maging ang mga galawng pamahalaan ukol sa
pamamalakad ng ekonomiya.
PAGPILI AT PAGDEDESISYON
Ang pagpili at pagdedesiyon ay magkaugnay. Sa sandaling ang
tao ay nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawain, iyon ay
tanda na siyay gumagawa ng desisyon. Ang paggawa na pagpili
at pasya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang
pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang yaman ay
tinatawag na Individual Choice. Sa anumang pagpili na
gagawin ng isang indibidwal, kailangang isaalang-alang niya
ang halaga at pakinabang na makukuha sa ginagawang pagpili.
PAGPILI AT PAGDEDESISYON
Samantalang ang Social Choice ay ang pagpapasiyang ginawa
ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan
ng lipunan. Ito ay isang pagpapasiya ng pamahalaan upang
matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan. ito ay isang
pagpapasiya ng pamahalaan kung saan gagamitin ang kita ng
bansa upang maibigay ang mga pangangailangan ng
mamamayan.
PAGPILI AT PAGDEDESISYON
Isang halimbawa ay paglalaan ng badyet sa iba’t ibang sector
ng ekonomiya. Iniisip din ng pamahalaan ang higit na
kailangan ng mga tao tulad ng pagpapatayo ng mga tulay,
pagkakaloob ng mga pabahay, pagbili ng makinarya para sa
agrikultura o industriya, at paglalaan ng lupa para gawing
taniman o gawing lugar palaruan. Isinaalang-alang ng
pamahalaan ang halaga at pakinabang ng mga gagawing
pagpapasiya at pagpipili.
PAGPILI AT PAGDEDESISYON
Ang lahat ng pagpili at pagdedesiyon na ginagawa ng
indibidwal at pamahalaan ay tinuturing na economic choice o
economic decision. Ang economic choice ay may kinalaman sa
desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitadong
pinagkukunang yaman. Ang pagpili ng pagkain na kakainin,
bahay na titirhan, damit na isusuot at iba pang bagay na
kailangan ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan
sa buhay ay bahagi ng kanyang ekonomiks choice at economic
decision.
OPPORTUNITY COST, BENEFIT &
TRADE-OFF
Ang ating ginagawang pagpili at pagdedesiyon ukol sa mga
bagay na ating gustong makamit ay may katumbas na
opportunity cost at benefit. Ang opportunity cost ay
tumutukoy sa isinasakripisyong halaga ng isang bagay upang
bigyang-daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan
nito. Ito ang bunga ng pagpili ng isang bagay buhat sa
karamihan.
OPPORTUNITY COST, BENEFIT &
TRADE-OFF

•Halimbawa: Pinili mong gumawa ng takdang


aralin kaysa maglaro ng computer games o gumimik
kasama ang barkada. Hindi mo magagawa nang sabay-
sabay ang mga nasabing bagay kaya kailangan mong
mamili. Mula sa halimbawa, ang iyong opportunity
cost ay ang maglaro ng computer games o paggimik
kasama ang iyong barkada.
OPPORTUNITY COST, BENEFIT &
TRADE-OFF
•Halimbawa: Isa pang mahalagang bagay ay ang padedesiyon kung
paano gagastusin ang halagang P400.00 upang makabili ng cellphone
card at makakain ng tuna sandwich. Ipagpalagay na ang tuna sandwich
ay nagkakahalaga ng P50.00 at ang cellphone prepaid card ay
nagkakahalaga ng P100.00 maaring ibili ng walong tuna sandwich o apat
na prepaid card ang P400.00 ngunit sa pagnanais na makamit ang
parehong produkto kailangang gumawa ng desisyon kung magkano ang
ilalaan sa pagbili ng tuna sandwich at cellphone prepaid card. Kapag
isinasakripisyo ang pagbili ng isang bagay upang makabili ng ibang
produkto ay nagaganap ang tinatawag na trade-off.
OPPORTUNITY COST, BENEFIT &
TRADE-OFF
• Ang trade-off ay pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay
upang makamit ang ibang bagay. Ito ay may kaugnayan sa
opportunity cost. Sa bawat pagpapaliban ng paggamit ng isang
bagay ay may natatamong benepisyo. Ang benepisyo ay may
kinalaman sa pakinabang na nakukuha mula sa ginagawang
pagpili at pagdedesisyon ng tao.
OPPORTUNITY COST, BENEFIT &
TRADE-OFF
•Sa bawat papili ay may opportunity cost at benepisyo na
matatamo ng tao. At anuman ang maging resulta ng
ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng tao ay mayroong
epekto sa buhay at ekonomiya. Kaya mahalagang pag-isipang
mabuti ang gagawing desisyon at pagpili.
•Ang pagpili at pagdedesisyon ay bahagi ng buhay ng tao. Ito
ay maaaring indibidwal o pangkat. ang mga gawaing ito ay may
malaking epekto sa ating buhay at ekonomiya. Itinuturing na
agham ang isang sentipikong larangan ng pag-aaral na
sumusuri at nagpapaliwanag sa naoobserbahang phenomena.
Ginagamit ng mga nasa larangan ng agham ang siyentipikong
pamamaraan upang masuri ang mga pangyayari at makabuo ng
paglalahat batay sa datos.
•Ang pagtukoy sa mga suliraning pang-ekonomiya ang
magbibigay ng gabay at direksyon sa gawaing pagsusuri ng
isang mananaliksik ng ekonomiks. Kasunod na pamamaraan ay
ang paglalahad ng hypothesis. Ito ay ang mga maaaring
kasagutan o paliwanag sa natukoy na mga suliraning pang-
ekonomiya.
•Ang pangangalap ng mga impormasyon at datos na may
kaugnayan sa suliranin ang susunod na hakbang na gagawin.
Makakukuha ng mahahalagang impormasyon at datos sa mga
ahensiya na may kaugnayan sa suliraning tinutukoy. Sa internet,
may mga nakatalang ulat ukol sa suliranin at maging sa
pagkikipagpanayam sa mga tao.
•Ang mga impormasyon at datos ay sinusuri sa pamamagitan
ng pag-eeksperimento, at paggamit ng graph, tsart, at statistics
upang maging mabisa at makatotohanan ang pagsagot sa
suliranain. Ang panghuling gawain ay ang pagbibigay ng
kongklusyon at rekomendasyon batay sa resulta ng pagsusuri
ng mga datos at pagsasaliksik. Sa puntong ito, ang angkop na
kasagutan sa suliranin ay tinutukoy. Dito malalaman kung ang
hypothesis ay tugmang kasagutan sa suliraning natukoy.

You might also like